< בראשית 21 >

ויהוה פקד את שרה כאשר אמר ויעש יהוה לשרה כאשר דבר 1
Binigyang pansin ni Yahweh si Sara gaya ng sinabi niya at tinupad ni Yahweh ang kanyang pangako kay Sara.
ותהר ותלד שרה לאברהם בן לזקניו למועד אשר דבר אתו אלהים 2
Nabuntis at nagsilang ng isang anak na lalaki si Sara para kay Abraham sa kanyang katandaan, sa itinakdang panahong sinabi ng Diyos sa kanya.
ויקרא אברהם את שם בנו הנולד לו אשר ילדה לו שרה--יצחק 3
Pinangalanan ni Abraham bilang Isaac ang kanyang anak na lalaki, siya na isinilang sa kaniya, na isinilang ni Sara para sa kanya.
וימל אברהם את יצחק בנו בן שמנת ימים כאשר צוה אתו אלהים 4
Tinuli ni Abraham ang kanyang anak na si Isaac nang ito ay walong araw na gulang, ayon sa iniutos ng Diyos sa kanya.
ואברהם בן מאת שנה בהולד לו את יצחק בנו 5
Si Abraham ay isandaang taong gulang nang isilang si Isaac sa kanya.
ותאמר שרה--צחק עשה לי אלהים כל השמע יצחק לי 6
Sinabi ni Sara, “Pinatawa ako ng Diyos; tatawa ang bawat isang makakarinig kasama ko.”
ותאמר מי מלל לאברהם היניקה בנים שרה כי ילדתי בן לזקניו 7
Sinabi rin niya, “Sinong makapagsasabi kay Abraham na si Sara ay magaalaga ng mga anak, at gayunpaman nagsilang ako sa kanya ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan!”
ויגדל הילד ויגמל ויעש אברהם משתה גדול ביום הגמל את יצחק 8
Lumaki ang bata at hiniwalay na sa kanyang ina, at naghanda si Abraham ng isang malaking pagdiriwang sa araw na hiniwalay na si Isaac sa kayang ina.
ותרא שרה את בן הגר המצרית אשר ילדה לאברהם--מצחק 9
Nakita ni Sara na nangungutya ang anak ni Agar na taga-Ehipto, na isinilang niya kay Abraham.
ותאמר לאברהם גרש האמה הזאת ואת בנה כי לא יירש בן האמה הזאת עם בני עם יצחק 10
Kaya sinabi niya kay Abraham, “Palayasin mo ang babaeng aliping ito kasama ang kanyang anak: dahil hindi magiging tagapagmana ang anak ng babaeng aliping iyan kasama ng anak kong si Isaac.”
וירע הדבר מאד בעיני אברהם על אודת בנו 11
Ang bagay na ito ay labis na nagpalungkot kay Abraham dahil sa kanyang anak.
ויאמר אלהים אל אברהם אל ירע בעיניך על הנער ועל אמתך--כל אשר תאמר אליך שרה שמע בקלה כי ביצחק יקרא לך זרע 12
Ngunit sinabi ng Diyos kay Abraham, “Huwag kang malungkot dahil sa batang lalaki, at dahil sa iyong babaeng lingkod. Pakinggan mo ang lahat ng sinasabi niya tungkol sa bagay na ito, dahil sa pamamagitan ni Isaac makikilala ang mga kaapu-apuhan mo.
וגם את בן האמה לגוי אשימנו כי זרעך הוא 13
Gagawin ko ring isang bansa ang anak ng babaeng lingkod, dahil siya ay iyong anak.
וישכם אברהם בבקר ויקח לחם וחמת מים ויתן אל הגר שם על שכמה ואת הילד--וישלחה ותלך ותתע במדבר באר שבע 14
Maagang bumangon si Abraham, kumuha siya ng tinapay at isang lalagyang tubig at nilagay ito sa balikat ni Agar. Dinala niya ang batang lalaki sa kanya at pinaalis siya. Umalis siya at nagpagala-gala sa ilang na lugar ng Beer-seba.
ויכלו המים מן החמת ותשלך את הילד תחת אחד השיחם 15
Pagkaubos ng tubig sa lalagyang balat, iniwan niya ang bata sa ilalim ng isang mababang puno.
ותלך ותשב לה מנגד הרחק כמטחוי קשת כי אמרה אל אראה במות הילד ותשב מנגד ותשא את קלה ותבך 16
Pagkatapos umalis siya at naupo sa di kalayuan mula sa kanya, na parang isang tudla ng pana ang layo, dahil ang sabi niya, “Huwag ko sanang makita ang kamatayan ng bata.” Habang nakaupo siya roon sa kabila ng bata, nilakasan niya ang kaniyang boses at humagulgol siya sa iyak.
