< בראשית 30 >

ותרא רחל כי לא ילדה ליעקב ותקנא רחל באחתה ותאמר אל יעקב הבה לי בנים ואם אין מתה אנכי 1
Nang makita ni Raquel na wala siyang naging anak kay Jacob, si Raquel ay nainggit sa kanyang kapatid na babae. Sinabi niya kay Jacob, “Bigyan mo ako ng mga anak, o mamamatay ako.”
ויחר אף יעקב ברחל ויאמר התחת אלהים אנכי אשר מנע ממך פרי בטן 2
Ang galit ni Jacob ay nagsiklab laban kay Raquel. Sinabi niya, “Nasa lugar ba ako ng Dios, na pumigil sa iyo na magkaanak?”
ותאמר הנה אמתי בלהה בא אליה ותלד על ברכי ואבנה גם אנכי ממנה 3
Sinabi niya, “Tingnan mo, iyan ang aking lingkod na si Bilha. Sipingan mo siya para magkaroon siya ng mga anak sa aking mga tuhod, at ako ay magkakaroon ng mga anak sa pamamagitan niya.”
ותתן לו את בלהה שפחתה לאשה ויבא אליה יעקב 4
Kaya binigay niya ang kanyang lingkod na si Bilha bilang asawa at sinipingan siya ni Jacob.
ותהר בלהה ותלד ליעקב בן 5
Nagdalang-tao si Bilha at nagsilang ng anak na lalaki kay Jacob.
ותאמר רחל דנני אלהים וגם שמע בקלי ויתן לי בן על כן קראה שמו דן 6
Sinabi ni Raquel, “Narinig ako ng Diyos. Tiyak na narinig niya ang aking tinig at binigyan ako ng isang anak. Kaya nga, pinangalanan niya itong Dan.
ותהר עוד--ותלד בלהה שפחת רחל בן שני ליעקב 7
Si Bilha, ang lingkod ni Raquel, ay nagdalang-tao muli at nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak.
ותאמר רחל נפתולי אלהים נפתלתי עם אחתי--גם יכלתי ותקרא שמו נפתלי 8
Sinabi ni Raquel, “Sa matinding pakikipagbuno, nakipagbuno ako sa aking kapatid at ako ay nanaig.” Siya ay pinangalanan niyang Nephtali.
ותרא לאה כי עמדה מלדת ותקח את זלפה שפחתה ותתן אתה ליעקב לאשה 9
Nang nakita ni Lea na natigil na siya sa pagkakaroon ng anak, kinuha niya si Zilpa, ang kanyang lingkod, at ibinigay kay Jacob bilang asawa.
ותלד זלפה שפחת לאה--ליעקב בן 10
Si Zilpa, na lingkod ni Lea, ay nagsilang ng lalaki kay Jacob.
ותאמר לאה בגד (בא גד) ותקרא את שמו גד 11
Sinabi ni Lea, “Ito ay napakapalad!” Kaya siya ay pinangalanan niyang Gad.
ותלד זלפה שפחת לאה בן שני ליעקב 12
Pagkatapos si Zilpa, lingkod ni Lea, ay nagsilang kay Jacob ng pangalawang anak.
ותאמר לאה--באשרי כי אשרוני בנות ותקרא את שמו אשר 13
Sinabi ni Lea, “Masaya ako! Dahil ang mga anak na babae ay tatawagin akong masaya.” Kaya siya ay pinangalanan niyang Asher.
וילך ראובן בימי קציר חטים וימצא דודאים בשדה ויבא אתם אל לאה אמו ותאמר רחל אל לאה תני נא לי מדודאי בנך 14
Pumunta si Ruben nang panahon ng pag-ani ang trigo at nakakita ng mga halaman ng mendreik. Dinala niya ito sa kanyang inang si Lea. Pagkatapos sinabi ni Raquel kay Lea, “Bigyan mo ako ilan sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak.”
ותאמר לה המעט קחתך את אישי ולקחת גם את דודאי בני ותאמר רחל לכן ישכב עמך הלילה תחת דודאי בנך 15
Sinabi ni Lea kay Raquel, “Maliit na bagay lang ba sa iyo na kinuha mo ang aking asawa? Ngayon gusto mo namang kunin din ang mga halaman ng mendreik ng aking anak?” Sinabi ni Raquel, “Matutulog siya kasama mo ngayong gabi, bilang kapalit sa mga halaman ng mendreik ng iyong anak.”
