< שמות 12 >

ויאמר יהוה אל משה ואל אהרן בארץ מצרים לאמר 1
Nakipag-usap si Yahweh kina Moises at Aaron sa lupain ng Ehipto. Sinabi niya,
החדש הזה לכם ראש חדשים ראשון הוא לכם לחדשי השנה 2
“Para sa inyo, ang buwan na ito ay magiging simula ng mga buwan, ang unang buwan ng taon sa inyo.
דברו אל כל עדת ישראל לאמר בעשר לחדש הזה ויקחו להם איש שה לבית אבת--שה לבית 3
Sabihan ang kapulungan ng Israel, 'Sa ikasampung araw ng buwan na ito dapat kumuha ang bawat isa ng isang tupa o batang kambing para sa kanilang mga sarili, gagawin ito ng bawat pamilya, isang tupa para sa bawat sambahayan.
ואם ימעט הבית מהיות משה--ולקח הוא ושכנו הקרב אל ביתו במכסת נפשת איש לפי אכלו תכסו על השה 4
Kung ang sambahayan ay napakaliit para sa isang tupa, ang tao at sa kaniyang kapitbahay ay kukuha ng tupa o karne ng batang kambing na sapat para sa bilang ng tao. Dapat ito ay sapat para sa bawat isa na kakain, kaya kailangan nilang kumuha ng sapat na karne para ipakain sa kanilang lahat.
שה תמים זכר בן שנה יהיה לכם מן הכבשים ומן העזים תקחו 5
Ang inyong tupa o batang kambing ay dapat walang kapintasan, isang taong gulang na lalaki. Maaari ninyong kunin ang isa sa tupa o mga kambing.
והיה לכם למשמרת עד ארבעה עשר יום לחדש הזה ושחטו אתו כל קהל עדת ישראל--בין הערבים 6
Kailangan ninyong ingatan ito hanggang sa ikalabing-apat na araw sa buwan na iyon. Pagkatapos kailangang papatayin ang mga hayop na ito ng buong kapulungan ng Israel sa takip-silim.
ולקחו מן הדם ונתנו על שתי המזוזת ועל המשקוף--על הבתים אשר יאכלו אתו בהם 7
Kailangan ninyong kumuha ng ilang dugo at ipahid sa dalawang magkabilang poste ng pintuan at sa itaas ng balangkas ng pintuan ng mga bahay na kung saan kakainin ninyo ang karne.
ואכלו את הבשר בלילה הזה צלי אש ומצות על מררים יאכלהו 8
Dapat ninyong kainin ang karne sa gabing iyon, pagkatapos na ihawin ito sa apoy. Kainin ninyo ito ng may tinapay na walang lebadura, kasama ang mga mapapait na damong-gamot.
אל תאכלו ממנו נא ובשל מבשל במים כי אם צלי אש ראשו על כרעיו ועל קרבו 9
Huwag ninyong kainin itong hilaw o pinakuluan sa tubig. Sa halip, ihawin ninyo ito sa apoy kasama ang ulo, mga binti at ng lamang-loob.
ולא תותירו ממנו עד בקר והנתר ממנו עד בקר באש תשרפו 10
Huwag ninyong hayaan na may matira nito hanggang umaga. Dapat ninyong sunugin ito anuman ang natira sa umaga.
וככה תאכלו אתו--מתניכם חגרים נעליכם ברגליכם ומקלכם בידכם ואכלתם אתו בחפזון פסח הוא ליהוה 11
Ganito dapat kung paano ninyo ito kakainin: Suot ang inyong sinturon sa inyong baywang, ang inyong mga sapatos sa inyong paa, at inyong tungkod sa kamay. Kailangan ninyong kainin ito ng mabilisan. Ito ang Paskua ni Yahweh.
ועברתי בארץ מצרים בלילה הזה והכיתי כל בכור בארץ מצרים מאדם ועד בהמה ובכל אלהי מצרים אעשה שפטים אני יהוה 12
Sinabi ito ni Yahweh: Pupunta ako sa buong lupain ng Ehipto sa gabing iyon at sasalakayin ang lahat ng mga panganay na anak ng tao at ng hayop sa lupain ng Ehipto. Dadalhin ko ang kaparusahan sa lahat ng mga diyos ng Ehipto. Ako ay si Yahweh.
והיה הדם לכם לאת על הבתים אשר אתם שם וראיתי את הדם ופסחתי עלכם ולא יהיה בכם נגף למשחית בהכתי בארץ מצרים 13
Ang dugo ay magiging isang palatandaan sa inyong mga tahanan para sa pagdating ko sa inyo. Kapag nakita ko ang dugo, lalagpasan ko lang kayo kapag sinalakay ko ang lupain ng Ehipto. Ang salot na ito ay hindi dadapo sa inyo at wawasak sa inyo.
