< שמות 37 >
ויעש בצלאל את הארן עצי שטים אמתים וחצי ארכו ואמה וחצי רחבו ואמה וחצי קמתו | 1 |
At kahoy na akasia ang ginawang kaban ni Bezaleel: na may dalawang siko't kalahati ang haba niyaon, at may isang siko't kalahati ang luwang niyaon, at may isang siko't kalahati ang taas niyaon:
ויצפהו זהב טהור מבית ומחוץ ויעש לו זר זהב סביב | 2 |
At kaniyang binalot ng taganas na ginto sa loob at sa labas, at iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot.
ויצק לו ארבע טבעת זהב על ארבע פעמתיו ושתי טבעת על צלעו האחת ושתי טבעת על צלעו השנית | 3 |
At ipinagbubo niya ng apat na argolyang ginto, sa apat na sulok niyaon; sa makatuwid baga'y dalawang argolya sa isang tagiliran.
ויעש בדי עצי שטים ויצף אתם זהב | 4 |
At siya'y gumawa ng mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto.
ויבא את הבדים בטבעת על צלעת הארן לשאת את הארן | 5 |
At isinuot ang mga pingga sa mga argolya, sa mga tagiliran ng kaban, upang mabuhat ang kaban.
ויעש כפרת זהב טהור אמתים וחצי ארכה ואמה וחצי רחבה | 6 |
At gumawa siya ng isang luklukan ng awa na taganas na ginto: na may dalawang siko at kalahati ang haba, at may isang siko't kalahati ang luwang.
ויעש שני כרבים זהב מקשה עשה אתם משני קצות הכפרת | 7 |
At siya'y gumawa ng dalawang querubing ginto; na niyari niya sa pamukpok sa dalawang dulo ng luklukan ng awa;
כרוב אחד מקצה מזה וכרוב אחד מקצה מזה מן הכפרת עשה את הכרבים משני קצוותו (קצותיו) | 8 |
Isang querubin sa isang dulo, at isang querubin sa kabilang dulo: na kaputol ng luklukan ng awa, ginawa niya ang mga querubin sa dalawang dulo.
ויהיו הכרבים פרשי כנפים למעלה סככים בכנפיהם על הכפרת ופניהם איש אל אחיו אל הכפרת--היו פני הכרבים | 9 |
At ibinubuka ng mga querubin ang mga pakpak na paitaas, na nalililiman ng kanilang mga pakpak ang luklukan ng awa, na nagkakaharap ang kanilang mga mukha; sa dakong luklukan ng awa nakaharap ang mga mukha ng mga querubin.
ויעש את השלחן עצי שטים אמתים ארכו ואמה רחבו ואמה וחצי קמתו | 10 |
At ginawa rin niya ang dulang na kahoy na akasia; na may dalawang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, at isang siko't kalahati ang taas niyaon:
ויצף אתו זהב טהור ויעש לו זר זהב סביב | 11 |
At binalot niya ng taganas na ginto, at iginawa niya ng isang kornisang ginto sa palibot.
ויעש לו מסגרת טפח סביב ויעש זר זהב למסגרתו סביב | 12 |
At iginawa niya ng isang gilid na may isang kamay ang luwang sa palibot, at iginawa ng isang ginintong kornisa ang gilid sa palibot.
ויצק לו ארבע טבעת זהב ויתן את הטבעת על ארבע הפאת אשר לארבע רגליו | 13 |
At ipinagbubo ng apat na argolyang ginto, at inilagay ang mga argolya sa apat na sulok na ukol sa apat na paa niyaon.
לעמת המסגרת היו הטבעת בתים לבדים לשאת את השלחן | 14 |
Malapit sa gilid ang mga argolya, na daraanan ng mga pingga, upang mabuhat ang dulang.
ויעש את הבדים עצי שטים ויצף אתם זהב לשאת את השלחן | 15 |
At ginawa niya ang mga pingga na kahoy na akasia, at pinagbalot ng ginto, upang mabuhat ang dulang.
ויעש את הכלים אשר על השלחן את קערתיו ואת כפתיו ואת מנקיתיו ואת הקשות אשר יסך בהן--זהב טהור | 16 |
At ginawa niyang taganas na ginto ang mga kasangkapang nasa ibabaw ng dulang, ang mga pinggan niyaon, at ang mga kutsara niyaon, at ang mga tasa niyaon, at ang mga kopa niyaon, na pagbubuhusan.
