< דברים 31 >
וילך משה וידבר את הדברים האלה אל כל ישראל | 1 |
Nagpunta si Moises at sinabi ang mga salitang ito sa buong Israel.
ויאמר אלהם בן מאה ועשרים שנה אנכי היום--לא אוכל עוד לצאת ולבוא ויהוה אמר אלי לא תעבר את הירדן הזה | 2 |
Sinabi niya sa kanila, “Isang daan at dalawampung taong gulang na ako; hindi na ako maaaring makalabas at makakpasok; Sinabi ni Yahweh sa akin, 'Hindi ka na tatawid sa Jordan.'
יהוה אלהיך הוא עבר לפניך הוא ישמיד את הגוים האלה מלפניך--וירשתם יהושע הוא עבר לפניך כאשר דבר יהוה | 3 |
Si Yahweh na inyong Diyos, sasama siya sa inyo; wawasakin niya ang mga bansa mula sa inyong harapan, at babawiin ninyo ito. Si Josue, ang mangunguna sa inyong harapan, tulad ng sinabi ni Yahweh.
ועשה יהוה להם כאשר עשה לסיחון ולעוג מלכי האמרי ולארצם--אשר השמיד אתם | 4 |
Gagawin ni Yahweh sa kanila kung ano kay Sihon at Og, sa mga hari ng Amoreo, at sa kanilang lupain, kung saan kaniyang winasak.
ונתנם יהוה לפניכם ועשיתם להם--ככל המצוה אשר צויתי אתכם | 5 |
Bibigyan kayo ni Yahweh ng tagumpay laban sa kanila kapag nakaharap na ninyo sila sa digmaan, at gagawin ninyo sa kanila ang lahat ng sinasabi ko sa inyo.
חזקו ואמצו אל תיראו ואל תערצו מפניהם כי יהוה אלהיך הוא ההלך עמך--לא ירפך ולא יעזבך | 6 |
Magpakatatag at magpakatapang, huwag matakot, at huwag matakot sa kanila; sapagkat si Yahweh na inyong Diyos, ang siyang sasama sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni pababayaan.”
ויקרא משה ליהושע ויאמר אליו לעיני כל ישראל חזק ואמץ--כי אתה תבוא את העם הזה אל הארץ אשר נשבע יהוה לאבתם לתת להם ואתה תנחילנה אותם | 7 |
Tinawag ni Moises si Josue at sinabi sa kaniya sa harapan ng buong Israel, “Magpakatatag at magpakatapang, sapagkat sasamahan mo itong lahi papunta sa lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ninuno para ibigay sa kanila; Ikaw ang magdudulot sa kanila para manahin ito.
ויהוה הוא ההלך לפניך הוא יהיה עמך--לא ירפך ולא יעזבך לא תירא ולא תחת | 8 |
Si Yahweh, ang siyang mangunguna sa inyong harapan; sasama siya sa inyo; hindi niya kayo bibiguin ni iiwan; huwag matakot, huwag mapanghinaan ng loob.”
ויכתב משה את התורה הזאת ויתנה אל הכהנים בני לוי הנשאים את ארון ברית יהוה ואל כל זקני ישראל | 9 |
Isinulat ni Moises ang kautusang ito at ibinigay ito sa mga pari, sa mga anak na lalaki ni Levi, na nagdala sa kaban ng tipan ni Yahweh; binigay din niya ang mga kopya nito sa lahat ng mga nakatatanda ng Israel.
ויצו משה אותם לאמר מקץ שבע שנים במעד שנת השמטה--בחג הסכות | 10 |
Inutusan sila ni Moises at sinabi, “Sa katapusan ng bawat pitong taon, sa panahon na ipapawalang-bisa ang mga utang, sa oras ng Pagdiriwang ng mga Kanlungan,
בבוא כל ישראל לראות את פני יהוה אלהיך במקום אשר יבחר תקרא את התורה הזאת נגד כל ישראל--באזניהם | 11 |
kapag ang buong Israelita ay dumating para magpakita sa harapan ni Yahweh na inyong Diyos sa lugar na kaniyang pipiliin para sa kaniyang santuwaryo, babasahin mo itong batas sa harapan ng buong Israel kanilang pandinig.
