< בראשית 17 >
ויהי אברם בן תשעים שנה ותשע שנים וירא יהוה אל אברם ויאמר אליו אני אל שדי--התהלך לפני והיה תמים | 1 |
Nang siyamnapu't-siyam na taong gulang na si Abram, nagpakita si Yahweh sa kanya at sinabing, “Ako ang Diyos na makapangyarihan. Lumakad ka sa akin at mamuhay ka nang matuwid.
ואתנה בריתי ביני ובינך וארבה אותך במאד מאד | 2 |
Pagkatapos pagtitibayin ko ang aking tipan sa pagitan natin, at lubos kitang pararamihin.”
ויפל אברם על פניו וידבר אתו אלהים לאמר | 3 |
Nagpatirapa si Abram na nakasayad ang mukha sa lupa at nangusap ang Diyos sa kanya, sinabing,
אני הנה בריתי אתך והיית לאב המון גוים | 4 |
“Para sa akin, masdan mo, ang aking tipan ay sumasaiyo. Ikaw ay magiging ama ng napakamaraming bansa.
ולא יקרא עוד את שמך אברם והיה שמך אברהם כי אב המון גוים נתתיך | 5 |
Ang pangalan mo ay magiging Abraham, at hindi na Abram—dahil itinalaga kita na maging ama ng napakamaraming bansa.
והפרתי אתך במאד מאד ונתתיך לגוים ומלכים ממך יצאו | 6 |
Pamumungahin kita nang lubos, at magmumula sa iyo ang maraming bansa, at ang mga magiging hari ay magmumula rin sayo.
והקמתי את בריתי ביני ובינך ובין זרעך אחריך לדרתם--לברית עולם להיות לך לאלהים ולזרעך אחריך | 7 |
Magtatatag ako ng tipan sa pagitan natin at sa iyong mga magiging kaapu-apuhan, hanggang sa kanilang buong salinlahi, para sa isang walang hanggang tipan, na ako ang magiging Diyos mo at ng mga susunod mong mga kaapu-apuhan.
ונתתי לך ולזרעך אחריך את ארץ מגריך את כל ארץ כנען לאחזת עולם והייתי להם לאלהים | 8 |
Ibibigay ko sayo at sa mga susunod mong kaapu-apuhan, ang lupain kung saan ka naninirahan, lahat ng lupain sa Canaan, para sa walang hanggang pag-aari at ako ang magiging Diyos nila.”
ויאמר אלהים אל אברהם ואתה את בריתי תשמר--אתה וזרעך אחריך לדרתם | 9 |
Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Abraham, “Para sayo, dapat mong ingatan ang aking tipan, ikaw at ang susunod mong kaapu-apuhan hanggang sa kanilang buong salinlahi.
זאת בריתי אשר תשמרו ביני וביניכם ובין זרעך אחריך המול לכם כל זכר | 10 |
Ito ang aking tipan sa pagitan ko at sa pagitan mo at sa susunod mong mga kaapu-apuhan na dapat mong ingatan: Lahat ng lalaki sa inyo ay dapat matuli.
ונמלתם את בשר ערלתכם והיה לאות ברית ביני וביניכם | 11 |
Dapat kayong matuli sa laman ng iyong balat, at ito ang magiging palatandaan ng tipan sa pagitan ko at pagitan mo.
ובן שמנת ימים ימול לכם כל זכר--לדרתיכם יליד בית--ומקנת כסף מכל בן נכר אשר לא מזרעך הוא | 12 |
Bawat lalaki sa inyo ay dapat na matuli pagsapit ng ikawalong araw na gulang, maging sa mga susunod ninyong salinlahi. Kasama rito ang mga ipinanganak sa iyong sambahayan, pati na ang nabili ng salapi mula sa mga dayuhan na hindi kasama sa iyong mga kaapu-apuhan.
המול ימול יליד ביתך ומקנת כספך והיתה בריתי בבשרכם לברית עולם | 13 |
Siya na ipinanganak sa iyong sambahayan, at nabili ng iyong salapi ay dapat matuli. Sa gayon ang aking tipan ay mapapasaiyong laman para sa walang hanggang tipan.
וערל זכר אשר לא ימול את בשר ערלתו--ונכרתה הנפש ההוא מעמיה את בריתי הפר | 14 |
Sinuman sa mga hindi tuli ang hindi tinuli sa laman ng kaniyang balat ay ihihiwalay mula sa kanyang sambayahan. Sinira niya ang aking tipan.
