< קֹהֶלֶת 8 >
מי כהחכם ומי יודע פשר דבר חכמת אדם תאיר פניו ועז פניו ישנא | 1 |
Ano ang isang taong matalino? Ito ay isang taong nakakaalam ng kahulugan ng mga kaganapan sa buhay. Ang karunungan sa isang tao ay nagpapaningning ng kaniyang mukha, at ang katigasan sa kaniyang mukha ay nagbabago.
אני פי מלך שמר ועל דברת שבועת אלהים | 2 |
Pinapayuhan ko kayong sundin ang utos ng hari dahil sa pangako ng Diyos na ipagtatanggol siya.
אל תבהל מפניו תלך אל תעמד בדבר רע כי כל אשר יחפץ יעשה | 3 |
Huwag magmadaling lumayo sa harapan niya at huwag kang mamalagi sa maling bagay, dahil magagawa ng hari ang anumang ninanais niya.
באשר דבר מלך שלטון ומי יאמר לו מה תעשה | 4 |
Ang salita ng hari ay maghahari, kaya sino ang magsasabi sa kaniya, “Ano ang iyong ginagawa?”
שומר מצוה לא ידע דבר רע ועת ומשפט ידע לב חכם | 5 |
Sinumang sumusunod sa mga utos ng hari ay lumalayo sa kapahamakan. Ang isang matalinong puso ng tao ay nakikilala ang nararapat na landas at oras ng pagkilos.
כי לכל חפץ יש עת ומשפט כי רעת האדם רבה עליו | 6 |
Sapagkat sa bawat bagay ay mayroong wastong pagtugon at oras sa pagtugon, dahil ang mga kaguluhan ng tao ay napakalaki.
כי איננו ידע מה שיהיה כי כאשר יהיה מי יגיד לו | 7 |
Walang nakakaalam kung ano ang susunod. Sino ang makapagsasabi sa kaniya kung ano ang susunod?
אין אדם שליט ברוח לכלוא את הרוח ואין שלטון ביום המות ואין משלחת במלחמה ולא ימלט רשע את בעליו | 8 |
Walang may kapangyarihang pigilan ang paghinga ng hangin ng buhay, at walang may kapangyarihan sa araw ng kaniyang kamatayan. Walang tinitiwalag sa hanay ng hukbo habang nasa isang digmaan, at ang kasamaan ay hindi magliligtas sa mga alipin nito.
את כל זה ראיתי ונתון את לבי לכל מעשה אשר נעשה תחת השמש עת אשר שלט האדם באדם--לרע לו | 9 |
Naintindihan ko ang lahat ng ito; inilagay ko sa aking puso ang bawat uri ng gawa na naganap sa ilalim ng araw. Mayroong isang panahon kung saan ang isang tao ay may kakayahang gumawa ng masama sa iba.
ובכן ראיתי רשעים קברים ובאו וממקום קדוש יהלכו וישתכחו בעיר אשר כן עשו גם זה הבל | 10 |
Kaya nakita kong lantarang inilibing ang masama. Sila ay dinala mula sa lugar at inilibing saka pinuri ng mga tao sa lungsod kung saan nila ginagawa ang masasamang mga gawain. Ito rin ay walang pakinabang.
אשר אין נעשה פתגם מעשה הרעה מהרה על כן מלא לב בני האדם בהם--לעשות רע | 11 |
Kapag ang isang hatol sa isang masamang krimen ay hindi agad ipinatupad, hinihikayat nito ang puso ng taong gumawa ng masama.
אשר חטא עשה רע מאת--ומאריך לו כי גם יודע אני אשר יהיה טוב ליראי האלהים אשר ייראו מלפניו | 12 |
Kahit isang daang ulit gumagawa ng masama ang isang makasalanan at nabubuhay pa rin sa mahabang panahon, gayon man alam ko na magiging mabuti sa mga gumagalang sa Diyos, siyang pinararangalan ang kaniyang presensiya sa kanila.
וטוב לא יהיה לרשע ולא יאריך ימים כצל--אשר איננו ירא מלפני אלהים | 13 |
Ngunit hindi magiging mabuti sa isang taong masama; ang kaniyang buhay ay hindi pahahabain. Ang kaniyang mga araw ay katulad ng isang naglalahong anino dahil hindi niya pinararangalan ang Diyos.
יש הבל אשר נעשה על הארץ אשר יש צדיקים אשר מגיע אלהם כמעשה הרשעים ויש רשעים שמגיע אלהם כמעשה הצדיקים אמרתי שגם זה הבל | 14 |
May isa pang walang silbing usok - isang bagay pa na naganap sa ibabaw ng mundo. Ang mga bagay na nangyayari sa taong matuwid ay nangyayari din sa taong masama, at ang mga bagay na nangyayari sa taong masama ay nangyayari din sa taong matuwid. Sinasabi ko na ito rin ay walang silbing parang singaw.
ושבחתי אני את השמחה אשר אין טוב לאדם תחת השמש כי אם לאכל ולשתות ולשמוח והוא ילונו בעמלו ימי חייו אשר נתן לו האלהים--תחת השמש | 15 |
Kaya ipinayo ko ang kasayahan, dahil ang isang tao ay walang mas mabuting gawin sa ilalim ng araw maliban sa kumain at uminom at maging masaya. Itong kasiyahan ang makakasama niya sa kaniyang gawain sa lahat ng mga araw ng kaniyang buhay na ibinigay ng Diyos sa kaniya sa ilalim ng araw.
כאשר נתתי את לבי לדעת חכמה ולראות את הענין אשר נעשה על הארץ כי גם ביום ובלילה--שנה בעיניו איננו ראה | 16 |
Nang ginamit ko ang aking puso upang malaman ang karunungan at maunawaan ang gawaing naganap sa ibabaw ng mundo, ang gawaing madalas nagaganap nang walang tulog para sa mga mata sa gabi o sa araw,
וראיתי את כל מעשה האלהים כי לא יוכל האדם למצוא את המעשה אשר נעשה תחת השמש בשל אשר יעמל האדם לבקש ולא ימצא וגם אם יאמר החכם לדעת לא יוכל למצא | 17 |
at namasdan ko lahat ng gawain ng Diyos at hindi maunawaan ng tao ang gawaing ginawa sa ilalim ng araw. Gaano man ang pagsisikap ng tao para hanapin ang mga kasagutan, hindi niya ito mahahanap. Kahit na sa paniwala ng isang matalino ay alam na niya ang lahat, sa totoo lang hindi niya alam.