הקהל את העם האנשים והנשים והטף וגרך אשר בשעריך--למען ישמעו ולמען ילמדו ויראו את יהוה אלהיכם ושמרו לעשות את כל דברי התורה הזאת | 12 |
Tipunin ang mga tao, ang mga kalalakihan, ang mga kababaihan, ang mga kabataan, at inyong dayuhan na nasa loob ng tarangkahan ng inyong lungsod, para makarinig sila at matuto, at para maaari nilang parangalan si Yahweh na inyong Diyos at sundin ang lahat ng mga salita nitong kautusan.
ובניהם אשר לא ידעו ישמעו ולמדו--ליראה את יהוה אלהיכם כל הימים אשר אתם חיים על האדמה אשר אתם עברים את הירדן שמה לרשתה | 13 |
Gawin ito para sa kanilang mga anak, na walang alam, maaaring makarinig at matuto para parangalan si Yahweh na inyong Diyos, habang nabubuhay kayo sa lupain na inyong pupuntahan ang Jordan para angkinin.”
ויאמר יהוה אל משה הן קרבו ימיך למות--קרא את יהושע והתיצבו באהל מועד ואצונו וילך משה ויהושע ויתיצבו באהל מועד | 14 |
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, ang araw ay paparating na ikaw ay dapat ng mamatay; tawagin si Josue at ipakita ang inyong mga sarili sa loob ng tolda ng pagpupulong, para mabigyan ko siya ng utos.” Pumunta sina Moises at Josue at ipinakita ang kanilang mga sarili sa loob ng tolda ng pagpupulong.
וירא יהוה באהל בעמוד ענן ויעמד עמוד הענן על פתח האהל | 15 |
Nagpakita si Yahweh sa loob ng tolda sa isang haliging ulap; nakatayo ang haligi ng ulap sa ibabaw ng pintuan ng tolda.
ויאמר יהוה אל משה הנך שכב עם אבתיך וקם העם הזה וזנה אחרי אלהי נכר הארץ אשר הוא בא שמה בקרבו ועזבני והפר את בריתי אשר כרתי אתו | 16 |
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Masdan mo, matutulog ka kasama ang iyong mga ama; babangon itong mga lahi at kikilos katulad ng mga bayarang babae na sumusunod sa masamanag mga diyus-diyosan ng lupain, ang lupain na kanilang pupuntahan para maging kasamahan nila. Iiwanan nila ako at sisirain ang kasunduang ginawa ko kasama sila.
וחרה אפי בו ביום ההוא ועזבתים והסתרתי פני מהם והיה לאכל ומצאהו רעות רבות וצרות ואמר ביום ההוא הלא על כי אין אלהי בקרבי מצאוני הרעות האלה | 17 |
Pagkatapos, sa araw na iyon, ang aking galit ay sisiklab laban sa kanila, at iiwanan ko sila, ikukubli ko ang aking mukha mula sa kanila, at sasakmalin sila. Maraming mga sakuna at kaguluhan ang mapapa sa kanila, para kanilang sabihin sa araw na iyon, 'Ang mga sakuna ba ito ay natagpuan ako dahil ang ating Diyos ay wala sa aming kalagitnaan?'
ואנכי הסתר אסתיר פני ביום ההוא על כל הרעה אשר עשה כי פנה אל אלהים אחרים | 18 |
Sisiguraduhin ko na ikukubli ang aking mukha mula sa kanila sa araw na iyon dahil ang lahat ng kasamaan ay kanilang gagawin, sapagkat bumaling sila sa ibang mga diyus-diyosan.
ועתה כתבו לכם את השירה הזאת ולמדה את בני ישראל שימה בפיהם למען תהיה לי השירה הזאת לעד--בבני ישראל | 19 |
Kaya ngayon isulat mo itong awitin para sa iyong sarili at ituro ito sa bayan ng Israel. Ilagay ito sa kanilang mga bibig, para ang awiting ito ay maging isang saksi para sa akin laban sa bayan ng Israel.
