< בראשית 46 >

ויסע ישראל וכל אשר לו ויבא בארה שבע ויזבח זבחים לאלהי אביו יצחק 1
Naglakbay si Israel dala lahat ng mayroon siya at nagtungo sa Beer-seba. Nag-alay siya roon ng mga handog sa Diyos ng kanyang amang si Isaac.
ויאמר אלהים לישראל במראת הלילה ויאמר יעקב יעקב ויאמר הנני 2
Nangusap ang Diyos kay Israel sa pamamagitan ng pangitain sa gabi, na sinasabing, “Jacob, Jacob.” Sinabi niya, “Narito ako.”
ויאמר אנכי האל אלהי אביך אל תירא מרדה מצרימה כי לגוי גדול אשימך שם 3
Sinabi niya, “Ako ang Diyos, ang Diyos ng iyong ama. Huwag kang matakot na bumaba patungong Ehipto, dahil doon kita gagawing isang dakilang bansa.
אנכי ארד עמך מצרימה ואנכי אעלך גם עלה ויוסף ישית ידו על עיניך 4
Bababa ako kasama mo sa Ehipto at tunay na ibabalik kitang muli. Isasara ni Jose ang iyong mga mata sa pamamagitan ng kanyang sariling kamay.”
ויקם יעקב מבאר שבע וישאו בני ישראל את יעקב אביהם ואת טפם ואת נשיהם בעגלות אשר שלח פרעה לשאת אתו 5
Bumangon si Jacob mula sa Beer-seba. Isinakay ng mga anak na lalaki ni Israel si Jacob na kanilang ama, ang kanilang mga anak, at ang kanilang mga asawa sa mga kariton na ipinadala ng Paraon para magdala sa kanya.
ויקחו את מקניהם ואת רכושם אשר רכשו בארץ כנען ויבאו מצרימה יעקב וכל זרעו אתו 6
Dinala nila ang kanilang mga alagang hayop at mga ari-arian na naipon nila sa lupain ng Canaan. Pumunta si Jacob sa Ehipto at ang lahat ng kanyang mga kaapu-apuhan kasama niya.
בניו ובני בניו אתו בנתיו ובנות בניו וכל זרעו--הביא אתו מצרימה 7
Dinala niya kasama sa Ehipto ang kanyang mga anak na lalaki, at kanyang mga apong lalaki, kanyang mga anak na babae at kanyang mga apong babae, at lahat ng kanyang mga kaapu-apuhan.
ואלה שמות בני ישראל הבאים מצרימה יעקב ובניו בכר יעקב ראובן 8
Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Israel na dumating sa Ehipto, si Jacob at ang kanyang mga anak na lalaki: si Ruben, panganay na anak ni Jacob;
ובני ראובן--חנוך ופלוא וחצרן וכרמי 9
mga anak na lalaki ni Ruben na sina Enoc, Fallu, Hezron at Carmi;
ובני שמעון ימואל וימין ואהד--ויכין וצחר ושאול בן הכנענית 10
mga anak ni Simeon sina Jemuel, Jamin, Ohad, Jaquin, Zohar at Saul, na mga anak na lalaki ng babaeng taga-Canaan;
ובני לוי--גרשון קהת ומררי 11
mga anak na lalaki ni Levi na sina Gershon, Coat at Merari;
ובני יהודה ער ואונן ושלה--ופרץ וזרח וימת ער ואונן בארץ כנען ויהיו בני פרץ חצרן וחמול 12
mga anak na lalaki ni Juda: sina Er, Onan, Sela, Fares at Zara, (pero namatay si Er at Onan sa lupain ng Canaan. At ang mga anak na lalaki ni Fares, sina Hezron at Hamul);
ובני יששכר--תולע ופוה ויוב ושמרן 13
Ang mga anak na lalaki ni Isacar: sina Tola, Pua, Job, at Simron;
ובני זבלון--סרד ואלון ויחלאל 14
Ang mga anak na lalaki ni Zabulun: sina Sered, Elon, at Jahleel
אלה בני לאה אשר ילדה ליעקב בפדן ארם ואת דינה בתו כל נפש בניו ובנותיו שלשים ושלש 15
(ito ang mga anak na lalaki ni Lea na ipinanganak kay Jacob sa Paddan Aram, kabilang ang anak niyang babae na si Dina. Ang bilang ng lahat ng kanyang mga anak na lalaki at mga anak na babae ay tatlumpu't tatlo);
ובני גד צפיון וחגי שוני ואצבן ערי וארודי ואראלי 16
ang mga anak na lalaki ni Gad, sina Zifion, Hagui at Suni, Ezbon, Eri, Arodi, at Areli;
ובני אשר ימנה וישוה וישוי ובריעה--ושרח אחתם ובני בריעה חבר ומלכיאל 17
ang mga anak na lalaki ni Aser, sina Jimna at Isua, Isui at Beria, at si Sera na kanilang kapatid na babae; ang mga anak na lalaki ni Beria, sina Heber at Malquiel
אלה בני זלפה אשר נתן לבן ללאה בתו ותלד את אלה ליעקב שש עשרה נפש 18
(ito ang mga anak na lalaki ni Zilpa, na ibinigay ni Laban sa kanyang anak na babae na si Lea. Ito ang mga ipinanganak niya kay Jacob— labing-anim lahat);
בני רחל אשת יעקב יוסף ובנימן 19
ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Raquel na kanyang asawa—sina Jose and Benjamin.
