< יחזקאל 20 >

ויהי בשנה השביעית בחמשי בעשור לחדש באו אנשים מזקני ישראל לדרש את יהוה וישבו לפני 1
At nangyari nang ikapitong taon, sa ikasampung araw ng ikalimang buwan, dumating ang mga nakatatanda ng Israel upang sumangguni kay Yahweh at umupo sila sa aking harapan.
ויהי דבר יהוה אלי לאמר 2
Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
בן אדם דבר את זקני ישראל ואמרת אלהם כה אמר אדני יהוה הלדרש אתי אתם באים חי אני אם אדרש לכם נאם אדני יהוה 3
“Anak ng tao, ihayag mo sa mga nakatatanda ng Israel at sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Pumarito ba kayo upang sumangguni sa akin? Habang ako ay nabubuhay, hindi ninyo ako mapagsasanggunian! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'
התשפט אתם התשפוט בן אדם את תועבת אבותם הודיעם 4
Hahatulan mo ba sila? Hahatol ka ba, anak ng tao? Ipaalam mo sa kanila ang kasuklam-suklam na ginawa ng kanilang mga ama!
ואמרת אליהם כה אמר אדני יהוה ביום בחרי בישראל ואשא ידי לזרע בית יעקב ואודע להם בארץ מצרים ואשא ידי להם לאמר אני יהוה אלהיכם 5
Sabihin mo sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Sa araw na pinili ko ang Israel at itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa mga kaapu-apuhan ng sambahayan ni Jacob, at ipinakilala ko ang aking sarili sa kanila sa lupain ng Egipto, nang itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila. Sinabi ko, “Ako si Yahweh na inyong Diyos”—
ביום ההוא נשאתי ידי להם להוציאם מארץ מצרים אל ארץ אשר תרתי להם זבת חלב ודבש--צבי היא לכל הארצות 6
sa araw na iyon itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila na ilalabas ko sila sa lupain ng Egipto papunta sa isang lupain na maingat kong pinili para sa kanila. Ito ay dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan; ito ay pinakamagandang palamuti sa lahat ng mga lupain!
ואמר אלהם איש שקוצי עיניו השליכו ובגלולי מצרים אל תטמאו אני יהוה אלהיכם 7
Sinabi ko sa kanila, “Hayaang itapon ng bawat tao ang mga kasuklam-suklam na bagay mula sa kaniyang mga mata at ang mga diyus-diyosan ng Egipto. Huwag ninyong gawing marumi ang inyong mga sarili; ako si Yahweh na inyong Diyos.”
וימרו בי ולא אבו לשמע אלי--איש את שקוצי עיניהם לא השליכו ואת גלולי מצרים לא עזבו ואמר לשפך חמתי עליהם לכלות אפי בהם בתוך ארץ מצרים 8
Ngunit naghimagsik sila laban sa akin at ayaw nilang makinig sa akin. Hindi itinapon ng bawat tao ang mga kasuklam-suklam na bagay mula sa kaniyang mga mata, ni hindi nila tinalikuran ang mga diyus-diyosan ng Egipto, kaya ipinasya kong ibuhos sa kanila ang aking matinding galit upang mapawi ang aking poot sa kanila sa kalagitnaan ng lupain ng Egipto.
ואעש למען שמי לבלתי החל לעיני הגוים אשר המה בתוכם--אשר נודעתי אליהם לעיניהם להוציאם מארץ מצרים 9
Kumilos ako alang-alang sa aking pangalan upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa kung saan sila nananatili. Ipinakilala ko ang aking sarili sa kanila, sa kanilang mga mata, sa pamamagitan ng paglalabas ko sa kanila mula sa lupain ng Egipto.
ואוציאם מארץ מצרים ואבאם אל המדבר 10
Kaya pinaalis ko sila sa lupain ng Egipto at dinala sila sa ilang.
