< בראשית 26 >
ויהי רעב בארץ מלבד הרעב הראשון אשר היה בימי אברהם וילך יצחק אל אבימלך מלך פלשתים גררה | 1 |
Ngayon, may taggutom sa lupain, bukod pa sa naunang taggutom na nagkaroon sa panahon ni Abraham. Pumunta si Isaac kay Abimelec, ang hari ng Filisteo sa Gerar.
וירא אליו יהוה ויאמר אל תרד מצרימה שכן בארץ אשר אמר אליך | 2 |
Ngayon nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabi, “Huwag kang pumunta sa Ehipto; tumira ka sa lugar na sinabi ko na iyong pagtirhan.
גור בארץ הזאת ואהיה עמך ואברכך כי לך ולזרעך אתן את כל הארצת האל והקמתי את השבעה אשר נשבעתי לאברהם אביך | 3 |
Manatili ka sa lugar na ito, at ako ay sumasainyo at pagpapalain ko kayo; para sa iyo at sa iyong mga kaapu-apuhan, ibibigay ko ang lahat ng mga lupaing ito, at tutuparin ko ang panunumpa na aking sinumpaan kay Abraham na iyong ama.
והרביתי את זרעך ככוכבי השמים ונתתי לזרעך את כל הארצת האל והתברכו בזרעך כל גויי הארץ | 4 |
Pararamihin ko ang iyong mga kaapu-apuhan gaya ng mga bituin sa langit, at ibibigay sa iyong mga kaapu-apuhan ang lahat na mga lupaing ito. Sa pamamagitan ng iyong mga kaapu-apuhan ang lahat ng bansa sa lupa ay pagpapalain.
עקב אשר שמע אברהם בקלי וישמר משמרתי מצותי חקותי ותורתי | 5 |
Gagawin ko ito dahil sinunod ni Abraham ang aking utos at sinunod niya ang aking mga tagubilin, mga utos ko at mga batas ko.”
Kaya namalagi si Isaac sa Gerar.
וישאלו אנשי המקום לאשתו ויאמר אחתי הוא כי ירא לאמר אשתי פן יהרגני אנשי המקום על רבקה כי טובת מראה הוא | 7 |
Nang tanungin siya ng mga kalalakihan sa lugar tungkol sa kanyang asawa, sinabi nya, “Siya ay aking kapatid na babae.” Natakot siyang sabihin, “Siya ay aking asawa,” dahil naisip niya, “Ang mga lalaki sa lugar na ito ay papatayin ako para makuha si Rebeca dahil napakaganda niya.”
ויהי כי ארכו לו שם הימים וישקף אבימלך מלך פלשתים בעד החלון וירא והנה יצחק מצחק את רבקה אשתו | 8 |
Pagkatapos, nagtagal si Isaac doon, Si Abimelec ang hari ng mga Filisteo ay nagkataong tumingin sa labas sa bintana. Nakita niya, masdan, si Isaac na nilalambing si Rebeca, na kanyang asawa.
ויקרא אבימלך ליצחק ויאמר אך הנה אשתך הוא ואיך אמרת אחתי הוא ויאמר אליו יצחק כי אמרתי פן אמות עליה | 9 |
Ipinatawag ni Abimelec si Isaac sa kanya at sinabi, “Tingnan mo, tiyak nga na siya ay iyong asawa. Bakit mo sinabi, 'Siya ay aking kapatid na babae'?” Sinabi ni Isaac sa kanya, “Dahil naisip ko na maaring mayroong pumatay sa akin para makuha siya.”
ויאמר אבימלך מה זאת עשית לנו כמעט שכב אחד העם את אשתך והבאת עלינו אשם | 10 |
Sinabi ni Abimelec, “Ano itong ginawa mo sa amin? Maaring may taong madaling sumiping sa iyong asawa, at madala mo sa amin ang pagkakasala.”
