< ירמיה 34 >

הדבר אשר היה אל ירמיהו מאת יהוה ונבוכדראצר מלך בבל וכל חילו וכל ממלכות ארץ ממשלת ידו וכל העמים נלחמים על ירושלם ועל כל עריה--לאמר 1
Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh. Dumating ang salitang ito nang si Nebucadnezar na hari ng Babilonia at ang lahat ng kaniyang hukbo, kasama ang lahat ng mga kaharian sa lupa, ang mga lupain sa ilalim ng kaniyang kapangyarihan at lahat ng kanilang mga tao ay nakikipagdigma sa Jerusalem at sa lahat ng kaniyang mga lungsod. Sinabi ng salitang ito,
כה אמר יהוה אלהי ישראל הלך ואמרת אל צדקיהו מלך יהודה ואמרת אליו כה אמר יהוה הנני נתן את העיר הזאת ביד מלך בבל ושרפה באש 2
'Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Pumunta ka at magsalita kay Zedekias na hari ng Juda at sabihin mo sa kaniya, “Ito ang sinasabi ni Yahweh: Tingnan mo, aking ibibigay ang lungsod na ito sa kamay ng hari ng Babilonia. Susunugin niya ito.
ואתה לא תמלט מידו--כי תפש תתפש ובידו תנתן ועיניך את עיני מלך בבל תראינה ופיהו את פיך ידבר--ובבל תבוא 3
Hindi ka makakatakas mula sa kaniyang kamay, sapagkat tiyak na masasakop at mapapasakamay ka niya. Titingin ang iyong mga mata sa mata ng hari ng Babilonia, kakausapin ka niya ng harap-harapan sa pagpunta mo sa Babilonia.'
אך שמע דבר יהוה צדקיהו מלך יהודה כה אמר יהוה עליך לא תמות בחרב 4
Makinig ka sa salita ni Yahweh, Zedekias na hari ng Juda! Sinasabi ito ni Yahweh tungkol sa iyo, 'Hindi ka mamatay sa pamamagitan ng espada.
בשלום תמות וכמשרפות אבותיך המלכים הראשנים אשר היו לפניך כן ישרפו לך והוי אדון יספדו לך כי דבר אני דברתי נאם יהוה 5
Mamatay ka sa kapayapaan. Gaya ng pagsusunog sa paglilibing sa iyong mga ninuno, na mga haring nauna sa iyo, susunugin nila ang iyong katawan. Sasabihin nila, “Aba sa iyo, panginoon!” Tatangis sila para sa iyo. Ngayon, nagsalita ako—ito ang pahayag ni Yahweh.”
וידבר ירמיהו הנביא אל צדקיהו מלך יהודה את כל הדברים האלה בירושלם 6
Kaya ipinahayag ng propetang si Jeremias kay Zedekias na hari ng Juda ang lahat ng salitang ito sa Jerusalem.
וחיל מלך בבל נלחמים על ירושלם ועל כל ערי יהודה הנותרות אל לכיש ואל עזקה כי הנה נשארו בערי יהודה ערי מבצר 7
Nakipagdigma ang hukbo ng hari ng Babilonia laban sa Jerusalem at lahat ng natitirang mga lungsod ng Juda: ang Laquis at Azeka. Ang mga lungsod na ito ng Juda ay nanatili bilang matatag na mga lungsod.
הדבר אשר היה אל ירמיהו מאת יהוה--אחרי כרת המלך צדקיהו ברית את כל העם אשר בירושלם לקרא להם דרור 8
Ito ang salitang dumating kay Jeremias mula kay Yahweh pagkatapos na itinatag ni Haring Zedekias ang isang kasunduan sa lahat ng tao sa Jerusalem upang ipahayag ang kalayaan:
לשלח איש את עבדו ואיש את שפחתו העברי והעבריה--חפשים לבלתי עבד בם ביהודי אחיהו איש 9
Dapat palayain ng bawat tao ang kaniyang aliping Israelita, lalaki at babae. Walang sinuman ang dapat mang-alipin sa kapwa Israelita sa Juda kailanman.
וישמעו כל השרים וכל העם אשר באו בברית לשלח איש את עבדו ואיש את שפחתו חפשים לבלתי עבד בם עוד וישמעו וישלחו 10
Kaya sumunod ang lahat ng mga pinuno at mga tao na sumali sa kasunduan. Palalayain ng bawat tao ang kaniyang aliping lalaki at babae at hindi na sila aalipinin kailanman. Pinakinggan nila at pinalaya sila.
וישובו אחרי כן וישבו את העבדים ואת השפחות אשר שלחו חפשים ויכבישום (ויכבשום) לעבדים ולשפחות 11
Ngunit pagkatapos nito, nagbago ang kanilang mga isip. Pinabalik nila ang mga aliping kanilang pinalaya. Pinilit nila silang maging mga alipin muli.
