< במדבר 34 >

וידבר יהוה אל משה לאמר 1
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
צו את בני ישראל ואמרת אלהם כי אתם באים אל הארץ כנען זאת הארץ אשר תפל לכם בנחלה ארץ כנען לגבלתיה 2
“Utusan mo ang mga tao ng Israel at sabihin sa kanila, “Kapag papasok kayo sa lupain ng Canaan, ang lupain na mapapasainyo, ang lupain ng Canaan at mga hangganan nito,
והיה לכם פאת נגב ממדבר צן על ידי אדום והיה לכם גבול נגב מקצה ים המלח קדמה 3
ang inyong hangganan sa timog ay aabot mula sa ilang ng Sin sa may hangganan ng Edom. Ang silangang dulo ng timog na hangganan ay magiging nasa isang linya na magtatapos sa gawing hangganan ng timog ng Dagat Asin.
ונסב לכם הגבול מנגב למעלה עקרבים ועבר צנה והיה (והיו) תוצאתיו מנגב לקדש ברנע ויצא חצר אדר ועבר עצמנה 4
Ang inyong hangganan ay liliko sa timog mula sa burol ng Akrabim at tatawid hanggang sa ilang ng Sin. Mula doon, aabot ito sa timog ng Kades Barnea at hanggang sa Hazar Adar at hanggang Azmon.
ונסב הגבול מעצמון נחלה מצרים והיו תוצאתיו הימה 5
Mula roon, ang hangganan ay liliko mula Azmon patungo sa batis ng Ehipto at susundan ito hanggang sa dagat.
וגבול ים והיה לכם הים הגדול וגבול זה יהיה לכם גבול ים 6
Ang kanlurang hangganan ay magiging sa baybayin ng Malaking Dagat. Ito ang magiging kanluraning hangganan ninyo.
וזה יהיה לכם גבול צפון מן הים הגדל תתאו לכם הר ההר 7
Ang inyong hilagang hangganan ay aabot hanggang sa linya na dapat ninyong markahan mula sa Malaking Dagat hanggang sa Bundok Hor,
מהר ההר תתאו לבא חמת והיו תוצאת הגבל צדדה 8
at mula sa Bundok Hor hanggang sa Lebo Hamat, at magpapatuloy sa Zedad.
ויצא הגבל זפרנה והיו תוצאתיו חצר עינן זה יהיה לכם גבול צפון 9
At magpapatuloy ang hangganan sa Zefron at matatapos sa Hazar Enan. Ito ang inyong magiging hilagang hangganan.
והתאויתם לכם לגבול קדמה מחצר עינן שפמה 10
Pagkatapos, dapat ninyong markahan ang inyong silangang hangganan mula sa Hazar Enan sa timog hanggang Sefam.
וירד הגבל משפם הרבלה מקדם לעין וירד הגבל ומחה על כתף ים כנרת קדמה 11
Pagkatapos bababa ang silangang hangganan mula sa Sefam hanggang sa Ribla, sa silangang dako ng Ain. Magpapatuloy ang hangganan sa silangang dako ng Dagat Cineret.
וירד הגבול הירדנה והיו תוצאתיו ים המלח זאת תהיה לכם הארץ לגבלתיה סביב 12
At magpapatuloy ang hangganan sa timog sa may Ilog Jordan hanggang sa Dagat Asin at magpapatuloy pababa sa silangang hangganan ng Dagat Asin. Ito ang inyong magiging lupain, na alinsunod sa mga hangganan sa buong palibot.”'
ויצו משה את בני ישראל לאמר זאת הארץ אשר תתנחלו אתה בגורל אשר צוה יהוה לתת לתשעת המטות וחצי המטה 13
Pagkatapos, inutusan ni Moises ang mga tao ng Israel at sinabi, “Ito ang lupaing matatanggap ninyo sa pamamagitan ng palabunutan, na ipinangako ni Yahweh na ibibigay sa siyam na tribu at sa kalahating tribu.
כי לקחו מטה בני הראובני לבית אבתם ומטה בני הגדי לבית אבתם וחצי מטה מנשה לקחו נחלתם 14
Ang tribu ng kaapu-apuhan ni Ruben, alinsunod sa itinakdang ari-arian sa tribu ng kanilang mga ninuno, at sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Gad, alinsunod sa itinakdang ari-arian sa mga tribu ng kanilang mga ninuno, at sa kalahati ng tribu ni Manases ay natanggap ang lahat ng kanilang mga lupain.
שני המטות וחצי המטה לקחו נחלתם מעבר לירדן ירחו--קדמה מזרחה 15
Ang dalawang tribu at ang kalahating tribu ay nakatanggap ng kanilang bahagi sa lupain sa ibayo ng Jordan sa silangang Jerico, patungo sa harap sa sikatan ng araw.”
וידבר יהוה אל משה לאמר 16
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
אלה שמות האנשים אשר ינחלו לכם את הארץ אלעזר הכהן ויהושע בן נון 17
“Ito ang mga pangalan ng mga kalalakihang maghahati sa lupain para sa inyong mana: Si Eleazar na pari at Josue na anak na lalaki ni Nun.
ונשיא אחד נשיא אחד ממטה--תקחו לנחל את הארץ 18
Kailangan mong pumili ng isang pinuno mula sa bawat tribu na maghahati sa lupain para sa kanilang mga angkan.
ואלה שמות האנשים למטה יהודה כלב בן יפנה 19
Ito ang mga pangalan ng mga kalalakihan: Mula sa tribu ni Juda, si Caleb anak na lalaki ni Jefune.
ולמטה בני שמעון שמואל בן עמיהוד 20
Mula sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Simeon, si Semuel na anak na lalaki ni Amiud.
למטה בנימן אלידד בן כסלון 21
Mula sa tribu ng Benjamin, si Elidad na anak na lalaki ni Kislon.
ולמטה בני דן נשיא--בקי בן יגלי 22
Mula sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Dan isang pinunog si Bukki na anak na lalaki ni Jogli.
לבני יוסף למטה בני מנשה נשיא--חניאל בן אפד 23
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Jose, sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Manases isang pinunong si Haniel na anak na lalaki ni Efod.
ולמטה בני אפרים נשיא--קמואל בן שפטן 24
Mula sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Efraim isang pinunong si Kemuel na anak na lalaki ni Siftan.
ולמטה בני זבולן נשיא--אליצפן בן פרנך 25
Mula sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Zebulun isang pinunong si Elizafan na anak na lalaki ni Parnac.
ולמטה בני יששכר נשיא--פלטיאל בן עזן 26
Mula sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Isacar isang pinunong si Paltiel na anak na lalaki ni Azan.
ולמטה בני אשר נשיא--אחיהוד בן שלמי 27
Mula sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Aser isang pinunong si Ahiud na anak na lalaki ni Selomi.
ולמטה בני נפתלי נשיא--פדהאל בן עמיהוד 28
Mula sa tribu ng mga kaapu-apuhan ni Neftali isang pinunong si Pedahel na anak na lalaki ni Amiud.”
אלה אשר צוה יהוה לנחל את בני ישראל בארץ כנען 29
Inutusan ni Yahweh ang mga lalaking ito na hatiin ang lupain ng Canaan at ibigay sa bawat isa sa mga tribu ng Israel ang kanilang parte.

< במדבר 34 >