< ירמיה 52 >

בן עשרים ואחת שנה צדקיהו במלכו ואחת עשרה שנה מלך בירושלם ושם אמו חמיטל (חמוטל) בת ירמיהו מלבנה 1
Si Zedekias ay dalawampu't isang taon nang siya ay magsimulang maghari; naghari siya ng labing-isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Hamutal; siya ang anak na babae ni Jeremias na mula sa Libna.
ויעש הרע בעיני יהוה ככל אשר עשה יהויקם 2
Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at ginawa niya ang lahat ng ginawa ni Jehoiakim.
כי על אף יהוה היתה בירושלם ויהודה עד השליכו אותם מעל פניו וימרד צדקיהו במלך בבל 3
Sa galit ni Yahweh, nangyari ang lahat ng pangyayaring ito sa Jerusalem at Juda, hanggang sa itakwil niya sila sa kaniyang harapan. Pagkatapos ay naghimagsik si Zedekias laban sa hari ng Babilonia.
ויהי בשנה התשעית למלכו בחדש העשירי בעשור לחדש בא נבוכדראצר מלך בבל הוא וכל חילו על ירושלם ויחנו עליה ויבנו עליה דיק סביב 4
Nangyari na sa ikasiyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ikasampung buwan, at sa ikasampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar na hari ng Babilonia, kasama ang lahat ng kaniyang mga hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo sila sa kabila nito, at nagtayo sila ng pader sa palibot nito.
ותבא העיר במצור עד עשתי עשרה שנה למלך צדקיהו 5
Kaya ang lungsod ay nilusob hanggang sa ikalabing-isang taon ng paghahari ni Haring Zedekias.
בחדש הרביעי בתשעה לחדש ויחזק הרעב בעיר ולא היה לחם לעם הארץ 6
Sa ikaapat na buwan, sa ikasiyam na araw ng taon na iyon, matindi ang taggutom sa lungsod na walang pagkain para sa mga tao ng lupain.
ותבקע העיר וכל אנשי המלחמה יברחו ויצאו מהעיר לילה דרך שער בין החמתים אשר על גן המלך וכשדים על העיר סביב וילכו דרך הערבה 7
Pagkatapos nilusob at winasak ang lungsod, at ang lahat ng mga kalalakihang mandirigma ay tumakas at lumabas sa lungsod sa gabi, dumaan sila sa tarangkahan na nasa pagitan ng dalawang pader, malapit sa hardin ng hari, kahit na ang mga Caldea ay nakapalibot sa lungsod. Kaya nagtungo sila sa direksiyon ng Araba.
וירדפו חיל כשדים אחרי המלך וישיגו את צדקיהו בערבת ירחו וכל חילו--נפצו מעליו 8
Ngunit hinabol ng mga Caldean ang hari at inabot si Zedekias sa kapatagan ng Ilog Jordan na malapit sa Jerico. Ang lahat ng kaniyang hukbo ay nagkalat palayo sa kaniya.
ויתפשו את המלך ויעלו אתו אל מלך בבל רבלתה בארץ חמת וידבר אתו משפטים 9
Binihag nila ang hari at dinala sa hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat, kung saan niya ibinigay ang hatol sa kaniya.
וישחט מלך בבל את בני צדקיהו לעיניו וגם את כל שרי יהודה שחט ברבלתה 10
Pinatay ng hari ng Babilonia ang mga anak na lalaki ni Zedekias sa kaniyang harapan, at pinatay din niya sa Ribla ang lahat ng mga pinuno ng Juda.
ואת עיני צדקיהו עור ויאסרהו בנחשתים ויבאהו מלך בבל בבלה ויתנהו בבית (בית) הפקדת עד יום מותו 11
Pagkatapos dinukot niya ang mga mata ni Zedekias, at iginapos siya ng tansong tanikala at dinala siya sa Babilonia. Ikinulong siya ng hari ng Babilonia hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.
ובחדש החמישי בעשור לחדש היא שנת תשע עשרה שנה למלך נבוכדראצר מלך בבל--בא נבוזראדן רב טבחים עמד לפני מלך בבל בירושלם 12
Ngayon sa ikalimang buwan, sa ikasampung araw ng buwan, na siyang ikalabinsiyam na taon ng paghahari ni Haring Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, dumating si Nebuzaradan sa Jerusalem. Siya ang pinuno ng mga bantay ng hari at isang lingkod ng hari ng Babilonia.
