< ויקרא 22 >

וידבר יהוה אל משה לאמר 1
Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
דבר אל אהרן ואל בניו וינזרו מקדשי בני ישראל ולא יחללו את שם קדשי--אשר הם מקדשים לי אני יהוה 2
“Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, pagsabihan silang lumayo mula sa mga bagay na banal ng mga tao ng Israel, na inihahandog nila sa akin. Hindi nila dapat lapastanganin ang aking banal na pangalan. Ako si Yahweh.
אמר אלהם לדרתיכם כל איש אשר יקרב מכל זרעכם אל הקדשים אשר יקדישו בני ישראל ליהוה וטמאתו עליו ונכרתה הנפש ההוא מלפני--אני יהוה 3
Sabihin sa kanila, 'Sinuman sa inyong mga kaapu-apuhan sa buong angkan ng inyong mga tao na marumi kapag lumapit siya sa mga banal na bagay na inihandog ng mga tao ng Israel kay Yahweh, dapat ihiwalay ang taong iyon mula sa harap ko. Ako si Yahweh.
איש איש מזרע אהרן והוא צרוע או זב--בקדשים לא יאכל עד אשר יטהר והנגע בכל טמא נפש או איש אשר תצא ממנו שכבת זרע 4
Wala sa mga kaapu-apuhan ni Aaron na may nakakahawang sakit sa balat, o isang impeksiyong dumadaloy mula sa kaniyang katawan, ang maaaring kumain ng alinman sa mga alay na ginawa para kay Yahweh hanggang siya ay malinis. Sinuman ang hahawak sa anumang bagay na marumi sa pamamagitan ng paghawak sa patay, o sa pamamagitan ng paghawak sa isang lalaking may daloy ng semilya,
או איש אשר יגע בכל שרץ אשר יטמא לו או באדם אשר יטמא לו לכל טמאתו 5
o sinumang hahawak ng anumang hayop na gumagapang na nagpaparumi sa kaniya, o sinumang tao na nagpaparumi sa kanya, maging anumang uri ng karumihang ito—
נפש אשר תגע בו וטמאה עד הערב ולא יאכל מן הקדשים כי אם רחץ בשרו במים 6
pagkatapos ang pari na hahawak sa anumang marumi ay magiging marumi hanggang gabi. Hindi siya dapat kumain ng anumang mga banal na bagay, maliban lang kung pinaliguan niya ang kanyang katawan sa tubig.
ובא השמש וטהר ואחר יאכל מן הקדשים כי לחמו הוא 7
Kapag lumubog na ang araw, magiging malinis siya. Maaari siyang kumain mula sa banal na mga bagay pagkatapos ng paglubog ng araw, dahil ang mga ito ay kaniyang pagkain.
נבלה וטרפה לא יאכל לטמאה בה אני יהוה 8
Hindi siya dapat kumain ng anumang bagay na natagpuang patay o pinatay ng mga mababangis na hayop, kung saan madudungisan niya ang kanyang sarili. Ako si Yahweh.
ושמרו את משמרתי ולא ישאו עליו חטא ומתו בו כי יחללהו אני יהוה מקדשם 9
Dapat sumunod ang mga pari sa mga tagubilin ko, o magkakasala sila at maaaring mamatay dahil sa paglapastangan sa akin. Ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili.
וכל זר לא יאכל קדש תושב כהן ושכיר לא יאכל קדש 10
Walang sinumang hindi kapamilya ng pari, maging ang mga bisita ng isang pari o kaniyang mga inupahang tagapaglingkod ang maaaring kumain ng anumang bagay na banal.
וכהן כי יקנה נפש קנין כספו--הוא יאכל בו ויליד ביתו הם יאכלו בלחמו 11
Ngunit kung bumili ang isang pari ng alipin sa kaniyang sariling pera, maaaring kumain ang aliping iyan mula sa mga bagay na inihiwalay para kay Yahweh. At ang mga miyembro sa pamilya ng pari at mga aliping ipinanganak sa kaniyang bahay, maaari din silang kumain kasama niya mula sa mga bagay na iyon.
ובת כהן--כי תהיה לאיש זר הוא בתרומת הקדשים לא תאכל 12
Kung ikinasal sa isang hindi pari ang anak na babae ng isang pari, hindi siya maaaring kumain ng anumang banal na ambag na mga handog.
ובת כהן כי תהיה אלמנה וגרושה וזרע אין לה--ושבה אל בית אביה כנעוריה מלחם אביה תאכל וכל זר לא יאכל בו 13
Ngunit kung isang balo ang anak na babae ng pari, o hiwalay, at kung wala siyang anak, at kung babalik siya upang manirahan sa bahay ng kanyang ama gaya noong kanyang kabataan, maaari siyang kumain mula sa pagkain ng kanyang ama. Ngunit walang sinumang hindi pamilya ng pari ang maaaring kumain mula sa pagkain ng pari.
ואיש כי יאכל קדש בשגגה--ויסף חמשיתו עליו ונתן לכהן את הקדש 14
Kung kumain ang isang tao ng isang banal na pagkain na hindi ito nalalaman, dapat niyang bayaran ang pari para rito; dapat niyang dagdagan ng ikalimang bahagi ito at ibalik ito sa pari.