וישמע אלהים את קול הנער ויקרא מלאך אלהים אל הגר מן השמים ויאמר לה מה לך הגר אל תיראי כי שמע אלהים אל קול הנער באשר הוא שם 17
Narinig ng Diyos ang boses ng bata, at tumawag ang anghel ng Diyos kay Agar mula sa langit, at sinabi sa kanya, “Anong gumagambala sa iyo, Agar? Huwag kang matakot, sapagkat narinig ng Diyos ang boses ng bata mula sa kanyang kinaroroonan.
קומי שאי את הנער והחזיקי את ידך בו כי לגוי גדול אשימנו 18
Tumayo ka, ibangon mo ang bata at patatagin siya; sapagkat gagawin ko siyang isang dakilang bansa.”
ויפקח אלהים את עיניה ותרא באר מים ותלך ותמלא את החמת מים ותשק את הנער 19
Pagkatapos minulat ng Diyos ang mga mata ni Agar at nakakita siya ng isang balon ng tubig. Pinuntahan niya ito at pinuno ng tubig ang lalagyang gawa sa balat at pinainom ang bata.
ויהי אלהים את הנער ויגדל וישב במדבר ויהי רבה קשת 20
Sinamahan ng Diyos ang bata, at lumaki siya. Nanirahan siya sa ilang at naging isang mamamana.
וישב במדבר פארן ותקח לו אמו אשה מארץ מצרים 21
Namuhay siya sa ilang ng Paran, at kumuha ng mapapangasawa niya ang kaniyang ina mula sa lupain ng Ehipto.
ויהי בעת ההוא ויאמר אבימלך ופיכל שר צבאו אל אברהם לאמר אלהים עמך בכל אשר אתה עשה 22
Sa panahong iyon kinausap nila Abimelek at Ficol na kapitan ng kanyang hukbo si Abraham at sinabing, “Kasama mo ang Diyos sa lahat ng iyong ginagawa.
ועתה השבעה לי באלהים הנה אם תשקר לי ולניני ולנכדי כחסד אשר עשיתי עמך תעשה עמדי ועם הארץ אשר גרתה בה 23
Kaya ngayon manumpa ka sa Diyos, na hindi mo ako gagawan ng masama, ni ang aking mga anak, ni ang aking mga kaapu-apuhan. Ipakita mo sa akin at sa lupain kung saan ka naninirahan ang parehong katapatan sa kasunduan na ipinakita ko sa iyo.”
ויאמר אברהם אנכי אשבע 24
“Nangangako ako” sagot ni Abraham.
והוכח אברהם את אבימלך על אדות באר המים אשר גזלו עבדי אבימלך 25
Nagreklamo rin si Abraham kay Abimelek patungkol sa balon ng tubig na inagaw mula sa kanya ng mga lingkod ni Abimelek.
ויאמר אבימלך--לא ידעתי מי עשה את הדבר הזה וגם אתה לא הגדת לי וגם אנכי לא שמעתי--בלתי היום 26
Sinabi ni Abimelek, “Hindi ko alam kung sino ang gumawa ng bagay na ito. Hindi mo ito sinabi sa akin liban ngayon; hindi ko ito narining kundi ngayon.”
ויקח אברהם צאן ובקר ויתן לאבימלך ויכרתו שניהם ברית 27
Kaya kumuha si Abraham ng tupa at mga lalaking baka at binigay ang mga ito kay Abimelek, at gumawa ang dalawa ng isang kasunduan.
ויצב אברהם את שבע כבשת הצאן--לבדהן 28
Pagkatapos nagbukod si Abraham ng pitong mga babaeng tupa ng kawan.
ויאמר אבימלך אל אברהם מה הנה שבע כבשת האלה אשר הצבת לבדנה 29
Sinabi ni Abimelek kay Abraham, “Anong kahulugan nitong pitong babaeng tupang ibinukod mo?”
ויאמר--כי את שבע כבשת תקח מידי בעבור תהיה לי לעדה כי חפרתי את הבאר הזאת 30
Sumagot siya, “Matatanggap mo mula sa aking kamay itong pitong babaing tupa, upang maging saksi para sa akin, na hinukay ko ang balong ito.”
על כן קרא למקום ההוא--באר שבע כי שם נשבעו שניהם 31
Kaya tinawag niya ang lugar na iyong Beer-seba, dahil doon sila kapwa nagsumpaan ng isang kasunduan.
ויכרתו ברית בבאר שבע ויקם אבימלך ופיכל שר צבאו וישבו אל ארץ פלשתים 32
Gumawa sila ng isang kasunduan sa Beer-seba, at pagkatapos bumalik si Abimelek at Ficol, ang kapitan ng kanyang hukbo sa lupain ng mga Filisteo.
ויטע אשל בבאר שבע ויקרא שם--בשם יהוה אל עולם 33
Nagtanim si Abraham ng puno ng tamarisko sa Beer-seba. Doon sinamba niya si Yahweh, ang Diyos na walang hanggan.
ויגר אברהם בארץ פלשתים ימים רבים 34
Namalagi si Abraham bilang isang dayuhan sa lupain ng mga Filisteo nang maraming araw.

< בראשית 21 >