< יואל 1 >
דבר יהוה אשר היה אל יואל בן פתואל | 1 |
Ito ang salita ni Yahweh na dumating kay Joel na anak ni Petuel.
שמעו זאת הזקנים והאזינו כל יושבי הארץ ההיתה זאת בימיכם ואם בימי אבתיכם | 2 |
Pakinggan ito, kayong mga nakatatanda, at makinig kayo, lahat kayong naninirahan sa lupain. Nangyari na ba ito noon sa inyong panahon o sa panahon ng inyong mga ninuno?
עליה לבניכם ספרו ובניכם לבניהם ובניהם לדור אחר | 3 |
Sabihin ninyo sa inyong mga anak ang tungkol dito at sabihin ng inyong mga anak sa kanilang mga anak at ng kanilang mga anak sa susunod na henerasyon.
יתר הגזם אכל הארבה ויתר הארבה אכל הילק ויתר הילק אכל החסיל | 4 |
Ang iniwan ng napakaraming nagliliparang balang ay kinain ng mga malalaking balang, ang iniwan ng mga malalaking balang ay kinain ng mga tipaklong, at ang iniwan ng mga tipaklong ay kinain ng mga uod.
הקיצו שכורים ובכו והיללו כל שתי יין על עסיס כי נכרת מפיכם | 5 |
Gumising kayo, kayong mga lasenggo at tumangis! Humagulhol kayo, lahat kayong mga manginginom ng alak dahil ang matamis na alak ay pinahinto na sa inyo.
כי גוי עלה על ארצי עצום ואין מספר שניו שני אריה ומתלעות לביא לו | 6 |
Sapagkat dumating ang isang bansang malakas at hindi mabilang sa aking lupain. Ang kaniyang ngipin ay ngipin ng leon at mayroon siyang ngipin ng babaeng leon.
שם גפני לשמה ותאנתי לקצפה חשף חשפה והשליך הלבינו שריגיה | 7 |
Ginawa niyang katakot-takot na lugar ang aking ubasan at tinalupan ang aking puno ng igos. Binaklas niya ang upak at itinapon ito, ang mga sanga nito ay namuti.
אלי כבתולה חגרת שק על בעל נעוריה | 8 |
Magluksa kayo gaya ng isang birheng nakadamit ng telang magaspang dahil sa pagkamatay ng kaniyang batang asawa.
הכרת מנחה ונסך מבית יהוה אבלו הכהנים משרתי יהוה | 9 |
Ang butil na handog at inuming handog ay pinahinto sa tahanan ni Yahweh. Nagdadalamhati ang mga paring lingkod ni Yahweh.
שדד שדה אבלה אדמה כי שדד דגן הוביש תירוש אמלל יצהר | 10 |
Winasak ang mga bukirin at ang lupa ay nagdadalamhati. Sapagkat sinira ang butil, natuyo ang bagong alak at nabulok ang langis.
הבישו אכרים הילילו כרמים על חטה ועל שערה כי אבד קציר שדה | 11 |
Mahiya kayo, kayong mga magsasaka at humagulhol kayo, kayong mga nagpapalaki ng puno ng ubas, para sa trigo at sebada. Sapagkat namatay ang ani ng mga bukirin.
הגפן הובישה והתאנה אמללה רמון גם תמר ותפוח כל עצי השדה יבשו--כי הביש ששון מן בני אדם | 12 |
Nalanta ang mga puno ng ubas at natuyo ang mga puno ng igos, ang mga puno ng granada, gayon din ang mga puno ng palma at mga puno ng mansanas— ang lahat ng puno ng bukirin ay nalanta. Sapagkat nalanta ang kagalakan mula sa mga kaapu-apuhan ng tao.
חגרו וספדו הכהנים הילילו משרתי מזבח--באו לינו בשקים משרתי אלהי כי נמנע מבית אלהיכם מנחה ונסך | 13 |
Magsuot kayo ng telang magaspang at magdalamhati kayo, kayong mga pari! Humagulhol kayo, kayong mga lingkod ng altar. Halikayo, humiga nang buong gabi na nakasuot ng telang magaspang, kayong mga lingkod ng aking Diyos. Sapagkat itinigil ang butil na handog at inuming handog sa tahanan ng inyong Diyos.
קדשו צום קראו עצרה--אספו זקנים כל ישבי הארץ בית יהוה אלהיכם וזעקו אל יהוה | 14 |
Magpatawag kayo para sa isang banal na pag-aayuno at magpatawag kayo para sa isang banal na pagtitipon. Tipunin ninyo sa tahanan ni Yahweh, na inyong Diyos, ang mga nakatatanda at lahat ng naninirahan sa lupain at umiyak kay Yahweh.
אהה ליום כי קרוב יום יהוה וכשד משדי יבוא | 15 |
Oh sa araw na iyon! Sapagkat ang araw ni Yahweh ay malapit na. Kasama nitong darating ang pagkawasak na mula sa Makapangyarihan.
הלוא נגד עינינו אכל נכרת מבית אלהינו שמחה וגיל | 16 |
Hindi ba't nawala sa ating mga paningin ang pagkain, kagalakan at kasayahan mula sa tahanan ng ating Diyos?
עבשו פרדות תחת מגרפתיהם--נשמו אצרות נהרסו ממגרות כי הביש דגן | 17 |
Nabulok ang mga buto sa ilalim ng tumpok ng lupa, pinabayaan ang mga kamalig at giniba ang mga kamalig sapagkat nalanta ang butil.
מה נאנחה בהמה נבכו עדרי בקר--כי אין מרעה להם גם עדרי הצאן נאשמו | 18 |
Ganoon na lamang ang atungal ng mga hayop! Nagdurusa ang mga kawan ng baka dahil wala silang pastulan. Ganoon din, ang mga kawan ng tupa ay nagdurusa.
אליך יהוה אקרא כי אש אכלה נאות מדבר ולהבה להטה כל עצי השדה | 19 |
Yahweh, dumadaing ako sa iyo. Sapagkat nilamon ng apoy ang mga pastulan sa ilang, at sinunog ng apoy ang lahat ng puno sa parang.
גם בהמות שדה תערוג אליך כי יבשו אפיקי מים ואש אכלה נאות המדבר | 20 |
Kahit ang mga hayop sa parang ay nagsisihingal sa iyo, sapagkat natuyo ang tubig sa batis, at nilamon ng apoy ang mga pastulan sa ilang.