< שמות 9 >
ויאמר יהוה אל משה בא אל פרעה ודברת אליו כה אמר יהוה אלהי העברים שלח את עמי ויעבדני | 1 |
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumunta ka kay Paraon at sabihin sa kaniya, 'ang sabi ni Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo: “Hayaang umalis ang aking bayan, para sila ay sumamba sa akin”.
כי אם מאן אתה לשלח ועודך מחזיק בם | 2 |
Pero kung ikaw ay tatanggi na paalisin sila, kung patuloy mo silang panatilihin,
הנה יד יהוה הויה במקנך אשר בשדה בסוסים בחמרים בגמלים בבקר ובצאן--דבר כבד מאד | 3 |
pagkatapos ang kamay ni Yahweh ay nasa inyong mga baka na nasa bukirin at sa mga kabayo, mga asno, mga kamelyo, mga kawan at mga tupa at magdudulot ito ng isang matinding sakit.
והפלה יהוה--בין מקנה ישראל ובין מקנה מצרים ולא ימות מכל לבני ישראל דבר | 4 |
Ituturing ni Yahweh na magkaiba ang mga baka ng mga Israelita at ang mga baka ng taga-Ehipto: walang hayop na pag-aari ng mga Israelita ang mamamatay.
וישם יהוה מועד לאמר מחר יעשה יהוה הדבר הזה--בארץ | 5 |
Nagtakda si Yahweh ng isang panahon; kaniyang sinabi, “Gagawin ko bukas ang bagay na ito sa lupain.
ויעש יהוה את הדבר הזה ממחרת וימת כל מקנה מצרים וממקנה בני ישראל לא מת אחד | 6 |
Ito ang ginawa ni Yahweh sa sumunod na araw: namatay ang lahat ng mga baka sa Ehipto. Pero wala ni isa sa mga hayop ng mga Israelita ang namatay, wala ni isang hayop.
וישלח פרעה--והנה לא מת ממקנה ישראל עד אחד ויכבד לב פרעה ולא שלח את העם | 7 |
Nagsaliksik si Paraon, at nakita, wala ni isang hayop ng mga Israelita ang namatay. Pero matigas ang kaniyang puso, kaya hindi niya hinayaang umalis ang bayan.
ויאמר יהוה אל משה ואל אהרן קחו לכם מלא חפניכם פיח כבשן וזרקו משה השמימה לעיני פרעה | 8 |
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises at kay Aaron, “Kumuha kayo ng ilang dakot ng mga abo mula sa isang hurno. Ikaw, Moises, dapat mong ihagis ang mga abo sa hangin habang nanonood si Paraon.
והיה לאבק על כל ארץ מצרים והיה על האדם ועל הבהמה לשחין פרח אבעבעת--בכל ארץ מצרים | 9 |
Magiging pinong alikabok na kakalat sa buong lupain ng Ehipto. Magdudulot ng mga pigsa at pamamaga na siyang kakalat sa mga tao at mga hayop sa buong lupain ng Ehipto.
ויקחו את פיח הכבשן ויעמדו לפני פרעה ויזרק אתו משה השמימה ויהי שחין אבעבעת פרח באדם ובבהמה | 10 |
Kaya kumuha si Moises at Aaron ng mga abo na mula sa isang hurno at tumayo sa harapan ni Paraon. Pagkatapos, inihagis ni Moises ang mga abo sa hangin. Nagdulot ang mga abo ng pigsa at pamamaga na siyang kumalat sa mga tao at mga hayop.
ולא יכלו החרטמים לעמד לפני משה--מפני השחין כי היה השחין בחרטמם ובכל מצרים | 11 |
Hindi mapigilan ng mga salamangkero si Moises dahil sa mga pigsa; dahil nagkaroon din sila ng mga pigsa maging ang lahat ng ibang mga taga-Ehipto.
ויחזק יהוה את לב פרעה ולא שמע אלהם כאשר דבר יהוה אל משה | 12 |
Pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, kaya hindi nakinig si Paraon kina Moises at Aaron. Ito mismo ang sinabi ni Yahweh kay Moises na gagawin ng Paraon.
