< במדבר 13 >

וידבר יהוה אל משה לאמר 1
Pagkatapos, nagsalita si Yahweh kay Moises. Sinabi niya,
שלח לך אנשים ויתרו את ארץ כנען אשר אני נתן לבני ישראל איש אחד איש אחד למטה אבתיו תשלחו--כל נשיא בהם 2
“Magpadala ka ng ilang kalalakihan upang suriin ang lupain ng Canaan na aking ibinigay sa mga tao ng Israel. Magpadala ka ng isang lalaki mula sa bawat tribu ng kanilang mga ninuno. Dapat pinuno ang bawat lalaki sa kanilang mga grupo.”
וישלח אתם משה ממדבר פארן על פי יהוה כלם אנשים ראשי בני ישראל המה 3
Ipinadala sila ni Moises mula sa ilang ng Paran, upang masunod nila ang utos ni Yahweh. Lahat sila ay mga pinuno sa mga tao ng Israel.
ואלה שמותם למטה ראובן שמוע בן זכור 4
Ito ang kanilang mga pangalan: mula sa tribu ni Ruben, Sammua na lalaking anak ni Zaccur.
למטה שמעון שפט בן חורי 5
Mula sa tribu ni Simeon, si Safat na lalaking anak ni Hori.
למטה יהודה כלב בן יפנה 6
Mula sa tribu ni Juda, si Caleb na lalaking anak ni Jefune.
למטה יששכר יגאל בן יוסף 7
Mula sa tribu ni Isacar, si Igal na lalaking anak ni Jose.
למטה אפרים הושע בן נון 8
Mula sa tribu ni Efraim, si Hosea na lalaking anak ni Nun.
למטה בנימן פלטי בן רפוא 9
Mula sa tribu ni Benjamin, si Palti na lalaking anak ni Rafu.
למטה זבולן גדיאל בן סודי 10
Mula sa tribu ni Zebulon, Gadiel na lalaking anak ni Sodi.
למטה יוסף למטה מנשה--גדי בן סוסי 11
Mula sa mga kaapu-apuhan ni Jose na nagngangalang: Gaddi na anak ni Susi mula sa tribu ni Manases,
למטה דן עמיאל בן גמלי 12
Mula sa tribu ni Dan, si Ammiel na lalaking anak ni Gemalli.
למטה אשר סתור בן מיכאל 13
Mula sa tribu ni Aser, si Setur na lalaking anak ni Micael.
למטה נפתלי נחבי בן ופסי 14
Mula sa tribu ni Neftali, si Nahabi na lalaking anak ni Vapsi.
למטה גד גאואל בן מכי 15
Mula sa tribu ni Gad, si Geuel na lalaking anak ni Maki.
אלה שמות האנשים אשר שלח משה לתור את הארץ ויקרא משה להושע בן נון יהושע 16
Ito ang mga pangalan ng mga lalaking ipinadala ni Moises upang suriin ang lupain. Tinawag ni Moises si Hosea na lalaking anak ni Nun sa pangalang Josue.
וישלח אתם משה לתור את ארץ כנען ויאמר אלהם עלו זה בנגב ועליתם את ההר 17
Ipinadala sila ni Moises upang suriin ang lupain ng Canaan. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa Negev at umakyat kayo sa maburol na lugar.
וראיתם את הארץ מה הוא ואת העם הישב עליה--החזק הוא הרפה המעט הוא אם רב 18
Suriin ninyo ang lupain upang makita kung ano ang katulad nito. Matiyagan ninyo ang mga taong nakatira roon, kung malakas o mahihina sila, at kung kaunti o marami sila.
ומה הארץ אשר הוא ישב בה--הטובה הוא אם רעה ומה הערים אשר הוא יושב בהנה--הבמחנים אם במבצרים 19
Tingnan kung anong uri ng lupain ang kanilang tinitirhan. Ito ba ay maganda o hindi? Anong klase ng mga lungsod ang naroon? Tulad ba ito ng mga kampo o ang mga ito ba ay pinatibay na lungsod?
ומה הארץ השמנה הוא אם רזה היש בה עץ אם אין והתחזקתם ולקחתם מפרי הארץ והימים--ימי בכורי ענבים 20
Tingnan kung anong uri ng lupa, kung ito ba ay mainam para sa pagpapalago ng pananim o hindi, at kung may mga puno roon o wala. Maging matapang at mag-uwi kayo ng mga bunga ng lupa.” Ngayon ay panahon para sa mga unang hinog na ubas.
ויעלו ויתרו את הארץ ממדבר צן עד רחב לבא חמת 21
Kaya umakyat ang mga kalalakihan at sinuri ang lupain mula sa ilang ng Sin hanggang Rehob, malapit sa Lebo Hamat.
