< ירמיה 41 >
ויהי בחדש השביעי בא ישמעאל בן נתניה בן אלישמע מזרע המלוכה ורבי המלך ועשרה אנשים אתו אל גדליהו בן אחיקם--המצפתה ויאכלו שם לחם יחדו במצפה | 1 |
Ngunit nangyari na sa ikapitong buwan, si Ismael na anak ni Netanias na anak ni Elisama, mula sa maharlikang pamilya at ilan sa mga opisyal ng hari ay dumating kasama ang sampung lalaki kay Gedalias na anak ni Ahicam, sa Mizpa. Sama-sama silang kumain ng pagkain doon sa Mizpa.
ויקם ישמעאל בן נתניה ועשרת האנשים אשר היו אתו ויכו את גדליהו בן אחיקם בן שפן בחרב--וימת אתו אשר הפקיד מלך בבל בארץ | 2 |
Ngunit si Ismael na anak ni Netanias at ang sampung mga lalaki na kasama niya ay tumayo at sinalakay si Gedalias na anak ni Ahicam na anak ni Safan gamit ang espada. Pinatay ni Ismael si Gedalias na itinakda ng hari ng Babilonia na mangasiwa sa lupain.
ואת כל היהודים אשר היו אתו את גדליהו במצפה ואת הכשדים אשר נמצאו שם--את אנשי המלחמה הכה ישמעאל | 3 |
At pinatay lahat ni Ismael ang mga Judio na kasama ni Gedalias sa Mizpa at ang mga lalaking mandirigmang taga-Caldeo ang natagpuan doon.
ויהי ביום השני להמית את גדליהו ואיש לא ידע | 4 |
At ito ang ikalawang araw pagkatapos nang pagpatay kay Gedalias, ngunit walang sinuman ang nakaalam.
ויבאו אנשים משכם משלו ומשמרון שמנים איש מגלחי זקן וקרעי בגדים ומתגדדים ומנחה ולבונה בידם להביא בית יהוה | 5 |
May ilang lalaki ang dumating galing Shekem, galing sa Shilo, at galing sa Samaria—walumpung kalalakihan ang nag-ahit ng kanilang mga balbas, pinunit ang kanilang mga damit at sinugatan ang kanilang mga sarili—na may dalang mga pagkaing ihahandog at kamanyang sa kanilang mga kamay upang pumunta sa tahanan ni Yahweh.
ויצא ישמעאל בן נתניה לקראתם מן המצפה הלך הלך ובכה ויהי כפגש אתם ויאמר אליהם באו אל גדליהו בן אחיקם | 6 |
Kaya lumabas si Ismael na anak ni Netanias mula sa Mizpa upang salubungin sila habang naglalakad at umiiyak. At nangyari ito nang masalubong niya sila, sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo kay Gedalias na anak ni Ahicam!”
ויהי כבואם אל תוך העיר וישחטם ישמעאל בן נתניה אל תוך הבור--הוא והאנשים אשר אתו | 7 |
Nangyari ito nang pagpasok nila sa lungsod, pinatay sila ni Ismael na anak ni Netanias at itinapon sila sa isang hukay, siya at ang mga kalalakihang kasama niya.
ועשרה אנשים נמצאו בם ויאמרו אל ישמעאל אל תמתנו--כי יש לנו מטמנים בשדה חטים ושערים ושמן ודבש ויחדל ולא המיתם בתוך אחיהם | 8 |
Ngunit mayroong sampung kalalakihan na kasama nila ang nagsabi kay Ismael, “Huwag mo kaming patayin, sapagkat may mga pagkain sa aming bukid: trigo at sebada, langis at pulot-pukyutan.” Kaya hindi niya sila pinatay pati ang iba pa nilang mga kasama.
והבור אשר השליך שם ישמעאל את כל פגרי האנשים אשר הכה ביד גדליהו--הוא אשר עשה המלך אסא מפני בעשא מלך ישראל אתו מלא ישמעאל בן נתניהו--חללים | 9 |
Ang hukay kung saan itinapon ni Ismael ang lahat ng mga bangkay ng mga kalalakihan na kaniyang pinatay kasama si Gedalias—ang malaking hukay na ito ay hinukay ni Haring Asa nang salakayin sila ni Haring Baasa ng Israel. Pinuno ito ni Ismael na anak ni Netanias ng kaniyang mga napatay.
