< תהילים 105 >

הודו ליהוה קראו בשמו הודיעו בעמים עלילותיו 1
Magpasalamat kayo kay Yahweh, tumawag kayo sa kaniyang pangalan; ipaalam ninyo ang kaniyang mga gawa sa mga bansa.
שירו-לו זמרו-לו שיחו בכל-נפלאותיו 2
Umawit sa kaniya, umawit sa kaniya ng mga papuri; Ipahayag ang lahat ng kaniyang mga kamangha-manghang gawa.
התהללו בשם קדשו ישמח לב מבקשי יהוה 3
Magmalaki sa kaniyang banal na pangalan; hayaang magalak ang puso nilang naghahanap kay Yahweh.
דרשו יהוה ועזו בקשו פניו תמיד 4
Hanapin si Yahweh at ang kaniyang kalakasan; patuloy na hanapin ang kaniyang presensya.
זכרו--נפלאותיו אשר-עשה מפתיו ומשפטי-פיו 5
Alalahanin ang mga kahanga-hangang bagay na kaniyang ginawa, ang kaniyang mga himala at ang mga kautusan mula sa kaniyang bibig,
זרע אברהם עבדו בני יעקב בחיריו 6
kayong mga kaapu-apuhan ni Abraham na kaniyang lingkod, kayong mga anak ni Jacob, na kaniyang mga pinili.
הוא יהוה אלהינו בכל-הארץ משפטיו 7
Siya si Yahweh, ang ating Diyos. Ang kaniyang mga kautusan ay sumasaklaw sa buong mundo.
זכר לעולם בריתו דבר צוה לאלף דור 8
Inaalala niya ang kaniyang tipan magpakailanman, ang salita na kaniyang iniutos sa sanlibong salinlahi.
אשר כרת את-אברהם ושבועתו לישחק 9
Iniisip niya ang tipan na kaniyang ginawa kasama ni Abraham at ang kaniyang panunumpa kay Isaac.
ויעמידה ליעקב לחק לישראל ברית עולם 10
Ito ay kung ano ang pinagtibay kay Jacob na alituntunin at sa Israel na magpasawalang-hanggang tipan.
לאמר--לך אתן את-ארץ-כנען חבל נחלתכם 11
Sinabi niya, “Ibibigay ko ang lupain ng Canaan bilang bahagi ng iyong mana.”
בהיותם מתי מספר כמעט וגרים בה 12
Sinabi niya ito noong kaunti pa lamang ang bilang nila, labis na kaunti, at mga dayuhan pa sa lupain.
ויתהלכו מגוי אל-גוי מממלכה אל-עם אחר 13
Galing (sila) mula sa isang bansa tungo sa ibang bansa at mula sa isang kaharian patungo sa isa pa.
לא-הניח אדם לעשקם ויוכח עליהם מלכים 14
Hindi niya ipinahintulutang apihin (sila) ng sinuman; kaniyang sinuway ang mga hari dahil sa kanilang kapakanan.
אל-תגעו במשיחי ולנביאי אל-תרעו 15
Sinabi niya, “Huwag ninyong galawin ang mga hinirang, at huwag ninyong gawan ng masama ang aking mga propeta.”
ויקרא רעב על-הארץ כל-מטה-לחם שבר 16
Nagdala siya ng taggutom sa lupa; pinutol niya ang lahat ng pinagkukunan ng tinapay.
שלח לפניהם איש לעבד נמכר יוסף 17
Pinauna niya ang isang lalaki sa kanila; ipinagbili si Jose bilang isang alipin.
ענו בכבל רגליו (רגלו) ברזל באה נפשו 18
Ginapos ang kaniyang mga paa ng kadena; mga bakal na kadena ang itinali sa kaniya.
עד-עת בא-דברו-- אמרת יהוה צרפתהו 19
hanggang sa panahon na ang kaniyang hula ay nagkatotoo. Pinatunayan ng salita ni Yahweh na siya ay matuwid.
שלח מלך ויתירהו משל עמים ויפתחהו 20
Nagpadala ang hari ng mga lingkod para pakawalan siya; pinalaya siya ng pinuno ng mga tao.
שמו אדון לביתו ומשל בכל-קנינו 21
Siya ay itinalagang mamahala sa kaniyang bahay bilang pinuno ng lahat ng kaniyang mga ari-arian
לאסר שריו בנפשו וזקניו יחכם 22
para pangunahan ang kaniyang mga prinsipe ayon sa kaniyang hiling at para turuan ang mga nakatatanda ng karunungan.