ויצו אבימלך את כל העם לאמר הנגע באיש הזה ובאשתו--מות יומת | 11 |
Kaya binalaan ni Abimelec ang lahat ng mga tao at sinabi, “Kung sino man ang gumalaw sa taong ito o sa kanyang asawa ay tiyak na malalagay sa kamatayan.”
ויזרע יצחק בארץ ההוא וימצא בשנה ההוא מאה שערים ויברכהו יהוה | 12 |
Nagtanim si Isaac sa lupaing iyon at umani sa parehong taon ng isang sandaang beses, dahil pinagpala siya ni Yahweh.
ויגדל האיש וילך הלוך וגדל עד כי גדל מאד | 13 |
Naging mayaman siya, at lumago ng higit-higit pa hanggang siya ay naging napakadakila.
ויהי לו מקנה צאן ומקנה בקר ועבדה רבה ויקנאו אתו פלשתים | 14 |
Mayroon siyang maraming tupa at mga baka, at isang malaking sambahayan. Ang mga Filisteo ay kinaiinggitan siya.
וכל הבארת אשר חפרו עבדי אביו בימי אברהם אביו--סתמום פלשתים וימלאום עפר | 15 |
Ngayon ang lahat ng mga balon na hinukay ng mga lingkod ng kanyang ama sa panahon ni Abraham, na hininto ng mga Palestina sa pamamagitan ng pag-tambak ng lupa.
ויאמר אבימלך אל יצחק לך מעמנו כי עצמת ממנו מאד | 16 |
Sinabi ni Abimelec kay Isaac, “Umalis ka palayo sa amin, dahil mas makapangyarihan ka kaysa sa amin.”
וילך משם יצחק ויחן בנחל גרר וישב שם | 17 |
Kaya umalis si Isaac mula doon at namalagi sa lambak ng Gerar, at nanirahan doon.
וישב יצחק ויחפר את בארת המים אשר חפרו בימי אברהם אביו ויסתמום פלשתים אחרי מות אברהם ויקרא להן שמות כשמת אשר קרא להן אביו | 18 |
Muling hinukay ni Isaac ang mga balon ng tubig, na hinukay nila noong panahon ni Abraham na kanyang ama. Pinahinto sila ng mga Filisteo pagkatapos mamatay ni Abraham. Tinawag ni Isaac ang mga balon sa parehong mga pangalan na binigay ng kanyang ama dito.
ויחפרו עבדי יצחק בנחל וימצאו שם--באר מים חיים | 19 |
Nang naghukay ang mga lingkod ni Isaac sa lambak, nakita nila doon ang isang balong dumadaloy ang tubig.
ויריבו רעי גרר עם רעי יצחק לאמר--לנו המים ויקרא שם הבאר עשק כי התעשקו עמו | 20 |
Ang mga pastol na lalaki ng Gerar ay nakipag-away sa mga pastol na lalaki ni Isaac, at sinabi “Ang tubig na ito ay sa amin.” Kaya tinawag ni Isaac ang balon na iyon na “Esek,” dahil nakipag-away sila sa kanya.
ויחפרו באר אחרת ויריבו גם עליה ויקרא שמה שטנה | 21 |
Pagkatapos naghukay sila ng isa pang balon, at nag-away rin sila nito, kaya binigyan niya ito ng pangalang “Sitnah.”
ויעתק משם ויחפר באר אחרת ולא רבו עליה ויקרא שמה רחבות ויאמר כי עתה הרחיב יהוה לנו ופרינו בארץ | 22 |
Umalis siya doon at naghukay muli ng isa pang balon, subalit hindi na nila pinag-awayan ang isang iyon. Kaya tinawag niya itong Rehobot, at sinabi niya, “Ngayon ay gumawa si Yahweh ng kaluwagan sa amin, at tayo ay sasagana sa lupa.”
Pagkatapos pumunta si Isaac mula doon patungong Beer-seba.
