< ויקרא 20 >
Nakipag-usap si Yahweh kay Moises, na sinasabing,
ואל בני ישראל תאמר איש איש מבני ישראל ומן הגר הגר בישראל אשר יתן מזרעו למלך מות יומת עם הארץ ירגמהו באבן | 2 |
“Sabihin sa bayan ng Israel, 'Sinuman sa mga mamamayan ng Israel, o sinumang dayuhan na namumuhay sa Israel na magbigay ng sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, ay tiyak na papatayin. Dapat siyang batuhin ng mga tao sa lupain gamit ang mga bato.
ואני אתן את פני באיש ההוא והכרתי אתו מקרב עמו כי מזרעו נתן למלך--למען טמא את מקדשי ולחלל את שם קדשי | 3 |
Haharap din ako laban sa taong iyon at tatanggalin siya mula sa kanyang mga tao dahil ibinigay niya ang kanyang anak kay Molec, upang dungisan ang aking banal na lugar at lapastanganin ang aking banal na pangalan.
ואם העלם יעלימו עם הארץ את עיניהם מן האיש ההוא בתתו מזרעו למלך--לבלתי המית אתו | 4 |
Kung ipipikit ng mga tao sa lupain ang kanilang mga mata sa lalaking iyon kapag ibinigay ang sinuman sa kanyang mga anak kay Molec, kung hindi nila pinatay,
ושמתי אני את פני באיש ההוא ובמשפחתו והכרתי אתו ואת כל הזנים אחריו לזנות אחרי המלך--מקרב עמם | 5 |
sa gayon ako mismo ang haharap laban sa taong iyon at sa kanyang angkan, at tatanggalin ko siya at bawat isa pang gagamitin sa masama ang kanyang sarili para gumanap bilang isang babaeng bayaran kay Molec.
והנפש אשר תפנה אל האבת ואל הידענים לזנת אחריהם--ונתתי את פני בנפש ההוא והכרתי אתו מקרב עמו | 6 |
Ang isang taong pumupunta sa mga nakikipag-usap sa patay, o sa mga nakikipag-usap sa mga espiritu para isama ang kanilang sarili ssa kanila, haharap ako laban sa taong iyon; tatanggalin ko siya mula sa kanyang bayan.
והתקדשתם--והייתם קדשים כי אני יהוה אלהיכם | 7 |
Kaya ialay ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh at maging banal, dahil ako si Yahweh ang inyong Diyos.
ושמרתם את חקתי ועשיתם אתם אני יהוה מקדשכם | 8 |
Dapat ninyong sundin ang aking mga utos at isagawa ang mga ito. Ako si Yahweh, na siyang nagtatalaga sa inyo para sa aking sarili.
כי איש איש אשר יקלל את אביו ואת אמו--מות יומת אביו ואמו קלל דמיו בו | 9 |
Ang lahat na sumusumpa sa kanyang ama o sa kanyang ina ay tiyak na papatayin. Isinumpa niya ang kanyang ama o ang kanyang ina, kaya siya ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
ואיש אשר ינאף את אשת איש אשר ינאף את אשת רעהו--מות יומת הנאף והנאפת | 10 |
Ang taong gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng ibang lalaki, iyon ay, sinumang gumagawa ng pangangalunya sa asawa ng kanyang kapitbahay—ang nakikiapid na lalaki at ang nakikiapid na babae ay tiyak na kapwa papatayin.
ואיש אשר ישכב את אשת אביו--ערות אביו גלה מות יומתו שניהם דמיהם בם | 11 |
Ang lalaking sumisiping sa asawa ng kanyang ama para makipagtalik sa kanya ay nagdulot ng kahihiyan sa kanyang sariling ama. Kapwa ang anak na lalaki at ang asawa ng kanyang ama ay tiyak na papatayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
ואיש אשר ישכב את כלתו--מות יומתו שניהם תבל עשו דמיהם בם | 12 |
Kung sipingan ng isang lalaki ang kanyang manugang na babae, tiyak na kapwa silang dapat patayin. Nakagawa sila ng kabuktutan. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
ואיש אשר ישכב את זכר משכבי אשה--תועבה עשו שניהם מות יומתו דמיהם בם | 13 |
Kapag sumiping ang isang lalaki sa kapwa lalaki, tulad ng sa isang babae, pareho silang nakagawa ng kasuklam-suklam na bagay. Tiyak na dapat silang patayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
ואיש אשר יקח את אשה ואת אמה--זמה הוא באש ישרפו אתו ואתהן ולא תהיה זמה בתוככם | 14 |
Kung pakasalan ng isang lalaki ang isang babae at pakasalan din ang kanyang ina, ito ay kasamaan. Dapat silang sunugin, kapwa siya at ang mga babae, upang hindi magkaroon ng kasamaan sa inyo.
ואיש אשר יתן שכבתו בבהמה--מות יומת ואת הבהמה תהרגו | 15 |
Kung sumiping ang isang lalaki sa isang hayop, tiyak na dapat siyang patayin, at dapat ninyong patayin ang hayop.
