< מִשְׁלֵי 23 >
כי-תשב ללחום את-מושל-- בין תבין את-אשר לפניך | 1 |
Kapag ikaw ay umupo para kumain kasama ang isang pinuno, magmasid ng mabuti kung ano ang nasa harap mo,
ושמת שכין בלעך-- אם-בעל נפש אתה | 2 |
at maglagay ng isang kutsilyo sa iyong lalamunan kung ikaw ay isang tao na gustong kumain ng maraming mga pagkain.
אל-תתאו למטעמותיו והוא לחם כזבים | 3 |
Huwag naisin ang kaniyang napakasarap na pagkain, dahil ito ay pagkain nang kasinungalingan.
אל-תיגע להעשיר מבינתך חדל | 4 |
Huwag magtrabaho ng sobrang hirap para lang ikaw ay maging mayaman; maging marunong para malaman kung kailan titigil.
התעוף (התעיף) עיניך בו ואיננו כי עשה יעשה-לו כנפים כנשר ועיף (יעוף) השמים | 5 |
Kapag ang iyong mga mata ay nagliliwanag sa pera, nawala na ito, at bigla itong nagkakaroon ng mga pakpak at lumilipad sa himpapawid tulad ng isang agila.
אל-תלחם--את-לחם רע עין ואל-תתאו למטעמתיו | 6 |
Huwag kakainin ang pagkain ng isang masamang tao- isang tao na nakatingin nang napakatagal sa iyong pagkain- at huwag naisin ang kaniyang masarap na mga pagkain,
כי כמו שער בנפשו-- כן-הוא אכול ושתה יאמר לך ולבו בל-עמך | 7 |
sapagkat siya ang uri ng tao na inaalam ang halaga ng pagkain. “Kumain at uminom!” sabi niya sa iyo, pero ang kaniyang puso ay wala sa iyo.
פתך-אכלת תקיאנה ושחת דבריך הנעימים | 8 |
Iyong isusuka ang kakaunting kinain mo, at sasayangin mo ang iyong mga mabubuting sasabihin.
באזני כסיל אל-תדבר כי-יבוז לשכל מליך | 9 |
Huwag magsasalita na naririnig ng isang mangmang, sapagkat kaniyang hahamakin ang karunungan ng iyong mga salita.
אל-תסג גבול עולם ובשדי יתומים אל-תבא | 10 |
Huwag mong aalisin ang sinaunang hangganang bato o angkinin ang mga bukirin ng mga ulila,
כי-גאלם חזק הוא-יריב את-ריבם אתך | 11 |
sapagkat ang kanilang Tagapagligtas ay malakas, at ipangangatuwiran niya ang kanilang kapakanan laban sa iyo.
הביאה למוסר לבך ואזנך לאמרי-דעת | 12 |
Ilagay ang iyong puso sa pagtuturo at buksan ang iyong mga tainga sa mga salita ng karunungan.
אל-תמנע מנער מוסר כי-תכנו בשבט לא ימות | 13 |
Huwag pigilin ang disiplina sa isang bata,
אתה בשבט תכנו ונפשו משאול תציל (Sheol ) | 14 |
dahil kung siya ay iyong papaluin, siya ay hindi mamamatay. Kung siya ay iyong papaluin, iyong ililigtas ang kaniyang kaluluwa mula sa sheol. (Sheol )
בני אם-חכם לבך-- ישמח לבי גם-אני | 15 |
Aking anak, kung ang iyong puso ay marunong, sa gayon ang aking puso ay magiging masaya rin;
ותעלזנה כליותי-- בדבר שפתיך מישרים | 16 |
ang aking kaloob-looban ay magagalak kapag ang iyong labi ay magsasalita ng nang matuwid.
אל-יקנא לבך בחטאים כי אם-ביראת-יהוה כל-היום | 17 |
Huwag mong hayaang mainggit ang iyong puso sa mga makasalanan, pero magpatuloy sa takot kay Yahweh sa buong araw.