והיה היום הזה לכם לזכרון וחגתם אתו חג ליהוה לדרתיכם חקת עולם תחגהו 14
Ang araw na ito ay magiging araw ng pag-alaala para sa inyo, kung saan dapat ninyong sundin bilang isang pista para kay Yahweh. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo, sa lahat ng inyong mga salinlahi, na dapat ninyong sundin ngayong araw.
שבעת ימים מצות תאכלו--אך ביום הראשון תשביתו שאר מבתיכם כי כל אכל חמץ ונכרתה הנפש ההוא מישראל--מיום הראשן עד יום השבעי 15
Kakain kayo ng tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw. Sa unang araw aalisin ninyo ang lebadura mula sa inyong mga tahanan. Ang sinumang kakain ng may lebadurang tinapay mula sa unang araw at hanggang sa ika-pitong araw, ang taong ito ay dapat itiwalag mula sa Israel.
וביום הראשון מקרא קדש וביום השביעי מקרא קדש יהיה לכם כל מלאכה לא יעשה בהם--אך אשר יאכל לכל נפש הוא לבדו יעשה לכם 16
Sa unang araw magkakaroon ng isang pagpupulong para ilaan sa akin, at sa ika-pitong araw magkakaroon ng ibang ganoong pagtitipon. Walang trabahong gagawin sa mga araw na ito, maliban sa pagluluto para sa makakain ng lahat. Iyon lang dapat ang trabaho na maaari ninyong gawin.
ושמרתם את המצות כי בעצם היום הזה הוצאתי את צבאותיכם מארץ מצרים ושמרתם את היום הזה לדרתיכם--חקת עולם 17
Dapat ninyong pagmasdan ang Pista ng Tinapay na walang Lebadura dahil sa araw na ito dadalhin ko ang inyong bayan, armadong grupo sa armadong grupo, palabas sa lupain ng Ehipto. Kaya dapat ninyong sundin ang araw na ito sa lahat ng salinlahi ng inyong bayan. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo.
בראשן בארבעה עשר יום לחדש בערב תאכלו מצת עד יום האחד ועשרים לחדש--בערב 18
Dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura mula sa takipsilim ng ikalabing-apat na araw ng unang buwan ng taon, hanggang sa takipsilim ng ikadalawampu't isang araw ng buwan.
שבעת ימים--שאר לא ימצא בבתיכם כי כל אכל מחמצת ונכרתה הנפש ההוא מעדת ישראל--בגר ובאזרח הארץ 19
Sa loob ng pitong araw na ito, dapat walang lebadura ang makikita sa loob ng inyong mga tahanan. Kung sinuman ang kakain ng tinapay na may lebadura ay dapat itiwalag sa komunidad ng Israel, kahit na ang taong iyon ay isang dayuhan o isang taong ipinanganak sa inyong lupain.
כל מחמצת לא תאכלו בכל מושבתיכם תאכלו מצות 20
Dapat kayong kumain ng walang lebadura. Saanman kayo manirahan, dapat kayong kumain ng tinapay na walang lebadura.'”
ויקרא משה לכל זקני ישראל ויאמר אלהם משכו וקחו לכם צאן למשפחתיכם--ושחטו הפסח 21
Pagkatapos ipinatawag lahat ni Moises ang mga matatanda sa Israel at sinabi sa kanila, “Lumakad kayo at pumili ng mga tupa o mga maliliit na kambing na sapat para maipakain sa inyong mga pamilya at papatayin ang Paskuang tupa.
ולקחתם אגדת אזוב וטבלתם בדם אשר בסף והגעתם אל המשקוף ואל שתי המזוזת מן הדם אשר בסף ואתם לא תצאו איש מפתח ביתו--עד בקר 22
Pagkatapos kumuha ng isang bigkis ng hisopo at isawsaw sa dugo na nasa isang palanggana. Ipahid ang dugo na nasa palanggana sa itaas ng balangkas ng pinto sa dalawang magkabilang poste. Wala sa inyo ni isa ang lalabas ng pintuan ng kaniyang tahanan hanggang sa umaga.
