< ישעה 14 >
כי ירחם יהוה את יעקב ובחר עוד בישראל והניחם על אדמתם ונלוה הגר עליהם ונספחו על בית יעקב | 1 |
Mahahabag si Yahweh sa Jacob; pipiliin niya muli ang Israel at ibabalik sila sa sarili nilang lupain. Sasapi ang mga dayuhan sa kanila at iaanib ang kanilang mga sarili sa bayan ng Jacob.
ולקחום עמים והביאום אל מקומם והתנחלום בית ישראל על אדמת יהוה לעבדים ולשפחות והיו שבים לשביהם ורדו בנגשיהם | 2 |
Dadalahin sila ng mga bansa sa kanilang lugar. Pagkatapos, kukunin sila ng bayan ng Israel sa lupain ni Yahweh bilang lalaki at babaeng mga alipin. Mabibihag nila ang mga bumihag sa kanila, at pamumunuan nilang lahat ng mga nang-api sa kanila.
והיה ביום הניח יהוה לך מעצבך ומרגזך--ומן העבדה הקשה אשר עבד בך | 3 |
Sa araw na bibigyan kayo ni Yahweh ng kapahingahan mula sa paghihirap at pagdurusa, at mula sa mahirap na pagtratrabaho na kailangan ninyong gawin,
ונשאת המשל הזה על מלך בבל--ואמרת איך שבת נגש שבתה מדהבה | 4 |
aawit kayo ng awiting panghamak laban sa hari ng Babilonia, “Paano natapos ang nang-aapi, ang pagmamataas nila ay tapos na!
שבר יהוה מטה רשעים--שבט משלים | 5 |
Sinira na ni Yahweh ang tungkod ng masasama, ang setro ng mga namamahala,
מכה עמים בעברה מכת בלתי סרה רדה באף גוים מרדף בלי חשך | 6 |
na pumapalo sa mga tao nang paulit-ulit, na galit na pinamahalaan ang mga bansa, sa pamamagitan ng walang tigil na paglusob.
נחה שקטה כל הארץ פצחו רנה | 7 |
Nasa kapayapaan at katahimikan ang buong mundo; nagsimula silang magdiwang na may awitan.
גם ברושים שמחו לך ארזי לבנון מאז שכבת לא יעלה הכרת עלינו | 8 |
Nagdiriwang maging ang mga puno ng pir sa mga sedar ng Lebanon; sabi nila, 'Ngayong naputol ka na, walang tagaputol ng puno ang pupunta dito para putulin tayo.'
שאול מתחת רגזה לך--לקראת בואך עורר לך רפאים כל עתודי ארץ--הקים מכסאותם כל מלכי גוים (Sheol ) | 9 |
Sabik kang sasalubungin ng Sheol kapag bumaba ka doon. Papabangunin nito ang mga patay para sa iyo, lahat ng hari sa mundo, itataas sila mula sa kanilang mga trono. (Sheol )
כלם יענו ויאמרו אליך גם אתה חלית כמונו אלינו נמשלת | 10 |
Kakausapin ka nilang lahat at sasabihin sa'yo, 'naging mahina ka na gaya namin. Gaya ka na namin.
הורד שאול גאונך המית נבליך תחתיך יצע רמה ומכסיך תולעה (Sheol ) | 11 |
Binaba ang iyong karangyaan sa Sheol kasama ng tunog ng iyong instrumentong may kuwerdas. Nakakalat ang mga uod sa iyong ilalim, at nakabalot ang mga bulate sa iyo. (Sheol )
איך נפלת משמים הילל בן שחר נגדעת לארץ חולש על גוים | 12 |
Paano ka nahulog mula sa kalangitan, ikaw na bituin sa araw, anak ng umaga! Paano ka naputol sa lupa, ikaw na sumakop sa mga bansa!
ואתה אמרת בלבבך השמים אעלה--ממעל לכוכבי אל ארים כסאי ואשב בהר מועד בירכתי צפון | 13 |
Sabi mo sa iyong puso, 'Aakyat ako sa langit, itataas ko ang aking trono sa taas ng mga bituin ng Diyos, at uupo ako sa bundok ng kapulungan, sa malayong bahagi ng hilaga.
אעלה על במתי עב אדמה לעליון | 14 |
Aakyat ako na mas mataas sa mga ulap; gagawin kong Kataas-taasang Diyos ang aking sarili.'
אך אל שאול תורד אל ירכתי בור (Sheol ) | 15 |
Pero ngayon nadala ka dito pababa sa Sheol, sa ilalim ng hukay. (Sheol )
ראיך אליך ישגיחו אליך יתבוננו הזה האיש מרגיז הארץ מרעיש ממלכות | 16 |
Titingnan ka nila at iisipin ang nangyari sa iyo. Sasabihin nila. 'Ito ba ang taong nagpanginig sa mundo, na nagpayanig ng mga kaharian, na siyang ginawang ilang ang daigdig,
שם תבל כמדבר ועריו הרס אסיריו לא פתח ביתה | 17 |
na siyang nagbagsak ng mga lungsod at ang siyang hindi nagpauwi sa mga bilanggo sa kanilang mga tahanan?