כי אביאנו אל האדמה אשר נשבעתי לאבתיו זבת חלב ודבש ואכל ושבע ודשן ופנה אל אלהים אחרים ועבדום ונאצוני והפר את בריתי | 20 |
Kapag dinala ko sila dito sa loob ng lupain na aking ipinangako upang ibigay sa kanilang mga ninuno, ang lupaing umaapaw sa gatas at pulot, at nang sila ay nakakain at nabusog at tumaba, pagkatapos babaling sila sa ibang mga diyos at sasamba sa kanila; kamumuhian nila ako at sisirain ang kasunduan.
והיה כי תמצאן אתו רעות רבות וצרות וענתה השירה הזאת לפניו לעד כי לא תשכח מפי זרעו כי ידעתי את יצרו אשר הוא עשה היום בטרם אביאנו אל הארץ אשר נשבעתי | 21 |
Kapag maraming kasamaan at mga kaguluhan ang mayroon ang mga tao na ito, ang awiting ito ang magpapatunay bilang isang saksi; dahil ito ay hindi malilimutan mula sa mga bibig ng kanilang mga kaapu-apuhan; dahil alam ko ang mga plano na kanilang binubuo ngayon, kahit bago ko pa sila dinala dito sa lupain na aking ipinangako.”
ויכתב משה את השירה הזאת ביום ההוא וילמדה את בני ישראל | 22 |
Kaya isinulat ni Moises ang awiting ito ng araw ding iyon at itinuro sa bayan ng Israel.
ויצו את יהושע בן נון ויאמר חזק ואמץ--כי אתה תביא את בני ישראל אל הארץ אשר נשבעתי להם ואנכי אהיה עמך | 23 |
Binigyan ni Yahweh ng utos si Josue na anak ni Nun, at sinabi, “Magpakatatag at Magpakatapang; sapagkat dadalhin mo ang bayan ng Israel papasok sa lupain na ipinangako ko sa kanila, at ako ay sasainyo.”
ויהי ככלות משה לכתב את דברי התורה הזאת--על ספר עד תמם | 24 |
Nangyari ito nang matapos ni Moises ang pagsusulat ng mga salita nitong kautusan sa isang aklat,
ויצו משה את הלוים נשאי ארון ברית יהוה לאמר | 25 |
ibinigay niya ang isang utos sa mga Levita ang siyang nagdala ng kaban ng tipan ni Yahweh; sinabi niya,
לקח את ספר התורה הזה ושמתם אתו מצד ארון ברית יהוה אלהיכם והיה שם בך לעד | 26 |
“Dalhin mo itong aklat ng kautusan at ilagay ito sa gilid ng kaban ng tipan ni Yahweh na inyong Diyos, para ito ay naroroon bilang isang saksi laban sa inyo.
כי אנכי ידעתי את מריך ואת ערפך הקשה הן בעודני חי עמכם היום ממרים היתם עם יהוה ואף כי אחרי מותי | 27 |
Dahil alam ko ang inyong mga paghihimagsik at inyong katigasan; tingnan ninyo, habang patuloy akong nabubuhay kasama ninyo kahit sa araw na ito, kayo ay naging mapanghimagsik laban kay Yahweh; paano pa pag ako ay patay na?
הקהילו אלי את כל זקני שבטיכם ושטריכם ואדברה באזניהם את הדברים האלה ואעידה בם את השמים ואת הארץ | 28 |
Magtipon sa akin ang lahat ng nakatatanda ng inyong mga lipi, at inyong mga opisyal, para masabi ang mga salita sa kanilang mga tainga at tatawag sa langit at lupa para maging saksi laban sa kanila.
כי ידעתי אחרי מותי כי השחת תשחתון וסרתם מן הדרך אשר צויתי אתכם וקראת אתכם הרעה באחרית הימים--כי תעשו את הרע בעיני יהוה להכעיסו במעשה ידיכם | 29 |
Dahil alam ko na pag patay na ako lubusan ninyong sisirain ang inyong mga sarili at lumiko palayo sa daanan na aking iniutos sa inyo; kapahamakan ay darating sa inyo sa susunod na mga araw. Mangyayari ito dahil gagawa kayo ng masama sa mata ni Yahweh, para galitin siya sa pamamagitan ng mga gawa ng inyong mga kamay.”
וידבר משה באזני כל קהל ישראל את דברי השירה הזאת--עד תמם | 30 |
Umawit si Moises sa mga tainga ng mga pinagtipon sa Israel ang mga salita ng awiting ito hanggang sa matapos