וישב ישמעאל את כל שארית העם אשר במצפה את בנות המלך ואת כל העם הנשארים במצפה אשר הפקיד נבוזראדן רב טבחים את גדליהו בן אחיקם וישבם ישמעאל בן נתניה וילך לעבר אל בני עמון | 10 |
Kasunod nito, binihag ni Ismael ang lahat ng taong nasa Mizpa, ang mga anak na babae ng hari at ang lahat ng mga taong naiwan sa Mizpa na itinalaga ni Nebezaradan na punong tagapagbantay ni Gedalias na anak ni Ahicam. Kaya binihag sila ni Ismael na anak ni Netanias at tumawid sa mga Ammonita.
וישמע יוחנן בן קרח וכל שרי החילים אשר אתו את כל הרעה אשר עשה ישמעאל בן נתניה | 11 |
Ngunit narinig ni Johanan na anak ni Karea at ng lahat ng mga pinunong hukbo na kasama niya ang lahat ng ginawang pinsala ni Ismael na anak ni Netanias.
ויקחו את כל האנשים וילכו להלחם עם ישמעאל בן נתניה וימצאו אתו אל מים רבים אשר בגבעון | 12 |
Kaya dinala nila ang lahat ng kanilang mga tauhan at pumunta upang makipaglaban kay Ismael na anak ni Netanias. Natagpuan nila siya sa malaking lawa ng Gibeon.
ויהי כראות כל העם אשר את ישמעאל את יוחנן בן קרח ואת כל שרי החילים אשר אתו--וישמחו | 13 |
At nangyari ito nang nakita ng lahat ng mga taong kasama ni Ismael si Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo na kasama niya, labis silang natuwa.
ויסבו כל העם אשר שבה ישמעאל מן המצפה וישבו וילכו אל יוחנן בן קרח | 14 |
Kaya ang lahat ng mga taong nabihag ni Ismael sa Mizpa ay bumalik at pumunta kay Johanan na anak ni Karea.
וישמעאל בן נתניה נמלט בשמנה אנשים מפני יוחנן וילך אל בני עמון | 15 |
Ngunit tumakas si Ismael na anak ni Netanias kasama ang walong kalalakihan mula kay Johanan. Pumunta siya sa mga Ammonita.
ויקח יוחנן בן קרח וכל שרי החילים אשר אתו את כל שארית העם אשר השיב מאת ישמעאל בן נתניה מן המצפה אחר הכה את גדליה בן אחיקם--גברים אנשי המלחמה ונשים וטף וסרסים אשר השיב מגבעון | 16 |
Kinuha ni Johanan na anak ni Karea at ang lahat ng mga pinuno ng hukbo na kasama niya mula Mizpa ang lahat ng mga taongnaligtas mula kay Ismael na anak ni Netanias. Ito ay matapos patayin ni Ismael si Gedalias na anak ni Ahicam. Kinuha ni Johanan at ng kaniyang mga kasama ang malalakas na kalalakihan, mga lalaking mandirigma, mga kababaihan at mga bata, at ang mga eunuko na nailigtas sa Gibeon.
וילכו וישבו בגרות כמוהם (כמהם) אשר אצל בית לחם--ללכת לבוא מצרים | 17 |
Pagkatapos pumunta sila at nanatili ng isang saglit sa Gerut-quimam na malapit sa Bethlehem. Pupunta sila patungong Egipto
מפני הכשדים כי יראו מפניהם כי הכה ישמעאל בן נתניה את גדליהו בן אחיקם אשר הפקיד מלך בבל בארץ | 18 |
dahil sa mga Caldeo. Natakot sila sa kanila matapos patayin ni Ismael na anak ni Netanias si Gedalias na anak ni Ahicam, na inilagay ng hari ng Babilonia upang mangasiwa sa lupain.