ויבא יעקב מן השדה בערב ותצא לאה לקראתו ותאמר אלי תבוא כי שכר שכרתיך בדודאי בני וישכב עמה בלילה הוא 16
Nanggaling si Jacob sa kanyang sakahan kinagabihan. Lumabas si Lea para salubungin siya at sinabi, “Kailangan mong matulog kasama ko ngayong gabi, dahil inupahan kita sa pamamagitan ng mga halaman na mendreik ng aking anak.” Kaya natulog si Jacob kasama ni Lea nang gabing iyon.
וישמע אלהים אל לאה ותהר ותלד ליעקב בן חמישי 17
Dininig ng Diyos si Lea, at nagdalang tao siya at nagsilang ng ikalimang anak nila ni Jacob.
ותאמר לאה נתן אלהים שכרי אשר נתתי שפחתי לאישי ותקרא שמו יששכר 18
Sinabi ni Lea, “Ibinigay ng Diyos sa akin ang aking mga kabayaran, dahil ibinigay ko sa aking asawa ang aking babaeng lingkod.” Siya ay pinangalanan niyang Isacar.
ותהר עוד לאה ותלד בן ששי ליעקב 19
Muling nagdalang-tao si Lea at nagsilang kay Jacob ng ikaanim na anak.
ותאמר לאה זבדני אלהים אתי זבד טוב--הפעם יזבלני אישי כי ילדתי לו ששה בנים ותקרא את שמו זבלון 20
Sinabi ni Lea, “Binigyan ako ng Diyos ng magandang regalo. Ngayon, pararangalan na ako ng aking asawa, dahil nagsilang ako ng anim na batang lalaki sa kanya.” Siya ay pinangalanan niyang Zebulon.
ואחר ילדה בת ותקרא את שמה דינה 21
Pagkatapos nagsilang siya ng batang babae at siya ay pinangalanan niyang Dina.
ויזכר אלהים את רחל וישמע אליה אלהים ויפתח את רחמה 22
Naalala ng Diyos si Raquel at dininig siya. Dinulot niya na siya ay mabuntis.
ותהר ותלד בן ותאמר אסף אלהים את חרפתי 23
Nagdalang-tao siya at nagsilang ng isang anak na lalaki. Sinabi niya, “Inalis ng Diyos ang aking kahihiyan.”
ותקרא את שמו יוסף לאמר יסף יהוה לי בן אחר 24
Siya ay pinangalanan niyang Jose, na nagsasabing, “Si Yahweh ay nagdagdag sa akin ng lalaking anak.”
ויהי כאשר ילדה רחל את יוסף ויאמר יעקב אל לבן שלחני ואלכה אל מקומי ולארצי 25
Pagkatapos isilang ni Raquel si Jose, sinabi ni Jacob kay Laban, “Ipadala mo ako sa malayo, para ako ay makapunta sa sarili kong tahanan at sa aking bansa.
תנה את נשי ואת ילדי אשר עבדתי אתך בהן--ואלכה כי אתה ידעת את עבדתי אשר עבדתיך 26
Ibigay mo sa akin ang aking mga asawa at mga anak na dahilan ng aking paninilbihan sa iyo, at hayaan mo akong umalis dahil alam mo naman ang paglilingkod na ibinigay ko sa iyo.”
ויאמר אליו לבן אם נא מצאתי חן בעיניך נחשתי ויברכני יהוה בגללך 27
Sinabi ni Laban sa kanya, “Kung nakahanap ako ng pabor sa iyong mga mata ngayon, maghintay ka muna, dahil nalaman ko sa aking pagdarasal na pinagpala ako ni Yahweh para sa iyong kapakanan.”
ויאמר נקבה שכרך עלי ואתנה 28
Pagkatapos sinabi niya, “Sabihin mo kung magkano ang iyong kabayaran at babayaran ko.”
ויאמר אליו--אתה ידעת את אשר עבדתיך ואת אשר היה מקנך אתי 29
Sinabi ni Jacob sa kanya, “Alam mo kung paano ako nanilbihan sa iyo at alam mo kung paano lumago ang iyong mga hayop.
כי מעט אשר היה לך לפני ויפרץ לרב ויברך יהוה אתך לרגלי ועתה מתי אעשה גם אנכי--לביתי 30
Dahil kakaunti lang ang mayroon ka bago ako dumating, at dumami ito nang dumami. Pinagpala ka ni Yahweh saan man ako nagtrabaho. Ngayon kailan naman ako maghahanda para sa aking sariling sambahayan?”
ויאמר מה אתן לך ויאמר יעקב לא תתן לי מאומה--אם תעשה לי הדבר הזה אשובה ארעה צאנך אשמר 31
Kaya sinabi ni Laban, “Ano ang ibabayad ko sa iyo?” Sinabi ni Jacob, “Hindi mo ako bibigyan ng anumang bagay. Kung gagawin mo ang bagay na ito para sa akin, pakakainin ko ulit at iingatan ang iyong mga kawan.
