< איוב 15 >
ויען אליפז התימני ויאמר | 1 |
Pagkatapos sumagot si Elifaz ang Temanita at sinabi,
החכם יענה דעת-רוח וימלא קדים בטנו | 2 |
Nararapat bang sumagot ang isang matalinong tao nang walang kabuluhang kaalaman at pupunuin ba ng kaniyang sarili ng hanging silangan?
הוכח בדבר לא-יסכון ומלים לא-יועיל בם | 3 |
Nararapat ba siyang magdahilan nang walang pakinabang na pakikipag-usap o mga pananalita na maaaring hindi makakagawa sa kaniya ng mabuti?
אף-אתה תפר יראה ותגרע שיחה לפני-אל | 4 |
Tunay nga, inalis mo ang paggalang para sa Diyos; pinigilan mo ang debosyon para sa kaniya,
כי יאלף עונך פיך ותבחר לשון ערומים | 5 |
dahil ang iyong kasalanan ang nagtuturo sa iyong bibig; pinili mong magkaroon ka ng dila ng isang taong mapanlinlang.
ירשיעך פיך ולא-אני ושפתיך יענו-בך | 6 |
Ang sarili mong bibig ang sumusumpa sa iyo, hindi sa akin; sa katunayan nga, ang sarili mong mga labi ang nagpapatunay laban sa iyo.
הראישון אדם תולד ולפני גבעות חוללת | 7 |
Ikaw ba ang unang taong ipinanganak? Dinala ka ba na mabuhay bago ang mga burol?
הבסוד אלוה תשמע ותגרע אליך חכמה | 8 |
Narinig mo ba ang lihim na kaalaman ng Diyos? Nilimitahan mo ba ang karunungan sa iyong sarili?
מה-ידעת ולא נדע תבין ולא-עמנו הוא | 9 |
Anong nalalaman mo na hindi namin nalalaman? Anong nauunawaan mo na wala rin sa amin?
גם-שב גם-ישיש בנו-- כביר מאביך ימים | 10 |
Kasama namin ang kapwa puti ang buhok at napakatandang tao na mas matanda pa kaysa sa iyong ama.
המעט ממך תנחומות אל ודבר לאט עמך | 11 |
Ang mga kaaliwan ba ng Diyos ay napakaliit para sa iyo, ang mga salitang mahinahon sa iyo?
מה-יקחך לבך ומה-ירזמון עיניך | 12 |
Bakit ka nadaig ng iyong puso? Bakit ang iyong mga mata ay nanglilisik,
כי-תשיב אל-אל רוחך והצאת מפיך מלין | 13 |
sa gayon ibaling mo ang iyong espiritu laban sa Diyos at maglabas ka ng ganoong mga salita mula sa iyong bibig?
מה-אנוש כי-יזכה וכי-יצדק ילוד אשה | 14 |
Ano ang tao na siya ay dapat maging malinis? Ano siya na ipinanganak ng isang babae na dapat maging matuwid?
הן בקדשו לא יאמין ושמים לא-זכו בעיניו | 15 |
Tingnan mo, hindi nagtitiwala ang Diyos kahit sa kaniyang mga hinirang; sa katunayan nga, ang kalangitan ay hindi malinis sa kaniyang paningin;
אף כי-נתעב ונאלח איש-שתה כמים עולה | 16 |
gaano kaunti ang isang malinis na karumal-dumal at makasalanan, isang tao na umiinom ng kasalanan tulad ng tubig!
אחוך שמע-לי וזה-חזיתי ואספרה | 17 |
Ipapakita ko sa iyo; pakinggan mo ako; ipapahayag ko sa iyo ang mga bagay na aking nakita,
אשר-חכמים יגידו ולא כחדו מאבותם | 18 |
ang mga bagay na ipinasa ng mga taong matatalino mula sa kanilang mga ama, ang mga bagay na hindi itinago ng kanilang mga ninuno.
להם לבדם נתנה הארץ ולא-עבר זר בתוכם | 19 |
Ang mga ito ay kanilang mga ninuno, sa nag-iisang binigyan ng lupain, at sa kanilang kalagitnaan ay walang dayuhan ang dumaan.
