< איוב 38 >

ויען-יהוה את-איוב מנהסערה (מן הסערה) ויאמר 1
Nang magkagayo'y sumagot ang Panginoon kay Job mula sa ipoipo, at nagsabi,
מי זה מחשיך עצה במלין-- בלי-דעת 2
Sino ito na nagpapadilim ng payo sa pamamagitan ng mga salita na walang kaalaman?
אזר-נא כגבר חלציך ואשאלך והודיעני 3
Bigkisan mo ngayon ang iyong mga balakang na parang lalake: sapagka't tatanungin kita at magpapahayag ka sa akin.
איפה היית ביסדי-ארץ הגד אם-ידעת בינה 4
Saan ka nandoon nang ilagay ko ang mga patibayan ng lupa? Ipahayag mo, kung mayroon kang unawa.
מי-שם ממדיה כי תדע או מי-נטה עליה קו 5
Sinong naglagay ng mga sukat niyaon, kung iyong nalalaman? O sinong nagunat ng panukat diyan?
על-מה אדניה הטבעו או מי-ירה אבן פנתה 6
Sa ano nalagay ang kaniyang mga patibayan? O sinong naglagay ng batong panulok niyaon;
ברן-יחד כוכבי בקר ויריעו כל-בני אלהים 7
Nang magsiawit na magkakasama ang mga bituin pang-umaga. At ang lahat ng mga anak ng Dios ay naghihiyawan sa kagalakan?
ויסך בדלתים ים בגיחו מרחם יצא 8
O sinong nagsara ng mga pinto sa dagat, nang magpumiglas na gaya ng pagpiglas mula sa bahay-bata?
בשומי ענן לבשו וערפל חתלתו 9
Nang gawin ko ang alapaap na bihisan niyaon, at ang salimuot na kadiliman na pinakabalot niyaon,
ואשבר עליו חקי ואשים בריח ודלתים 10
At aking itinatag doon ang aking pasiya, at nilagyan ko ng mga halang at mga pinto,
ואמר--עד-פה תבוא ולא תסיף ופא-ישית בגאון גליך 11
At aking sinabi, Hanggang dito ay darating ka, nguni't hindi ka na lalagpas: at dito'y titigil ang iyong mga palalong alon?
המימיך צוית בקר ידעתה שחר (ידעת השחר) מקמו 12
Nagutos ka ba sa umaga mula sa iyong mga kaarawan, at ipinabatid mo ba sa bukang liwayway ang kaniyang dako;
לאחז בכנפות הארץ וינערו רשעים ממנה 13
Upang humawak sa mga wakas ng lupa, at ang masasama ay maugoy doon?
תתהפך כחמר חותם ויתיצבו כמו לבוש 14
Nababagong parang putik sa ilalim ng tatak; at lahat ng mga bagay ay nagiging gaya ng bihisan:
וימנע מרשעים אורם וזרוע רמה תשבר 15
At sa masama ay inalis ang kanilang liwanag, at ang mataas na kamay ay mababali.
הבאת עד-נבכי-ים ובחקר תהום התהלכת 16
Pumasok ka ba sa mga bukal ng dagat? O lumakad ka ba sa mga landas ng kalaliman?
הנגלו לך שערי-מות ושערי צלמות תראה 17
Nangahayag ba sa iyo ang mga pintuan ng kamatayan? O nakita mo ba ang mga pinto ng anino ng kamatayan?
התבננת עד-רחבי-ארץ הגד אם-ידעת כלה 18
Iyo bang nabatid ang kaluwangan ng lupa? Ipahayag mo, kung iyong nalalamang lahat.
אי-זה הדרך ישכן-אור וחשך אי-זה מקמו 19
Saan nandoon ang daan na patungo sa tahanan ng liwanag, at tungkol sa kadiliman, saan nandoon ang dako niyaon;
כי תקחנו אל-גבולו וכי-תבין נתיבות ביתו 20
Upang iyong madala sa hangganan niyaon, at upang iyong gunitain ang mga landas hanggang sa bahay niyaon?
ידעת כי-אז תולד ומספר ימיך רבים 21
Marahil nalalaman mo, sapagka't ikaw nga'y ipinanganak noon, at ang bilang ng iyong mga kaarawan ay marami?
