< נחמיה 10 >
ועל החתומים נחמיה התרשתא בן חכליה וצדקיה | 1 |
Yaon ngang nagsipagtakda ay: si Nehemias, ang tagapamahala, na anak ni Hachalias, at si Sedecias;
Si Seraias, si Azarias, si Jeremias;
Si Pashur, si Amarias, si Malchias;
Si Hattus, si Sebanias, si Malluch;
Si Harim, si Meremoth, si Obadias;
Si Daniel, si Ginethon, si Baruch;
Si Mesullam, si Abias, si Miamin;
מעזיה בלגי שמעיה אלה הכהנים | 8 |
Si Maazias, si Bilgai, si Semeias: ang mga ito'y saserdote.
והלוים וישוע בן אזניה בנוי מבני חנדד קדמיאל | 9 |
At ang mga Levita: sa makatuwid baga'y, si Jesua na anak ni Azanias, si Binnui, sa mga anak ni Henadad, si Cadmiel;
ואחיהם--שבניה הודיה קליטא פלאיה חנן | 10 |
At ang kanilang mga kapatid, si Sebanias, si Odaia, si Celita, si Pelaias, si Hanan;
Si Micha, si Rehob, si Hasabias;
Si Zachur, si Serebias, si Sebanias;
Si Odaia, si Bani, si Beninu;
ראשי העם פרעש פחת מואב עילם זתוא בני | 14 |
Ang mga puno ng bayan: si Pharos, si Pahath-moab, si Elam, si Zattu, si Bani;
Si Bunni, si Azgad, si Bebai;
Si Adonias, si Bigvai, si Adin;
Si Ater, si Ezekias, si Azur;
Si Odaia, si Hasum, si Bezai;
חריף ענתות נובי (ניבי) | 19 |
Si Ariph, si Anathoth, si Nebai;
Si Magpias, si Mesullam, si Hezir;
Si Mesezabel, Sadoc, si Jadua;
Si Pelatias, si Hanan, si Anaias;
Si Hoseas, si Hananias, si Asub;
Si Lohes, si Pilha, si Sobec;
Si Rehum, si Hasabna, si Maaseias;
At si Ahijas, si Hanan, si Anan;
Si Malluch, si Harim, si Baana.
ושאר העם הכהנים הלוים השוערים המשררים הנתינים וכל הנבדל מעמי הארצות אל תורת האלהים נשיהם בניהם ובנתיהם כל יודע מבין | 28 |
At ang nalabi sa bayan, ang mga saserdote, ang mga Levita, ang mga tagatanod-pinto, ang mga mangaawit, ang mga Nethineo, at lahat ng nagsihiwalay sa mga bayan ng mga lupain sa kautusan ng Dios, ang kanilang mga asawa, ang kanilang mga anak, na lalake at babae, bawa't may kaalaman at kaunawaan;
מחזיקים על אחיהם אדיריהם ובאים באלה ובשבועה ללכת בתורת האלהים אשר נתנה ביד משה עבד האלהים ולשמור ולעשות את כל מצות יהוה אדנינו ומשפטיו וחקיו | 29 |
Sila'y nagsilakip sa kanilang mga kapatid, na kanilang mga mahal na tao, at nagsisumpa, at nagsipanumpa, na magsilakad sa kautusan ng Dios, na nabigay sa pamamagitan ni Moises na lingkod ng Dios, at upang magsiganap at magsigawa ng lahat na utos ng Panginoon na aming Panginoon, at ng kaniyang mga kahatulan, at ng kaniyang mga palatuntunan;
ואשר לא נתן בנתינו לעמי הארץ ואת בנתיהם לא נקח לבנינו | 30 |
At hindi namin ibibigay ang aming mga anak na babae sa mga bayan ng lupain, o papagaasawahin man ang kanilang mga anak na babae para sa aming mga anak na lalake.
ועמי הארץ המביאים את המקחות וכל שבר ביום השבת למכור--לא נקח מהם בשבת וביום קדש ונטש את השנה השביעית ומשא כל יד | 31 |
At kung ang mga bayan ng lupain ay mangagdala ng mga kalakal o ng anomang pagkain sa araw ng sabbath upang ipagbili, na kami ay hindi magsisibili sa kanila sa sabbath, o sa pangiling araw: aming ipagpapahinga ang ikapitong taon, at ang pagsingil ng bawa't utang.
