< שמואל ב 7 >
ויהי כי ישב המלך בביתו ויהוה הניח לו מסביב מכל איביו | 1 |
Nangyari ito matapos manirahan ng hari sa kaniyang bahay, at matapos siyang binigyan ng kapahingahan ni Yahweh mula sa lahat ng kaniyang nakapalibot na mga kaaway,
ויאמר המלך אל נתן הנביא ראה נא אנכי יושב בבית ארזים וארון האלהים ישב בתוך היריעה | 2 |
sinabi ng hari kay Natan na propeta, “Tingnan mo, naninirahan ako sa isang tahanang cedar, pero nananatili sa gitna ng isang tolda ang kaban ng Diyos.”
ויאמר נתן אל המלך כל אשר בלבבך לך עשה כי יהוה עמך | 3 |
Pagkatapos sinabi ni Natan sa hari, “Humayo ka, gawin mo kung ano ang nasa iyong puso, dahil kasama mo si Yahweh.”
ויהי בלילה ההוא ויהי דבר יהוה אל נתן לאמר | 4 |
Pero nang gabi ring iyon, dumating ang salita ni Yahweh kay Natan at sinabi,
לך ואמרת אל עבדי אל דוד כה אמר יהוה האתה תבנה לי בית לשבתי | 5 |
“Pumunta ka, at sabihin kay David na aking lingkod, 'Ito ang sinasabi ni Yahweh: Gagawan mo ba ako ng isang bahay na matitirahan?
כי לא ישבתי בבית למיום העלתי את בני ישראל ממצרים ועד היום הזה ואהיה מתהלך באהל ובמשכן | 6 |
Dahil hindi ako tumira sa isang bahay simula ng araw na dinala ko ang mga tao ng Israel palabas ng Ehipto hanggang sa kasalukuyan; sa halip, palagi akong lumilipat sa isang tolda, isang tabernakulo.
בכל אשר התהלכתי בכל בני ישראל הדבר דברתי את אחד שבטי ישראל אשר צויתי לרעות את עמי את ישראל לאמר למה לא בניתם לי בית ארזים | 7 |
Sa lahat ng lugar kung saan lumilipat ako kasama ang lahat ng tao ng Israel, may nasabi ba akong anumang bagay sa sinuman sa mga pinuno ng Israel na hinirang ko para pangalagaan ang aking mga lahing Israel, sinasabing, “Bakit hindi mo ako ginawan ng isang bahay na cedar?"”'
ועתה כה תאמר לעבדי לדוד כה אמר יהוה צבאות אני לקחתיך מן הנוה מאחר הצאן--להיות נגיד על עמי על ישראל | 8 |
Sa gayon, sabihin mo sa aking lingkod na si David, “Ito ang sinasabi ni Yahweh ng mga hukbo: 'Kinuha kita mula sa pastulan, mula sa pagsunod sa mga tupa, para maging pinuno ka ng Israel aking mga tao.
ואהיה עמך בכל אשר הלכת ואכרתה את כל איביך מפניך ועשתי לך שם גדול כשם הגדלים אשר בארץ | 9 |
Sasamahan kita saan ka man pumunta at tinalo ko ang lahat ng iyong mga kaaway mula sa iyong harapan. At gagawa ako ng isang dakilang pangalan para sa iyo, kagaya ng pangalan ng mga dakilang nasa sanlibutan.
ושמתי מקום לעמי לישראל ונטעתיו ושכן תחתיו ולא ירגז עוד ולא יסיפו בני עולה לענותו כאשר בראשונה | 10 |
Pipili ako ng isang lugar para sa Israel na aking mga tao at ilalagay sila roon, para mamuhay sila sa kanilang sariling lugar at hindi na muling guguluhin. Wala ng mga masasamang tao ang magpapahirap sa kanila, gaya ng dating ginawa sa kanila,
ולמן היום אשר צויתי שפטים על עמי ישראל והניחתי לך מכל איביך והגיד לך יהוה כי בית יעשה לך יהוה | 11 |
gaya nang ginagawa nila mula sa mga araw na inutusan ko ang aking mga hukom na maging pinuno sa aking lahing Israel. At bibigyan kita ng kapahingahan mula sa lahat ng iyong mga kaaway. Karagdagan pa, Ako si Yahweh, ipinapahayag ko sa iyo na gagawin kitang tahanan.
כי ימלאו ימיך ושכבת את אבתיך והקימתי את זרעך אחריך אשר יצא ממעיך והכינתי את ממלכתו | 12 |
Kapag ang iyong mga araw ay natupad na at mamahinga kasama ng iyong mga ama, magtatatag ako ng isang kaapu-apuhan kasunod mo, isa na manggagaling sa iyong katawan, at itatatag ko ang kaniyang kaharian.
הוא יבנה בית לשמי וכננתי את כסא ממלכתו עד עולם | 13 |
Gagawa siya ng isang tahanan para sa aking pangalan, at itatatag ko ang trono ng kaniyang kaharian magpakailanman.
אני אהיה לו לאב והוא יהיה לי לבן--אשר בהעותו והכחתיו בשבט אנשים ובנגעי בני אדם | 14 |
Magiging isang ama ako sa kaniya, at magiging anak ko siya. Kapag magkasala siya, parurusahan ko siya ng pamalo ng mga kalalakihan at may kasamang paghagupit sa mga anak ng tao.
וחסדי לא יסור ממנו כאשר הסרתי מעם שאול אשר הסרתי מלפניך | 15 |
Pero hindi siya iiwan ng aking tipan ng katapatan, gaya ng pagkuha nito kay Saul, na inalis ko mula sa harapan mo.
