< מִשְׁלֵי 7 >

בני שמר אמרי ומצותי תצפן אתך 1
Aking anak na lalaki, sundin ang aking mga salita at ipunin ang aking mga utos sa iyong kalooban.
שמר מצותי וחיה ותורתי כאישון עיניך 2
Sundin ang aking mga utos upang mabuhay at sundin ang aking tagubilin tulad ng mansanas sa iyong paningin.
קשרם על-אצבעתיך כתבם על-לוח לבך 3
Itali ang mga ito sa iyong mga daliri; isulat ang mga ito sa talaan ng iyong puso.
אמר לחכמה אחתי את ומדע לבינה תקרא 4
Sabihin sa karunungan, “Ikaw ang aking kapatid na babae,” at tawagin ang kaunawaan na inyong kamag-anak,
לשמרך מאשה זרה מנכריה אמריה החליקה 5
upang ikaw ay ilayo mula sa mapanuksong babae, mula sa babaeng mapangalunya kasama ng kaniyang mapang-akit na mga salita.
כי בחלון ביתי-- בעד אשנבי נשקפתי 6
Sa bintana ng aking bahay ay tumitingin ako sa pamamagitan ng dungawan
וארא בפתאים אבינה בבנים-- נער חסר-לב 7
at aking nakita ang karamihan ng batang lalaki na hindi pa natuturuan. Nakita ko sa karamihan ng kabataan ang isang batang lalaking na wala sa kaisipan.
עבר בשוק אצל פנה ודרך ביתה יצעד 8
Ang batang lalaking iyon ay naglalakad sa kalye malapit sa sulok ng kaniyang kalye at siya ay tumuloy patungo sa kaniyang bahay—
בנשף-בערב יום באישון לילה ואפלה 9
iyon ay takip-silim, sa gabi ng araw na iyon, sa oras ng gabi at kadiliman.
והנה אשה לקראתו שית זונה ונצרת לב 10
At doon kinatagpo siya ng isang babae, nakadamit tulad ng isang bayarang babae at alam niya kung bakit siya naroon.
המיה היא וסררת בביתה לא-ישכנו רגליה 11
Siya ay maingay at magulo, ang kaniyang mga paa ay hindi mapanatili sa tahanan—
פעם בחוץ--פעם ברחבות ואצל כל-פנה תארב 12
ngayon nasa mga kalye, ngayon nasa pamilihan, at bawat sulok siya ay nag-aabang.
והחזיקה בו ונשקה לו העזה פניה ותאמר לו 13
Kaya siya ay hinawakan niya at pinaghahalikan, na may katapangang mukha, sinabi niya sa kaniya,
זבחי שלמים עלי היום שלמתי נדרי 14
natupad ko ang handog ng kapayapaan ngayon, naibigay ko ang aking mga panata,
על-כן יצאתי לקראתך לשחר פניך ואמצאך 15
kaya lumabas ako para makita ka, kinasasabikan ko na makita ang iyong mukha, at ikaw ay aking natagpuan.
מרבדים רבדתי ערשי חטבות אטון מצרים 16
Inilatag ko ang mga panakip sa aking higaan, mga linong makukulay mula sa Egipto.
נפתי משכבי-- מר אהלים וקנמון 17
Pinabanguhan ko ang aking higaan ng mira, mga aloe, at kanela.
לכה נרוה דדים עד-הבקר נתעלסה באהבים 18
Halina't, hayaang umapaw ang ating pagmamahalan hanggang umaga; hayaan nating makakuha tayo ng labis na ligaya sa iba't ibang gawi ng pagtatalik.
כי אין האיש בביתו הלך בדרך מרחוק 19
Ang aking asawa ay wala sa bahay; siya ay nasa malayo sa isang matagal na paglalakbay.
צרור-הכסף לקח בידו ליום הכסא יבא ביתו 20
May dala siyang isang supot ng pera sa kaniya; siya ay babalik sa araw ng kabilugan ng buwan.”
הטתו ברב לקחה בחלק שפתיה תדיחנו 21
Sa kaniyang mapang-akit na salita ay hinihikayat siya, at sa kaniyang mahusay na pagsasalita siya ay mapipilit niya.
הולך אחריה פתאם כשור אל-טבח יבא וכעכס אל-מוסר אויל 22
Sumunod siya sa kaniya na tulad ng isang bakang lalaki na papunta sa katayan, o tulad ng isang usa na nahuli sa isang patibong
עד יפלח חץ כבדו-- כמהר צפור אל-פח ולא-ידע כי-בנפשו הוא 23
hanggang ang isang palaso ay tumatagos sa kaniyang atay— o katulad ng ibong sumusugod sa isang patibong, hindi alam na ito ang magiging kabayaran ng kaniyang buhay.
ועתה בנים שמעו-לי והקשיבו לאמרי-פי 24
At ngayon, ang aking mga anak na lalaki, makinig sa akin; bigyang pansin kung ano ang aking sinasabi.
אל-ישט אל-דרכיה לבך אל-תתע בנתיבותיה 25
Huwag ninyong hayaan ang inyong puso na lumihis sa kaniyang mga kaparaanan; huwag maligaw sa kaniyang mga landas.
כי-רבים חללים הפילה ועצמים כל-הרגיה 26
Maraming biktima ang nadala niya pababa; hindi sila mabilang.
דרכי שאול ביתה ירדות אל-חדרי-מות (Sheol h7585) 27
Ang kaniyang bahay ay daan patungo sa sheol; ito ay patungo pababa sa mga silid ng kamatayan. (Sheol h7585)

< מִשְׁלֵי 7 >