< ויקרא 24 >

וידבר יהוה אל משה לאמר 1
Kinausap ni Yahweh si Moises, sinasabi,
צו את בני ישראל ויקחו אליך שמן זית זך כתית--למאור להעלת נר תמיד 2
“Utusan ang mga bayan ng Israel para magdala sa iyo ng dalisay na langis na hinalo mula sa mga olibo para sa langis ng inyong mga lampara, para laging nasusunog ang mga ito at magbigay ng liwanag.
מחוץ לפרכת העדת באהל מועד יערך אתו אהרן מערב עד בקר לפני יהוה--תמיד חקת עולם לדרתיכם 3
Sa labas ng kurtina bago ang mga tipan ng kautusan sa tolda ng pagpupulong, si Aaron ay dapat tuloy-tuloy, mula gabi hanggang umaga, panatilihing naka-ilaw ang lampara sa harap ni Yahweh. Ito ay laging magiging isang batas sa buong angkan ng iyong mga tao.
על המנרה הטהרה יערך את הנרות לפני יהוה תמיד 4
Ang punong pari ang dapat na magpanatiling nakailaw ang mga lampara sa harap ni Yahweh, ang mga lampara sa ilawan ng gintong dalisay.
ולקחת סלת--ואפית אתה שתים עשרה חלות שני עשרנים יהיה החלה האחת 5
Dapat kang kumuha ng pinong harina at magluluto ng labindalawang tinapay dito. Dapat na maging dalawang ikasampung ephah sa bawat tinapay.
ושמת אותם שתים מערכות שש המערכת על השלחן הטהר לפני יהוה 6
Pagkatapos dapat mong ayusin ang mga ito sa dalawang linya, anim sa bawat linya, sa mesa ng gintong dalisay sa harap ni Yahweh.
ונתת על המערכת לבנה זכה והיתה ללחם לאזכרה אשה ליהוה 7
Dapat maglagay ng isang purong insenso sa tabi ng bawat linya ng mga tinapay bilang isang simbolo ng mga tinapay. Susunugin ang insensong ito para kay Yahweh.
ביום השבת ביום השבת יערכנו לפני יהוה--תמיד מאת בני ישראל ברית עולם 8
Bawat Araw ng Pamamahinga ang punong pari ang dapat na palaging maglagay ng tinapay sa harap ni Yahweh, sa ngalan ng mga tao ng Israel. Bilang isang tanda ng walang hanggang tipan.
והיתה לאהרן ולבניו ואכלהו במקום קדש כי קדש קדשים הוא לו מאשי יהוה--חק עולם 9
Ang pag-aalay na ito ay para kay Aaron at ng kanyang mga anak na lalaki. Dapat nilang kainin ito sa isang lugar na banal, dahil ganap na inilaan ito sa kanya, yamang kinuha ito mula sa mga alay para kay Yahweh na gawa sa apoy.”
ויצא בן אשה ישראלית והוא בן איש מצרי בתוך בני ישראל וינצו במחנה בן הישראלית ואיש הישראלי 10
Ngayon nangyari na ang anak na lalaki ng isang babaeng Israelita, na ang ama ay isang taga-Ehipto, sumama sa mga bayan ng Israel. Itong anak na lalaki ng isang babaeng Israelita ay nakipag-away sa isang lalaking Israelita sa kampo.
ויקב בן האשה הישראלית את השם ויקלל ויביאו אתו אל משה ושם אמו שלמית בת דברי למטה דן 11
Ang anak na lalaki ng babaeng Israelita ay nilapastangan ang pangalan ni Yahweh at nilait ang Diyos, kaya dinala siya ng mga tao kay Moises. Ang pangalan ng kanyang ina ay Shelomith, ang anak na babae ni Dibri, mula sa lipi ni Dan.
ויניחהו במשמר לפרש להם על פי יהוה 12
Ikinulong siya hanggang ang hatol ni Yahweh ay ipahayag sa kanilang pasya.
וידבר יהוה אל משה לאמר 13
Pagkatapos kinausap ni Yahweh si Moises, sinabi,
הוצא את המקלל אל מחוץ למחנה וסמכו כל השמעים את ידיהם על ראשו ורגמו אתו כל העדה 14
“Dalhin sa labas ng kampo ang taong nilait ang Diyos. Lahat ng nakarinig sa kaniya ay dapat ipatong ang kanilang kamay sa kanyang ulo, at pagkatapos dapat siyang batuhin ng buong kapulungan.
ואל בני ישראל תדבר לאמר איש איש כי יקלל אלהיו ונשא חטאו 15
Dapat mong ipaliwanag sa mga tao ng Israel at sabihin, 'Sinumang lumait sa kaniyang Diyos ay dapat dalhin ang kaniyang pagkakasala.
ונקב שם יהוה מות יומת רגום ירגמו בו כל העדה כגר כאזרח--בנקבו שם יומת 16
Siya na nilapastanganan ang pangalan ni Yahweh ay tiyak na malalagay sa kamatayan. Lahat ng kapulungan ay tiyak na dapat siyang batuhin, kahit pa nga siya ay isang dayuhan o isang dayuhang Israelita. Kung sinuman ang lumapastangan sa pangalan ni Yahweh, dapat siyang malagay sa kamatayan.
ואיש כי יכה כל נפש אדם--מות יומת 17
At ang sinomang pumatay ng isang tao ay tiyak na dapat ilagay sa kamatayan.
ומכה נפש בהמה ישלמנה--נפש תחת נפש 18
Siya na pumatay ng hayop ng iba ay dapat bayaran ito, buhay sa buhay.
ואיש כי יתן מום בעמיתו--כאשר עשה כן יעשה לו 19
Kapag sinugatan ng isang tao ang kaniyang kapit-bahay, dapat din gawin sa kaniya ang ginawa niya sa kanyang kapit-bahay:
שבר תחת שבר עין תחת עין שן תחת שן--כאשר יתן מום באדם כן ינתן בו 20
bali sa bali, mata sa mata, ngipin sa ngipin. Bilang siya ay nakagawa ng pinsala sa isang tao, iyon din ang dapat gawin sa kaniya.
ומכה בהמה ישלמנה ומכה אדם יומת 21
Sinuman ang pumatay ng isang hayop ay dapat itong bayaran, at sinuman ang pumatay ng isang tao ay dapat malagay sa kamatayan.
משפט אחד יהיה לכם כגר כאזרח יהיה כי אני יהוה אלהיכם 22
Dapat kang magkaroon ng magkatulad na batas para sa kapwa dayuhan at dayuhang Israelita, dahil ako si Yahweh na inyong Diyos.'”
וידבר משה אל בני ישראל ויוציאו את המקלל אל מחוץ למחנה וירגמו אתו אבן ובני ישראל עשו כאשר צוה יהוה את משה 23
Kaya kinausap ni Moises ang mga tao ng Israel, at dinala ng mga tao ang lalaki sa labas ng kampo, na siyang lumait kay Yahweh. Binato nila siya ng mga bato. Sinunod ng mga tao ng Israel ang utos ni Yahweh kay Moises.

< ויקרא 24 >