ואתן להם את חקותי ואת משפטי הודעתי אותם אשר יעשה אותם האדם וחי בהם 11
Pagkatapos ay ibinigay ko sa kanila ang aking mga kautusan at ipinaalam ko sa kanila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya.
וגם את שבתותי נתתי להם להיות לאות ביני וביניהם--לדעת כי אני יהוה מקדשם 12
Ibinigay ko rin sa kanila ang aking mga Araw ng Pamamahinga bilang palatandaan sa akin at sa kanila upang malaman nila na ako si Yahweh, na siyang naglaan sa kanila sa aking sarili.
וימרו בי בית ישראל במדבר בחקותי לא הלכו ואת משפטי מאסו אשר יעשה אתם האדם וחי בהם ואת שבתתי חללו מאד ואמר לשפך חמתי עליהם במדבר--לכלותם 13
Ngunit naghimagsik ang sambahayan ng Israel laban sa akin sa ilang. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan; sa halip, tinanggihan nila ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Labis nilang nilapastangan ang aking mga Araw ng Pamamahinga, kaya sinabi kong, ibubuhos ko sa kanila sa ilang ang aking matinding galit upang tapusin sila.
ואעשה למען שמי לבלתי החל לעיני הגוים אשר הוצאתים לעיניהם 14
Ngunit kumilos ako alang-alang sa aking pangalan upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa, na nakakitang inilabas ko sila sa Egipto.
וגם אני נשאתי ידי להם--במדבר לבלתי הביא אותם אל הארץ אשר נתתי זבת חלב ודבש--צבי היא לכל הארצות 15
Kaya itinaas ko ang aking kamay upang manumpa ng isang pangako sa kanila sa ilang na hindi ko sila dadalhin sa lupaing ibibigay ko sa kanila, ang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, na siyang pinakamagandang palamuti sa lahat ng mga lupain.
יען במשפטי מאסו ואת חקותי לא הלכו בהם ואת שבתותי חללו כי אחרי גלוליהם לבם הלך 16
Isinumpa ko ito dahil tinanggihan nila ang aking mga alituntunin at hindi sila lumakad sa aking mga kautusan, at nilapastangan nila ang aking mga Araw ng Pamamahinga, sapagkat lumakad ang kanilang puso batay sa kanilang mga diyus-diyosan.
ותחס עיני עליהם משחתם ולא עשיתי אותם כלה במדבר 17
Ngunit nahabag ang aking mata sa kanila dahil sa kanilang pagkawasak, kaya hindi ko sila pinuksa sa ilang.
ואמר אל בניהם במדבר בחוקי אבותיכם אל תלכו ואת משפטיהם אל תשמרו ובגלוליהם אל תטמאו 18
Sinabi ko sa kanilang mga anak na lalaki at babae sa ilang, “Huwag kayong lumakad ayon sa mga kautusan ng inyong mga magulang; huwag ninyong sundin ang kanilang mga alituntunin o lapastanganin ang inyong sarili sa mga diyus-diyosan.
אני יהוה אלהיכם בחקותי לכו ואת משפטי שמרו ועשו אותם 19
Ako si Yahweh na inyong Diyos! Lumakad kayo sa aking mga kautusan; ingatan ninyo ang aking mga alituntunin at sundin ang mga ito!
ואת שבתותי קדשו והיו לאות ביני וביניכם--לדעת כי אני יהוה אלהיכם 20
Panatilihin ninyong banal ang aking mga Araw ng Pamamahinga upang ang mga ito ay maging palatandaan sa akin at sa inyo, upang malaman ninyo na ako si Yahweh na inyong Diyos.”
