< עזרא 10 >
וכהתפלל עזרא וכהתודתו בכה ומתנפל לפני בית האלהים נקבצו אליו מישראל קהל רב מאד אנשים ונשים וילדים--כי בכו העם הרבה בכה | 1 |
Habang si Ezra ay nanalangin at nagtatapat, siya ay tumangis at nagpatirapa sa harap ng tahanan ng Diyos. Isang napakalaking kapulungan ng mga Israelitang lalaki, mga babae, at mga bata ay nagtipon sa kaniya, sapagkat ang mga tao ay labis na tumatangis.
ויען שכניה בן יחיאל מבני עולם (עילם) ויאמר לעזרא--אנחנו מעלנו באלהינו ונשב נשים נכריות מעמי הארץ ועתה יש מקוה לישראל על זאת | 2 |
Sinabi ni Secanias na anak ni Jehiel mula sa kaapu-apuhan ni Elam kay Ezra, “Kami nga mismo ay nakagawa ng kataksilan laban sa ating Diyos at nanirahan kasama ng mga dayuhang babae mula sa mga tao ng ibang mga lupain. Ngunit ngayon ay mayroong pag-asa para sa Israel patungkol dito.
ועתה נכרת ברית לאלהינו להוציא כל נשים והנולד מהם בעצת אדני והחרדים במצות אלהינו וכתורה יעשה | 3 |
Kaya ngayon gumawa tayo ng isang tipan sa ating Diyos na palabasin ang lahat ng mga babae at kanilang mga anak ayon sa mga tagubilin ng Panginoon at sa mga tagubilin ng mga nanginig sa mga utos ng ating Diyos, at mangyari nawa ito ayon sa batas.
קום כי עליך הדבר ואנחנו עמך חזק ועשה | 4 |
Tumayo ka, sapagkat ang bagay na ito ay para iyo upang gawin mo, at kasama mo kami. Magpakatatag ka at gawin ito.''
ויקם עזרא וישבע את שרי הכהנים הלוים וכל ישראל לעשות כדבר הזה--וישבעו | 5 |
Kaya tumayo si Ezra at ang mga pinakapunong pari, ang mga Levita, at ang lahat ng mga Israelita ay nanumpa na kumilos sa ganitong paraan. Sila ay nangako.
ויקם עזרא מלפני בית האלהים וילך אל לשכת יהוחנן בן אלישיב וילך שם לחם לא אכל ומים לא שתה--כי מתאבל על מעל הגולה | 6 |
At tumayo si Ezra mula sa harap ng bahay ng Diyos at pumunta sa mga silid ni Jehohanan na anak ni Eliasib. Hindi siya kumain ng anumang tinapay at uminom ng anumang tubig, yamang siya ay nagluluksa tungkol sa kawalan ng pananampalataya ng mga nanggaling sa pagkakabihag.
ויעבירו קול ביהודה וירושלם לכל בני הגולה--להקבץ ירושלם | 7 |
Kaya nagpadala sila ng mensahe sa Juda at Jerusalem sa lahat ng taong nanggaling sa pagkatapon upang magtipun-tipon sa Jerusalem.
וכל אשר לא יבוא לשלשת הימים כעצת השרים והזקנים--יחרם כל רכושו והוא יבדל מקהל הגולה | 8 |
Sinuman ang hindi pumunta sa loob ng tatlong araw ayon sa tagubilin ng mga opisyal at mga nakatatandang lalaki ay kukunin ang lahat ng kanilang mga ari-arian at hindi ibibilang sa napakalaking kapulungan ng mga taong bumalik mula sa pagkakatapon.
ויקבצו כל אנשי יהודה ובנימן ירושלם לשלשת הימים הוא חדש התשיעי--בעשרים בחדש וישבו כל העם ברחוב בית האלהים מרעידים על הדבר ומהגשמים | 9 |
Kaya lahat ng mga lalaki ng Juda at Benjamin ay nagtipun-tipon sa Jerusalem sa loob ng tatlong araw. Ito ay ang ika-siyam na buwan at ang ika-dalawampung araw ng buwan. Tumayo ang lahat ng tao sa liwasan sa harap ng tahanan ng Diyos at nanginig dahil sa salita at sa ulan.
