< במדבר 27 >

ותקרבנה בנות צלפחד בן חפר בן גלעד בן מכיר בן מנשה למשפחת מנשה בן יוסף ואלה שמות בנתיו--מחלה נעה וחגלה ומלכה ותרצה 1
At nagpunta kay Moises ang mga anak na babae ni Zelofehad na anak na lalaki ni Hefer na anak na lalaki ni Galaad na anak na lalaki ni Maquir na anak na lalaki ni Manases, mula sa mga angkan ni Manases na anak na lalaki ni Jose. Ito ang mga pangalan ng kaniyang mga anak na babae: Mahla, Noe, Hogla, Milca, at Tirsa.
ותעמדנה לפני משה ולפני אלעזר הכהן ולפני הנשיאם וכל העדה--פתח אהל מועד לאמר 2
Tumayo sila sa harapan nina Moises, Eleazar na pari, sa mga pinuno, at sa harapan ng lahat ng mga komunidad sa pasukan ng tolda ng pagpupulong. Sinabi nila,
אבינו מת במדבר והוא לא היה בתוך העדה הנועדים על יהוה בעדת קרח כי בחטאו מת ובנים לא היו לו 3
“Namatay ang aming ama sa ilang. Hindi siya kasama sa mga nagtipun-tipon laban kay Yahweh sa samahan ni Kora. Namatay siya sa kaniyang sariling kasalanan; ang kasalanan niya ang dahilan kung bakit siya namatay.
למה יגרע שם אבינו מתוך משפחתו כי אין לו בן תנה לנו אחזה בתוך אחי אבינו 4
Bakit kailangang mawala ang pangalan ng aming ama mula sa buong miyembro ng kaniyang angkan, dahil ba wala siyang anak na lalaki? Bigyan mo kami ng lupain mula sa mga kamag-anak ng aming ama.”
ויקרב משה את משפטן לפני יהוה 5
Kaya dinala ni Moises kay Yahweh ang kanilang kahilingan.
ויאמר יהוה אל משה לאמר 6
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
כן בנות צלפחד דברת--נתן תתן להם אחזת נחלה בתוך אחי אביהם והעברת את נחלת אביהן להן 7
“Tama ang sinasabi ng mga anak na babae ni Zelofehad. Dapat mo silang bigyan ng lupain bilang isang mana mula sa lahat ng kamag-anak ng kanilang ama, at dapat mong tiyakin na ang mana ng kanilang ama ay maipapasa sa kanila.
ואל בני ישראל תדבר לאמר איש כי ימות ובן אין לו--והעברתם את נחלתו לבתו 8
Dapat kang magsalita sa mga tao ng Israel at sabihin, 'Kung mamatay man ang isang tao at walang anak na lalaki, dapat ninyong ipasa ang kaniyang mana sa kaniyang anak na babae.
ואם אין לו בת--ונתתם את נחלתו לאחיו 9
Kung wala siyang anak na babae, dapat ninyong ibigay ang kaniyang mana sa kaniyang mga kapatid na lalaki.
ואם אין לו אחים--ונתתם את נחלתו לאחי אביו 10
Kung wala siyang mga kapatid na lalaki, dapat ninyong ibigay ang kanyang mana sa mga lalaking kapatid ng kaniyang ama.
ואם אין אחים לאביו--ונתתם את נחלתו לשארו הקרב אליו ממשפחתו וירש אתה והיתה לבני ישראל לחקת משפט כאשר צוה יהוה את משה 11
Kung walang kapatid na lalaki ang kaniyang ama, dapat ninyong ibigay ang kaniyang mana sa kaniyang malapit na kamag-anak sa kaniyang angkan, at dapat niya itong kunin para sa kaniyang sarili. Ito ay magiging isang batas na itatatag para sa mga tao ng Israel, ayon sa iniutos ni Yahweh sa akin.'”
ויאמר יהוה אל משה עלה אל הר העברים הזה וראה את הארץ אשר נתתי לבני ישראל 12
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Akyatin mo ang mga bundok ng Abarim at tingnan ang lupain na ibinigay ko sa mga tao ng Israel.
וראיתה אתה ונאספת אל עמיך גם אתה כאשר נאסף אהרן אחיך 13
Pagkatapos mong makita ito, ikaw din ay dapat maitipon sa iyong mga tao, tulad ng iyong kapatid na si Aaron.
כאשר מריתם פי במדבר צן במריבת העדה להקדישני במים לעיניהם הם מי מריבת קדש מדבר צן 14
Mangyayari ito sapagkat kayong dalawa ay naghimagsik laban sa aking utos sa ilang ng Sin. Nang umapaw ang tubig mula sa bato roon, dahil sa iyong galit, nabigo kang igalang ako bilang isang banal sa harap ng mga mata ng buong sambayanan.” Ito ang mga tubig sa Meriba ng Kades sa ilang ng Sin.
וידבר משה אל יהוה לאמר 15
Pagkatapos, nagsalita si Moises kay Yahweh at sinabi,
יפקד יהוה אלהי הרוחת לכל בשר איש על העדה 16
“Nawa, Yahweh, ang Diyos ng espiritu ng lahat ng sangkatauhan, magtalaga ka ng isang tao sa buong sambayanan,
אשר יצא לפניהם ואשר יבא לפניהם ואשר יוציאם ואשר יביאם ולא תהיה עדת יהוה כצאן אשר אין להם רעה 17
isang taong maaaring makalabas at makapasok sa harap nila at pangunahan sila palabas at dalhin sila papasok, upang hindi matulad ang iyong sambayanan sa isang tupang walang pastol.”
ויאמר יהוה אל משה קח לך את יהושע בן נון--איש אשר רוח בו וסמכת את ידך עליו 18
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Kunin mo si Josue na anak na lalaki ni Nun, isang lalaking pinananahan ng aking Espiritu at ipatong mo ang iyong kamay sa kaniya.
והעמדת אתו לפני אלעזר הכהן ולפני כל העדה וצויתה אתו לעיניהם 19
Dalhin mo siya sa harapan ni Eleazar na pari at sa harap sa lahat ng sambayanan at utusan siya sa harap ng kanilang mga mata na pangunahan sila.
ונתתה מהודך עליו--למען ישמעו כל עדת בני ישראל 20
Dapat mong ilagay sa kaniya ang ilan sa iyong kapangyarihan, upang ang lahat ng sambayanan ng mga tao ng Israel ay susunod sa kaniya.
ולפני אלעזר הכהן יעמד ושאל לו במשפט האורים לפני יהוה על פיו יצאו ועל פיו יבאו הוא וכל בני ישראל אתו--וכל העדה 21
Pupunta siya sa harapan ni Eleazar na pari upang hingin ang aking kalooban sa mga desisyon sa Urim para sa kaniya. Ito ay magiging kaniyang mga utos na ang mga tao ay lalabas at papasok, siya at ang lahat ng mga tao ng Israel na kasama niya, ang buong sambayanan.”
ויעש משה כאשר צוה יהוה אתו ויקח את יהושע ויעמדהו לפני אלעזר הכהן ולפני כל העדה 22
Kaya sumunod ni Moises ayon sa utos sa kaniya ni Yahweh. Kinuha niya si Josue at dinala sa harapan ni Eleazar na pari at sa lahat ng sambayanan.
ויסמך את ידיו עליו ויצוהו כאשר דבר יהוה ביד משה 23
Ipinatong niya ang kaniyang kamay sa kaniya at inutusan siyang manguna, ayon sa iniutos sa kaniya ni Yahweh na gawin niya.

< במדבר 27 >