כי אם-יש אחרית ותקותך לא תכרת | 18 |
Siguradong may kinabukasan at ang iyong pag-asa ay hindi mapuputol.
שמע-אתה בני וחכם ואשר בדרך לבך | 19 |
Makinig, aking anak, at maging matalino at patnubayan ang iyong puso sa daan.
אל-תהי בסבאי-יין-- בזללי בשר למו | 20 |
Huwag makikisama sa mga lasenggero, o sa mga matatakaw na kumakain ng karne,
כי-סבא וזולל יורש וקרעים תלביש נומה | 21 |
dahil ang lasenggero at ang matakaw ay nagiging mahirap, at ang naiidlip ay madadamitan ng mga basahan.
שמע לאביך זה ילדך ואל-תבוז כי-זקנה אמך | 22 |
Makinig sa iyong ama na nag-alaga sa iyo at huwag hamakin ang iyong ina kung matanda na siya.
אמת קנה ואל-תמכר חכמה ומוסר ובינה | 23 |
Bilhin ang katotohanan, ngunit huwag itong ipagbili; bilhin ang karunungan, disiplina at pang-unawa.
גול (גיל) יגיל אבי צדיק יולד (ויולד) חכם וישמח- (ישמח-) בו | 24 |
Ang ama ng isang gumagawa ng matuwid ay labis na magagalak at siya na nag-alaga sa isang matalinong bata ay matutuwa sa kaniya.
ישמח-אביך ואמך ותגל יולדתך | 25 |
Hayaang matuwa ang iyong ama at ang iyong ina at hayaang magsaya ang siyang nagsilang sa iyo.
תנה-בני לבך לי ועיניך דרכי תרצנה (תצרנה) | 26 |
Aking anak, ituon mo sa akin ang iyong puso, at hayaan mong mamasdan ng iyong mga mata ang aking mga paraan.
כי-שוחה עמקה זונה ובאר צרה נכריה | 27 |
Dahil ang isang bayarang babae ay isang malalim na hukay at ang asawa ng ibang lalaki ay isang makitid na hukay.
אף-היא כחתף תארב ובוגדים באדם תוסף | 28 |
Siya ay nag-aabang katulad ng isang magnanakaw at siya ay nagdadagdag ng bilang ng mga traydor sa sangkatauhan.
למי אוי למי אבוי למי מדונים (מדינים) למי שיח-- למי פצעים חנם למי חכללות עינים | 29 |
Sino ang may kasawian? Sino ang may kalungkutan? Sino ang may mga laban? Sino ang nagrereklamo? Sino ang may mga sugat na walang dahilan? Sino ang may matang namumula?
למאחרים על-היין-- לבאים לחקר ממסך | 30 |
Silang sugapa sa alak, sila na sinusubukan ang pinaghalong alak.
אל-תרא יין כי יתאדם כי-יתן בכיס (בכוס) עינו יתהלך במישרים | 31 |
Huwag tumingin sa alak kung ito ay mapula, kung ito ay kumikinang sa tasa at bumaba nang tuloy-tuloy.
אחריתו כנחש ישך וכצפעני יפרש | 32 |
Sa bandang huli ito ay tumutuklaw katulad ng isang ulupong at ito ay kumakagat tulad ng isang ahas.
עיניך יראו זרות ולבך ידבר תהפכות | 33 |
Ang iyong mga mata ay makakakita ng kakaibang mga bagay at ang iyong puso ay magsasabi ng napakasamang mga bagay.
והיית כשכב בלב-ים וכשכב בראש חבל | 34 |
Ikaw ay magiging gaya ng isang natutulog sa mataas na karagatan o humihiga sa ibabaw ng isang duyan.
הכוני בל-חליתי-- הלמוני בל-ידעתי מתי אקיץ אוסיף אבקשנו עוד | 35 |
“Tinamaan nila ako!” iyong sasabihin, “pero ako ay hindi nasaktan. Binugbog nila ako, pero hindi ko ito naramdaman. Kailan ako magigising? Maghahanap ako ng isa pang maiinom.”