ויולד ליוסף בארץ מצרים אשר ילדה לו אסנת בת פוטי פרע כהן אן--את מנשה ואת אפרים 20
(sa Ehipto ipinanganak sina Manases at Efraim kay Jose at Asenath, anak na babae ni Potifera na pari ng On);
ובני בנימן בלע ובכר ואשבל גרא ונעמן אחי וראש מפים וחפים וארד 21
ang mga anak na lalaki ni Benjamin, sina Bela, Bequer, Ashbel, Gera, Naaman, Ehi, Ros, Mupim, Hupim, at Ard
אלה בני רחל אשר ילד ליעקב--כל נפש ארבעה עשר 22
(ito ang mga anak na lalaki ni Raquel na ipinanganak kay Jacob. Ang mga taong ito ay labing-apat lahat);
ובני דן חשים 23
Ang anak na lalaki ni Dan, si Husim;
ובני נפתלי--יחצאל וגוני ויצר ושלם 24
ang mga anak na lalaki ni Neftali, sina Jahzeel, Guni, Jeser, and Silem
אלה בני בלהה אשר נתן לבן לרחל בתו ותלד את אלה ליעקב כל נפש שבעה 25
(ito ang mga anak na lalaki ni Jacob kay Bilha na ibinigay ni Laban kay Raquel na kanyang anak na babae. Ang mga taong ito ay pito lahat.
כל הנפש הבאה ליעקב מצרימה יצאי ירכו מלבד נשי בני יעקב--כל נפש ששים ושש 26
Lahat ng mga taong dumating kasama ni Jacob sa Ehipto na kanyang mga kapu-apuhan, bukod sa kanyang mga manugang na babae ay animnapu't anim lahat.
ובני יוסף אשר ילד לו במצרים נפש שנים כל הנפש לבית יעקב הבאה מצרימה שבעים 27
Ang dalawang lalaking anak ni Jose na ipinanganak sa kanya sa Ehipto ay dalawa. Lahat ng tao sa bahay ni Jacob na pumunta sa Ehipto ay pitumpo lahat.
ואת יהודה שלח לפניו אל יוסף להורת לפניו גשנה ויבאו ארצה גשן 28
Naunang ipinadala ni Jacob si Juda papunta kay Jose upang ituro sa kanya ang daan patungong Gosen at sila ay pumunta sa lupain ng Gosen.
ויאסר יוסף מרכבתו ויעל לקראת ישראל אביו גשנה וירא אליו ויפל על צואריו ויבך על צואריו עוד 29
Inihanda ni Jose ang kanyang karwahe at umakyat para salubungin si Israel na kanyang ama sa Gosen. Siya ay nakita niya, niyapos ang kanyang leeg at humagulgol sa kanyang leeg ng matagal.
ויאמר ישראל אל יוסף אמותה הפעם אחרי ראותי את פניך כי עודך חי 30
Sinabi ni Israel kay Jose, “Ngayon hayaan mo na akong mamatay, yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buhay pa.”
ויאמר יוסף אל אחיו ואל בית אביו אעלה ואגידה לפרעה ואמרה אליו אחי ובית אבי אשר בארץ כנען באו אלי 31
Sinabi ni Jose sa kanyang mga kapatid na lalaki at sa bahay ng kanyang ama, “Aakyat ako at sasabihin kay Paraon na, 'Ang aking mga lalaking kapatid at ang tahanan ng aking ama na nasa lupain ng Canaan ay pumunta sa akin.
והאנשים רעי צאן כי אנשי מקנה היו וצאנם ובקרם וכל אשר להם הביאו 32
Ang mga lalaki ay mga pastol dahil sila ay tagapag-alaga ng kanilang mga alagang hayop. Dinala nila ang kanilang mga kawan, mga baka at lahat ng mayroon sila.'
והיה כי יקרא לכם פרעה ואמר מה מעשיכם 33
Darating ang oras, kapag tinawag at tinanong kayo ng Paraon, 'Ano ang inyong hanap-buhay?'
ואמרתם אנשי מקנה היו עבדיך מנעורינו ועד עתה--גם אנחנו גם אבתינו בעבור תשבו בארץ גשן כי תועבת מצרים כל רעה צאן 34
sabihin ninyo dapat na, 'Ang inyong mga lingkod ay tagapag-alaga ng mga hayop mula sa aming kabataan hanggang ngayon, kami at ang aming mga ninuno.' Gawin ninyo ito para kayo ay maaring manirahan sa lupain ng Gosen, dahil ang bawat pastol ay kasuklam-suklam sa mga taga-Ehipto.”

< בראשית 46 >