< ישעה 64 >

1
O Yahweh, kung binuksan mo ang kalangitan at ikaw ay bumaba! Nayanig sana ang mga bundok sa iyong presensya,
כקדח אש המסים מים תבעה אש להודיע שמך לצריך מפניך גוים ירגזו 2
tulad nang pagningas ng apoy sa kasukalan, o ng apoy na nagpapakulo ng tubig. O, na malalaman ng iyong mga kaaway ang iyong pangalan, na manginginig ang mga bansa sa iyong presensya!
בעשותך נוראות לא נקוה ירדת מפניך הרים נזלו 3
Noon, nang gumawa ka ng mga kamangha-manghang mga bagay na hindi namin inaasahan, bumaba ka, at ang mga bundok ay nayanig sa iyong presensya.
ומעולם לא שמעו לא האזינו עין לא ראתה אלהים זולתך--יעשה למחכה לו 4
Mula noong sinaunang panahon wala pang sinuman ang nakarinig o nakakilala, ni nakakita ng anumang Diyos maliban sa iyo, na gumagawa ng mga bagay para sa sinumang umaasa sa kanya.
פגעת את שש ועשה צדק בדרכיך יזכרוך הן אתה קצפת ונחטא בהם עולם ונושע 5
Dumarating ka para tulungan ang mga nagagalak na gumawa kung ano ang tama, sila na nakakaalala ng iyong mga paraan at sumusunod sa mga ito. Nagalit ka ng kami ay nagkasala. Sa iyong mga paraan lagi kaming maliligtas.
ונהי כטמא כלנו וכבגד עדים כל צדקתינו ונבל כעלה כלנו ועוננו כרוח ישאנו 6
Dahil kaming lahat ay naging tulad ng isang taong marumi, at lahat ng aming matutuwid na gawa ay parang pasador. Kaming lahat ay nalanta na parang dahon; ang aming mga kasamaan, tulad ng hangin, ay naglayo sa amin.
ואין קורא בשמך מתעורר להחזיק בך כי הסתרת פניך ממנו ותמוגנו ביד עוננו 7
Walang sinumang tumatawag sa pangalan mo ang nagsikap na humawak sa iyo, dahil itinago mo sa amin ang iyong mukha at pinaubaya kami sa aming mga kasalanan.
ועתה יהוה אבינו אתה אנחנו החמר ואתה יצרנו ומעשה ידך כלנו 8
Gayun pa man, Yahweh, ikaw ang aming ama, kami ang putik. Ikaw ang nagbigay hugis sa amin, at kaming lahat ay gawa ng iyong kamay.
אל תקצף יהוה עד מאד ואל לעד תזכר עון הן הבט נא עמך כלנו 9
Yahweh, huwag kang magalit nang labis sa amin, ni laging alalahanin ang aming mga kasalanan. Pakiusap masdan mo kaming lahat, ang iyong bayan.
ערי קדשך היו מדבר ציון מדבר היתה ירושלם שממה 10
Ang iyong mga banal na lungsod at ang Sion ay naging isang ilang, ang Jerusalam isang kalungkutan.
בית קדשנו ותפארתנו אשר הללוך אבתינו--היה לשרפת אש וכל מחמדינו היה לחרבה 11
Ang aming banal at magandang templo, kung saan ang aming mga ninuno ay nagpuri sa iyo, ay nawasak ng apoy, at lahat ng mga mamahalin ay wasak na.
העל אלה תתאפק יהוה תחשה ותעננו עד מאד 12
Paano ka pa nakakapagpigil, Yahweh? Paano mo nagagawang manatiling tahimik at nakapagpapatuloy na hiyain kami?”

< ישעה 64 >