ויאמר אלהים אל אברהם שרי אשתך לא תקרא את שמה שרי כי שרה שמה | 15 |
Sinabi ng Diyos kay Abraham, “Tungkol naman kay Sarai na iyong asawa, hindi na Sarai ang itatawag mo sa kanya. Sa halip, Sarah ang kanyang magiging pangalan.
וברכתי אתה וגם נתתי ממנה לך בן וברכתיה והיתה לגוים מלכי עמים ממנה יהיו | 16 |
Pagpapalain ko siya at bibigyan kita ng anak na lalaki sa pamamagitan niya. Pagpapalain ko siya, at siya ang magiging ina ng mga bansa. Ang mga hari ng mga tao ay magmumula sa kanya.”
ויפל אברהם על פניו ויצחק ויאמר בלבו הלבן מאה שנה יולד ואם שרה הבת תשעים שנה תלד | 17 |
Pagkatapos nagpatirapa si Abraham na nakasayad ang mukha, at tumawa, at sinabi sa kanyang puso, “Maaari bang magkaanak ang isang taong isandaang taong gulang na? At magkakaanak pa ba si Sarah, gayong siyamnapung taong gulang na siya?
ויאמר אברהם אל האלהים לו ישמעאל יחיה לפניך | 18 |
Sinabi pa ni Abraham sa Diyos, “Nawa mabuhay si Ismael sa iyong harapan!”
ויאמר אלהים אבל שרה אשתך ילדת לך בן וקראת את שמו יצחק והקמתי את בריתי אתו לברית עולם לזרעו אחריו | 19 |
Sinabi ng Diyos, “Hindi, si Sarah na iyong asawa ay magdadalang-tao ng anak na lalaki, at pangalanan mo siyang Isaac. Magtatatag ako ng tipan sa kanya, bilang walang hanggang tipan sa mga susunod niyang mga magiging kaapu-apuhan.
ולישמעאל שמעתיך--הנה ברכתי אתו והפריתי אתו והרביתי אתו במאד מאד שנים עשר נשיאם יוליד ונתתיו לגוי גדול | 20 |
Tungkol naman kay Ismael, narinig kita. Pagmasdan mo, pinagpapala ko siya ngayon at pamumungahin ko siya, at pararamihin ko siya nang masagana. Siya ay magiging ama ng labindalawang mga pinuno ng mga lipi, at gagawin ko siyang isang malaking bansa.
ואת בריתי אקים את יצחק אשר תלד לך שרה למועד הזה בשנה האחרת | 21 |
Pero itatatag ko ang aking tipan kay Isaac, na siyang isisilang ni Sarah sa ganitong oras sa susunod na taon.”
ויכל לדבר אתו ויעל אלהים מעל אברהם | 22 |
Nang siya ay tapos ng makipag-usap sa kanya, umakyat ang Diyos mula kay Abraham.
ויקח אברהם את ישמעאל בנו ואת כל ילידי ביתו ואת כל מקנת כספו--כל זכר באנשי בית אברהם וימל את בשר ערלתם בעצם היום הזה כאשר דבר אתו אלהים | 23 |
Pagkatapos, kinuha ni Abraham ang kanyang anak na si Ismael at lahat ng ipinanganak sa kanyang sambahayan, at lahat ng mga nabili niya sa kanyang salapi, bawat lalaki na kabilang sa mga tauhan ng sambahayan ni Abraham, at tinuli sa laman ng kanilang balat sa parehong araw, gaya ng sinabi ng Diyos sa kanya.
ואברהם--בן תשעים ותשע שנה בהמלו בשר ערלתו | 24 |
Natuli si Abraham sa laman ng kanyang balat nang siya ay siyamnapu't-siyam na taong gulang.
וישמעאל בנו בן שלש עשרה שנה בהמלו--את בשר ערלתו | 25 |
At natuli si Ismael sa laman ng kanyang balat nang siya ay labing tatlong taong gulang.
בעצם היום הזה נמול אברהם וישמעאל בנו | 26 |
Sa magkaparehong araw, parehong natuli si Abraham at si Ismael na kanyang anak.
וכל אנשי ביתו יליד בית ומקנת כסף מאת בן נכר--נמלו אתו | 27 |
Lahat ng lalaki sa kanyang sambahayan ay natuli rin kasama niya, pati na ang mga ipinanganak sa sambahayan, at ang mga nabili ng salapi mula sa dayuhan.