< ירמיה 38 >
וישמע שפטיה בן מתן וגדליהו בן פשחור ויוכל בן שלמיהו ופשחור בן מלכיה את הדברים--אשר ירמיהו מדבר אל כל העם לאמר | 1 |
Narinig ni Sefatias na anak ni Matan, ni Gedalias na anak ni Pashur, ni Jucal na anak naman ni Selenias, at ni Pashur na anak ni Malquias ang mga salita na ipinahayag ni Jeremias sa mga tao. Sinasabi niya
כה אמר יהוה הישב בעיר הזאת ימות בחרב ברעב ובדבר והיצא אל הכשדים יחיה (וחיה) והיתה לו נפשו לשלל וחי | 2 |
“Sinasabi ito ni Yahweh: Ang sinumang mananatili sa lungsod na ito ay papatayin sa pamamagitan ng espada, taggutom, at salot. Ngunit makakaligtas ang sinumang lalabas sa mga Caldeo. Tatakas siya at mabubuhay.
כה אמר יהוה הנתן תנתן העיר הזאת ביד חיל מלך בבל--ולכדה | 3 |
Sinasabi ito ni Yahweh: Ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonia, at bibihagin niya ito.”
ויאמרו השרים אל המלך יומת נא את האיש הזה--כי על כן הוא מרפא את ידי אנשי המלחמה הנשארים בעיר הזאת ואת ידי כל העם לדבר אליהם כדברים האלה כי האיש הזה איננו דרש לשלום לעם הזה--כי אם לרעה | 4 |
Kaya sinabi ng mga opisyal sa hari, “Patayin ang taong ito, sapagkat sa paraang ito pinahihina niya ang mga kamay ng mga mandirigmang kalalakihan na nananatili sa lungsod na ito, at ang mga kamay ng lahat ng mga tao. Pinahayag niya ang mga salitang ito, sapagkat ang taong ito ay hindi gumagawa ng kaligtasan para sa mga taong ito, kundi kapahamakan.”
ויאמר המלך צדקיהו הנה הוא בידכם כי אין המלך יוכל אתכם דבר | 5 |
Kaya sinabi ni Haring Zedekias, “Tingnan ninyo, siya ay nasa inyong kamay sapagkat wala namang haring may kakayahang pigilan kayo.”
ויקחו את ירמיהו וישלכו אתו אל הבור מלכיהו בן המלך אשר בחצר המטרה וישלחו את ירמיהו בחבלים ובבור אין מים כי אם טיט ויטבע ירמיהו בטיט | 6 |
At dinala nila si Jeremias at hinagis siya sa balon ni Malquias na anak ng hari. Nasa patyo ng mga bantay ang balon. Ibinaba nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Walang tubig ang balon, ngunit maputik ito, at lumubog siya sa putik.
וישמע עבד מלך הכושי איש סריס והוא בבית המלך כי נתנו את ירמיהו אל הבור והמלך יושב בשער בנימן | 7 |
Ngayon, si Ebed-Melec na taga-Cush ay isa sa mga eunuko sa tahanan ng hari. Nabalitaan niya na inilagay nila si Jeremias sa balon. Ngayon ang hari ay nakaupo sa Tarangkahan ng Benjamin.
ויצא עבד מלך מבית המלך וידבר אל המלך לאמר | 8 |
Kaya pumunta si Ebed-Melec mula sa tahanan ng hari at nakipag-usap sa hari. Sinabi niya,
אדני המלך הרעו האנשים האלה את כל אשר עשו לירמיהו הנביא את אשר השליכו אל הבור וימת תחתיו מפני הרעב כי אין הלחם עוד בעיר | 9 |
“Aking panginoong hari, masama ang ginawa ng mga kalalakihang ito sa ginawang pagtrato nila sa propetang si Jeremias. Siya ay hinagis nila sa balon upang mamatay doon mula sa gutom, sapagkat wala ng pagkain sa lungsod.”
