< יחזקאל 42 >

ויוצאני אל החצר החיצונה--הדרך דרך הצפון ויבאני אל הלשכה אשר נגד הגזרה ואשר נגד הבנין--אל הצפון 1
Nang magkagayo'y dinala niya ako sa looban sa labas ng bahay, sa daan na dakong hilagaan: at dinala niya ako sa silid na nasa tapat ng bukod na dako, at siyang nasa tapat ng bahay sa dakong hilagaan.
אל פני ארך אמות המאה פתח הצפון והרחב חמשים אמות 2
Sa harapan ng isang daang siko ang haba, ay nandoon ang pintuang hilagaan, at ang luwang ay limang pung siko.
נגד העשרים אשר לחצר הפנימי ונגד רצפה אשר לחצר החיצונה--אתיק אל פני אתיק בשלשים 3
Sa tapat ng dalawang pung siko na ukol sa lalong loob na looban, at sa tapat ng lapag na ukol sa looban sa labas ng bahay, ay galeria sa tapat ng galeria na tatlong grado.
ולפני הלשכות מהלך עשר אמות רחב אל הפנימית--דרך אמה אחת ופתחיהם לצפון 4
At sa harap ng mga silid ay may isang lakaran na sangpung siko ang luwang sa loob, isang daanang may isang siko; at ang mga pintuan ay sa dakong hilagaan.
והלשכות העליונת קצרות כי יוכלו אתיקים מהנה מהתחתנות ומהתכונות--בנין 5
Ang lalong mataas ngang silid ay siyang lalong maikli; sapagka't ang mga galeria ay kumukuha sa mga ito, ng higit kay sa lalong mababa at sa pinaka gitna sa bahay.
כי משלשות הנה ואין להן עמודים כעמודי החצרות על כן נאצל מהתחתונות ומהתיכנות--מהארץ 6
Sapagka't tatlong grado, at walang mga haligi na gaya ng mga haligi ng mga looban: kaya't ang pinakamataas ay lalong munti kay sa pinakamababa at kay sa pinaka gitna mula sa lupa.
וגדר אשר לחוץ לעמת הלשכות דרך החצר החצונה אל פני הלשכות--ארכו חמשים אמה 7
At ang pader na nasa labas sa tabi ng mga silid, sa dako ng looban sa labas ng bahay sa harap ng mga silid, ang haba niyao'y limang pung siko.
כי ארך הלשכות אשר לחצר החצונה--חמשים אמה והנה על פני ההיכל מאה אמה 8
Sapagka't ang haba ng mga silid na nasa looban sa labas ay limang pung siko: at, narito, ang harapan ng templo ay may isang daang siko.
ומתחתה לשכות (ומתחת הלשכות) האלה--המבוא (המביא) מהקדים בבאו להנה מהחצר החצנה 9
At nasa ilalim ng mga silid na ito ang pasukan sa dakong silanganan, sa pagpasok na mula sa looban sa labas.
ברחב גדר החצר דרך הקדים אל פני הגזרה ואל פני הבנין--לשכות 10
Sa kakapalan ng pader ng looban sa dakong silanganan, sa harap ng bukod na dako, at sa harap ng bahay, may mga silid.
ודרך לפניהם כמראה הלשכות אשר דרך הצפון כארכן כן רחבן וכל מוצאיהן וכמשפטיהן וכפתחיהן 11
At ang daan sa harap ng mga yaon ay gaya ng anyo ng daan sa mga silid na nangasa dakong hilagaan; ayon sa haba ay gayon ang luwang: ang lahat ng labasan ng mga yaon ay ayon sa mga anyo ng mga yaon, at ayon sa mga pintuan ng mga yaon.
וכפתחי הלשכות אשר דרך הדרום פתח בראש דרך דרך בפני הגדרת הגינה דרך הקדים בבואן 12
At ayon sa mga pintuan ng mga silid na nangasa dakong timugan ay may isang pintuan sa bukana ng daan, sa daang tuwid na patuloy sa pader sa dakong silanganan, sa papasok sa mga yaon.
ויאמר אלי לשכות הצפון לשכות הדרום אשר אל פני הגזרה הנה לשכות הקדש אשר יאכלו שם הכהנים אשר קרובים ליהוה קדשי הקדשים שם יניחו קדשי הקדשים והמנחה והחטאת והאשם--כי המקום קדש 13
Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, Ang silid na hilagaan at ang silid na timugan na nasa harap ng bukod na dako, mga itinalagang silid, na pagkakanan ng mga kabanalbanalang bagay ng mga saserdote na malapit sa Panginoon: doon nila ilalapag ang mga kabanalbanalang bagay, at ang handog na harina, at ang handog dahil sa kasalanan, at ang handog dahil sa pagkakasala; sapagka't ang dako ay banal.
בבאם הכהנים ולא יצאו מהקדש אל החצר החיצונה ושם יניחו בגדיהם אשר ישרתו בהן כי קדש הנה ילבשו (ולבשו) בגדים אחרים וקרבו אל אשר לעם 14
Pagka ang mga saserdote ay nagsisipasok, hindi nga sila magsisilabas sa banal na dako na papasok sa looban sa labas, kundi doon nila ilalapag ang kanilang mga kasuutan na kanilang ipinangangasiwa; sapagka't mga banal: at sila'y mangagsusuot ng mga ibang kasuutan, at magsisilapit sa ukol sa bayan.
וכלה את מדות הבית הפנימי והוציאני דרך השער אשר פניו דרך הקדים ומדדו סביב סביב 15
Nang matapos nga niyang masukat ang lalong loob ng bahay, inilabas niya ako sa daan ng pintuang-daan na nakaharap sa dakong silanganan, at sinukat sa palibot.
מדד רוח הקדים בקנה המדה--חמש אמות (מאות) קנים בקנה המדה סביב 16
Sinukat niya sa dakong silanganan ng panukat na tambo, na limang daang tambo, ng panukat na tambo sa palibot.
מדד רוח הצפון--חמש מאות קנים בקנה המדה סביב 17
Sinukat niya sa dakong hilagaan, na limang daang tambo ng panukat na tambo sa palibot.
את רוח הדרום מדד--חמש מאות קנים בקנה המדה 18
Sinukat niya sa dakong timugan, na limang daang tambo ng panukat na tambo.
סבב אל רוח הים מדד חמש מאות קנים בקנה המדה 19
Siya'y pumihit sa dakong kalunuran, at sinukat ng limang daang tambo ng panukat na tambo.
לארבע רוחות מדדו חומה לו סביב סביב--ארך חמש מאות ורחב חמש מאות להבדיל בין הקדש לחל 20
Sinukat niya sa apat na sulok: may pader sa palibot, ang haba'y limang daan, at ang luwang ay limang daan, upang igawa ng pagkakahiwalay ang banal at ang karaniwan.

< יחזקאל 42 >