וימרו בי הבנים בחקותי לא הלכו ואת משפטי לא שמרו לעשות אותם אשר יעשה אותם האדם וחי בהם--את שבתותי חללו ואמר לשפך חמתי עליהם לכלות אפי בם--במדבר 21
Ngunit naghimagsik laban sa akin ang kanilang mga anak na lalaki at babae. Hindi sila lumakad sa aking mga kautusan o sinunod ang aking mga alituntunin, na kung susundin ng tao ang mga ito ay mabubuhay siya. Nilapastangan nila ang aking Araw ng Pamamahinga, kaya ipinasya kong ibuhos sa kanila ang aking matinding galit upang mapawi ang aking poot laban sa kanila sa ilang.
והשבתי את ידי ואעש למען שמי--לבלתי החל לעיני הגוים אשר הוצאתי אותם לעיניהם 22
Ngunit binawi ko ang aking kamay at kumilos ako alang-alang sa aking pangalan, upang hindi ito malapastangan sa mata ng mga bansa na siyang nakakita na inilabas ko ang mga Israelita.
גם אני נשאתי את ידי להם--במדבר להפיץ אתם בגוים ולזרות אותם בארצות 23
Itinaas ko rin ang aking kamay sa kanila sa ilang, upang manumpa na ikakalat ko sila sa mga bansa at ikakalat ko sila sa mga lupain.
יען משפטי לא עשו וחקותי מאסו ואת שבתותי חללו ואחרי גלולי אבותם היו עיניהם 24
Ipinasya kong gawin ito sapagkat hindi nila sinunod ang aking mga alituntunin, at dahil tinanggihan nila ang aking mga kautusan at nilapastangan ang aking mga Araw ng Pamamahinga. Nasasabik ang kanilang mga mata sa diyus-diyosan ng kanilang mga ama.
וגם אני נתתי להם חקים לא טובים ומשפטים--לא יחיו בהם 25
At binigyan ko rin sila ng mga hindi mabubuting utos, at mga alituntunin na hindi nila ikabubuhay.
ואטמא אותם במתנותם בהעביר כל פטר רחם למען אשמם--למען אשר ידעו אשר אני יהוה 26
Ginawa ko silang marumi sa pamamagitan ng kanilang mga kaloob, nang ipinadaan nila sa apoy ang bawat panganay mula sa sinapupunan. Ginawa ko ito upang sindakin sila upang malaman nila na ako si Yahweh!'
לכן דבר אל בית ישראל בן אדם ואמרת אליהם כה אמר אדני יהוה עוד זאת גדפו אותי אבותיכם במעלם בי מעל 27
Kung gayon, anak ng tao, ipahayag mo ito sa sambahayan ng Israel; sabihin mo sa kanila, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Nilapastangan ako ng inyong mga ama sa pamamagitan ng pagtataksil laban sa akin. Ginawa nila ito sa ganitong paraan:
ואביאם אל הארץ אשר נשאתי את ידי לתת אותה להם ויראו כל גבעה רמה וכל עץ עבת ויזבחו שם את זבחיהם ויתנו שם כעס קרבנם וישימו שם ריח ניחוחיהם ויסיכו שם את נסכיהם 28
nang dinala ko sila sa lupaing ipinangako kong ibibigay sa kanila, at nang nakita nila ang mga matatayog na burol at mga mayayabong na puno, at inialay nila ang kanilang mga handog doon at ginalit ako sa pamamagitan ng kanilang mga handog doon. Nagsunog din sila roon ng mabangong insenso at nagbuhos ng mga inuming handog.
ואמר אלהם--מה הבמה אשר אתם הבאים שם ויקרא שמה במה עד היום הזה 29
At sinabi ko sa kanila, “Ano itong matayog na lugar na inyong pinagdadalhan ng inyong mga handog?” Kaya ang pangalan ay tinawag na Bama hanggang sa araw na ito.'
לכן אמר אל בית ישראל כה אמר אדני יהוה הבדרך אבותיכם אתם נטמאים ואחרי שקוציהם אתם זנים 30
Kaya sabihin mo sa sambahayan ng Israel, 'Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Bakit ninyo ginagawang marumi ang inyong mga sarili sa mga pamamaraan ng inyong mga ama? At bakit kayo kumikilos na tulad ng mga babaeng bayaran, naghahanap ng mga kasuklam-suklam na bagay?
