< מיכה 2 >

הוי חשבי און ופעלי רע על משכבותם באור הבקר יעשוה כי יש לאל ידם 1
Sa aba nila na humahaka ng kasamaan, at nagsisigawa ng kasamaan sa kanilang mga higaan! pagliliwanag sa umaga, ay kanilang isinasagawa, sapagka't nasa kapangyarihan ng kanilang kamay.
וחמדו שדות וגזלו ובתים ונשאו ועשקו גבר וביתו ואיש ונחלתו 2
At sila'y nangagiimbot ng mga bukid, at kanilang inaangkin; at ng mga bahay, at inaalis: at kanilang pinipighati ang isang tao at ang kaniyang sangbahayan, ang tao, at ang kaniyang mana.
לכן כה אמר יהוה הנני חשב על המשפחה הזאת רעה אשר לא תמישו משם צוארתיכם ולא תלכו רומה--כי עת רעה היא 3
Kaya't ganito ang sabi ng Panginoon, Narito, laban sa angkang ito ay humahaka ako ng isang kasamaan na doo'y hindi ninyo maaalis ang inyong mga leeg, ni makalalakad man ng kahambugan; sapagka't isang masamang panahon.
ביום ההוא ישא עליכם משל ונהה נהי נהיה אמר שדוד נשדנו--חלק עמי ימיר איך ימיש לי לשובב שדינו יחלק 4
Sa araw na yaon ay magsisisambit sila ng talinhaga laban sa inyo, at mangananaghoy ng kakilakilabot na panaghoy, at mangagsasabi, Kami ay lubos na nasira: kaniyang binabago ang bahagi ng aking bayan; ano't inilalayo niya sa akin! sa mga manghihimagsik kaniyang binahagi ang aming mga bukid.
לכן לא יהיה לך משליך חבל בגורל בקהל יהוה 5
Kaya't mawawalan ka na ng maghahagis ng pisi na panukat sa pamamagitan ng sapalaran sa kapisanan ng Panginoon.
אל תטפו יטיפון לא יטפו לאלה לא יסג כלמות 6
Huwag kayong manganghuhula, ganito sila nanganghuhula. Hindi sila manganghuhula sa mga ito: ang mga kakutyaan ay hindi mapapawi.
האמור בית יעקב הקצר רוח יהוה--אם אלה מעלליו הלוא דברי ייטיבו עם הישר הלך 7
Sasabihin baga Oh sangbahayan ni Jacob, Ang Espiritu baga ng Panginoon ay nagipit? ang mga ito baga ang kaniyang mga gawa? Di baga ang aking mga salita ay nagsisigawa ng mabuti sa nagsisilakad ng matuwid?
ואתמול עמי לאויב יקומם ממול שלמה אדר תפשטון מעברים בטח שובי מלחמה 8
Nguni't kamakailan na ang aking bayan ay bumangon na wari kaaway: inyong hinuhubad ang suot na kalakip ng balabal sa nagsisidaang tiwasay na parang mga lalaking nagsisipanggaling sa digma.
נשי עמי תגרשון מבית תענגיה מעל עלליה תקחו הדרי לעולם 9
Ang mga babae ng aking bayan ay inyong pinalalayas sa kanilang mga masayang bahay; sa kanilang mga bata ay inyong inaalis ang aking kaluwalhatian magpakailan man.
קומו ולכו כי לא זאת המנוחה בעבור טמאה תחבל וחבל נמרץ 10
Kayo'y magsibangon, at magsiyaon; sapagka't hindi ito ang inyong kapahingahan; dahil sa karumihan na lumilipol sa makatuwid baga'y sa mahigpit na paggiba.
לו איש הלך רוח ושקר כזב אטף לך ליין ולשכר והיה מטיף העם הזה 11
Kung ang isang taong lumalakad sa espiritu ng kabulaanan ay nagsisinungaling, na nagsasabi, Ako'y manghuhula sa iyo tungkol sa alak at matapang na inumin; siya nga'y magiging propeta sa bayang ito.
אסף אאסף יעקב כלך קבץ אקבץ שארית ישראל--יחד אשימנו כצאן בצרה כעדר בתוך הדברו תהימנה מאדם 12
Walang pagsalang aking pipisanin, Oh Jacob, ang lahat ng iyo; aking pipisaning walang pagsala ang nalabi sa Israel: akin silang ilalagay na magkakasama na parang mga tupa sa Bosra, na parang kawan sa gitna ng pastulan sa kanila; sila'y magkakaingay ng di kawasa dahil sa karamihan ng tao.
עלה הפרץ לפניהם--פרצו ויעברו שער ויצאו בו ויעבר מלכם לפניהם ויהוה בראשם 13
Nangunguna sa kanila yaong nagbubukas ng daan: sila'y nagbukas ng daan at nagsidaan sa pintuang-bayan, at nagsilabas doon; at ang kanilang hari ay nagpauna sa kanila, at ang Panginoon sa unahan nila.

< מיכה 2 >