< יהושע 13 >

ויהושע זקן בא בימים ויאמר יהוה אליו אתה זקנתה באת בימים והארץ נשארה הרבה מאד לרשתה 1
Ngayon matanda na si Josue at nasa ganap ng mga taon nang sinabi ni Yahweh sa kaniya, “Matanda ka na at marami ng taon ang iyong dinaanan, pero napakarami pa ring lupain ang bibihagin.
זאת הארץ הנשארת כל גלילות הפלשתים וכל הגשורי 2
Ito pa rin ang lupaing natitira: lahat ng mga rehiyon ng mga Palestina, at lahat ng mga Gessureo,
מן השיחור אשר על פני מצרים ועד גבול עקרון צפונה--לכנעני תחשב חמשת סרני פלשתים העזתי והאשדודי האשקלוני הגתי והעקרוני והעוים 3
(mula sa Sihor, na nasa silangan ng Ehipto, at pahilaga sa hangganan ng Ekron, na itinuring na ari-arian ng mga Cananaeo; ang limang namumuno ng Palestina, ng mga Gazeo, Asdodeo, Ashkelon, Gath, at Ekron—ang nasasakupan ng mga Awites).
מתימן כל ארץ הכנעני ומערה אשר לצידנים--עד אפקה עד גבול האמרי 4
Doon sa timog, mayroon pa rin lahat ng mga lupain ng mga Cananaeo, at Meara na pag-aari ng mga taga-Sidon, sa Apek, sa hangganan ng mga Amoreo;
והארץ הגבלי וכל הלבנון מזרח השמש מבעל גד תחת הר חרמון--עד לבוא חמת 5
ang lupain ng mga Gebalita, ang buong Lebanon patungo sa sikat ng araw, mula sa Baal Gad sa ibaba ng Bundok Hermon hanggang Lebo Hamat.
כל ישבי ההר מן הלבנון עד משרפת מים כל צידנים--אנכי אורישם מפני בני ישראל רק הפלה לישראל בנחלה כאשר צויתיך 6
Gayon din, lahat ng mga naninirahan sa maburol na lupain mula sa Lebanon hanggang sa Misrepot Maim, kabilang ang buong bayan ng Sidon. Itataboy ko sila sa harapan ng mga hukbo ng Israel. Tiyaking italaga ang lupain sa Israel bilang isang pamana, ayon sa inutos ko sa iyo.
ועתה חלק את הארץ הזאת בנחלה--לתשעת השבטים וחצי השבט המנשה 7
Hatiin ang lupaing ito bilang isang pamana para sa siyam na lipi at para sa kalahating lipi ni Manases.”
עמו הראובני והגדי לקחו נחלתם--אשר נתן להם משה בעבר הירדן מזרחה כאשר נתן להם משה עבד יהוה 8
Kasama ang ibang kalahating lipi ni Manases, ang mga Rubenita at ang mga Gadita ay nakatanggap ng kanilang mga mana na ibinigay ni Moises sa kanila sa bandang silangan ng Jordan,
מערוער אשר על שפת נחל ארנון והעיר אשר בתוך הנחל וכל המישר מידבא--עד דיבון 9
mula sa Aroer, na nasa gilid ng bangin sa ilog Arnon (kabilang ang lungsod na nasa gitna ng bangin), sa lahat ng kapatagan ng Medeba hanggang sa Dibon;
וכל ערי סיחון מלך האמרי אשר מלך בחשבון--עד גבול בני עמון 10
lahat ng mga lungsod ng Sihon, hari ng mga Amoreo, na namuno sa Hesbon, sa hangganan ng mga Ammonita;
והגלעד וגבול הגשורי והמעכתי וכל הר חרמון וכל הבשן--עד סלכה 11
Galaad, at ang rehiyon ng mga Gesurita at mga Maacateo, buong Bundok Hermon, buong Basan hanggang Saleca;
כל ממלכות עוג בבשן אשר מלך בעשתרות ובאדרעי הוא נשאר מיתר הרפאים ויכם משה וירשם 12
ang buong kaharian ng Og sa Basan, na naghari sa Astarot at Edrei—ito ang mga naiwan sa labi ng Rephaim—sinalakay sila ni Moises gamit ang espada at itinaboy sila.
ולא הורישו בני ישראל את הגשורי ואת המעכתי וישב גשור ומעכת בקרב ישראל עד היום הזה 13
Pero hindi pinalayas ng bayan ng Israel ang mga Gesurita o ang mga Maacateo. Sa halip, nanirahan ang Gesur at Maacat sa Israel hanggang sa araw na ito.
רק לשבט הלוי לא נתן נחלה אשי יהוה אלהי ישראל הוא נחלתו כאשר דבר לו 14
Ang lipi lamang ni Levi ang hindi binigyan ni Moises ng pamana. “Ang mga handog kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, gumawa sa pamamagitan ng apoy,” ang kanilang pamana, tulad ng sinabi ng Diyos kay Moises.
ויתן משה למטה בני ראובן למשפחתם 15
Binigyan ni Moises ng isang pamana ang lipi ni Ruben, angkan sa angkan.
ויהי להם הגבול מערוער אשר על שפת נחל ארנון והעיר אשר בתוך הנחל וכל המישר--על מידבא 16
Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Aroer, sa gilid ng bangin ng Ilog Arnon, at ang lungsod na nasa gitna ng lambak, at buong kapatagan sa Medeba.