הבאת אל-אצרות שלג ואוצרות ברד תראה 22
Pumasok ka ba sa mga tipunan ng nieve, o nakita mo ba ang mga tipunan ng granizo,
אשר-חשכתי לעת-צר ליום קרב ומלחמה 23
Na aking itinaan laban sa panahon ng kabagabagan, laban sa kaarawan ng pagbabaka at pagdidigma?
אי-זה הדרך יחלק אור יפץ קדים עלי-ארץ 24
Sa aling daan naghiwalay ang liwanag, o sa hanging silanganan na lumalaganap sa ibabaw ng lupa?
מי-פלג לשטף תעלה ודרך לחזיז קלות 25
Sinong humukay ng bangbang sa mga bugso ng tubig, o ng daanan ng kidlat ng kulog;
להמטיר על-ארץ לא-איש-- מדבר לא-אדם בו 26
Upang magpaulan sa lupa, na hindi tinatahanan ng tao, sa ilang na doon ay walang tao.
להשביע שאה ומשאה ולהצמיח מצא דשא 27
Upang busugin ang giba at sirang lupa; at upang pasibulin ang sariwang damo?
היש-למטר אב או מי-הוליד אגלי-טל 28
May ama ba ang ulan? O sinong nanganak sa mga patak ng hamog?
מבטן מי יצא הקרח וכפר שמים מי ילדו 29
Sa kaninong bahay-bata nagmula ang hielo? At ang escarcha sa himpapawid, ay ipinanganak nino?
כאבן מים יתחבאו ופני תהום יתלכדו 30
Ang mga tubig ay nakukubling gaya ng bato, at ang ibabaw ng kalaliman ay namumuno.
התקשר מעדנות כימה או-משכות כסיל תפתח 31
Matatalian mo ba ang pagkakaumpukan ng mga bituin na Pleyade, o makakalagan ang tali ng mga bituin na Orion?
התציא מזרות בעתו ועיש על-בניה תנחם 32
Mailalabas mo ba ang mga bituin na mga tanda ng Zodiaco sa kanilang kapanahunan? O mapapatnubayan mo ba ang Oso na kasama ng kaniyang mga anak?
הידעת חקות שמים אם-תשים משטרו בארץ 33
Nalalaman mo ba ang mga alituntunin ng langit? Maitatatag mo ba ang kapangyarihan niyaon sa lupa?
התרים לעב קולך ושפעת-מים תכסך 34
Mailalakas mo ba ang iyong tinig hanggang sa mga alapaap, upang takpan ka ng saganang tubig?
התשלח ברקים וילכו ויאמרו לך הננו 35
Makapagsusugo ka ba ng mga kidlat, upang magsiyaon, at magsabi sa iyo: Nangarito kami?
מי-שת בטחות חכמה או מי-נתן לשכוי בינה 36
Sinong naglagay ng karunungan sa mga pinakaloob na bahagi? O sinong nagbigay ng kaalaman sa pagiisip?
מי-יספר שחקים בחכמה ונבלי שמים מי ישכיב 37
Sinong makabibilang ng mga alapaap sa pamamagitan ng karunungan? O sinong makatutuyo ng mga botelya ng langit,
בצקת עפר למוצק ורגבים ידבקו 38
Pagka ang alabok ay napuputik, at ang mga bugal ay nanganinikit na maigi?
התצוד ללביא טרף וחית כפירים תמלא 39
Huhuli ka ba ng mahuhuli na ukol sa leong babae? O bubusugin mo baga ang kagutoman ng mga batang leon,
כי-ישחו במעונות ישבו בסכה למו-ארב 40
Pagka sila'y nagsisihilig sa kanilang mga lungga, at nagsisitahan sa guwang upang bumakay?
מי יכין לערב צידו כי-ילדו אל-אל ישועו יתעו לבלי-אכל 41
Sinong naghahanda sa uwak ng pagkain niya, pagka ang kaniyang mga inakay ay nagsisidaing sa Dios, at nagsisigala sa kakulangan ng pagkain.

< איוב 38 >