ונאמן ביתך וממלכתך עד עולם לפניך כסאך יהיה נכון עד עולם | 16 |
Pagtitibayin ang iyong tahanan at kaharian magpakailanman sa harapan mo. Itatatag ang iyong trono magpakailanman.”'
ככל הדברים האלה וככל החזיון הזה--כן דבר נתן אל דוד | 17 |
Nagsalita si Natan kay David at ibinalita sa kaniya ang lahat ng mga salitang ito, at sinabi niya sa kaniya ang tungkol sa buong pangitain.
ויבא המלך דוד וישב לפני יהוה ויאמר מי אנכי אדני יהוה ומי ביתי--כי הבאתני עד הלם | 18 |
Pagkatapos pumasok at umupo si haring David sa harapan ni Yahweh; sinabi niya, “Sino ako, Yahweh O'Diyos, at sino ang aking pamilya na dinala mo sa puntong ito?
ותקטן עוד זאת בעיניך אדני יהוה ותדבר גם אל בית עבדך למרחוק וזאת תורת האדם אדני יהוה | 19 |
At ito ay maliit na bagay sa iyong paningin, Panginoong Yahweh. Nagsalita ka tungkol sa lingkod ng iyong pamilya para sa isang dakilang sandali, at ipinakita sa akin ang mga hinaharap na salinlahi, Panginoong Yahweh!
ומה יוסיף דוד עוד לדבר אליך ואתה ידעת את עבדך אדני יהוה | 20 |
Ano pa ang maaaring sabihin ko, na si David, sa iyo? Pinarangalan mo ang iyong lingkod, Panginoong Yahweh.
בעבור דברך וכלבך עשית את כל הגדולה הזאת--להודיע את עבדך | 21 |
Alang-alang sa iyong salita, at para tuparin ang iyong sariling layunin, ginawa mo ang dakilang bagay na ito at ibinunyag ito sa iyong lingkod.
על כן גדלת יהוה אלהים כי אין כמוך ואין אלהים זולתך בכל אשר שמענו באזנינו | 22 |
Kaya dakila ka, Panginoong Yahweh. Dahil wala kang katulad, at walang ibang Diyos maliban sa iyo, gaya ng narinig ng aming mga sariling tainga.
ומי כעמך כישראל גוי אחד בארץ--אשר הלכו אלהים לפדות לו לעם ולשום לו שם ולעשות לכם הגדולה ונראות לארצך מפני עמך אשר פדית לך ממצרים גוים ואלהיו | 23 |
At anong bansa ang katulad ng iyong lahing Israel, na nag-iisang bansa sa sanlibutan na pinuntahan at iniligtas mo, O' Diyos, para sa iyong sarili? Ginawa mo ito para maging isang lahi sila para sa iyong sarili, para gumawa ng pangalan para sa iyong sarili, at gumawa ng dakila at nakakatakot na gawain para sa iyong lupain. Pinalayas mo ang mga bansa at kanilang mga diyus-diyosan mula sa harapan ng iyong mga tao, na iniligtas mo mula sa Ehipto.
ותכונן לך את עמך ישראל לך לעם--עד עולם ואתה יהוה היית להם לאלהים | 24 |
Itinatag mo ang Israel bilang iyong sariling lahi magpakailanman, at ikaw Yahweh, ang naging kanilang Diyos.
ועתה יהוה אלהים הדבר אשר דברת על עבדך ועל ביתו הקם עד עולם ועשה כאשר דברת | 25 |
Kaya ngayon, Yahweh O'Diyos, nawa'y itatag ang iyong ginawang pangako hinggil sa iyong lingkod at kaniyang pamilya magpakailanman. Gawin mo gaya ng iyong sinabi.
ויגדל שמך עד עולם לאמר יהוה צבאות אלהים על ישראל ובית עבדך דוד יהיה נכון לפניך | 26 |
Nawa'y maging dakila ang iyong pangalan magpakailanman, para sabihin ng mga tao, 'Si Yahweh ng mga hukbo ay Diyos ng Israel,' habang ang tahanan ko, David, na iyong lingkod, ay itatag sa harapan mo.
כי אתה יהוה צבאות אלהי ישראל גליתה את אזן עבדך לאמר בית אבנה לך על כן מצא עבדך את לבו להתפלל אליך את התפלה הזאת | 27 |
Para sa iyo, Yahweh ng mga hukbo, ang Diyos ng Israel, ibinunyag mo sa iyong lingkod na gagawan mo siya ng isang tahanan. Kaya nga ako, na iyong lingkod, nakatagpo ng lakas ng loob para manalangin sa iyo.
ועתה אדני יהוה אתה הוא האלהים ודבריך יהיו אמת ותדבר אל עבדך את הטובה הזאת | 28 |
Ngayon, Panginoong Yahweh, ikaw ay Diyos, at mapagkakatiwalaan ang iyong mga salita, at ginawa mo ang mabuting pangakong ito sa iyong lingkod.
ועתה הואל וברך את בית עבדך להיות לעולם לפניך כי אתה אדני יהוה דברת ומברכתך יברך בית עבדך לעולם | 29 |
Kaya ngayon, malugod mong pagpalain ang bahay ng iyong lingkod, para magpatuloy ito magpakailanman sa harapan mo. Dahil ikaw, Panginoong Yahweh, ang nagsabi ng mga bagay na ito, at sa iyong pagpapala ang bahay ng iyong lingkod ay pagpapalain magpakailanman.”