ויאמר יהוה אל משה השכם בבקר והתיצב לפני פרעה ואמרת אליו כה אמר יהוה אלהי העברים שלח את עמי ויעבדני | 13 |
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Gumising ka ng maaga, tumayo ka sa harapan ni Paraon, at sabihin sa kaniya, 'si Yahweh, ang Diyos ng mga Hebreo, sinasabi ito: “Hayaan mong umalis ang aking bayan para maari silang sumamba sa akin.
כי בפעם הזאת אני שלח את כל מגפתי אל לבך ובעבדיך ובעמך--בעבור תדע כי אין כמני בכל הארץ | 14 |
Sa oras na ito ipapadala ko ang lahat ng mga salot sa iyo mismo, sa iyong mga lingkod at sa iyong bayan. Gagawin ko ito para malaman mo na walang sinuman ang katulad ko dito sa buong mundo.
כי עתה שלחתי את ידי ואך אותך ואת עמך בדבר ותכחד מן הארץ | 15 |
Sa ngayon maaari kung iunat ang aking kamay at lusubin ka at ang iyong bayan ng sakit, at kayo ay lipulin mula sa lupain.
ואולם בעבור זאת העמדתיך בעבור הראתך את כחי ולמען ספר שמי בכל הארץ | 16 |
Pero sa ganitong kadahilanan hinayaan ko kayong makaligtas: para maipakita ang aking kapangyarihan, nang sa ganoon maipahayag ko sa lahat ng panig ng mundo ang aking pangalan.
עודך מסתולל בעמי לבלתי שלחם | 17 |
Patuloy mong itinataas ang iyong sarili laban sa aking bayan sa pamamagitan ng hindi mo pagpayag na paalisin sila.
הנני ממטיר כעת מחר ברד כבד מאד אשר לא היה כמהו במצרים למן היום הוסדה ועד עתה | 18 |
Makinig! Bukas sa ganito ring oras magdadala ako ng isang napakalakas na ulang may yelo, pangyayari na hindi pa nakikita sa Ehipto mula sa unang araw nito hanggang ngayon.
ועתה שלח העז את מקנך ואת כל אשר לך בשדה כל האדם והבהמה אשר ימצא בשדה ולא יאסף הביתה--וירד עלהם הברד ומתו | 19 |
Kaya ngayon, magpadala ka ng mga lalaki at ipunin sa ligtas na lugar ang iyong mga baka at ang lahat ng mayroon ka sa iyong bukid sa ligtas na lugar. Ang bawat tao at hayop na nasa bukid at hindi dinala sa bahay—babagsak sa kanila ang ulang may yelo, at mamamatay sila.”'”
הירא את דבר יהוה מעבדי פרעה--הניס את עבדיו ואת מקנהו אל הבתים | 20 |
Pagkatapos ang mga lingkod ni Paraon na naniwala sa mensahe ni Yahweh, ay nagmadali na dalhin ang kanilang mga alipin at mga baka sa kanilang mga bahay.
ואשר לא שם לבו אל דבר יהוה--ויעזב את עבדיו ואת מקנהו בשדה | 21 |
Pero ang mga hindi magseryoso ng mensahe ni Yahweh ay iiwan ang kanilang mga alipin at mga baka sa mga bukid.
ויאמר יהוה אל משה נטה את ידך על השמים ויהי ברד בכל ארץ מצרים על האדם ועל הבהמה ועל כל עשב השדה--בארץ מצרים | 22 |
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Iunat mo ang iyong kamay patungo sa kalangitan para magkaroon ng ulang may yelo sa lahat ng lupain ng Ehipto, sa bayan, sa mga hayop at sa lahat ng mga halaman sa mga bukid sa buong lupain ng Ehipto.”
ויט משה את מטהו על השמים ויהוה נתן קלת וברד ותהלך אש ארצה וימטר יהוה ברד על ארץ מצרים | 23 |
Iniunat ni Moises ang kaniyang tungkod patungo sa kalangitan, at nagpadala si Yahweh ng kulog, ulang may yelo at kidlat sa lupa. Pinaulanan din niya ng yelo ang lupain ng Ehipto.