ועבר יהוה לנגף את מצרים וראה את הדם על המשקוף ועל שתי המזוזת ופסח יהוה על הפתח ולא יתן המשחית לבא אל בתיכם לנגף 23
Dahil si Yahweh ay dadaan para salakayin ang mga taga-Ehipto. Kapag nakita niya ang dugo sa itaas ng inyong balangkas at sa dalawang magkabilang poste, lalagpasan niya lamang ang inyong pintuan at hindi niya pahihintulutan ang tagawasak na makapasok sa inyong tahanan para kayo ay salakayin.
ושמרתם את הדבר הזה לחק לך ולבניך עד עולם 24
Dapat ninyong ipagdiwang ang pangyayaring ito. Ito ay mananatiling isang batas para sa inyo at sa inyong mga kaapu-apuhan.
והיה כי תבאו אל הארץ אשר יתן יהוה לכם--כאשר דבר ושמרתם את העבדה הזאת 25
Kung kayo ay papasok sa lupain na ibibigay ni Yahweh sa inyo, tulad ng ipinangako niyang gagawin, dapat ninyong sundin ang pagsambang gawain na ito.
והיה כי יאמרו אליכם בניכם מה העבדה הזאת לכם 26
Kapag nagtanong ang inyong mga anak, 'Ano ang ibig sabihin ng kilos na pag-sambang ito?'
ואמרתם זבח פסח הוא ליהוה אשר פסח על בתי בני ישראל במצרים בנגפו את מצרים ואת בתינו הציל ויקד העם וישתחוו 27
At dapat ninyong sabihin, 'Ito ay sakripisyo sa Paskua ni Yahweh, dahil nilagpasan lang ni Yahweh ang mga tahanan ng mga Israelita sa Ehipto nang sinalakay niya ang mga taga-Ehipto. Pinalaya niya ang aming sambahayan.”' Pagkatapos ang bayan ay yumuko at sumamba kay Yahweh.
וילכו ויעשו בני ישראל כאשר צוה יהוה את משה ואהרן כן עשו 28
Umalis ang mga Israelita at ganap na ginawa kung ano ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
ויהי בחצי הלילה ויהוה הכה כל בכור בארץ מצרים מבכר פרעה הישב על כסאו עד בכור השבי אשר בבית הבור וכל בכור בהמה 29
Ito ay nangyari ng hatinggabi ng sinalakay ni Yahweh ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hangang sa panganay ng taong nasa kulungan at sa lahat ng panganay ng mga baka.
ויקם פרעה לילה הוא וכל עבדיו וכל מצרים ותהי צעקה גדלה במצרים כי אין בית אשר אין שם מת 30
Nagising si Paraon sa gabing iyon—siya, at ang lahat ng kaniyang alipin, at lahat ng mga taga-Ehipto. Nagkaroon ng malakas na pagdadalamhati sa Ehipto, dahil wala ni isang tahanan ang naroroon ang walang namatay.
ויקרא למשה ולאהרן לילה ויאמר קומו צאו מתוך עמי--גם אתם גם בני ישראל ולכו עבדו את יהוה כדברכם 31
Pinatawag ni Paraon sina Moises at Aaron sa gabing iyon at sinabing, “Tumayo kayo at lumayas mula sa bayan ko, kayo at ang mga Israelita. Umalis na kayo, at sumamba kay Yahweh, gaya ng sinabi ninyo na nais ninyong gawin.
גם צאנכם גם בקרכם קחו כאשר דברתם ולכו וברכתם גם אתי 32
Kunin na ninyo ang mga alagang hayop at mga kawan, tulad ng sinabi ninyo, at alis na, at pagpalain ninyo rin ako.”
ותחזק מצרים על העם למהר לשלחם מן הארץ כי אמרו כלנו מתים 33
Ang mga taga-Ehipto ay nasa isang matinding pagmamadali para ipadala sila palabas ng lupain, dahil sinabi nila, “Lahat tayo ay taong patay na.”
וישא העם את בצקו טרם יחמץ משארתם צררת בשמלתם על שכמם 34
Kaya kinuha ng mga tao ang kanilang masa na walang idinagdag na lebadura. Ang kanilang pinagmamasahang mangkok ay binalot nila sa kanilang mga damit na nakalagay sa kanilang mga balikat.
ובני ישראל עשו כדבר משה וישאלו ממצרים כלי כסף וכלי זהב ושמלת 35
Ginawa ngayon ng bayang Israelita ang ayon sa sinabi ni Moises sa kanila. Humingi sila sa mga taga-Ehipto ng mga hiyas na pilak, ginto at damit.
ויהוה נתן את חן העם בעיני מצרים--וישאלום וינצלו את מצרים 36
Ginawang sabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Kaya binigay ng mga taga-Ehipto ang anumang hingin nila. Sa ganitong paraan, nakuha ng mga Israelita ang yaman ng mga taga-Ehipto.