והעמדנו עלינו מצות לתת עלינו שלישית השקל בשנה לעבדת בית אלהינו | 32 |
Kami naman ay nangagpasiya rin sa sarili namin, na makiambag sa taon-taon ng ikatlong bahagi ng isang siklo ukol sa paglilingkod sa bahay ng aming Dios:
ללחם המערכת ומנחת התמיד ולעולת התמיד השבתות החדשים למועדים ולקדשים ולחטאות--לכפר על ישראל וכל מלאכת בית אלהינו | 33 |
Ukol sa tinapay na handog, at sa palaging handog na harina, at sa palaging handog na susunugin, sa mga sabbath, sa mga bagong buwan sa mga takdang kapistahan, at sa mga banal na bagay at sa mga handog dahil sa kasalanan upang itubos sa Israel, at sa lahat na gawain sa bahay ng aming Dios,
והגורלות הפלנו על קרבן העצים הכהנים הלוים והעם--להביא לבית אלהינו לבית אבתינו לעתים מזמנים שנה בשנה לבער על מזבח יהוה אלהינו ככתוב בתורה | 34 |
At kami ay nangagsapalaran, ang mga saserdote, ang mga Levita, at ang bayan, dahil sa kaloob na panggatong upang dalhin sa bahay ng aming Dios, ayon sa mga sangbahayan ng aming mga magulang sa mga panahong takda, taon-taon, upang sunugin sa ibabaw ng dambana ng Panginoon naming Dios, gaya ng nasusulat sa kautusan.
ולהביא את בכורי אדמתנו ובכורי כל פרי כל עץ--שנה בשנה לבית יהוה | 35 |
At upang dalhin ang mga unang bunga ng aming lupa, at ang mga unang bunga ng lahat na bunga ng sarisaring puno ng kahoy, taon-taon, sa bahay ng Panginoon:
ואת בכרות בנינו ובהמתנו ככתוב בתורה ואת בכורי בקרינו וצאנינו להביא לבית אלהינו לכהנים המשרתים בבית אלהינו | 36 |
Gayon din ang panganay sa aming mga anak na lalake, at sa aming hayop, gaya ng nasusulat sa kautusan, at ang mga panganay sa aming bakahan at sa aming mga kawan, upang dalhin sa bahay ng aming Dios, sa mga saserdote, na nagsisipangasiwa sa bahay ng aming Dios:
ואת ראשית עריסתינו ותרומתינו ופרי כל עץ תירוש ויצהר נביא לכהנים אל לשכות בית אלהינו ומעשר אדמתנו ללוים והם הלוים המעשרים בכל ערי עבדתנו | 37 |
At upang aming dalhin ang mga unang bunga ng aming harina, at ang aming mga handog na itataas, at ang bunga ng sarisaring punong kahoy, ang alak, at ang langis, sa mga saserdote, sa mga silid ng bahay ng aming Dios; at ang ikasangpung bahagi ng aming lupa sa mga Levita; sapagka't sila, na mga Levita, ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi sa lahat na aming mga bayan na bukiran.
והיה הכהן בן אהרן עם הלוים בעשר הלוים והלוים יעלו את מעשר המעשר לבית אלהינו אל הלשכות לבית האוצר | 38 |
At ang saserdote na anak ni Aaron ay sasama sa mga Levita, pagka ang mga Levita ay nagsisikuha ng mga ikasangpung bahagi; at isasampa ng mga Levita ang ikasangpung bahagi ng mga ikasangpung bahagi sa bahay ng aming Dios, sa mga silid sa loob ng bahay ng kayamanan.
כי אל הלשכות יביאו בני ישראל ובני הלוי את תרומת הדגן התירוש והיצהר ושם כלי המקדש והכהנים המשרתים והשוערים והמשררים ולא נעזב את בית אלהינו | 39 |
Sapagka't ang mga anak ni Israel, at ang mga anak ni Levi ay mangagdadala ng mga handog na itataas, na trigo, alak, at langis, sa mga silid, na kinaroroonan ng mga sisidlan ng santuario, at ng mga saserdote na nagsisipangasiwa, at ng mga tagatanod-pinto, at ng mga mangaawit: at hindi namin pababayaan ang bahay ng aming Dios.