< איוב 21 >

ויען איוב ויאמר 1
Pagkatapos sumagot si Job at sinabing,
שמעו שמוע מלתי ותהי-זאת תנחומתיכם 2
“Pakinggang mabuti ang aking sasabihin, at hayaan ninyong maging tulong ninyo ito sa akin.
שאוני ואנכי אדבר ואחר דברי תלעיג 3
Pagtiisan ako, at magsasalita rin ako; pagkatapos kong magsalita, ipagpatuloy ninyo ang inyong panlalait.
האנכי לאדם שיחי ואם-מדוע לא-תקצר רוחי 4
Para sa akin, sa tao ba dapat ako magreklamo? Bakit hindi dapat ako mainip?
פנו-אלי והשמו ושימו יד על-פה 5
Tingnan ninyo ako at mabigla, at ilagay ninyo ang inyong mga kamay sa inyong mga bibig.
ואם-זכרתי ונבהלתי ואחז בשרי פלצות 6
Kapag iniisp ko ang aking mga paghihirap, ako ay nababagabag, at nananaig ang takot sa aking laman.
מדוע רשעים יחיו עתקו גם-גברו חיל 7
Bakit patuloy pang nabubuhay ang masasamang tao, tumatanda, at umaangat ang antas sa buhay?
זרעם נכון לפניהם עמם וצאצאיהם לעיניהם 8
Natatatag ang mga kaapu-apuhan nila sa kanilang paningin, at natatatag ang kanilang mga anak sa harap ng kanilang mga mata.
בתיהם שלום מפחד ולא שבט אלוה עליהם 9
Ligtas ang tahanan nila mula sa takot; kahit sa pamalo ng Diyos sa kanila.
שורו עבר ולא יגעל תפלט פרתו ולא תשכל 10
Nanganganak ang kanilang mga toro, at hindi nabibigo ang mga ito; nanganganak ang kanilang mga baka at hindi namamatay ang guya nito dahil sa maagang pagkapanganak nito.
ישלחו כצאן עויליהם וילדיהם ירקדון 11
Pinapalaya nila ang kanilang mga anak na parang mga kawan, at sumasayaw ang mga ito.
ישאו כתף וכנור וישמחו לקול עוגב 12
Umaawit sila sa tamburin at alpa at nagagalak sa tugtog ng plauta.
יבלו (יכלו) בטוב ימיהם וברגע שאול יחתו (Sheol h7585) 13
Lumilipas ang mga araw nila sa kasaganaan, at tahimik silang bumababa sa sheol. (Sheol h7585)
ויאמרו לאל סור ממנו ודעת דרכיך לא חפצנו 14
Sinasabi nila sa Diyos, 'Lumayo ka sa amin dahil wala kaming nais na malaman sa pamamaraan mo.
מה-שדי כי-נעבדנו ומה-נועיל כי נפגע-בו 15
Sino ba ang Makapangyarihan, na dapat namin siyang sambahin? Anong kapakinabangan ang makukuha namin kung nagdasal kami sa kaniya?'
הן לא בידם טובם עצת רשעים רחקה מני 16
Tingnan ninyo, hindi ba nasa mga kamay nila ang kanilang kasaganaan? Wala akong gagawin sa payo ng masasamang tao.
כמה נר-רשעים ידעך-- ויבא עלימו אידם חבלים יחלק באפו 17
Gaano kadalas pinapatay ang ilawan ng masasamang tao, o dumadating ang kapahamakan sa kanila? Gaano kadalas kinakalat ng Diyos ang kalungkutan sa kanila dahil sa kaniyang galit?
יהיו כתבן לפני-רוח וכמץ גנבתו סופה 18
Gaano sila kadalas nagiging katulad ng putol na halaman sa hangin o tulad ng ipa na tinatangay ng bagyo?
אלוה יצפן-לבניו אונו ישלם אליו וידע 19
Sinasabi ninyo, 'Nilalaan ng Diyos ang kasalanan ng tao para pagbayaran ng kaniyang mga anak'. Hayaan mo siyang pagbayaran ito mismo, para malaman niya kung ano ang kasalanan niya.
יראו עינו כידו ומחמת שדי ישתה 20
Hayaan mong makita ng kaniyang mga mata ang sarili niyang pagkawasak, at hayaan mong inumin niya ang poot ng Makapangyarihan.
כי מה-חפצו בביתו אחריו ומספר חדשיו חצצו 21
Dahil ano ang pakialam niya sa kaniyang pamilya kapag naputol na ang kaniyang mga araw?
הלאל ילמד-דעת והוא רמים ישפוט 22
Mayroon bang makapagtuturo ng kaalaman sa Diyos dahil siya ang humahatol kahit ng mga nasa nakatataas?
זה--ימות בעצם תמו כלו שלאנן ושליו 23
Namamatay ang isang tao habang malakas pa siya, nang payapa at panatag.
עטיניו מלאו חלב ומח עצמותיו ישקה 24
Puno ang katawan niya ng gatas, at matibay ang kaniyang mga buto at nasa mabuting kalagayan.
וזה--ימות בנפש מרה ולא-אכל בטובה 25
Ang iba naman ay namamatay nang may kapaitan sa kaniyang kaluluwa, ang siyang hindi pa nakararanas ng kahit anong mabuti.
יחד על-עפר ישכבו ורמה תכסה עליהם 26
Pareho silang nahihiga sa alikabok; pareho silang binabalutan ng mga uod.
הן ידעתי מחשבותיכם ומזמות עלי תחמסו 27
Tingnan ninyo, alam ko ang nasa isip ninyo, alam ko ang mga paraan kung paano ninyo ako nais hamakin.
כי תאמרו איה בית-נדיב ואיה אהל משכנות רשעים 28
Dahil sinasabi ninyo, 'Nasaan na ngayon ang tahanan ng prinsipe? Nasaan na ang tolda na minsang pinapamahayan ng masama?'
הלא שאלתם עוברי דרך ואתתם לא תנכרו 29
Hindi ninyo pa ba tinatanong ang mga manlalakbay? Hindi ninyo ba alam ang katibayan na kaya nilang sabihin,
כי ליום איד יחשך רע ליום עברות יובלו 30
na ang masamang tao ay iniingatan mula sa araw ng kapahamakan, at nilalayo siya mula sa araw ng poot?
מי-יגיד על-פניו דרכו והוא-עשה מי ישלם-לו 31
Sino ang hahatol sa kaniya nang harapan dahil sa masasama niyang pamamaraan? Sino ang maghihiganti sa kaniya dahil sa kaniyang mga ginawa?
והוא לקברות יובל ועל-גדיש ישקוד 32
Pero ililibing siya; babantayan ng mga tao ang kaniyang puntod.
מתקו-לו רגבי-נחל ואחריו כל-אדם ימשוך ולפניו אין מספר 33
Magiging matamis sa kaniya ang mga tipak ng lambak; susundan siya ng lahat ng mga tao, dahil hindi mabilang ang tao na nauna sa kaniya.
ואיך תנחמוני הבל ותשובתיכם נשאר-מעל 34
Paano ninyo ako ngayon aaliwin sa pamamagitan ng walang kabuluhan, dahil walang mabuti sa mga sagot ninyo kung hindi puro kasinungalingan?”

< איוב 21 >