ויעש את המנרה זהב טהור מקשה עשה את המנרה ירכה וקנה--גביעיה כפתריה ופרחיה ממנה היו | 17 |
At kaniyang ginawa ang kandelero na taganas na ginto: niyari niya sa pamukpuk ang kandelero, ang tungtungan niyaon at ang haligi niyaon; ang mga kopa niyaon, ang mga globito niyaon, at ang mga bulaklak ay kaputol niyaon:
וששה קנים יצאים מצדיה שלשה קני מנרה מצדה האחד ושלשה קני מנרה מצדה השני | 18 |
At may anim na sangang lumalabas sa dalawang tagiliran niyaon; tatlong sanga ng kandelero ay sa isang tagiliran, at tatlong sanga ng kandelero ay sa kabilang tagiliran:
שלשה גבעים משקדים בקנה האחד כפתר ופרח ושלשה גבעים משקדים בקנה אחד כפתר ופרח כן לששת הקנים היצאים מן המנרה | 19 |
Tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa isang sanga, isang globito at isang bulaklak; at tatlong kopang anyong bulaklak ng almendro sa kabilang sanga, isang globito at isang bulaklak; gayon sa anim na sangang lumalabas sa kandelero.
ובמנרה ארבעה גבעים משקדים--כפתריה ופרחיה | 20 |
At sa kandelero'y may apat na kopang anyong bulaklak ng almendro, sangpu ng mga globito niyaon, at ng mga bulaklak niyaon:
וכפתר תחת שני הקנים ממנה וכפתר תחת שני הקנים ממנה וכפתר תחת שני הקנים ממנה--לששת הקנים היצאים ממנה | 21 |
At may isang globito sa ilalim ng dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng kabilang dalawa sa mga sanga na kaputol niyaon, at isang globito sa ilalim ng dalawang sanga na kaputol niyaon, sapagka't ang anim na sanga ay lumalabas doon.
כפתריהם וקנתם ממנה היו כלה מקשה אחת זהב טהור | 22 |
Ang mga globito at ang mga sanga ay kaputol ng kandelero: ang kabuoa'y isa lamang putol na yari sa pamukpok, taganas na ginto.
ויעש את נרתיה שבעה ומלקחיה ומחתתיה זהב טהור | 23 |
At kaniyang ginawa ang mga ilawan niyaong pito, at ang mga pangipit niyaon, at ang mga pinggan niyaon, na taganas na ginto.
ככר זהב טהור עשה אתה ואת כל כליה | 24 |
Na isang talento na taganas na ginto ginawa niya, at ang lahat ng mga kasangkapan niyaon.
ויעש את מזבח הקטרת עצי שטים אמה ארכו ואמה רחבו רבוע ואמתים קמתו--ממנו היו קרנתיו | 25 |
At kaniyang ginawa ang dambanang suuban na kahoy na akasia: isang siko ang haba niyaon, at isang siko ang luwang niyaon, parisukat at dalawang siko ang taas niyaon; ang mga anyong sungay niyaon ay kaputol din.
ויצף אתו זהב טהור את גגו ואת קירתיו סביב--ואת קרנתיו ויעש לו זר זהב סביב | 26 |
At kaniyang binalot ng taganas na ginto ang ibabaw niyaon, at ang mga tagiliran niyaon sa palibot, at ang mga anyong sungay niyaon: at kaniyang iginawa ng isang kornisang ginto sa palibot.
ושתי טבעת זהב עשה לו מתחת לזרו על שתי צלעתיו על שני צדיו--לבתים לבדים לשאת אתו בהם | 27 |
At iginawa niya ng dalawang gintong argolya sa ilalim ng kornisa, sa dakong itaas ng dalawang panig, sa ibabaw ng dalawang panig, na pagsusuutan ng mga pingga upang mabuhat.
ויעש את הבדים עצי שטים ויצף אתם זהב | 28 |
At kaniyang ginawa ang mga pingga na kahoy na akasia, at mga binalot na ginto.
ויעש את שמן המשחה קדש ואת קטרת הסמים טהור--מעשה רקח | 29 |
At kaniyang ginawa ang banal na langis na pangpahid, at ang taganas na kamangyan na mainam na pabango ayon sa katha ng manggagawa ng pabango.