וירא אליו יהוה בלילה ההוא ויאמר אנכי אלהי אברהם אביך אל תירא כי אתך אנכי וברכתיך והרביתי את זרעך בעבור אברהם עבדי | 24 |
Nagpakita si Yahweh sa kanya sa gabi ring iyon at sinabing, “Ako ang Diyos ng iyong amang si Abraham. Huwag kang matakot, sapagkat ako ay kasama mo at pagpapalain kita at pararamihin ang iyong mga kaapu-apuhan, alang-alang sa aking lingkod na si Abraham.”
ויבן שם מזבח ויקרא בשם יהוה ויט שם אהלו ויכרו שם עבדי יצחק באר | 25 |
Nagtayo si Isaac ng altar doon at tumawag sa pangalan ni Yahweh. Nagtindig siya ng tolda doon, at ang kanyang mga lingkod ay naghukay ng balon.
ואבימלך הלך אליו מגרר ואחזת מרעהו ופיכל שר צבאו | 26 |
Pagkatapos si Abimelec ay pumunta sa kanya mula sa Gerar, kasama si Ahuzat, kanyang kaibigan, at si Picol, ang kapitan ng kanyang hukbo.
ויאמר אלהם יצחק מדוע באתם אלי ואתם שנאתם אתי ותשלחוני מאתכם | 27 |
Sinabi ni Isaac sa kanila, “Bakit kayo naparito sa akin, samantalang galit kayo sa akin at pinaalis ninyo ako palayo sa inyo?”
ויאמרו ראו ראינו כי היה יהוה עמך ונאמר תהי נא אלה בינותינו בינינו ובינך ונכרתה ברית עמך | 28 |
At sinabi nila, “Malinaw naming nakita na si Yahweh ay iyong kasama. Kaya napagpasyahan namin na dapat ay mayroong sumpaan sa pagitan natin, oo, sa pagitan mo at sa amin. Kaya gagawa kami ng tipan sa iyo,
אם תעשה עמנו רעה כאשר לא נגענוך וכאשר עשינו עמך רק טוב ונשלחך בשלום אתה עתה ברוך יהוה | 29 |
na hindi mo kami sasaktan, gaya ng hindi namin pananakit sa iyo, at sa pakikitungo namin ng mabuti sa iyo at sa pagpapaalis namin sa iyo ng mapayapa. Tunay nga, ikaw ay pinagpala ni Yahweh.”
ויעש להם משתה ויאכלו וישתו | 30 |
Kaya gumawa si Isaac ng pista para sa kanila, at sila ay kumain at uminom.
וישכימו בבקר וישבעו איש לאחיו וישלחם יצחק וילכו מאתו בשלום | 31 |
Bumangon sila ng maaga kinabukasan at sila ay nagsumpaan sa bawat isa. Pagkatapos pinaalis sila ni Isaac, at siya ay iniwan nila ng mapayapa.
ויהי ביום ההוא ויבאו עבדי יצחק ויגדו לו על אדות הבאר אשר חפרו ויאמרו לו מצאנו מים | 32 |
Nang araw ding iyon dumating ang mga lingkod ni Isaac at sinabi sa kanya tungkol sa balong kanilang hinukay. Sinabi nila, “Nakakita kami ng tubig”,
ויקרא אתה שבעה על כן שם העיר באר שבע עד היום הזה | 33 |
Tinawag niya ang balon na Seba, kaya ang pangalan ng lungsod na iyon ay Beer-seba hanggang sa araw na ito.
ויהי עשו בן ארבעים שנה ויקח אשה את יהודית בת בארי החתי--ואת בשמת בת אילן החתי | 34 |
Nang si Esau ay apatnapung taong gulang na, siya ay nag-asawa, si Judit ang anak ni Beeri na mga anak ni Heth, at saka si Basemat ang anak na babae ni Elon na mga anak ni Heth.
ותהיין מרת רוח ליצחק ולרבקה | 35 |
Sila ay nagdala ng kalungkutan kay Isaac at Rebeca.