ויעלו בנגב ויבא עד חברון ושם אחימן ששי ותלמי ילידי הענק וחברון שבע שנים נבנתה לפני צען מצרים 22
Umakyat sila mula sa Negev at dumating sa Hebron. Naroon ang mga Ahiman, Sesai, at Talmai, mga angkan na nagmula kay Anak. Ngayon, ang Hebron ay itinayo, pitong taon na bago ang Zoan sa Ehipto.
ויבאו עד נחל אשכל ויכרתו משם זמורה ואשכול ענבים אחד וישאהו במוט בשנים ומן הרמנים ומן התאנים 23
Nang dumating sila sa lambak ng Escol, pumutol sila ng isang sangang may kumpol ng ubas. Pinasan nila ito sa isang tungkod sa pagitan ng dalawa sa kanilang pangkat. Nagdala rin sila ng mga bunga ng granada at igos.
למקום ההוא קרא נחל אשכול על אדות האשכול אשר כרתו משם בני ישראל 24
Pinangalanan ang lugar na iyon na lambak ng Escol, dahil sa kumpol ng ubas na pinutol ng mga Israelita doon.
וישבו מתור הארץ מקץ ארבעים יום 25
Bumalik sila pagkalipas ng apatnapung araw mula sa pagsusuri sa lupain.
וילכו ויבאו אל משה ואל אהרן ואל כל עדת בני ישראל אל מדבר פארן--קדשה וישיבו אתם דבר ואת כל העדה ויראום את פרי הארץ 26
Bumalik sila kina Moises, Aaron at sa buong sambayanan ng Israel sa ilang ng Paran sa Kades. Nagdala sila ng ulat sa kanila at sa buong sambayanan, at ipinakita sa kanila ang bunga na nagmula sa lupain.
ויספרו לו ויאמרו באנו אל הארץ אשר שלחתנו וגם זבת חלב ודבש הוא--וזה פריה 27
Sinabi nila kay Moises, “Narating namin ang lupain kung saan mo kami ipinadala. Tunay na dinadaluyan ito ng gatas at pulot-pukyutan. Narito ang ilan sa mga bunga mula roon.
אפס כי עז העם הישב בארץ והערים בצרות גדלת מאד וגם ילדי הענק ראינו שם 28
Gayunman, ang mga taong nagtayo ng kanilang tahanan doon ay malalakas. Pinatibay at napakalawak ng kanilang mga lungsod. Nakita rin namin doon ang mga kaapu-apuhan ni Anak. Nakatira ang mga Amalekita sa Negev.
עמלק יושב בארץ הנגב והחתי והיבוסי והאמרי יושב בהר והכנעני יושב על הים ועל יד הירדן 29
Naroon ang mga tahanan ng mga Hiteo, Jebuseo, at mga Amoreo sa burol na lugar. Naninirahan ang mga Cananeo malapit sa dagat at sa tabi ng Ilog Jordan.”
ויהס כלב את העם אל משה ויאמר עלה נעלה וירשנו אתה--כי יכול נוכל לה 30
Sinubukan ni Caleb na palakasin ang loob ng mga taong nakapalibot kay Moises. Sinabi niya, “Lusubin natin nang minsanan at kunin ito, dahil kayang-kaya nating sakupin ito.”
והאנשים אשר עלו עמו אמרו לא נוכל לעלות אל העם כי חזק הוא ממנו 31
Ngunit sinabi ng ibang kalalakihang pumunta kasama niya, “Hindi natin kayang lusubin ang mga tao dahil mas malakas sila kaysa sa atin.”
ויציאו דבת הארץ אשר תרו אתה אל בני ישראל לאמר הארץ אשר עברנו בה לתור אתה ארץ אכלת יושביה הוא וכל העם אשר ראינו בתוכה אנשי מדות 32
Kaya ikinalat nila ang nakakapanghina ng loob na ulat sa mga tao ng Israel tungkol sa lupain na kanilang sinuri. Sinabi nila, “Ang lupain na aming tiningnan ay isang lupaing umuubos ng mga mamamayan nito. Matatangkad ang lahat ng mga taong nakita namin doon.
ושם ראינו את הנפילים בני ענק--מן הנפלים ונהי בעינינו כחגבים וכן היינו בעיניהם 33
Nakita namin doon ang mga higante, mga kaapu-apuhan ni Anak, mga taong nagmula sa mga higante. Para kaming mga tipaklong sa aming paningin kung ihambing sa kanila, at maaaring ganoon din kami sa kanilang paningin.”

< במדבר 13 >