< במדבר 25 >

וישב ישראל בשטים ויחל העם לזנות אל בנות מואב 1
Nanatili ang Israel sa Sitim, at nagsimulang makipagtalik ang mga lalaki sa mga babae ng Moab,
ותקראן לעם לזבחי אלהיהן ויאכל העם וישתחוו לאלהיהן 2
sapagkat inaanyayahan ng mga Moabita ang mga tao sa mga pag-aalay sa kanilang mga diyos. Kaya kumain at yumukod ang mga tao sa mga diyos ng Moabita.
ויצמד ישראל לבעל פעור ויחר אף יהוה בישראל 3
Sumali ang mga kalalakihan ng Israel sa pagsamba kay Baal ng Peor, at sumiklab ang galit ni Yahweh laban sa Israel.
ויאמר יהוה אל משה קח את כל ראשי העם והוקע אותם ליהוה נגד השמש וישב חרון אף יהוה מישראל 4
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Patayin mo ang lahat ng pinuno ng mga tao at bitayin sila sa aking harapan upang ilantad sila sa liwanag ng araw, upang maalis ang aking matinding galit mula sa Israel.”
ויאמר משה אל שפטי ישראל הרגו איש אנשיו הנצמדים לבעל פעור 5
Kaya sinabi ni Moises sa mga pinuno ng Israel, “Dapat patayin ang bawat isa sa inyo ang kaniyang mga taong sumama sa pagsamba kay Baal ng Peor.”
והנה איש מבני ישראל בא ויקרב אל אחיו את המדינית לעיני משה ולעיני כל עדת בני ישראל והמה בכים פתח אהל מועד 6
Pagkatapos, dumating ang isa sa mga lalaki ng Israel at dinala sa mga miyembro ng kaniyang pamilya ang isang babaeng Midianita. Nangyari ito sa paningin ni Moises at sa lahat ng sambayanan ng Israel, habang umiiyak sila sa pasukan ng tolda ng pagpupulong.
וירא פינחס בן אלעזר בן אהרן הכהן ויקם מתוך העדה ויקח רמח בידו 7
Nang makita iyon ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, tumayo siya mula sa sambayanan at humawak ng isang sibat.
ויבא אחר איש ישראל אל הקבה וידקר את שניהם--את איש ישראל ואת האשה אל קבתה ותעצר המגפה מעל בני ישראל 8
Sinundan niya ang lalaking Israelita sa tolda at isinaksak ang sibat sa kapwa nilang katawan, sa lalaking Israelita at sa babae. Kaya natigil ang salot na ipinadala ng Diyos sa mga tao ng Israel.
ויהיו המתים במגפה--ארבעה ועשרים אלף 9
Dalawampu't apat na libo ang bilang ng mga namatay sa pamamagitan ng salot.
וידבר יהוה אל משה לאמר 10
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
פינחס בן אלעזר בן אהרן הכהן השיב את חמתי מעל בני ישראל בקנאו את קנאתי בתוכם ולא כליתי את בני ישראל בקנאתי 11
“Inalis ni Finehas na lalaking anak ni Eleazar na lalaking anak naman ni Aaron, na pari, ang aking galit sa mga tao ng Israel dahil mapusok siya sa aking adhikain sa kanila. Kaya hindi ko nilipol ang mga tao ng Israel sa aking matinding galit.
לכן אמר הנני נתן לו את בריתי שלום 12
Kaya sabihin mo, 'sabi ni Yahweh, “Tingnan mo, ibinibigay ko kay Finehas ang aking kasunduan ng kapayapaan.
והיתה לו ולזרעו אחריו ברית כהנת עולם--תחת אשר קנא לאלהיו ויכפר על בני ישראל 13
Para sa kaniya at sa kaniyang mga kaapu-apuhang kasunod niya, ito ang magiging isang kasunduan ng isang walang hanggang pagkapari dahil masigasig siya para sa akin, na kaniyang Diyos. Nagbayad siya ng kasalanan para sa mga tao ng Israel.”''
ושם איש ישראל המכה אשר הכה את המדינית--זמרי בן סלוא נשיא בית אב לשמעני 14
Ngayon ang pangalan ng lalaking Israelitang napatay kasama ng babaeng Midianita ay si Zimri na anak ni Salu, isang pinuno ng isang pamilya mula sa ninuno ng mga Simeonita.
ושם האשה המכה המדינית כזבי בת צור ראש אמות בית אב במדין הוא 15
Si Cozbi ang pangalan ng babaeng Midianitang pinatay na babaeng anak ni Zur, pangulo ng isang tribu at pamilya sa Midian.
וידבר יהוה אל משה לאמר 16
Kaya nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
צרור את המדינים והכיתם אותם 17
“Ituring mong kaaway ang mga Midianita at lusubin sila,
כי צררים הם לכם בנכליהם אשר נכלו לכם על דבר פעור ועל דבר כזבי בת נשיא מדין אחתם המכה ביום המגפה על דבר פעור 18
sapagkat itinuring nila kayong katulad ng mga kaaway sa pamamagitan ng kanilang panlilinlang. Pinangunahan nila kayo sa kasamaan tungkol kay Peor at tungkol sa kanilang kapatid na babaeng si Cozbi, ang babaeng anak ng isang pinuno sa Midian, na pinatay sa araw ng salot dahil kay Peor.”

< במדבר 25 >