ויבא ישראל מצרים ויעקב גר בארץ-חם 23
Pagkatapos, dumating ang Israel sa Ehipto, at si Jacob ay nanirahan ng matagal sa lupain ng Ham.
ויפר את-עמו מאד ויעצמהו מצריו 24
Pinarami ng Diyos ang kaniyang bayan at ginawa niyang mas marami kaysa sa kanilang mga kalaban.
הפך לבם לשנא עמו להתנכל בעבדיו 25
Siya ang nagdulot sa kanilang mga kaaway na kapootan ang kaniyang bayan, para abusuhin ang kaniyang mga lingkod.
שלח משה עבדו אהרן אשר בחר-בו 26
Pinadala niya si Moises, ang kaniyang lingkod, at si Aaron, na kaniyang pinili.
שמו-בם דברי אתותיו ומפתים בארץ חם 27
Isinagawa nila ang kaniyang mga himala sa mga taga-Ehipto, ang kaniyang mga kababalaghan sa lupain ng Ham.
שלח חשך ויחשך ולא-מרו את-דבריו (דברו) 28
Nagpadala siya ng kadiliman at pinadilim ang lupain, pero hindi sumunod sa kaniyang mga utos ang mga tao rito.
הפך את-מימיהם לדם וימת את-דגתם 29
Ginawa niyang dugo ang tubig at pinatay ang kanilang mga isda.
שרץ ארצם צפרדעים בחדרי מלכיהם 30
Ang kanilang lupain ay napuno ng mga palaka, kahit sa mga silid ng kanilang mga pinuno.
אמר ויבא ערב כנים בכל-גבולם 31
Nagsalita siya, at dumating ang mga pulutong ng langaw at niknik sa buong bansa nila.
נתן גשמיהם ברד אש להבות בארצם 32
Nagpadala siya ng yelo at ulan na may kasamang kidlat at kulog sa kanilang lupain.
ויך גפנם ותאנתם וישבר עץ גבולם 33
Winasak niya ang kanilang ubasan at mga puno ng igos; at binali niya ang mga puno sa kanilang bansa.
אמר ויבא ארבה וילק ואין מספר 34
Nagsalita siya, at dumating ang mga balang, napakaraming mga balang.
ויאכל כל-עשב בארצם ויאכל פרי אדמתם 35
Kinain ng mga balang ang lahat ng gulayan sa kanilang lupain; at kinain nila ang lahat ng mga pananim sa lupa.
ויך כל-בכור בארצם ראשית לכל-אונם 36
Pinatay niya ang lahat ng panganay sa kanilang lupain, ang mga unang bunga ng lahat ng kanilang kalakasan.
ויוציאם בכסף וזהב ואין בשבטיו כושל 37
Inilabas niya ang mga Israelita na may dalang pilak at ginto; walang sinuman sa kaniyang angkan ang natisod sa daan.
שמח מצרים בצאתם כי-נפל פחדם עליהם 38
Natuwa ang Ehipto nang (sila) ay umalis, dahil takot sa kanila ang mga taga-Ehipto.
פרש ענן למסך ואש להאיר לילה 39
Ikinalat niya ang ulap para maging takip at gumawa ng apoy para magbigay liwanag sa gabi.
שאל ויבא שלו ולחם שמים ישביעם 40
Humingi ng pagkain ang mga Israelita, at nagdala siya ng mga pugo at binusog (sila) ng tinapay mula sa langit.
פתח צור ויזובו מים הלכו בציות נהר 41
Biniyak niya ang malaking bato, at bumulwak ang tubig mula rito; umagos ito sa ilang tulad ng ilog.
כי-זכר את-דבר קדשו את-אברהם עבדו 42
Dahil inaalala niya ang kaniyang banal na pangako na kaniyang ginawa kay Abraham na kaniyang lingkod.
ויוצא עמו בששון ברנה את-בחיריו 43
Inilabas niya ang kaniyang bayan na may kagalakan, ang kaniyang pinili na may sigaw ng katagumpayan.
ויתן להם ארצות גוים ועמל לאמים יירשו 44
Ibinigay niya sa kanila ang mga lupain ng mga bansa; inangkin nila ang mga kayamanan ng mga tao
בעבור ישמרו חקיו-- ותורתיו ינצרו הללו-יה 45
nang sa gayon ay mapanatili nila ang kaniyang mga alituntunin at sundin ang kaniyang mga kautusan. Purihin si Yahweh.

< תהילים 105 >