ואשה אשר תקרב אל כל בהמה לרבעה אתה--והרגת את האשה ואת הבהמה מות יומתו דמיהם בם | 16 |
Kung lumapit ang isang babae sa anumang hayop para sipingan ito, dapat ninyong patayin ang babae at ang hayop. Tiyak na dapat silang patayin. Sila ay nagkasala at karapat-dapat mamatay.
ואיש אשר יקח את אחתו בת אביו או בת אמו וראה את ערותה והיא תראה את ערותו חסד הוא--ונכרתו לעיני בני עמם ערות אחתו גלה עונו ישא | 17 |
Kung sumiping ang isang lalaki sa kanyang kapatid na babae, alinman sa anak na babae ng kanyang ama o alinman sa anak na babae ng kanyang ina—kung sumiping siya sa babae at ang babae sa kanya, ito ay isang kahiya-hiyang bagay. Dapat silang alisin mula sa presensiya ng kanyang mga tao, dahil sumiping siya sa kanyang kapatid na babae. Dapat niyang dalhin ang kanyang kasalanan.
ואיש אשר ישכב את אשה דוה וגלה את ערותה את מקרה הערה והוא גלתה את מקור דמיה--ונכרתו שניהם מקרב עמם | 18 |
Kung sipingan ng isang lalaki ang isang babae sa panahon ng kanyang pagreregla at nakipagtalik sa kaniya, binuksan niya ang agusan ng kanyang dugo, ang pinagmumulan ng kanyang dugo. Kapwa ang lalaki at babae ay dapat alisin mula sa kanilang bayan.
וערות אחות אמך ואחות אביך לא תגלה כי את שארו הערה עונם ישאו | 19 |
Hindi ninyo dapat sipingan ang kapatid na babae ng inyong ina, ni kapatid na babae ng inyong ama, dahil ipapahiya ninyo ang inyong malapit na kamag-anak. Dapat ninyong dalhin ang sarili ninyong kasalanan.
ואיש אשר ישכב את דדתו--ערות דדו גלה חטאם ישאו ערירים ימתו | 20 |
Kung sipingan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang tiyuhin, ipinahiya niya ang kanyang tiyuhin. Dapat nilang dalhin ang sarili nilang kasalanan at mamatay ng walang anak.
ואיש אשר יקח את אשת אחיו--נדה הוא ערות אחיו גלה ערירים יהיו | 21 |
Kung pakasalan ng isang lalaki ang asawa ng kanyang kapatid na lalaki, ito ay kalaswaan dahil nagkaroon siya ng kaugnayang lumalabag sa kasal ng kanyang kapatid na lalaki, at hindi sila magkakaanak.
ושמרתם את כל חקתי ואת כל משפטי ועשיתם אתם ולא תקיא אתכם הארץ אשר אני מביא אתכם שמה לשבת בה | 22 |
Kaya dapat ninyong sundin ang lahat ng aking mga batas at lahat ng aking mga utos; dapat ninyong sundin ang mga ito sa gayon hindi kayo isusuka ng lupain kung saan ko kayo dadalhin para manirahan.
ולא תלכו בחקת הגוי אשר אני משלח מפניכם כי את כל אלה עשו ואקץ בם | 23 |
Hindi kayo dapat mamuhay sa mga kaugalian ng mga bansang itataboy ko sa harapan ninyo, dahil ginawa nila ang lahat ng mga bagay na ito, at kinamumuhian ko ang mga ito.
ואמר לכם אתם תירשו את אדמתם ואני אתננה לכם לרשת אתה ארץ זבת חלב ודבש אני יהוה אלהיכם אשר הבדלתי אתכם מן העמים | 24 |
Sinabi ko sa inyo, “Mamanahin ninyo ang kanilang lupain; ibibigay ko ito sa inyo para angkinin, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot. Ako si Yahweh na inyong Diyos, na siyang naghiwalay sa inyo mula sa ibang mga tao.
והבדלתם בין הבהמה הטהרה לטמאה ובין העוף הטמא לטהר ולא תשקצו את נפשתיכם בבהמה ובעוף ובכל אשר תרמש האדמה אשר הבדלתי לכם לטמא | 25 |
Kaya dapat ninyong kilalanin ang kaibahan ng malinis na mga hayop at ng marumi, at kaibahan ng maruming mga ibon at ang malinis. Huwag dapat ninyong dungisan ang inyong mga sarili ng mga maruming hayop o mga ibon o anumang nilikhang gumagapang sa lupa, na inihiwalay ko bilang marumi mula sa inyo.
והייתם לי קדשים כי קדוש אני יהוה ואבדל אתכם מן העמים להיות לי | 26 |
Kayo ay dapat maging banal, dahil Ako, si Yahweh, ay banal, at ibinukod ko kayo mula sa ibang mga tao, dahil kayo ay aking pag-aari.
ואיש או אשה כי יהיה בהם אוב או ידעני--מות יומתו באבן ירגמו אתם דמיהם בם | 27 |
Tiyak na dapat patayin ang isang lalaki o isang babaeng nakikipag-usap sa patay o nakikipag-usap sa mga espiritu. Dapat silang batuhin ng mga tao gamit ang mga bato. Sila ay nagkasala at nararapat mamatay.”'