ויהי ברד--ואש מתלקחת בתוך הברד כבד מאד--אשר לא היה כמהו בכל ארץ מצרים מאז היתה לגוי | 24 |
Kaya nagkaroon ng ulan at kidlat na may kasamang yelong ulan, napakalubha, bagay na hindi pa nangyayari sa buong lupain ng Ehipto mula nang ito ay maging isang bansa.
ויך הברד בכל ארץ מצרים את כל אשר בשדה מאדם ועד בהמה ואת כל עשב השדה הכה הברד ואת כל עץ השדה שבר | 25 |
Sa buong lupain ng Ehipto, tumama ang ulang ay yelo sa lahat ng bagay na nasa mga bukid, sa kapwa mga tao at mga hayop. Tumama ito sa bawat halaman na nasa mga bukid at sinira ang bawat punongkahoy.
רק בארץ גשן אשר שם בני ישראל--לא היה ברד | 26 |
Doon lamang sa lupain ng Gosen, kung saan nakatira ang mga Israelita, hindi umulan ng yelo.
וישלח פרעה ויקרא למשה ולאהרן ויאמר אלהם חטאתי הפעם יהוה הצדיק ואני ועמי הרשעים | 27 |
Pagkatapos nagpadala ang Paraon ng mga tao para ipatawag sina Moises at Aaron. Sinabi niya sa kanila, “Nagkasala ako sa oras na ito. Si Yahweh ay matuwid at ako at ang aking bayan ay masasama.
העתירו אל יהוה ורב מהית קלת אלהים וברד ואשלחה אתכם ולא תספון לעמד | 28 |
Magdasal kayo kay Yahweh, dahil ang napakalakas na mga kidlat at ulang may yelo ay sobra na. Papaalisin ko na kayo at hindi na kayo titira dito.
ויאמר אליו משה כצאתי את העיר אפרש את כפי אל יהוה הקלות יחדלון והברד לא יהיה עוד למען תדע כי ליהוה הארץ | 29 |
Sinabi ni Moises sa kaniya, “Sa oras na umalis ako sa lungsod, ilalatag ko ang aking mga kamay kay Yahweh. Titigil na ang kulog at wala ng anumang ulang may yelo. Sa ganitong paraan malalaman mo na pag-aari ni Yahweh ang mundo.
ואתה ועבדיך ידעתי--כי טרם תיראון מפני יהוה אלהים | 30 |
Pero para sa iyo at sa iyong mga lingkod, alam ko na hindi niyo talaga ginagalang si Yahweh na Diyos.”
והפשתה והשערה נכתה כי השערה אביב והפשתה גבעל | 31 |
Ngayon ang mga lino at sebada ay nasira, dahil ang uhay magulang na sa tangkay at namumulaklak na ang lino.
והחטה והכסמת לא נכו כי אפילת הנה | 32 |
Pero ang trigo at ang espelta ay hindi nasalanta dahil huli itong tumubo.
ויצא משה מעם פרעה את העיר ויפרש כפיו אל יהוה ויחדלו הקלות והברד ומטר לא נתך ארצה | 33 |
Nang umalis si Moises kay Paraon at sa lungsod, inilatag niya ang kaniyang mga kamay kay Yahweh; tumigil ang kulog at ulang may yelo, at ang ulan ay hindi na bumuhos pa.
וירא פרעה כי חדל המטר והברד והקלת--ויסף לחטא ויכבד לבו הוא ועבדיו | 34 |
Nang nakita ni Paraon na ang ulan, ang ulang may yeloo at kulog ay humupa na, muling nagkasala siya at pinatigas ang kaniyang puso, kasama ang kaniyang mga lingkod.
ויחזק לב פרעה ולא שלח את בני ישראל כאשר דבר יהוה ביד משה | 35 |
Pinatigas ang puso ni Paraon, kaya hindi niya pinayagang umalis ang bayan ng Israel. Ito ang paraan na sinabi ni Yahweh kay Moises na ito ang gagawin ni Paraon.