ולא יחללו את קדשי בני ישראל--את אשר ירימו ליהוה 15
Hindi dapat bastusin ng mga tao ng Israel ang mga bagay na banal na itinaas at inihandog kay Yahweh,
והשיאו אותם עון אשמה באכלם את קדשיהם כי אני יהוה מקדשם 16
at idudulot ang kanilang sarili upang dalhin ang kasalanang gagawin silang may sala sa pagkain ng banal na pagkain, dahil ako si Yahweh, na siyang naghahandog sa kanila sa aking sarili.”'
וידבר יהוה אל משה לאמר 17
Sinabi ni Yahweh kay Moises, sinasabi,
דבר אל אהרן ואל בניו ואל כל בני ישראל ואמרת אלהם איש איש מבית ישראל ומן הגר בישראל אשר יקריב קרבנו לכל נדריהם ולכל נדבותם אשר יקריבו ליהוה לעלה 18
“Sabihin kay Aaron at sa kaniyang mga anak na lalaki, at lahat ng mga tao ng Israel. Sabihin sa kanila, 'Sinumang Israelita, o isang banyaga na naninirahan sa Israel, kapag maghahandog sila ng isang alay— kahit na ito ay para tuparin ang isang panata o kahit na ito ay isang kusang handog, o maghahandog sila kay Yahweh ng isang handog na susunugin,
לרצנכם תמים זכר--בבקר בכשבים ובעזים 19
kung ito ay tatanggapin, dapat silang maghandog ng isang lalaking hayop na walang kapintasan mula sa baka, tupa, o mga kambing.
כל אשר בו מום לא תקריבו כי לא לרצון יהיה לכם 20
Pero hindi ninyo dapat ialay ang anumang may kapintasan. Hindi ko ito tatanggapin sa ngalan ninyo.
ואיש כי יקריב זבח שלמים ליהוה לפלא נדר או לנדבה בבקר או בצאן--תמים יהיה לרצון כל מום לא יהיה בו 21
Sinumang maghandog ng alay para sa pagtitipon-tipon ng handog mula sa maraming tao o sa kawan ni Yahweh para tuparin ang isang panata, o bilang isang kusang handog, dapat wala itong kapintasan para tanggapin. Dapat walang depekto ang hayop.
עורת או שבור או חרוץ או יבלת או גרב או ילפת--לא תקריבו אלה ליהוה ואשה לא תתנו מהם על המזבח--ליהוה 22
Hindi kayo dapat maghandog ng mga hayop na bulag, baldado, o lumpo, o mayroong mga kulugo, mga sugat, o mga galis. Hindi ninyo dapat ihandog ang mga ito kay Yahweh bilang alay sa pamamagitan ng apoy sa altar.
ושור ושה שרוע וקלוט--נדבה תעשה אתו ולנדר לא ירצה 23
Maaari ninyong ihandog bilang kusang handog ang isang lalaking baka o kordero na sira ang anyo o maliit, ngunit ang isang handog na katulad niyan ay hindi tatanggapin para sa isang panata.
ומעוך וכתות ונתוק וכרות לא תקריבו ליהוה ובארצכם לא תעשו 24
Huwag maghandog kay Yahweh ng mga hayop na may bugbog, durog, sira o hiwa sa mga pampaanak na bahagi. Huwag ihandog ang mga ito sa inyong lupain,
ומיד בן נכר לא תקריבו את לחם אלהיכם--מכל אלה כי משחתם בהם מום בם לא ירצו לכם 25
at huwag tanggapin ang mga ito mula sa kamay ng isang dayuhan bilang pagkaing inihandog sa Diyos, dahil may mga depekto o kapintasan sa mga ito. Hindi ko tatanggapin ang mga ito sa ngalan ninyo.
וידבר יהוה אל משה לאמר 26
Nakipag-usap si Yahweh kay Moises at sinabi,
שור או כשב או עז כי יולד והיה שבעת ימים תחת אמו ומיום השמיני והלאה ירצה לקרבן אשה ליהוה 27
“Kapag ipinanganak ang isang guya o isang tupa o isang kambing, dapat itong manatili sa kaniyang ina ng pitong araw. Pagkatapos mula sa walong araw, maaaring tanggapin ito bilang isang alay para sa isang handog na gawa sa apoy kay Yahweh.
ושור או שה--אתו ואת בנו לא תשחטו ביום אחד 28
Huwag pumatay ng isang baka o tupang babae kasama ang kaniyang anak, sa ganitong araw.
וכי תזבחו זבח תודה ליהוה--לרצנכם תזבחו 29
Kapag mag-aalay kayo ng isang handog ng pasasalamat kay Yahweh, dapat kayong mag-alay nito sa isang katanggap-tanggap na paraan.
ביום ההוא יאכל לא תותירו ממנו עד בקר אני יהוה 30
Dapat itong kainin sa ganitong araw na inihandog ito. Hindi kayo dapat magtira nito hanggang sa susunod na umaga. Ako si Yahweh.
ושמרתם מצותי ועשיתם אתם אני יהוה 31
Kaya dapat ninyong sundin ang aking mga kautusan at tuparin ang mga ito. Ako si Yahweh.
ולא תחללו את שם קדשי ונקדשתי בתוך בני ישראל אני יהוה מקדשכם 32
Huwag dapat ninyong ilagay sa kahihiyan ang aking banal na pangalan. Dapat akong kilalanin bilang banal ng mga bayan ng Israel. Ako si Yahweh na inaalay ko sa inyong sarili.
המוציא אתכם מארץ מצרים להיות לכם לאלהים אני יהוה 33
na siyang naglabas sa inyo sa lupain ng Ehipto, upang maging inyong Diyos. Ako si Yahweh.”

< ויקרא 22 >