ויצוה המלך את עבד מלך הכושי לאמר קח בידך מזה שלשים אנשים והעלית את ירמיהו הנביא מן הבור בטרם ימות | 10 |
At nagbigay ng utos ang hari kay Ebed-Melec na taga-Cush. Sinabi niya, “Pangunahan mo ang tatlumpung kalalakihan mula rito at iahon ninyo si propeta Jeremias na nasa balon bago siya mamatay.”
ויקח עבד מלך את האנשים בידו ויבא בית המלך אל תחת האוצר ויקח משם בלוי הסחבות (סחבות) ובלוי מלחים וישלחם אל ירמיהו אל הבור בחבלים | 11 |
Kaya pinangunahan ni Ebed-Melec ang tatlumpung mga kalalakihang iyon at pumunta sa tahanan ng hari, sa isang silid-imbakan ng mga damit sa ilalim ng tahanan. Mula roon kumuha siya ng mga basahan at mga lumang damit at ibinaba nila ang mga ito sa pamamagitan ng mga lubid kay Jeremias na nasa balon.
ויאמר עבד מלך הכושי אל ירמיהו שים נא בלואי הסחבות והמלחים תחת אצלות ידיך מתחת לחבלים ויעש ירמיהו כן | 12 |
Sinabi ni Ebed-Melec na taga-Cush kay Jeremias, “Ilagay mo ang mga basahan at lumang damit sa ilalim ng iyong mga braso at sa dulo ng mga lubid.” Kaya ginawa ito ni Jeremias.
וימשכו את ירמיהו בחבלים ויעלו אתו מן הבור וישב ירמיהו בחצר המטרה | 13 |
At hinila nila si Jeremias sa pamamagitan ng mga lubid. Sa ganitong paraan nila siya iniahon mula sa balon. Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay.
וישלח המלך צדקיהו ויקח את ירמיהו הנביא אליו אל מבוא השלישי אשר בבית יהוה ויאמר המלך אל ירמיהו שאל אני אתך דבר--אל תכחד ממני דבר | 14 |
At nagpadala ng salita si Haring Zedekias at dinala si propeta Jeremias sa kaniya, sa pangatlong pasukan sa tahanan ni Yahweh. Sinabi ng hari kay Jeremias, “May nais akong itanong sa iyo. Huwag mong ilihim ang sagot sa akin.”
ויאמר ירמיהו אל צדקיהו כי אגיד לך הלוא המת תמיתני וכי איעצך לא תשמע אלי | 15 |
Sinabi ni Jeremias kay Zedekias, “Kung sasagot ako sa iyo, hindi mo ba talaga ako papatayin? At kung bibigyan kita ng payo, hindi ka makikinig sa akin.”
וישבע המלך צדקיהו אל ירמיהו--בסתר לאמר חי יהוה את אשר עשה לנו את הנפש הזאת אם אמיתך ואם אתנך ביד האנשים האלה אשר מבקשים את נפשך | 16 |
Ngunit sumumpa si Haring Zedekias nang palihim kay Jeremias at sinabi, “Sapagkat buhay si Yahweh, ang gumawa sa atin, hindi kita papatayin o ibibigay sa kamay ng mga kalalakihang iyon na naghahangad sa iyong buhay”.
ויאמר ירמיהו אל צדקיהו כה אמר יהוה אלהי צבאות אלהי ישראל אם יצא תצא אל שרי מלך בבל וחיתה נפשך והעיר הזאת לא תשרף באש וחיתה אתה וביתך | 17 |
Kaya sinabi ni Jeremias kay Zedekias, “Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel: Kung lalabas ka patungo sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, mabubuhay ka, at hindi masusunog ang lungsod na ito. Mabubuhay ka at ang iyong pamilya.
ואם לא תצא אל שרי מלך בבל--ונתנה העיר הזאת ביד הכשדים ושרפוה באש ואתה לא תמלט מידם | 18 |
Ngunit kapag hindi ka lalabas patungo sa mga opisyal ng hari ng Babilonia, ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng mga Caldeo. Susunugin nila ito, at hindi ka makakatakas sa kanilang mga kamay.”