ובשאת מתנתיכם בהעביר בניכם באש אתם נטמאים לכל גלוליכם עד היום ואני אדרש לכם בית ישראל חי אני נאם אדני יהוה אם אדרש לכם 31
Sapagkat kapag iniaalay ninyo ang inyong mga kaloob at ipinapadaan ninyo sa apoy ang inyong mga anak na lalaki, ginagawa ninyong marumi ang inyong mga sarili dahil sa lahat ng inyong mga diyus-diyosan hanggang sa araw na ito. Kaya dapat ba kayong sumangguni sa akin, sambahayan ng Israel? Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—hindi kayo makasasangguni sa akin!
והעלה על רוחכם--היו לא תהיה אשר אתם אמרים נהיה כגוים כמשפחות הארצות--לשרת עץ ואבן 32
Ang kaisipang nabubuo sa inyong mga isipan ay magkakatotoo. Sinasabi ninyo, “Tularan natin ang ibang bansa, tulad ng mga angkan sa ibang mga lupaing sumasamba sa kahoy at bato!”
חי אני נאם אדני יהוה אם לא ביד חזקה ובזרוע נטויה ובחמה שפוכה--אמלוך עליכם 33
Habang ako ay nabubuhay—ito ang pahayag ni Yahweh—tiyak na pamumunuan ko kayo nang may makapangyarihang kamay, nakataas na braso, at matinding galit na maibubuhos sa inyo!
והוצאתי אתכם מן העמים וקבצתי אתכם מן הארצות אשר נפוצתם בם--ביד חזקה ובזרוע נטויה ובחמה שפוכה 34
Ilalabas ko kayo mula sa ibang mga lahi at titipunin ko kayo mula sa mga bansa kung saan kayo nakakalat. Gagawin ko ito nang may makapangyarihang kamay at may buhos ng matinding galit.
והבאתי אתכם אל מדבר העמים ונשפטתי אתכם שם פנים אל פנים 35
Pagkatapos ay dadalhin ko kayo sa ilang ng ibang mga lahi, at doon ay hahatulan ko kayo nang harap-harapan.
כאשר נשפטתי את אבותיכם במדבר ארץ מצרים--כן אשפט אתכם נאם אדני יהוה 36
Katulad ng paghatol ko sa inyong mga ama sa ilang sa lupain ng Egipto, gayon ko rin kayo hahatulan! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.
והעברתי אתכם תחת השבט והבאתי אתכם במסרת הברית 37
Padadaanin ko kayo sa ilalim ng aking pamalo at dadalhin ko kayo sa bigkis ng tipan;
וברותי מכם המרדים והפושעים בי--מארץ מגוריהם אוציא אותם ואל אדמת ישראל לא יבוא וידעתם כי אני יהוה 38
Aalisin ko mula sa inyo ang mga mapanghimagsik at ang mga sumusuway laban sa akin. Paaalisin ko sila mula sa lupain kung saan sila naninirahan bilang mga dayuhan, ngunit hindi sila papasok sa lupain ng Israel. Kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh!
ואתם בית ישראל כה אמר אדני יהוה איש גלוליו לכו עבדו ואחר אם אינכם שמעים אלי ואת שם קדשי לא תחללו עוד במתנותיכם ובגלוליכם 39
Kaya sa iyo, sambahayan ng Israel, ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Ang bawat isa sa inyo ay dapat pumunta sa kaniyang sariling diyus-diyosan. Sambahin ninyo sila kung ayaw ninyong makinig sa akin, ngunit hindi na ninyo dapat lapastanganin ang aking banal na pangalan sa pamamagitan ng inyong mga kaloob at mga diyus-diyosan.