וישרף את בית יהוה ואת בית המלך ואת כל בתי ירושלם ואת כל בית הגדול שרף באש 13
Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at lahat ng mga bahay sa Jerusalem. Ganoon din sinunog niya ang lahat ng mga mahahalagang gusali sa lungsod.
ואת כל חמות ירושלם סביב נתצו כל חיל כשדים אשר את רב טבחים 14
Ang mga pader naman sa palibot ng Jerusalem ay winasak ng lahat ng hukbo ng Babilonia kasama ng pinuno ng mga bantay.
ומדלות העם ואת יתר העם הנשארים בעיר ואת הנפלים אשר נפלו אל מלך בבל ואת יתר האמון--הגלה נבוזראדן רב טבחים 15
At ang mga pinakamahihirap na tao, ang mga taong naiwan sa lungsod, ang mga nagsitakas patungo sa hari ng Babilonia, at ang mga nalabing manggagawa—dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng mga bantay, ang ilan sa kanila ay ipinatapon.
ומדלות הארץ--השאיר נבוזראדן רב טבחים לכרמים וליגבים 16
Ngunit iniwan ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, ang ilan sa mga pinakamahihirap sa lupain upang magtrabaho sa ubasan at sa mga bukid.
ואת עמודי הנחשת אשר לבית יהוה ואת המכנות ואת ים הנחשת אשר בבית יהוה--שברו כשדים וישאו את כל נחשתם בבלה 17
Ang mga posteng tanso naman na nasa tahanan ni Yahweh, at ang mga patungan at ang dagat na tanso na nasa tahanan ni Yahweh, sinira at dinurog ng mga Caldea sa malilit na piraso ang tanso at dinala sa Babilonia.
ואת הסרות ואת היעים ואת המזמרות ואת המזרקת ואת הכפות ואת כל כלי הנחשת אשר ישרתו בהם--לקחו 18
Ang mga palayok, mga pala, mga gunting, mga mangkok, at lahat ng mga kagamitang tanso na ginagamit ng mga pari sa paglilingkod sa templo ay kinuhang lahat ng mga Caldea.
ואת הספים ואת המחתות ואת המזרקות ואת הסירות ואת המנרות ואת הכפות ואת המנקיות אשר זהב זהב ואשר כסף כסף--לקח רב טבחים 19
Ang mga palanggana at ang mga sunugan ng insenso, ang mga mangkok, mga palayok, mga kandelero, at mga palanggana na gawa sa ginto, at ang mga gawa sa pilak ay kinuha rin ng kapitan ng bantay ng hari.
העמודים שנים הים אחד והבקר שנים עשר נחשת אשר תחת המכנות אשר עשה המלך שלמה לבית יהוה--לא היה משקל לנחשתם כל הכלים האלה 20
Ang dalawang poste, ang dagat-dagatan, at ang labindalawang tansong toro na nasa ilalim ng mga patungan, ang mga bagay na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh ay naglalaman ng maraming tanso na higit sa kanilang kayang timbangin.
והעמודים שמנה עשרה אמה קומה (קומת) העמד האחד וחוט שתים עשרה אמה יסבנו ועביו ארבע אצבעות נבוב 21
Ang poste ay may taas na labing walong kubit bawat isa, at ang bawat paikot ay nasukat ang bawat isa ng labindalawang kubit. Ang bawat isa ay may apat na daliri ang kapal ngunit walang laman sa loob.
וכתרת עליו נחשת וקומת הכתרת האחת חמש אמות ושבכה ורמונים על הכותרת סביב הכל נחשת וכאלה לעמוד השני ורמונים 22
May pangunahing tanso sa ibabaw nito. Ang sukat nito ay may limang kubit ang taas, na may palamuti at mga granada sa palibot. Ang lahat ay gawa sa tanso. Ang ibang poste at mga granada ay kapareho ng nauna.
