< איוב 18 >
Pagkatapos sumagot si Bildad ang Suhita at sinabi,
עד-אנה תשימון קנצי למלין תבינו ואחר נדבר | 2 |
Kailan ka titigil sa iyong pagsasalita? Pag-isipan mo, at pagkatapos saka kami magsasalita.
מדוע נחשבנו כבהמה נטמינו בעיניכם | 3 |
Bakit mo pinapalagay na gaya kami ng mga halimaw; bakit kami naging hangal sa iyong paningin?
טרף נפשו באפו הלמענך תעזב ארץ ויעתק-צור ממקמו | 4 |
Ikaw na sinisira ang sarili sa iyong galit, dapat bang pabayaan ang daigdig para lang sa iyo o dapat bang alisin ang mga bato mula sa kanilang mga lugar?
גם אור רשעים ידעך ולא-יגה שביב אשו | 5 |
Tunay nga, ang liwanag ng masamang tao ay papatayin; ang kislap ng kaniyang apoy ay hindi magliliwanag.
אור חשך באהלו ונרו עליו ידעך | 6 |
Magdidilim ang liwanag sa kaniyang tolda; ang kaniyang ilawan sa itaas niya ay papatayin.
יצרו צעדי אונו ותשליכהו עצתו | 7 |
Ang mga hakbang ng kaniyang lakas ay magiging maikli; ang kaniyang sariling mga plano ang magpapabagsak sa kaniya.
כי-שלח ברשת ברגליו ועל-שבכה יתהלך | 8 |
Dahil siya ay ihahagis sa isang lambat ng kaniyang sariling mga paa; lalakad siya sa isang patibong.
יאחז בעקב פח יחזק עליו צמים | 9 |
Isang bitag ang huhuli sa kaniya sa sakong; isang patibong ang huhuli sa kaniya.
טמון בארץ חבלו ומלכדתו עלי נתיב | 10 |
Nakatago sa lupa ang isang silo; at isang bitag para sa kaniyang daraanan.
סביב בעתהו בלהות והפיצהו לרגליו | 11 |
Mga kakila-kilabot ang tatakot sa bawat tabi; siya ay kanilang hahabulin sa kaniyang mga sakong.
יהי-רעב אנו ואיד נכון לצלעו | 12 |
Ang kaniyang kayamanan ay mapapalitan ng kagutuman, at ang kalamidad ay magiging handa sa kaniyang tabi.
יאכל בדי עורו יאכל בדיו בכור מות | 13 |
Ang mga bahagi ng kaniyang katawan ay lalamunin; tunay nga, ang panganay ng kamatayan ang lalamon sa kaniyang mga bahagi.
ינתק מאהלו מבטחו ותצעדהו למלך בלהות | 14 |
Siya ay tatanggalin sa kaniyang tolda, ang tahanan na ngayon ay kaniyang pinagkakatiwalaan; dadalhin siya sa kamatayan, ang hari ng mga takot.
תשכון באהלו מבלי-לו יזרה על-נוהו גפרית | 15 |
Ang mga tao na hindi kaniyang pag-aari ay maninirahan sa kaniyang tolda pagkatapos nilang makita na kumalat ang asupre sa loob ng kaniyang tahanan.
מתחת שרשיו יבשו וממעל ימל קצירו | 16 |
Ang kaniyang mga ugat ay matutuyo sa ilalim; sa ibabaw ay puputulin ang kaniyang mga sanga.
זכרו-אבד מני-ארץ ולא-שם לו על-פני-חוץ | 17 |
Ang kaniyang alaala ay mawawala sa lupa; mawawalan siya ng pangalan sa lansangan.
יהדפהו מאור אל-חשך ומתבל ינדהו | 18 |
Itutulak siya mula sa liwanag patungo sa kadiliman at itatapon sa labas ng mundong ito.
לא נין לו ולא-נכד בעמו ואין שריד במגוריו | 19 |
Hindi siya magkakaroon ng anak o apo sa kalagitnaan ng kaniyang bayan, ni anumang natitirang kaanak ang mananatili kung saan siya natira.
על-יומו נשמו אחרנים וקדמנים אחזו שער | 20 |
Silang naninirahan sa kanluran ay nanginig sa takot sa kung ano ang mangyayari sa kaniya isang araw; silang naninirahan sa silangan ay matatakot sa pamamagitan nito.
אך-אלה משכנות עול וזה מקום לא-ידע-אל | 21 |
Tunay na ganoon ang mga tahanan ng mga hindi matutuwid na tao, ang mga lugar ng mga taong hindi nakakakilala sa Diyos.”