כי בהר קדשי בהר מרום ישראל נאם אדני יהוה--שם יעבדני כל בית ישראל כלה בארץ שם ארצם--ושם אדרוש את תרומתיכם ואת ראשית משאותיכם בכל קדשיכם 40
Sapagkat sa aking banal na bundok, sa tuktok ng bundok ng Israel—ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh—pupurihin ako ng lahat ng sambahayan ng Israel doon sa lupain. Malulugod akong hingin ang inyong mga handog doon, at gayon din ang mga unang bunga ng inyong kaloob kasama ng lahat ng inyong banal na bagay.
בריח ניחח ארצה אתכם בהוציאי אתכם מן העמים וקבצתי אתכם מן הארצות אשר נפצתם בם ונקדשתי בכם לעיני הגוים 41
Tatanggapin ko kayo na parang mabangong insenso kapag inilabas ko kayo mula sa ibang mga lahi at titipunin ko kayo palabas sa mga bansa kung saan kayo ikinalat. Ipapakita ko sa inyo ang aking sarili na banal upang makita ng mga bansa.
וידעתם כי אני יהוה בהביאי אתכם אל אדמת ישראל--אל הארץ אשר נשאתי את ידי לתת אותה לאבותיכם 42
Pagkatapos, kapag dinala ko kayo sa lupain ng Israel, sa lupain na pinagtaasan ko ng aking kamay upang ibigay sa inyong mga ama, malalaman ninyo na ako si Yahweh.
וזכרתם שם את דרכיכם ואת כל עלילותיכם אשר נטמאתם בם ונקטתם בפניכם בכל רעותיכם אשר עשיתם 43
At maaalala ninyo roon ang inyong mga masasamang kaparaanan at ang lahat ng inyong gawaing nagparumi sa inyong mga sarili, at kamumuhian ninyo ang inyong sarili sa sarili ninyong paningin dahil sa lahat ng masamang gawain na inyong ginawa.
וידעתם כי אני יהוה בעשותי אתכם למען שמי לא כדרכיכם הרעים וכעלילותיכם הנשחתות בית ישראל--נאם אדני יהוה 44
Kaya malalaman ninyo na ako si Yahweh kapag ginawa ko ito sa inyo alang-alang sa aking pangalan, hindi dahil sa inyong mga masamang kaparaanan o sa inyong mga masasamang gawa, sambahayan ng Israel! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.'”
ויהי דבר יהוה אלי לאמר 45
Pagkatapos, dumating sa akin ang salita ni Yahweh at sinabi,
בן אדם שים פניך דרך תימנה והטף אל דרום והנבא אל יער השדה נגב 46
“Anak ng tao, humarap ka sa mga lupain sa timog at magsalita ka laban sa timog, maghayag ka ng propesiya laban sa kagubatan ng Negev.
ואמרת ליער הנגב שמע דבר יהוה כה אמר אדני יהוה הנני מצית בך אש ואכלה בך כל עץ לח וכל עץ יבש לא תכבה להבת שלהבת ונצרבו בה כל פנים מנגב צפונה 47
Sabihin mo sa kagubatan ng Negev, 'Pakinggan mo ang pahayag ni Yahweh! Ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh: Tingnan mo, magpapasiklab ako ng apoy sa iyo. Lalamunin nito ang bawat sariwang puno at bawat tuyong puno sa iyo. Hindi maaapula ang naglalagablab na apoy; ang bawat mukha mula sa timog at hilaga ay masusunog.
וראו כל בשר כי אני יהוה בערתיה לא תכבה 48
Pagkatapos, makikita ng lahat ng laman na ako si Yahweh kapag sinindihan ko ang apoy, at ito ay hindi maaapula.'”
ואמר אהה אדני יהוה המה אמרים לי הלא ממשל משלים הוא 49
At sinabi ko, “Ah! Panginoong Yahweh, sinasabi nila tungkol sa akin, 'Hindi ba isa lamang siyang tagasalaysay ng mga talinghaga?'”

< יחזקאל 20 >