< דברים 27 >

ויצו משה וזקני ישראל את העם לאמר שמר את כל המצוה אשר אנכי מצוה אתכם היום 1
Inutusan ni Moises at ng mga nakatatanda ng Israel ang mga tao at sinabi, “Sundin ang lahat ng mga utos na sinasabi ko sa inyo ngayon.
והיה ביום אשר תעברו את הירדן אל הארץ אשר יהוה אלהיך נתן לך--והקמת לך אבנים גדלות ושדת אתם בשיד 2
Sa araw na inyong tatawirin ang Jordan patungo sa lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, dapat maglagay kayo ng ilang malalaking mga bato at ito'y palitadahan ang ito ng palitada.
וכתבת עליהן את כל דברי התורה הזאת--בעברך למען אשר תבא אל הארץ אשר יהוה אלהיך נתן לך ארץ זבת חלב ודבש כאשר דבר יהוה אלהי אבתיך לך 3
Dapat ninyong isulat ang lahat ng mga salita ng kautusang ito kapag nakatawid na kayo; upang makapunta kayo sa lupain na ibibigay sa inyo ni Yahweh na inyong Diyos, isang lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot, tulad ng ipinangako ni Yahweh sa inyo, ang Diyos ng inyong mga ninuno.
והיה בעברכם את הירדן תקימו את האבנים האלה אשר אנכי מצוה אתכם היום בהר עיבל ושדת אותם בשיד 4
Kapag nakatawid na kayo ng Jordan, ilagay ninyo ang mga batong ito sa Bundok Ebal na iniutos ko sa inyo ngayon, at ito'y palitadahan ito ng palitada.
ובנית שם מזבח ליהוה אלהיך מזבח אבנים לא תניף עליהם ברזל 5
Doon dapat kayong magtayo ng altar para kay Yahweh na inyong Diyos, isang altar ng mga bato; pero hindi ninyo dapat gagamitan ng kasangkapang bakal ang pagtatayo ng mga bato.
אבנים שלמות תבנה את מזבח יהוה אלהיך והעלית עליו עולת ליהוה אלהיך 6
Dapat magtayo kayo ng altar ni Yahweh na inyong Diyos ng mga hindi hinugisang bato; dapat ninyong ialay doon ang mga handog na susunugin para kay Yahweh na inyong Diyos,
וזבחת שלמים ואכלת שם ושמחת לפני יהוה אלהיך 7
at mag-aalay kayo ng mga handog para sa pagtitipon-tipon at kumain doon; magdiriwang kayo sa harap ni Yahweh na inyong Diyos.
וכתבת על האבנים את כל דברי התורה הזאת--באר היטב 8
Isusulat ninyo sa mga bato ang lahat ng mga salita ng kautusang ito ng malinaw.”
וידבר משה והכהנים הלוים אל כל ישראל לאמר הסכת ושמע ישראל היום הזה נהיית לעם ליהוה אלהיך 9
Nagsalita si Moises at ang mga pari, ang mga Levita, sa buong Israel at sinabing, “Kayo ay tumahimik at makinig, Israel: Ngayon naging lahi na kayo ni Yahweh na inyong Diyos.
ושמעת בקול יהוה אלהיך ועשית את מצותו ואת חקיו אשר אנכי מצוך היום 10
Sa gayon, Dapat ninyong sundin ang boses ni Yahweh na inyong Diyos at sundin ang kaniyang mga utos at mga batas na sinasabi ko sa inyo ngayon.”
ויצו משה את העם ביום ההוא לאמר 11
Sa araw ding iyon inutusan ni Moises ang mga tao at sinabi,
אלה יעמדו לברך את העם על הר גרזים בעברכם את הירדן שמעון ולוי ויהודה ויששכר ויוסף ובנימן 12
“Pagkatapos ninyong tawirin ang Jordan, dapat tumayo ang mga liping ito sa Bundok Gerizim para pagpalain ang mga tao: sina Simeon, Levi, Juda, Isacar, Jose, at Benjamin.
ואלה יעמדו על הקללה בהר עיבל ראובן גד ואשר וזבולן דן ונפתלי 13
At dapat tumayo ang mga liping ito sa Bundok ng Ebal para bigkasin ang mga sumpa: sina Ruben, Gad, Aser, Zabulon, Dan, at Naftali.
וענו הלוים ואמרו אל כל איש ישראל--קול רם 14
Ang mga Levita ay sasagot at sasabihin sa lahat ng mga kalalakihan ng Israel sa malakas na boses:
ארור האיש אשר יעשה פסל ומסכה תועבת יהוה מעשה ידי חרש--ושם בסתר וענו כל העם ואמרו אמן 15
'Nawa'y isumpa ang taong gumagawa ng isang inukit o hinulmang anyo, isang bagay na nakasusuklam kay Yahweh, ang gawa ng mga kamay ng isang manggagawa lalaki, at siyang naglagay nito ng palihim.' At lahat ng mga tao ay dapat sumagot at magsabi ng, 'Amen.'
ארור מקלה אביו ואמו ואמר כל העם אמן 16
'Nawa'y isumpa ang taong hind pinaparangalan ang kaniyang ama o sa kaniyang ina.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabing, 'Amen.'
ארור מסיג גבול רעהו ואמר כל העם אמן 17
'Nawa'y isumpa ang taong magtatanggal ng palatandaan sa lupa ng kaniyang kapitbahay.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור משגה עור בדרך ואמר כל העם אמן 18
'Nawa'y isumpa ang taong inililigaw ang bulag mula sa daan.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור מטה משפט גר יתום--ואלמנה ואמר כל העם אמן 19
'Nawa'y isumpa ang taong nagkakait ng katarungan na nararapat sa isang dayuhan, ulila, o balo.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור שכב עם אשת אביו--כי גלה כנף אביו ואמר כל העם אמן 20
'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa asawa ng kaniyang ama, dahil kinuha niya ang karapatan ng kaniyang ama.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור שכב עם כל בהמה ואמר כל העם אמן 21
'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa anumang uri ng hayop.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור שכב עם אחתו--בת אביו או בת אמו ואמר כל העם אמן 22
'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa kaniyang kapatid na babae, ang anak na babae ng kaniyang ama, o sa anak na babae ng kaniyang ina.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור שכב עם חתנתו ואמר כל העם אמן 23
'Nawa'y isumpa ang taong sumiping sa kaniyang biyenang babae.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור מכה רעהו בסתר ואמר כל העם אמן 24
'Nawa'y isumpa ang taong lihim na pinatay ang kaniyang kapwa.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור לקח שחד להכות נפש דם נקי ואמר כל העם אמן 25
'Nawa'y isumpa ang taong tumatanggap ng isang suhol para pumatay ng taong walang kasalanan.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'
ארור אשר לא יקים את דברי התורה הזאת--לעשות אותם ואמר כל העם אמן 26
'Nawa'y isumpa ang taong hindi magpatunay sa mga salita ng kautusang ito, para sundin ang mga ito.' At lahat ng mga tao ay dapat magsabi ng, 'Amen.'

< דברים 27 >