כל-ימי רשע הוא מתחולל ומספר שנים נצפנו לעריץ | 20 |
Ang masasamang tao na namimilipit sa sakit sa lahat ng araw niya, ang bilang ng mga taon na inilaan para sa taong mapang-api para magdusa.
קול-פחדים באזניו בשלום שודד יבואנו | 21 |
Isang kalila-kilabot na tunog ay nasa kaniyang mga tainga; habang siya ay nasa kasaganaan, ang tagapagwasak ay darating sa kanila.
לא-יאמין שוב מני-חשך וצפו (וצפוי) הוא אלי-חרב | 22 |
Hindi niya naiisip na babalik siya sa kadiliman; nakaabang ang espada para sa kaniya.
נדד הוא ללחם איה ידע כי-נכון בידו יום-חשך | 23 |
Gumagala siya sa iba-ibang mga lugar dahil sa tinapay, na sinasabing, 'Nasaan na ito?' Nalalaman niya ang araw ng kadiliman ay malapit na.
יבעתהו צר ומצוקה תתקפהו כמלך עתיד לכידור | 24 |
Ang pagdadalamhati at pagkahapis ay ginagawa siyang takot; nagwagi sila laban sa kaniya, tulad ng isang hari na handa sa labanan.
כי-נטה אל-אל ידו ואל-שדי יתגבר | 25 |
Dahil inabot niya ng kaniyang kamay laban sa Diyos at kumikilos nang may pagmamalaki laban sa Makapangyarihan,
ירוץ אליו בצואר בעבי גבי מגניו | 26 |
ang masamang taong ito na lumalaban sa Diyos na may matigas na leeg, na may isang makapal na kalasag.
כי-כסה פניו בחלבו ויעש פימה עלי-כסל | 27 |
Totoo ito, kahit tinakpan niya ang kaniyang mukha ng kaniyang katabaan at mataba rin ang kaniyang mga pigi,
וישכון ערים נכחדות--בתים לא-ישבו למו אשר התעתדו לגלים | 28 |
at nanirahan sa mga wasak na lungsod; sa mga bahay na walang taong nakatira ngayon at handa nang maging mga tambakan.
לא-יעשר ולא-יקום חילו ולא-יטה לארץ מנלם | 29 |
Hindi siya magiging mayaman; hindi magtatagal ang kaniyang yaman; kahit ang kaniyang anino ay hindi magtatagal sa daigdig.
לא-יסור מני-חשך--ינקתו תיבש שלהבת ויסור ברוח פיו | 30 |
Hindi siya umalis sa kadiliman; isang apoy ang magtutuyo sa kaniyang mga sanga; at sa hininga ng bibig ng Diyos siya ay papanaw.
אל-יאמן בשו נתעה כי-שוא תהיה תמורתו | 31 |
Huwag siyang hayaang magtiwala sa mga walang kabuluhang bagay, nililinlang niya ang kaniyang sarili; dahil ang walang pakinabang ang kaniyang magiging gantimpala.
בלא-יומו תמלא וכפתו לא רעננה | 32 |
Mangyayari ito bago ang panahon ng kaniyang kamatayan; ang kaniyang sanga ay hindi magiging luntian.
יחמס כגפן בסרו וישלך כזית נצתו | 33 |
Ihuhulog niya ang kaniyang mga hilaw na ubas tulad ng puno ng ubas; itatapon niya ang kaniyang mga bulaklak tulad ng puno ng olibo.
כי-עדת חנף גלמוד ואש אכלה אהלי-שחד | 34 |
Dahil ang mga kasamahan ng hindi maka-diyos na tao ay hindi mamumunga; tutupukin ng apoy ang kanilang mga tolda ng panunuhol.
הרה עמל וילד און ובטנם תכין מרמה | 35 |
Nagbubuntis sila ng kasamaan at nanganganak ng kasalanan; sa kanilang sinapupunan ay nagbubuntis ng panlilinlang.”