אעבר בכל צאנך היום הסר משם כל שה נקד וטלוא וכל שה חום בכשבים וטלוא ונקד בעזים והיה שכרי 32
Hayaan mo akong lumakad doon sa iyong mga kawan ngayon, aalisin ko ang bawat may batik at may dungis na tupa, at lahat ng mga itim sa iyong mga tupa, at ang mga may dungis at batik sa mga kambing. Ito ang aking magiging kabayaran.
וענתה בי צדקתי ביום מחר כי תבוא על שכרי לפניך כל אשר איננו נקד וטלוא בעזים וחום בכשבים--גנוב הוא אתי 33
Ang aking katapatan ang magpapatunay para sa akin kalaunan, kapag pupunta ka para tingnan ang aking kabayaran. Lahat na mga walang batik, walang dungis sa mga kambing, at itim sa mga tupa, kung mayroon mang makita na nasa akin, ay ituturing na ninakaw.”
ויאמר לבן הן לו יהי כדברך 34
Sinabi ni Laban, “Pumapayag ako. Mangyayari ang mga ito ayon sa sinabi mo.”
ויסר ביום ההוא את התישים העקדים והטלאים ואת כל העזים הנקדות והטלאת כל אשר לבן בו וכל חום בכשבים ויתן ביד בניו 35
Sa araw na iyon inalis ni Laban ang lahat ng mga lalaking kambing na may guhit at dungis, at ang lahat ng mga babaeng kambing na may batik at dungis, ang lahat na may puti, at ang lahat ng mga itim sa mga tupa, at ibinigay niya ito sa kamay ng kanyang mga anak na lalaki.
וישם דרך שלשת ימים בינו ובין יעקב ויעקב רעה את צאן לבן--הנותרת 36
Naglagay din si Laban ng tatlong araw na paglalakbay sa pagitan ng kanyang sarili at kay Jacob. Kaya si Jacob ay nagsikap na alagaan ang natitirang kawan ni Laban.
ויקח לו יעקב מקל לבנה לח--ולוז וערמון ויפצל בהן פצלות לבנות--מחשף הלבן אשר על המקלות 37
Kumuha si Jacob ng sariwang pinutol na mga sanga ng sariwang alamo, at ng almendro at ng kastanong punongkahoy, at binalatan sila ng puting guhit, at pinalitaw ang puting loob ng kahoy na nasa mga patpat.
ויצג את המקלות אשר פצל ברהטים בשקתות המים--אשר תבאן הצאן לשתות לנכח הצאן ויחמנה בבאן לשתות 38
Pagkatapos inilagay niya ang binalatang patpat sa harap ng mga kawan, sa harap ng patubigan kung saan ang mga kawan ay umiinom. Nabubuntis sila sa tuwing sila ay umiinom.
ויחמו הצאן אל המקלות ותלדן הצאן עקדים נקדים וטלאים 39
Ang mga kawan ay nagparami sa harap ng mga patpat; at ang mga kawan ay nanganak ng may guhit, may batik, at may dungis na bata.
והכשבים הפריד יעקב ויתן פני הצאן אל עקד וכל חום בצאן לבן וישת לו עדרים לבדו ולא שתם על צאן לבן 40
Si Jacob ay naghiwalay sa mga babaeng tupa, at hinarap ang kanilang mga mukha sa mga hayop na may guhit at lahat ng itim na tupa sa kawan ni Laban. Pagkatapos, ihiniwalay niya ang kaniyang mga kawan at hindi na sila isinama kailanman sa kawan ni Laban.
והיה בכל יחם הצאן המקשרות ושם יעקב את המקלות לעיני הצאן ברהטים--ליחמנה במקלות 41
Sa tuwing nagpaparami ang mga malalakas na tupa sa kawan, nilalagay ni Jacob ang mga patpat sa may patubigan sa harapan ng mga mata ng kawan, para mabuntis sila sa gitna ng mga patpat.
ובהעטיף הצאן לא ישים והיה העטפים ללבן והקשרים ליעקב 42
Pero kapag dumating ang mahihinang hayop sa kawan, hindi niya inilalagay ang mga patpat sa kanilang harapan. Kaya ang mga mahihinang hayop ay kay Laban, at ang mga malalakas ay kay Jacob.
ויפרץ האיש מאד מאד ויהי לו צאן רבות ושפחות ועבדים וגמלים וחמרים 43
Naging masagana ang lalaki. Mayroon siyang maraming mga kawan, mga babaeng at lalaking lingkod, mga kamelyo at mga asno.

< בראשית 30 >