ויקם עזרא הכהן ויאמר אלהם אתם מעלתם ותשיבו נשים נכריות--להוסיף על אשמת ישראל | 10 |
Tumayo ang paring si Ezra at sinabi, “Kayo mismo ay nakagawa ng kataksilan. Nanirahan kayo kasama ang mga dayuhang babae kaya pinalaki ninyo ang kasalanan ng Israel.
ועתה תנו תודה ליהוה אלהי אבתיכם--ועשו רצונו והבדלו מעמי הארץ ומן הנשים הנכריות | 11 |
Ngunit ngayon purihin si Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at gawin ang kaniyang kaloooban. Humiwalay kayo sa mga tao sa lupain at mula sa mga dayuhang babae.
ויענו כל הקהל ויאמרו קול גדול כן כדבריך (כדברך) עלינו לעשות | 12 |
Lahat ng kapulungan ay sumagot sa malakas na tinig, “Gagawin namin ang tulad ng iyong sinabi.
אבל העם רב והעת גשמים ואין כח לעמוד בחוץ והמלאכה לא ליום אחד ולא לשנים--כי הרבינו לפשע בדבר הזה | 13 |
Gayunpaman, maraming tao, at ito ay maulan na panahon. Wala kaming lakas para tumayo sa labas, at ito ay hindi lamang isa o dalawang araw na gawain, yamang kami ay labis na lumabag sa bagay na ito.
יעמדו נא שרינו לכל הקהל וכל אשר בערינו ההשיב נשים נכריות יבא לעתים מזמנים ועמהם זקני עיר ועיר ושפטיה עד להשיב חרון אף אלהינו ממנו--עד לדבר הזה | 14 |
Kaya hayaan natin ang ating mga opisyal na kumatawan sa lahat ng kapulungan. Hayaan na ang lahat ng nagpahintulot ng mga dayuhang babaeng tumira sa ating mga lungsod ay lumapit sa panahong pagtitibayin ng mga nakakatanda sa lungsod at mga hukom sa lungsod hanggang sa lumayo mula sa atin ang nagngingitngit na poot ng ating Diyos.”
אך יונתן בן עשהאל ויחזיה בן תקוה עמדו על זאת ומשלם ושבתי הלוי עזרם | 15 |
Tumutol dito sina Jonatan na lalaking anak ni Asahel at Jazeias na lalaking anak ni Tikva, at sina Mesulam at Sabetai na Levita ay sumang-ayon sa kanila.
ויעשו כן בני הגולה ויבדלו עזרא הכהן אנשים ראשי האבות לבית אבתם וכלם בשמות וישבו ביום אחד לחדש העשירי לדריוש הדבר | 16 |
Kaya ginawa ito ng mga taong bumalik mula sa pagkatapon. Ang paring si Ezra ay pumili ng mga lalaki, ang mga pinuno sa angkan ng kanilang mga ninuno at mga bahay—lahat sila ayon sa pangalan, at siniyasat nila ang usapin sa unang araw ng ika-sampung buwan.
ויכלו בכל--אנשים ההשיבו נשים נכריות עד יום אחד לחדש הראשון | 17 |
Sa unang araw ng unang buwan natapos nilang tuklasin kung sino ang mga lalaking nanirahan kasama ang mga dayuhang babae.
וימצא מבני הכהנים אשר השיבו נשים נכריות מבני ישוע בן יוצדק ואחיו--מעשיה ואליעזר ויריב וגדליה | 18 |
Sa mga kaapu-apuhan ng mga pari ay mayroong mga nanirahan kasama ang mga dayuhang babae. Sa mga kaapu-apuhan ni Josue na anak ni Jehozadak at ng kaniyang mga kapatid na lalaki ay sina Maaseias, Eliezer, Jarib, at Gedalia.