ויאמר המלך צדקיהו אל ירמיהו אני דאג את היהודים אשר נפלו אל הכשדים--פן יתנו אתי בידם והתעללו בי | 19 |
Sinabi ni Haring Zedekias kay Jeremias, “Ngunit natatakot ako sa mga tao ng Juda na tumakas patungo sa mga Caldeo, dahil maaaring ibigay ako sa kanilang mga kamay, upang tratuhin nila ako ng masama.”
ויאמר ירמיהו לא יתנו שמע נא בקול יהוה לאשר אני דבר אליך--וייטב לך ותחי נפשך | 20 |
Sinabi ni Jeremias, “Hindi ka nila ibibigay sa kanila. Sumunod ka sa mensaheng mula kay Yahweh na sinasabi ko sa iyo, upang maging mabuti ang mga bagay para sa iyo, at upang ikaw ay mabuhay.
ואם מאן אתה לצאת--זה הדבר אשר הראני יהוה | 21 |
Ngunit kung tatanggi kang lumabas, ito ang ipinakita sa akin ni Yahweh:
והנה כל הנשים אשר נשארו בבית מלך יהודה מוצאות אל שרי מלך בבל והנה אמרת הסיתוך ויכלו לך אנשי שלמך הטבעו בבץ רגלך נסגו אחור | 22 |
Tingnan mo! Lahat ng mga naiwang babae sa iyong tahanan, hari ng Juda, ay dadalhin sa mga opisyal ng hari ng Babilonia. Sasabihin ng mga babaing ito sa iyo, “Nilinlang ka ng iyong mga kaibigan; sinira ka nila. Nakalubog na ngayon sa putik ang iyong mga paa, at tatakbo palayo ang iyong mga kaibigan.'
ואת כל נשיך ואת בניך מוצאים אל הכשדים ואתה לא תמלט מידם כי ביד מלך בבל תתפש ואת העיר הזאת תשרף באש | 23 |
Sapagkat ang lahat ng iyong mga asawa at mga anak ay dadalhin patungo sa mga Caldeo, at ikaw mismo ay hindi makakatakas mula sa kanilang mga kamay. Mabibihag ka sa pamamagitan ng kamay ng hari ng Babilonia, at masusunog ang lungsod na ito.”
ויאמר צדקיהו אל ירמיהו איש אל ידע בדברים האלה--ולא תמות | 24 |
Pagkatapos sinabi ni Zedekias kay Jeremias, “Huwag mong ipaalam kaninuman ang mga salitang ito, upang hindi ka mamatay.
וכי ישמעו השרים כי דברתי אתך ובאו אליך ואמרו אליך הגידה נא לנו מה דברת אל המלך אל תכחד ממנו ולא נמיתך ומה דבר אליך המלך | 25 |
Kung marinig ng mga opisyal na nakipag-usap ako sa iyo—kung pupunta sila at sasabihin sa iyo, 'Sabihin mo sa amin kung ano ang pinag-usapan ninyo ng hari. Huwag mo itong itago sa amin, kung hindi ay papatayin ka namin. At sabihin mo sa amin kung ano ang sinabi sa iyo ng hari'—
ואמרת אליהם מפיל אני תחנתי לפני המלך לבלתי השיבני בית יהונתן למות שם | 26 |
pagkatapos sabihin mo sa kanila, 'Nakiusap ako sa hari na huwag niya akong ibalik sa bahay ni Jonatan upang mamatay doon.'”
ויבאו כל השרים אל ירמיהו וישאלו אתו ויגד להם ככל הדברים האלה אשר צוה המלך ויחרשו ממנו כי לא נשמע הדבר | 27 |
Pagkatapos, pumunta ang lahat ng mga opisyal kay Jeremias at tinanong siya, kaya sumagot siya sa kanila ayon sa ibinilin ng hari sa kaniya. Kaya tumigil sila sa pakikipag-usap sa kaniya, dahil hindi nila napakinggan ang pinag-usapan sa pagitan ni Jeremias at ng hari.
וישב ירמיהו בחצר המטרה עד יום אשר נלכדה ירושלם והיה כאשר נלכדה ירושלם | 28 |
Kaya nanatili si Jeremias sa patyo ng mga bantay hanggang sa araw na nasakop ang Jerusalem.