ויהיו הרמנים--תשעים וששה רוחה כל הרמונים מאה על השבכה סביב 23
Kaya mayroong siyamnapu't anim na granada sa tagiliran ng kapitel, at isandaang granada sa itaas ng nakapalibot na palamuti.
ויקח רב טבחים את שריה כהן הראש ואת צפניה כהן המשנה--ואת שלשת שמרי הסף 24
Dinalang bihag ng pinuno ng bantay si Seraias, na pinakapunong pari, kasama si Zepanias, na pangalawang pari, at ang tatlong bantay ng tarangkahan.
ומן העיר לקח סריס אחד אשר היה פקיד על אנשי המלחמה ושבעה אנשים מראי פני המלך אשר נמצאו בעיר ואת ספר שר הצבא המצבא את עם הארץ וששים איש מעם הארץ הנמצאים בתוך העיר 25
Mula sa lungsod dinala niyang bihag ang isang opisyal na namamahala sa mga kawal, at pitong mga kalalakihan na tagapayo ng hari, na nananatili sa lungsod. Kinuha din niyang bilanggo ang opisyal ng hukbo ng hari na tumatawag sa mga kalalakihan para maging kawal, kasama ang animnapung mahahalagang mga kalalakihan mula sa lupain na nasa lungsod.
ויקח אותם נבוזראדן רב טבחים וילך אותם אל מלך בבל רבלתה 26
Pagkatapos kinuha at dinala sila ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay, sa hari ng Babilonia sa Ribla.
ויכה אותם מלך בבל וימתם ברבלה בארץ חמת ויגל יהודה מעל אדמתו 27
Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa ganitong paraan lumabas ang Juda sa lupain nito sa pagpapatapon.
זה העם אשר הגלה נבוכדראצר בשנת שבע--יהודים שלשת אלפים ועשרים ושלשה 28
Ito ang mga taong dinalang bihag ni Haring Nebucadnezar: sa ikapitong taon ay 3, 023 na mga taga-Judea.
בשנת שמונה עשרה לנבוכדראצר מירושלם--נפש שמנה מאות שלשים ושנים 29
Sa ikalabing-walong taon ni haring Nebucadnezar kinuha niya ang 832 mga tao mula sa Jerusalem.
בשנת שלש ועשרים לנבוכדראצר הגלה נבוזראדן רב טבחים יהודים נפש שבע מאות ארבעים וחמשה כל נפש ארבעת אלפים ושש מאות 30
Sa ikadalawampu't tatlong taon ni Nebucadnezar, dinalang bihag ni Nebuzaradan, na pinuno ng bantay ng hari ang 745 na mga Judio. Ang lahat ng kabuuan ng mga taong ipinatapon ay 4, 600.
ויהי בשלשים ושבע שנה לגלות יהויכן מלך יהודה בשנים עשר חדש בעשרים וחמשה לחדש נשא אויל מרדך מלך בבל בשנת מלכתו את ראש יהויכין מלך יהודה ויצא אתו מבית הכליא (הכלוא) 31
Nangyari na sa ika-tatlumpu't pitong taon ng pagpapatapon kay Jehoiakin, na hari ng Juda, sa ikalabindalawang buwan, sa ikadalawampu't limang araw ng buwan, na pinalaya ni Evil-merodac na hari ng Babilonia si haring Jehoiakin mula sa kulungan. Nangyari ito sa taon nang simulang maghari si Evil-merodac.
וידבר אתו טבות ויתן את כסאו ממעל לכסא מלכים (המלכים) אשר אתו בבבל 32
Siya ay nagsalita ng kagandahang loob at binigyan siya ng upuan na mas kagalang-galang kaysa sa ibang hari na kasama niya sa Babilonia.
ושנה את בגדי כלאו ואכל לחם לפניו תמיד כל ימי חיו 33
Inalis ni Evil-merodac ang damit pangbilanggo ni Jehoiakin at palaging kumakain si Jehoiakin sa hapag ng hari sa natirang taon ng kaniyang buhay.
וארחתו ארחת תמיד נתנה לו מאת מלך בבל דבר יום ביומו--עד יום מותו כל ימי חייו 34
At binigyan ng pagkain sa araw-araw sa natitira pang taon ng kaniyang buhay hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan.

< ירמיה 52 >