ויתנו ידם להוציא נשיהם ואשמים איל צאן על אשמתם | 19 |
Kaya nagpasya sila na palayasin ang kanilang mga asawa. Sapagkat sila ay nagkasala, sila ay naghandog ng tupang lalaki mula sa kawan para sa kanilang kasalanan.
Sa mga kaapu-apuhan ni Imer: sina Hanani at Zebadias.
ומבני חרם--מעשיה ואליה ושמעיה ויחיאל ועזיה | 21 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Harim: sina Maaseias, Elias, Semaias, Jehiel, at Uzias.
ומבני פשחור--אליועיני מעשיה ישמעאל נתנאל יוזבד ואלעשה | 22 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Pashur: Elioenai, Maaseias, Ismael, Netanael, Jozabad, at Elasa.
ומן הלוים--יוזבד ושמעי וקליה הוא קליטא פתחיה יהודה ואליעזר | 23 |
Sa mga Levita: sina Jozabad, Simei, Kelaias—iyon ay, Kelita, Petahias, Juda, at Eliezer.
ומן המשררים אלישיב ומן השערים שלם וטלם ואורי | 24 |
Sa mga mang-aawit: si Eliasib. Sa mga bantay-pinto: sina Sallum, Telem, at Uri.
ומישראל--מבני פרעש רמיה ויזיה ומלכיה ומימן ואלעזר ומלכיה ובניה | 25 |
Kabilang sa mga nalabing Israelita —sa mga kaapu-apuhan ni Paros: Ramias, Izias, Malquijas, Mijamin, Eleazar, Malquijas, at Benaias.
ומבני עילם--מתניה זכריה ויחיאל ועבדי וירימות ואליה | 26 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Elam: sina Matanias, Zecarias, Jehiel, Abdi, Jeremot, at Elias.
ומבני זתוא--אליועני אלישיב מתניה וירמות וזבד ועזיזא | 27 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Zatu: sina Elioenai, Eliasib, Matanias, Jeremot, Zabad, at Aziza.
ומבני בבי--יהוחנן חנניה זבי עתלי | 28 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Bebai: sina Jehohanan, Hananias, Zabai, at Atlai.
ומבני בני--משלם מלוך ועדיה ישוב ושאל ירמות (ורמות) | 29 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Bani: sina Mesulam, Maluc, Adaias, Jasub, at Seal Jeremot.
ומבני פחת מואב עדנא וכלל בניה מעשיה מתניה בצלאל ובנוי ומנשה | 30 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Pahat Moab: sina Adna, Helal, Benaias, Maaseias, Matanias, Bezalel, Binui, at Manases.
ובני חרם--אליעזר ישיה מלכיה שמעיה שמעון | 31 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Harim: sina Eliezer, Isijas, Malquijas, Semaias, Simeon,
Benjamin, Maluc, at Semarias.
מבני חשם--מתני מתתה זבד אליפלט ירמי מנשה שמעי | 33 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Hasum: sina Matenai, Matata, Zabad, Elifelet, Jeremai, Manases, at Simei.
מבני בני מעדי עמרם ואואל | 34 |
Sa mga kaapu-apuhan ni Bani: sina Maadai, Amram, Uel,
בניה בדיה כלוהי (כלוהו) | 35 |
Benaias, Bedeias, Heluhi,
Vanias, Meremot, Eliasib,
מתניה מתני ויעשו (ויעשי) | 37 |
Matanias, Matenai, Jaasu,
Macnadebai, Sasai, Sarai,
Azarel, Selemias, Semarias,
מבני נבו--יעיאל מתתיה זבד זבינא ידו (ידי) ויואל בניה | 43 |
Kabilang sa mga kaapu-apuhan ni Nebo: sina Jeiel, Matitias, Zabad, Zebina, Ido, Joel, at Benaias.
כל אלה נשאי (נשאו) נשים נכריות ויש מהם נשים וישימו בנים | 44 |
Lahat ng mga ito ay kumuha ng mga dayuhang asawa at nagka-anak sa ilan sa kanila.