כל מלכי גוים כלם--שכבו בכבוד איש בביתו | 18 |
Lahat ng hari sa mga bansa, matutulog sa kaluwalhatian, sa bawat libingan nila.
ואתה השלכת מקברך כנצר נתעב--לבש הרגים מטעני חרב יורדי אל אבני בור כפגר מובס | 19 |
Pero hindi ka kabilang sa iyong libingan gaya ng isang sangang tinapon, matatabunan ka ng mga patay gaya ng isang damit, sa mga natusok ng espada - sa mga nahulog sa mga batuhan ng hukay.
לא תחד אתם בקבורה כי ארצך שחת עמך הרגת לא יקרא לעולם זרע מרעים | 20 |
Gaya ng isang bangkay na tinapon sa ilalim, hindi ka makakasama sa kanila sa libingan, dahil winasak mo ang iyong lupain. Ikaw na pumatay sa iyong kababayan ay anak ng mga gumagawa ng masama at hindi na muling babanggitin kailanman.”
הכינו לבניו מטבח בעון אבותם בל יקמו וירשו ארץ ומלאו פני תבל ערים | 21 |
Maghanda ka sa pagkatay sa kaniyang mga anak, dahil sa kasalanan ng kanilang mga ninuno, upang hindi sila tumaas at makuha ang mundo at punuin ang buong daigdig ng mga lungsod.
וקמתי עליהם נאם יהוה צבאות והכרתי לבבל שם ושאר ונין ונכד--נאם יהוה | 22 |
“Lalaban ako sa kanila” - pahayag ito ni Yahweh ng mga hukbo.” Puputulin ko ang pangalan ng Babilonia, kaapu-apuhan, at saling-lahi sa hinaharap” - payahag ito ni Yahweh.
ושמתיה למורש קפד ואגמי מים וטאטאתיה במטאטא השמד נאם יהוה צבאות | 23 |
Gagawin ko din silang papunta sa lugar ng mga kuwago, at sa mga sapa, at wawalisin ko siya ng walis ng pagkawasak” - payahag ito ni Yahweh ng mga hukbo.
נשבע יהוה צבאות לאמר אם לא כאשר דמיתי כן היתה וכאשר יעצתי היא תקום | 24 |
Nanumpa si Yahweh ng mga hukbo, “Sigurado, gaya ng nais ko, mangyayari iyon; at gaya ng layunin ko, mangyayari iyon:
לשבר אשור בארצי ועל הרי אבוסנו וסר מעליהם עלו וסבלו מעל שכמו יסור | 25 |
Wawasakin ko ang mga taga-Asiria sa aking lupain, at tatapakan ko sila sa aking mga bundok. Pagkatapos, maiaangat ang pamatok sa kaniya at kaniyang pasanin sa kaniyang mga balikat.”
זאת העצה היעוצה על כל הארץ וזאת היד הנטויה על כל הגוים | 26 |
Ito ang plano na nais ko para sa buong mundo, at ito ang kamay na nakataas sa lahat ng mga bansa.
כי יהוה צבאות יעץ ומי יפר וידו הנטויה ומי ישיבנה | 27 |
Dahil binalak ni Yahweh ng mga hukbo ito; sino ang makapipigil sa kaniya? Nakataas ang kaniyang kamay, at sino ang makabababa nito?
בשנת מות המלך אחז היה המשא הזה | 28 |
Sa panahon na namatay si haring Ahaz, dumating ang pahayag na ito:
אל תשמחי פלשת כלך כי נשבר שבט מכך כי משרש נחש יצא צפע ופריו שרף מעופף | 29 |
Huwag kayong magalak, Filisteo, dahil nasira na ang pamalong hinampas sa inyo. Dahil sa pinanggalingan ng ahas ay may paparating na isa pa, at magiging lumilipad na ahas ang kaniyang anak.
ורעו בכורי דלים ואביונים לבטח ירבצו והמתי ברעב שרשך ושאריתך יהרג | 30 |
Kakain ang panganay ng mahirap, at makakatulog ng ligtas ang mga nangangailangan. Papatayin ko ang pinanggalingan mo sa pamamagitan ng kagutuman na papatay sa lahat ng nakaligtas sa inyo.
הילילי שער זעקי עיר נמוג פלשת כלך כי מצפון עשן בא ואין בודד במועדיו | 31 |
Umungol kayo, umiyak kayo; lungsod; matutunaw ang lahat ng mayroon ka; Filistio. Dahil mula sa hilaga, darating ang ulap na usok, at walang nakahiwalay sa hanay niya.
ומה יענה מלאכי גוי כי יהוה יסד ציון ובה יחסו עניי עמו | 32 |
Paano sasagutin ng isang tao ang mga mensahero ng bansang iyon? Si Yahweh ang nagtalaga ng Sion, at sa Sion makatatagpo ng kanlungan ang mga nahirapang bayan niya.