< איוב 20 >
Pagkatapos sumagot si Zofar ang taga-Naaman,
לכן שעפי ישיבוני ובעבור חושי בי | 2 |
“Mabilis akong pinapasagot ng aking kaisipan dahil sa aking pag-aalala.
מוסר כלמתי אשמע ורוח מבינתי יענני | 3 |
Nakarinig ako mula sa iyo ng isang pagsaway na nagpahiya sa akin, pero tinutugon ako ng espiritu na higit sa aking pang-unawa.
הזאת ידעת מני-עד מני שים אדם עלי-ארץ | 4 |
Hindi mo ba alam ang katotohanan na ito noong sinaunang panahon, nang nilagay ng Diyos ang tao sa lupa:
כי רננת רשעים מקרוב ושמחת חנף עדי-רגע | 5 |
saglit lang ang katagumpayan ng masama, at ang kagalakan ng taong hindi naniniwala diyos ay hindi nagtatagal?
אם-יעלה לשמים שיאו וראשו לעב יגיע | 6 |
Bagaman umabot sa kalangitan ang tangkad niya, at umabot ang ulo niya sa kaulapan,
כגללו לנצח יאבד ראיו יאמרו איו | 7 |
pero maglalaho ang taong iyon katulad ng kaniyang dumi; sasabihin ng mga nakakita sa kaniya, 'Nasaan siya?'
כחלום יעוף ולא ימצאהו וידד כחזיון לילה | 8 |
Lilipad siya palayo tulad ng panaginip at hindi na masusumpungan; itataboy siya palayo katulad ng pangitain sa gabi.
עין שזפתו ולא תוסיף ולא-עוד תשורנו מקומו | 9 |
Hindi na siya muling makikita ng mga mata na nakakita sa kaniya; hindi na siya muling makikita ng pinanggalingan niya.
בניו ירצו דלים וידיו תשבנה אונו | 10 |
Hihingi ng kapatawaran ang mga anak niya sa mga dukha, ibabalik ng mga kamay niya ang kaniyang kayamanan.
עצמותיו מלאו עלומו ועמו על-עפר תשכב | 11 |
Puno ng kasiglahan ang kaniyang mga buto, pero kasama niya itong hihiga sa kaniya sa alabok.
אם-תמתיק בפיו רעה-- יכחידנה תחת לשנו | 12 |
Bagaman matamis ang kasamaan sa kaniyang bibig, bagaman itinatago niya ito sa ilalim ng kaniyang dila,
יחמל עליה ולא יעזבנה וימנענה בתוך חכו | 13 |
bagaman pinipigilan niya ito at hindi pinapakawalan pero pinapanatili pa rin ito sa kaniyang bibig—
לחמו במעיו נהפך מרורת פתנים בקרבו | 14 |
magiging mapait ang pagkain sa kaniyang bituka, magiging kamandag ito ng mga ahas sa loob niya.
חיל בלע ויקאנו מבטנו ירשנו אל | 15 |
Nilulunok niya ang kaniyang mga kayamanan, pero isusuka niya ulit ito; palalabasin ito ng Diyos mula sa kaniyang tiyan.
ראש-פתנים יינק תהרגהו לשון אפעה | 16 |
Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas; papatayin siya ng dila ng ulupong.
אל-ירא בפלגות-- נהרי נחלי דבש וחמאה | 17 |
Hindi siya mabubuhay para magalak sa panonood ng mga ilog at dumadaloy na agos ng pulot at mantikilya.
משיב יגע ולא יבלע כחיל תמורתו ולא יעלס | 18 |
Pagbabayaran niya ang kaniyang mga pinaghirapan; hindi niya ito lulunukin; hindi siya magagalak sa kayamanan na nakuha niya.
כי-רצץ עזב דלים בית גזל ולא יבנהו | 19 |
Dahil inapi niya at pinabayaan ang mga dukha; sapilitan niyang inagaw ang mga bahay na hindi niya itinayo.
כי לא-ידע שלו בבטנו בחמודו לא ימלט | 20 |
Dahil hindi siya makahanap ng kasiyahan sa kaniyang sarili, hindi niya maliligtas ang kahit anong bagay na nagbibigay sa kaniya ng kaligayahan.
אין-שריד לאכלו על-כן לא-יחיל טובו | 21 |
Walang naiwang bagay ang hindi niya nilamon; kaya hindi magtatagal ang kaniyang kasaganaan.
במלאות שפקו יצר לו כל-יד עמל תבאנו | 22 |
Sa kasaganaan ng kaniyang kayamanan siya ay mahuhulog sa kaguluhan; darating sa kaniya ang kamay ng lahat ng nasa kahirapan.
יהי למלא בטנו--ישלח-בו חרון אפו וימטר עלימו בלחומו | 23 |
Kapag naghahanda na siyang magpakabusog, ibubuhos ng Diyos ang bagsik ng kaniyang poot sa taong iyon; papaulanin niya ito sa kaniya habang kumakain siya.
יברח מנשק ברזל תחלפהו קשת נחושה | 24 |
Bagaman tatakas ang taong iyon sa bakal na sandata, patatamaan siya ng isang tanso na pana.
שלף ויצא מגוה וברק ממררתו יהלך עליו אמים | 25 |
Tatagos ang palaso mula sa likod niya; tunay nga, lalabas mula sa atay niya ang kumikinang na dulo nito; katakot-takot na mga bagay ang darating sa kaniya.
כל-חשך טמון לצפוניו תאכלהו אש לא-נפח ירע שריד באהלו | 26 |
Nakalaan ang ganap na kadiliman para sa kaniyang mga kayamanan; lalamunin siya ng apoy na hindi naapula; lalamunin nito kung ano ang nalabi sa kaniyang tolda.
יגלו שמים עונו וארץ מתקוממה לו | 27 |
Ipapakita ng kalangitan ang kaniyang mga kasalanan, at babangon ang kalupaan laban sa kaniya bilang isang saksi.
יגל יבול ביתו נגרות ביום אפו | 28 |
Maglalaho ang kayamanan ng kaniyang bahay; aanurin ang kaniyang mga kalakal sa araw ng poot ng Diyos.
זה חלק-אדם רשע--מאלהים ונחלת אמרו מאל | 29 |
Ito ang bahagi ng masamang tao mula sa Diyos, ang pamana ng Diyos na nakalaan para sa kaniya.”