ויסעו בני ישראל מרעמסס סכתה כשש מאות אלף רגלי הגברים לבד מטף 37
Naglakbay ang mga Israelita mula sa Rameses hanggang Sucot. Ang kanilang bilang ay 600, 000 na mga lalaki, dagdag pa rito ang mga babae at mga bata.
וגם ערב רב עלה אתם וצאן ובקר מקנה כבד מאד 38
Isang halu-halong pangkat ng hindi Israelita ay sumama rin sa kanila, kasama ang kanilang mga alagang hayop at mga kawan, isang malaking bilang ng mga baka.
ויאפו את הבצק אשר הוציאו ממצרים עגת מצות--כי לא חמץ כי גרשו ממצרים ולא יכלו להתמהמה וגם צדה לא עשו להם 39
Naghurno sila ng tinapay na walang lebadura sa ilalim ng masa na dinala nila mula sa Ehipto. Ito ay walang lebadura dahil sila ay pinalayas sa Ehipto at hindi maaaring ipagpaliban ang paghahanda ng pagkain.
ומושב בני ישראל אשר ישבו במצרים--שלשים שנה וארבע מאות שנה 40
Ang mga Israelita ay nanirahan sa Ehipto sa loob ng 430 na taon.
ויהי מקץ שלשים שנה וארבע מאות שנה ויהי בעצם היום הזה יצאו כל צבאות יהוה מארץ מצרים 41
Matapos ang 430 na taon, sa araw ding iyon, lahat ng mga armadong grupo ni Yahweh ay umalis palabas mula sa lupain ng Ehipto.
ליל שמרים הוא ליהוה להוציאם מארץ מצרים הוא הלילה הזה ליהוה שמרים לכל בני ישראל לדרתם 42
Ito ay isang gabing dapat manatiling gising, para ilabas sila ni Yahweh mula sa lupain ng Ehipto. Ito ay gabi ni Yahweh na dapat ipagdiwang ng lahat ng mga Israelita sa lahat ng salinlahi ng kanilang bayan.
ויאמר יהוה אל משה ואהרן זאת חקת הפסח כל בן נכר לא יאכל בו 43
Sinabi ni Yahweh kina Moises at Aaron, “Ito ang mga alituntunin para sa Paskua: walang dayuhan ang maaaring makibahagi sa pagkain na ito.
וכל עבד איש מקנת כסף--ומלתה אתו אז יאכל בו 44
Kahit na, ang bawat alipin ng mga Israelita, na binili ng pera, ay maaaring makakain nito matapos ninyo silang tuliin.
תושב ושכיר לא יאכל בו 45
Hindi makakain ang mga dayuhan at upahang lingkod ng alinmang pagkain.
בבית אחד יאכל לא תוציא מן הבית מן הבשר חוצה ועצם לא תשברו בו 46
Dapat kainin ang pagkain sa isang bahay. Huwag kayong magdadala ng anumang karne sa labas ng inyong bahay, at hindi ninyo dapat baliin ang kahit anumang buto nito.
כל עדת ישראל יעשו אתו 47
Dapat obsebahan ng lahat ng mga komunidad ng Israel ang pagdiriwang.
וכי יגור אתך גר ועשה פסח ליהוה--המול לו כל זכר ואז יקרב לעשתו והיה כאזרח הארץ וכל ערל לא יאכל בו 48
Kapag maninirahan ang isang dayuhan sa inyo at gustong obserbahan ang Paskua para kay Yahweh, lahat ng kaniyang lalaking kamag-anak ay dapat tuliin. Pagkatapos siya ay maaaring dumating at sundin ito. Siya ay magiging katulad ng mga taong ipinanganak sa lupain. Ganun pa man, walang sinumang taong hindi tuli ang makakakain ng anumang pagkain.
תורה אחת יהיה לאזרח ולגר הגר בתוככם 49
Parehong batas ang siyang gagamitin sa kapwa katutubo o dayuhan na naninirahan kasama ninyong lahat.”
ויעשו כל בני ישראל כאשר צוה יהוה את משה ואת אהרן כן עשו 50
Kaya sinunod ng lahat ng mga Israelita nang lubusan ang iniutos ni Yahweh kina Moises at Aaron.
ויהי בעצם היום הזה הוציא יהוה את בני ישראל מארץ מצרים--על צבאתם 51
Dumating ang araw na iyon na dinala ni Yahweh ang Israel palabas sa lupain ng Ehipto sa pamamagitan ng kanilang mga armadong grupo.

< שמות 12 >