< איכה 5 >

זכר יהוה מה היה לנו הביט (הביטה) וראה את חרפתנו 1
Iyong alalahanin, Yahweh, kung ano ang nangyari sa amin. Masdan at tingnan ang aming kahihiyan.
נחלתנו נהפכה לזרים בתינו לנכרים 2
Ibinigay sa mga dayuhan ang aming mana; ang aming mga tahanan sa mga dayuhan.
יתומים היינו אין (ואין) אב אמתינו כאלמנות 3
Naging mga ulila kami, sapagkat wala na kaming mga ama, at katulad ng mga balo ang aming mga ina.
מימינו בכסף שתינו עצינו במחיר יבאו 4
Nagkakahalaga ng pilak ang tubig na aming iinumin, at ipinagbibili sa amin ang aming sariling kahoy.
על צוארנו נרדפנו יגענו לא (ולא) הונח לנו 5
Hinahabol kami ng aming mga kaaway; sila ay napakalapit na humihinga na sa aming mga leeg. Pagod na kami; wala ng kapahingahan para sa amin.
מצרים נתנו יד אשור לשבע לחם 6
Iniaabot namin ang aming mga kamay sa mga taga-Egipto at mga taga-Asiria upang mabusog sa pagkain.
אבתינו חטאו אינם (ואינם) אנחנו (ואנחנו) עונתיהם סבלנו 7
Nagkasala ang aming mga ama; wala na sila, at pinasan namin ang kanilang mga kasalanan.
עבדים משלו בנו פרק אין מידם 8
Pinamunuan kami ng mga alipin, at wala ni isang makapagligtas sa amin sa kanilang mga kamay.
בנפשנו נביא לחמנו מפני חרב המדבר 9
Inilagay namin sa panganib ang aming mga buhay upang kunin ang aming mga tinapay sa pagharap sa mga espada sa ilang.
עורנו כתנור נכמרו מפני זלעפות רעב 10
Tulad ng isang hurno ang aming mga balat, nasunog mula sa init ng pagkagutom.
נשים בציון ענו בתלת בערי יהודה 11
Pinagsamantalahan nila ang mga kababaihan sa Zion, ang mga birhen sa mga lungsod ng Juda.
שרים בידם נתלו פני זקנים לא נהדרו 12
Ibinitin nila ang mga prinsipe sa pamamagitan ng sarili nilang mga kamay, at hindi nila iginagalang ang mga nakatatanda.
בחורים טחון נשאו ונערים בעץ כשלו 13
Dinala nila ang mga masisiglang na kalalakihan sa gilingan, at ang mga susuray-suray na binata sa ilalim ng mga puno ng kahoy.
זקנים משער שבתו בחורים מנגינתם 14
Tinanggal nila ang mga nakatatanda sa tarangkahan sa lungsod at ang masisiglang kalalakihan mula sa kanilang tugtugin.
שבת משוש לבנו נהפך לאבל מחלנו 15
Tumigil ang kagalakan ng aming mga puso; napalitan ng pagluluksa ang aming pagsasayaw.
נפלה עטרת ראשנו אוי נא לנו כי חטאנו 16
Nahulog ang korona mula sa aming mga ulo! sa aba namin! Sapagkat nangagkasala kami.
על זה היה דוה לבנו--על אלה חשכו עינינו 17
Nagkasakit ang aming mga puso, at lumabo ang aming mga mata,
על הר ציון ששמם שועלים הלכו בו 18
dahil gumagala ang mga asong gubat sa Bundok ng Zion na iniwanan.
אתה יהוה לעולם תשב כסאך לדור ודור 19
Ngunit ikaw si Yahweh, maghari ka magpakailanman, at ang iyong luklukan ay mula sa sali't salinlahi.
למה לנצח תשכחנו תעזבנו לארך ימים 20
Bakit mo kami kakalimutan ng magpakailanman? Pababayaan mo ba kami ng napakatagal?
השיבנו יהוה אליך ונשוב (ונשובה) חדש ימינו כקדם 21
Panumbalikin mo kami sa iyo, Yahweh at magsisisi kami. Papanumbalikin mo ang aming mga araw gaya nang unang panahon,
כי אם מאס מאסתנו קצפת עלינו עד מאד 22
maliban na lamang kung kami ay tunay na tinanggihan at labis ang iyong galit sa amin.

< איכה 5 >