< איוב 40 >

ויען יהוה את-איוב ויאמר 1
Bukod dito'y sumagot ang Panginoon kay Job, at nagsabi,
הרב עם-שדי יסור מוכיח אלוה יעננה 2
Magmamatapang ba siya na makipagtalo sa Makapangyarihan sa lahat? Siyang nakikipagkatuwiranan sa Dios, ay sagutin niya ito.
ויען איוב את-יהוה ויאמר 3
Nang magkagayo'y sumagot si Job sa Panginoon, at nagsabi,
הן קלתי מה אשיבך ידי שמתי למו-פי 4
Narito, ako'y walang kabuluhan; anong isasagot ko sa iyo? Aking inilalagay ang aking kamay sa aking bibig,
אחת דברתי ולא אענה ושתים ולא אוסיף 5
Minsan ay nagsalita ako, at hindi ako sasagot: Oo, makalawa, nguni't hindi ako magpapatuloy.
ויען-יהוה את-איוב מנסערה (מן סערה) ויאמר 6
Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
אזר-נא כגבר חלציך אשאלך והודיעני 7
Magbigkis ka ng iyong mga balakang ngayon na parang lalake: ako'y magtatanong sa iyo at magpahayag ka sa akin.
האף תפר משפטי תרשיעני למען תצדק 8
Iyo bang wawaling kabuluhan ang aking kahatulan? Iyo bang hahatulan ako, upang ikaw ay ariing ganap?
ואם-זרוע כאל לך ובקול כמהו תרעם 9
O mayroon ka bang kamay na parang Dios? At makakukulog ka ba ng tinig na gaya niya?
עדה נא גאון וגבה והוד והדר תלבש 10
Magpakagayak ka ngayon ng karilagan at karapatan; at magbihis ka ng karangalan at kalakhan.
הפץ עברות אפך וראה כל-גאה והשפילהו 11
Ibugso mo ang mga alab ng iyong galit: at tunghan mo ang bawa't palalo, at abain mo siya.
ראה כל-גאה הכניעהו והדך רשעים תחתם 12
Masdan mo ang bawa't palalo, at papangumbabain mo siya; at iyong tungtungan ang masama sa kaniyang tayuan.
טמנם בעפר יחד פניהם חבש בטמון 13
Ikubli mo sila sa alabok na magkakasama; talian mo ang kanilang mukha sa lihim na dako.
וגם-אני אודך כי-תושע לך ימינך 14
Kung magkagayo'y ipahayag naman kita; na maililigtas ka ng iyong kanan.
הנה-נא בהמות אשר-עשיתי עמך חציר כבקר יאכל 15
Narito ngayon, ang hayop na behemot na aking ginawang kasama mo: siya'y kumakain ng damo na gaya ng baka.
הנה-נא כחו במתניו ואונו בשרירי בטנו 16
Narito, ngayon, ang kaniyang lakas ay nasa kaniyang mga balakang, at ang kaniyang kalakasan ay nasa kalamnan ng kaniyang tiyan.
יחפץ זנבו כמו-ארז גידי פחדו ישרגו 17
Kaniyang iginagalaw ang kaniyang buntot na parang isang cedro: ang mga litid ng kaniyang mga hita ay nangagkakasabiran.
עצמיו אפיקי נחשה גרמיו כמטיל ברזל 18
Ang kaniyang mga buto ay parang mga tubong tanso; ang kaniyang mga paa ay parang mga halang na bakal.
הוא ראשית דרכי-אל העשו יגש חרבו 19
Siya ang pinakapangulo sa mga daan ng Dios: ang lumalang sa kaniya, ang makapaglalapit lamang ng tabak sa kaniya.
כי-בול הרים ישאו-לו וכל-חית השדה ישחקו-שם 20
Tunay na ang mga bundok ay naglalabas sa kaniya ng pagkain; na pinaglalaruan ng lahat ng mga hayop sa parang.
תחת-צאלים ישכב-- בסתר קנה ובצה 21
Siya'y humihiga sa ilalim ng punong loto, sa puwang ng mga tambo, at mga lumbak.
יסכהו צאלים צללו יסבוהו ערבי-נחל 22
Nilililiman siya ng mga puno ng loto ng kanilang lilim; nililigid sa palibot ng mga sauce sa batis.
הן יעשק נהר לא יחפוז יבטח כי-יגיח ירדן אל-פיהו 23
Narito, kung bumubugso ang isang ilog hindi nanginginig: siya'y tiwasay bagaman umapaw ang Jordan hanggang sa kaniyang bunganga.
בעיניו יקחנו במוקשים ינקב-אף 24
May kukuha ba sa kaniya pag siya'y natatanod, o may tutuhog ba ng kaniyang ilong sa pamamagitan ng isang silo.

< איוב 40 >