< מִשְׁלֵי 17 >

טוב פת חרבה ושלוה-בה-- מבית מלא זבחי-ריב 1
Mas mabuti na magkaroon ng tahimik na may isang subong tuyong tinapay kaysa sa isang bahay na puno ng kapistahan na mayroong pagkaka-alitan.
עבד-משכיל--ימשל בבן מביש ובתוך אחים יחלק נחלה 2
Ang isang matalinong alipin ay mamamahala sa isang anak na gumagawa ng kahihiyan at makikibahagi ng mana gaya ng isa sa magkakapatid.
מצרף לכסף וכור לזהב ובחן לבות יהוה 3
Ang tunawan ng metal ay para sa pilak at ang hurno ay para sa ginto, ngunit dinadalisay ni Yahweh ang mga puso.
מרע מקשיב על-שפת-און שקר מזין על-לשון הות 4
Ang taong gumagawa ng masama ay nakikinig sa mga taong nagsasalita ng kasamaan; Ang sinungaling ay nagbibigay pansin sa mga taong nagsasalita ng mga masasamang bagay.
לעג לרש חרף עשהו שמח לאיד לא ינקה 5
Ang sinumang nanglalait sa mahirap ay hinahamak ang kanyang Tagapaglikha, at ang taong nagagalak sa kasawian ay hindi makakaligtas sa kaparusahan.
עטרת זקנים בני בנים ותפארת בנים אבותם 6
Ang mga apo ay korona ng mga matatanda, at ang mga magulang ay nagbibigay dangal sa kanilang mga anak.
לא-נאוה לנבל שפת-יתר אף כי-לנדיב שפת-שקר 7
Ang mahusay na pananalita ay hindi angkop para sa isang mangmang; lalong hindi angkop ang mga labing sinungaling para sa isang maharlika.
אבן-חן השחד בעיני בעליו אל-כל-אשר יפנה ישכיל 8
Ang suhol ay parang isang mahikang-bato sa isang nagbibigay nito; saan man siya dumako, siya ay magtatagumpay.
מכסה-פשע מבקש אהבה ושנה בדבר מפריד אלוף 9
Ang sinumang nagpapaumanhin sa paglabag ay naghahanap ng pagmamahal, pero ang sinumang umuulit sa isang bagay ay nagpapalayo sa mga malalapit na kaibigan.
תחת גערה במבין-- מהכות כסיל מאה 10
Ang pagsaway ay taimtim na tumutungo sa isang tao na may pang-unawa kaysa sa isang daang dagok sa isang hangal.
אך-מרי יבקש-רע ומלאך אכזרי ישלח-בו 11
Ang masamang tao ay naghahanap lamang ng himagsikan, kaya ang isang malupit na mensahero ay ipapadala laban sa kaniya.
פגוש דב שכול באיש ואל-כסיל באולתו 12
Mabuti pa na makasalubong ang isang inahing oso na ninakawan ng anak kaysa makatagpo ng isang mangmang sa kanyang kahangalan.
משיב רעה תחת טובה-- לא-תמיש (תמוש) רעה מביתו 13
Kung ang isang tao ay nagbabalik ng masama para sa mabuti, hindi kailanman iiwan ng kasamaan ang kaniyang tahanan.
פוטר מים ראשית מדון ולפני התגלע הריב נטוש 14
Ang simula ng hindi pagkakasundo ay gaya ng isang taong nagpapakawala ng tubig sa lahat ng dako, kaya lumayo ka sa mga pagtatalo bago ito magsimula.
מצדיק רשע ומרשיע צדיק-- תועבת יהוה גם-שניהם 15
Ang sinumang nagpapawalang-sala sa mga masasamang tao o humahatol sa mga taong gumagawa ng tama—kapwa ang mga taong ito ay karumal-dumal kay Yahweh.
למה-זה מחיר ביד-כסיל-- לקנות חכמה ולב-אין 16
Bakit kailangang magbayad ng salapi ang isang mangmang para matuto tungkol sa karunungan, kung wala naman siyang kakayahang matutunan ito?
בכל-עת אהב הרע ואח לצרה יולד 17
Ang kaibigan ay mapagmahal sa lahat ng oras, at ang kapatid ay isinilang para sa mga oras ng kaguluhan.
אדם חסר-לב תוקע כף ערב ערבה לפני רעהו 18
Ang taong walang isip ay gumagawa ng mga pangakong kailangang tuparin at mananagot sa mga utang ng kaniyang kapwa.
אהב פשע אהב מצה מגביה פתחו מבקש-שבר 19
Ang sinuman na nagmamahal sa mga hidwaan ay nagmamahal sa kasalanan; Ang taong gumagawa ng mataas na pintuan ay sanhi para ang buto ay mapilayan.
עקש-לב לא ימצא-טוב ונהפך בלשונו יפול ברעה 20
Ang taong may mandarayang puso ay walang mabuting bagay na matatagpuan. Ang taong may napakasamang dila ay nahuhulog sa kapahamakan.
ילד כסיל לתוגה לו ולא-ישמח אבי נבל 21
Kung sinumang umanak ng isang hangal ay magdudulot ng kapighatian sa kanyang sarili; Kung sinumang umaruga ng isang hangal ay hindi makakapagdiwang.
לב שמח ייטיב גהה ורוח נכאה תיבש-גרם 22
Ang isang masayahing puso ay mainam na gamot, pero ang mabigat na kalooban ay nakakatuyo ng mga buto.
שחד מחק רשע יקח-- להטות ארחות משפט 23
Ang masamang tao ay tumatanggap ng suhol na palihim para iligaw ang mga daan ng katarungan.
את-פני מבין חכמה ועיני כסיל בקצה-ארץ 24
Ang taong mayroong pang-unawa ay itinutuon ang kanyang mukha sa karunungan, pero ang mga mata ng isang hangal ay nakatuon sa dulo ng daigdig.
כעס לאביו בן כסיל וממר ליולדתו 25
Ang isang mangmang na anak ay pighati sa kanyang ama at kapaitan sa babaeng nagsilang sa kanya,
גם ענוש לצדיק לא-טוב-- להכות נדיבים על-ישר 26
At saka, hindi kailanman mabuting parusahan ang sinumang gumagawa ng tama; ni hindi mabuting paluin ang mga taong marangal na taglay ang katapatan.
חושך אמריו יודע דעת וקר- (יקר-) רוח איש תבונה 27
Ang isang may kaalaman ay gumagamit ng kaunting mga salita at ang mahinahon ay may pang-unawa.
גם אויל מחריש חכם יחשב אטם שפתיו נבון 28
Kahit ang isang mangmang ay iisiping marunong kapag siya ay nananahimik; kung pinapanatili niyang tikom ang kaniyang bibig, siya ay itinuturing na matalino.

< מִשְׁלֵי 17 >