< ישעה 38 >
בימים ההם חלה חזקיהו למות ויבוא אליו ישעיהו בן אמוץ הנביא ויאמר אליו כה אמר יהוה צו לביתך--כי מת אתה ולא תחיה | 1 |
Nang mga araw na iyon, malubhang nagkasakit si Hezekias. Kaya dinalaw siya ni Isaias anak ni Amos, ang propeta, at sinabi sa kaniya, “pinasasabi ni Yahweh, 'Ilagay mo sa ayos ang iyong sambahayan; dahil mamamtay ka na at hindi na mabubuhay.'”
ויסב חזקיהו פניו אל הקיר ויתפלל אל יהוה | 2 |
Pagkatapos humarap sa pader si Hezekias at nanalangin kay Yahweh.
ויאמר אנה יהוה זכר נא את אשר התהלכתי לפניך באמת ובלב שלם והטוב בעיניך עשיתי ויבך חזקיהו בכי גדול | 3 |
Kanyang sinabi, “Paki-usap, Yahweh, alalahanin kung paaanong matapat akong namuhay ng buong puso sa iyong harapan at ginawa ko kung ano ang mabuti sa iyong paningin.” At tumangis si Hezekias.
ויהי דבר יהוה אל ישעיהו לאמר | 4 |
Pagkatapos dumating ang salita ni Yahweh kay Isaias, sinasabing,
הלוך ואמרת אל חזקיהו כה אמר יהוה אלהי דוד אביך שמעתי את תפלתך ראיתי את דמעתך הנני יוסף על ימיך חמש עשרה שנה | 5 |
Magtungo ka at sabihin kay Hezekias, ang lider ng aking bayan, 'Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ni David inyong ninuno, nagsasabing: narinig ko ang iyong panalangin, at nakita ko ang iyong mga luha. Tingnan mo, labinlimang taon ang idadagdag ko sa iyong buhay.
ומכף מלך אשור אצילך ואת העיר הזאת וגנותי על העיר הזאת | 6 |
At ililigtas kita at ang lunsod na ito sa kapangyarihan ng hari ng Asiria, at ipagtatanggol ko ang lunsod na ito.
וזה לך האות מאת יהוה אשר יעשה יהוה את הדבר הזה אשר דבר | 7 |
At ito ang magiging palatandaan sa iyo mula sa akin, Yahweh, na aking gagawin ang sinabi ko:
הנני משיב את צל המעלות אשר ירדה במעלות אחז בשמש אחרנית--עשר מעלות ותשב השמש עשר מעלות במעלות אשר ירדה | 8 |
Masdan, paaatrasin ko ng sampung hakbang ang anino ni Ahaz sa hagdan.”' Kaya umatras ng sampung hakbang ang anino sa hagdan na kung saan ito ay nagpauna.
מכתב לחזקיהו מלך יהודה בחלתו ויחי מחליו | 9 |
Ito ang nakasulat na panalangin ni Hezekias hari ng Juda, noong siya ay nagkasakit at gumaling:
אני אמרתי בדמי ימי אלכה--בשערי שאול פקדתי יתר שנותי (Sheol ) | 10 |
sinabi ko na sa kalahati ng aking buhay na mapupunta ako sa tarangkahan ng sheol; mananatili ako doon sa nalalabing mga taon ko. (Sheol )
אמרתי לא אראה יה יה בארץ החיים לא אביט אדם עוד עם יושבי חדל | 11 |
Sinabi kong hindi ko na makikita pa si Yahweh, nasa lupain ng mga buhay si Yahweh; hindi ko na makikita pa ang sangkatauhan o ang mga naninirahan sa mundo.
דורי נסע ונגלה מני--כאהל רעי קפדתי כארג חיי מדלה יבצעני מיום עד לילה תשלימני | 12 |
Inalis at tinangay ang aking buhay mula sa akin tulad ng isang tolda ng pastol; binalumbon ko ang aking buhay tulad ng isang manghahabi; tinatabas mo ako mula sa habihan; araw at sa gabi, winawakasan mo ang aking buhay.
שויתי עד בקר כארי כן ישבר כל עצמותי מיום עד לילה תשלימני | 13 |
Lumuluha ako hanggang umaga; tulad ng isang leon na binabali lahat ng aking mga buto; sa araw at sa gabi winawakasan mo ang buhay ko.
כסוס עגור כן אצפצף אהגה כיונה דלו עיני למרום אדני עשקה לי ערבני | 14 |
Tulad ng isang layang-layang ako ay sumisiyap; tulad ng isang kalapati ako ay humuhuni; aking mata ay napagod sa kakatingala. Panginoon, inapi ako: tulungan mo ako.
מה אדבר ואמר לי והוא עשה אדדה כל שנותי על מר נפשי | 15 |
Ano ang dapat kong sabihin? Parehong siyang nagpahayag sa akin at tinupad ito; dahan-dahan kong lalakarin ang laaht ng aking taon dahil binabalot mo ako ng kalungkutan.
אדני עליהם יחיו ולכל בהן חיי רוחי ותחלימני והחיני | 16 |
Panginoon, ang mga pagdurusang mula sa iyo ay mabuti sa akin; nawa ay ibalik mo sa akin ang aking buhay; naibalik mo ang aking buhay at kalusugan.
הנה לשלום מר לי מר ואתה חשקת נפשי משחת בלי כי השלכת אחרי גוך כל חטאי | 17 |
Ito ay sa kabutihan ko na naranasan ko ang ganoong kalungkutan. Niligtas mo ako sa hukay ng pagkawasak; dahil tinapon mo lahat ng aking kasalanan sa iyong likuran.
כי לא שאול תודך מות יהללך לא ישברו יורדי בור אל אמתך (Sheol ) | 18 |
Dahil hindi nagpapasalamat sa iyo ang sheol; hindi ka pinupuri ng kamatayan; silang nananaog sa hukay ay hindi umaasa sa iyong pagkamapagkakatiwalaan. (Sheol )
חי חי הוא יודך כמוני היום אב לבנים יודיע אל אמתך | 19 |
Ang taong nabubuhay, ang taong nabubuhay, siya ay ang isang magbibigay pasasalamat sa iyo, tulad ng ginagawa ko sa araw na ito; ipinaaalam ng isang ama sa mga anak ang iyong pagkamapagkakatiwalaan.
יהוה להושיעני ונגנותי ננגן כל ימי חיינו על בית יהוה | 20 |
Malapit na akong iligtas ni Yahweh, at magdiriwang kami na may kantahan sa araw ng ating mga buhay sa bahay ni Yahweh.””
ויאמר ישעיהו ישאו דבלת תאנים וימרחו על השחין ויחי | 21 |
Ngayon sinabi ni Isaias, “Hayaan silang pumitas ng isang bungkos na igos at itapal sa iyong pigsa, at ikaw ay gagaling.
ויאמר חזקיהו מה אות כי אעלה בית יהוה | 22 |
Sinabi din ni Hezekias, “Ano ang magiging tanda na ako ay aakyat sa tahanan ng Diyos?”