ויהי דבר יהוה אל ירמיהו מאת יהוה לאמר 12
Kaya ang salita ni Yahweh ay dumating kay Jeremias at sinabi,
כה אמר יהוה אלהי ישראל אנכי כרתי ברית את אבותיכם ביום הוצאי אותם מארץ מצרים מבית עבדים לאמר 13
“Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, 'Ako mismo ang nagtatag ng isang kasunduan sa inyong mga ninuno sa panahong inilabas ko sila mula sa lupain ng Egipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin. Iyon ay nang sinabi ko,
מקץ שבע שנים תשלחו איש את אחיו העברי אשר ימכר לך ועבדך שש שנים ושלחתו חפשי מעמך ולא שמעו אבותיכם אלי ולא הטו את אזנם 14
“Sa pagtatapos ng bawat ika-pitong taon, ang bawat tao ay dapat palayain ang kaniyang kapatid, mga kapwa niyang Hebreo na ibinenta ang kaniyang sarili sa inyo at naglingkod sa inyo ng anim na taon. Palayain ninyo siya sa paglilingkod sa inyo.” Ngunit hindi nakinig o nagbigay ng pansin ang iyong mga ninuno sa akin.
ותשבו אתם היום ותעשו את הישר בעיני לקרא דרור איש לרעהו ותכרתו ברית לפני בבית אשר נקרא שמי עליו 15
Ngayon, kayo mismo na nagsisi at nagsimulang gawin ang tama sa aking paningin. Ipinahayag ninyo ang kalayaan, sa bawat tao sa kaniyang kapwa. At itinatag ninyo ang isang kasunduan sa aking harapan sa tahanan na tinawag sa aking pangalan.
ותשבו ותחללו את שמי ותשבו איש את עבדו ואיש את שפחתו אשר שלחתם חפשים לנפשם ותכבשו אתם--להיות לכם לעבדים ולשפחות 16
Ngunit tumalikod kayo at dinungisan ang aking pangalan, pinabalik ninyo sa bawat tao ang kanilang mga aliping lalaki at babae, ang mga pinalaya ninyo upang pumunta kung saan nila naisin. Pinilit ninyo sila na maging mga alipin ninyong muli.'
לכן כה אמר יהוה אתם לא שמעתם אלי לקרא דרור איש לאחיו ואיש לרעהו הנני קרא לכם דרור נאם יהוה אל החרב אל הדבר ואל הרעב ונתתי אתכם לזועה (לזעוה) לכל ממלכות הארץ 17
Kaya sinasabi ito ni Yahweh, 'Kayo mismo ay hindi nakinig sa akin. Dapat ipinahayag ninyo ang kalayaan, bawat isa sa inyo, sa inyong mga kapatid at kapwa Israelita. Kaya tingnan ninyo! Ipapahayag ko na ang kalayaan sa inyo—ito ang pahayag ni Yahweh—kalayaan sa espada, sa salot at taggutom, sapagkat gagawa ako ng kakila-kilabot na bagay sa paningin ng bawat kaharian sa lupa.
ונתתי את האנשים העברים את ברתי אשר לא הקימו את דברי הברית אשר כרתו לפני--העגל אשר כרתו לשנים ויעברו בין בתריו 18
At parurusahan ko ang mga taong lumabag sa aking kasunduan, silang hindi sumunod sa mga salita ng kasuduang ipinatupad nila sa aking harapan noong hinati nila ang isang toro sa dalawa at lumakad sa pagitan ng mga bahagi nito,
שרי יהודה ושרי ירושלם הסרסים והכהנים וכל עם הארץ--העברים בין בתרי העגל 19
at pagkatapos lumakad sa pagitan ng mga bahagi ng toro ang mga pinuno ng Juda at Jerusalem, mga eunuko at mga pari, at lahat ng mga tao sa lupain.
ונתתי אותם ביד איביהם וביד מבקשי נפשם והיתה נבלתם למאכל לעוף השמים ולבהמת הארץ 20
Ibibigay ko sila sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay. Magiging pagkain ng mga ibon sa kalangitan at mga hayop sa lupa ang kanilang mga katawan.
ואת צדקיהו מלך יהודה ואת שריו אתן ביד איביהם וביד מבקשי נפשם וביד חיל מלך בבל העלים מעליכם 21
Kaya ibibigay ko si Zedekias na hari ng Juda at ang kaniyang mga pinuno sa kamay ng kanilang mga kaaway at sa mga naghahangad ng kanilang buhay at sa kamay ng hukbo ng hari ng Babilonia na tumindig laban sa inyo.
הנני מצוה נאם יהוה והשבתים אל העיר הזאת ונלחמו עליה ולכדוה ושרפה באש ואת ערי יהודה אתן שממה מאין ישב 22
Tingnan ninyo, magbibigay ako ng isang utos—ito ang pahayag ni Yahweh—at ibabalik ko sila sa lungsod na ito upang makipagdigma laban dito at sasakupin, at sunugin nila ito. Sapagkat gagawin kong nawasak na mga lugar ang mga lungsod ng Juda kung saan walang makakatira roon.'''

< ירמיה 34 >