חשבון וכל עריה אשר במישר דיבן ובמות בעל ובית בעל מעון 17
Tinanggap din ni Ruben ang Hesbon, at ang lahat ng mga lungsod nito na nasa kapatagan, Dibon, at Bamoth Baal, at Beth Baalmeon,
ויהצה וקדמת ומפעת 18
at Jahaz, at Kademot, at Mepaat,
וקריתים ושבמה וצרת השחר בהר העמק 19
at Kiriataim, at Sibma, at Zeretsahar sa burol ng lambak.
ובית פעור ואשדות הפסגה ובית הישמות 20
Tinanggap din ni Ruben ang Beth Peor, ang mga libis ng Pisga, Beth Jeshimot,
וכל ערי המישר וכל ממלכות סיחון מלך האמרי אשר מלך בחשבון אשר הכה משה אתו ואת נשיאי מדין את אוי ואת רקם ואת צור ואת חור ואת רבע נסיכי סיחון ישבי הארץ 21
lahat ng mga lungsod ng kapatagan, at ang buong kaharian ni Sihon na hari ng mga Amoreo, na naghari sa Hesbon, na magkasamang tinalo ni Moises kasama ang mga pinuno ng Midian, Evi, Rekem, Zur, Hur at Reba, ang mga prinsipe ni Sihon, na nanirahan sa lupain.
ואת בלעם בן בעור הקוסם--הרגו בני ישראל בחרב אל חלליהם 22
Pinatay din ng bayan ng Israel si Balaam na anak na lalaki ni Beor gamit ang espada, na nagsanay sa paghula, kasama ang ibang pinatay nila.
ויהי גבול בני ראובן--הירדן וגבול זאת נחלת בני ראובן למשפחותם הערים וחצריהן 23
Ang hangganan ng lipi ni Ruben ay ang Ilog Jordan; ito ang kanilang hangganan. Ito ang pamana ng lipi ni Ruben, ibinigay sa bawat mga angkan nila, kasama ng kanilang mga lungsod at mga nayon.
ויתן משה למטה גד לבני גד למשפחתם 24
Ito ang ibinigay ni Moises sa lipi ni Gad, angkan sa angkan:
ויהי להם הגבול--יעזר וכל ערי הגלעד וחצי ארץ בני עמון עד ערוער אשר על פני רבה 25
Ang kanilang nasasakupan ay Jacer, lahat ng mga lungsod ng Galaad at kalahati ng lupa ng mga Ammonita, hanggang Aroer, na nasa silangan ng Rabba,
ומחשבון עד רמת המצפה ובטנים וממחנים עד גבול לדבר 26
mula sa Hesbon hanggang sa Ramath Mizpeh at Betonim, mula sa Mahanaim hanggang sa nasasakupan ng Debir.
ובעמק בית הרם ובית נמרה וסכות וצפון יתר ממלכות סיחון מלך חשבון הירדן וגבל--עד קצה ים כנרת עבר הירדן מזרחה 27
Doon sa lambak, binigay sa kanila ni Moises ang Beth Haram, Beth Nimra, Sucot, at Zapon, ang natitirang kaharian ni Sihon na hari ng Hesbon, kasama ang Jordan bilang isang hangganan, hanggang sa ibabang dulo ng dagat ng Cinneret, pasilangan sa ibayo ng Jordan.
זאת נחלת בני גד למשפחתם הערים וחצריהם 28
Ito ang pamana ng lipi ni Gad, angkan sa angkan, kasama ang kanilang mga lungsod at mga nayon.
ויתן משה לחצי שבט מנשה ויהי לחצי מטה בני מנשה--למשפחותם 29
Nagbigay ng pamana si Moises sa kalahating lipi ni Manases. Itinalaga ito sa kalahating lipi ng bayan ni Manases, ibinigay sa bawat mga lipi nila.
ויהי גבולם ממחנים כל הבשן כל ממלכות עוג מלך הבשן וכל חות יאיר אשר בבשן--ששים עיר 30
Ang kanilang nasasakupan ay mula sa Mahanaim, buong Basan, buong kaharian ni Og hari ng Basan, at sa buong bayan ng Jair, na nasa Basan, animnapung lungsod;
וחצי הגלעד ועשתרות ואדרעי ערי ממלכות עוג בבשן לבני מכיר בן מנשה לחצי בני מכיר למשפחותם 31
kalahati ng Galaad, at Astarot at Edrei (ang mga maharlikang lungsod ng Og sa Basan). Ito ang mga itinalaga sa angkan ni Machir na anak na lalaki ni Manases—kalahati ng bayan ni Machir, na ibinigay sa bawat mga pamilya nila.
אלה אשר נחל משה בערבות מואב מעבר לירדן יריחו מזרחה 32
Ito ang pamana na itinalaga ni Moises sa kanila sa mga kapatagan ng Moab, sa ibayo ng Jordan silangan ng Jerico.
ולשבט הלוי--לא נתן משה נחלה יהוה אלהי ישראל הוא נחלתם כאשר דבר להם 33
Hindi binigyan ni Moises ng pamana ang lipi ng Levi. Yahweh, ang Diyos ng Israel ang kanilang pamana, tulad ng sinabi niya sa kanila.

< יהושע 13 >