< שמואל ב 23 >

ואלה דברי דוד האחרנים נאם דוד בן ישי ונאם הגבר הקם על--משיח אלהי יעקב ונעים זמרות ישראל 1
Ito nga ang mga huling salita ni David. Sinabi ni David na anak ni Isai, At sinabi ng lalake na pinapangibabaw, Na pinahiran ng langis ng Dios ni Jacob, At kalugodlugod na mangaawit sa Israel:
רוח יהוה דבר בי ומלתו על לשוני 2
Ang Espiritu ng Panginoon ay nagsalita sa pamamagitan ko, At ang kaniyang salita ay suma aking dila.
אמר אלהי ישראל לי דבר צור ישראל מושל באדם--צדיק מושל יראת אלהים 3
Sinabi ng Dios ng Israel, Ang malaking bato ng Israel ay nagsalita sa akin: Ang naghahari sa mga tao na may katuwiran, Na mamamahala sa katakutan sa Dios,
וכאור בקר יזרח שמש בקר לא עבות מנגה ממטר דשא מארץ 4
Siya'y magiging gaya ng liwanag sa kinaumagahan pagka ang araw ay sumisikat, Sa isang umagang walang mga alapaap; Pagka ang malambot na damo ay sumisibol sa lupa, Sa maliwanag na sikat pagkatapos ng ulan.
כי לא כן ביתי עם אל כי ברית עולם שם לי ערוכה בכל ושמרה--כי כל ישעי וכל חפץ כי לא יצמיח 5
Katotohanang ang aking sangbahayan ay hindi gayon sa Dios; Gayon ma'y nakipagtipan siya sa akin ng isang tipang walang hanggan, Maayos sa lahat ng mga bagay, at maasahan: Sapagka't siyang aking buong kaligtasan, at buong nasa. Bagaman hindi niya pinatubo.
ובליעל כקוץ מנד כלהם כי לא ביד יקחו 6
Nguni't ang mga di banal ay ipaghahagis na gaya ng mga tinik, Sapagka't hindi nila matatangnan ng kamay:
ואיש יגע בהם ימלא ברזל ועץ חנית ובאש שרוף ישרפו בשבת 7
Kundi ang lalake na humipo sa kanila, Marapat magsakbat ng bakal at ng puluhan ng sibat; At sila'y lubos na susunugin ng apoy sa kanilang kinaroroonan.
אלה שמות הגברים אשר לדוד ישב בשבת תחכמני ראש השלשי הוא עדינו העצנו (העצני)--על שמנה מאות חלל בפעם אחד (אחת) 8
Ito ang mga pangalan ng mga makapangyarihang lalake na nasa kay David: Si Josebbasebet na Tachemonita, na pinuno ng mga kapitan; na siya ring si Adino na Eznita, na siyang dumaluhong laban sa walong daan na nangapatay ng paminsan.
ואחרו אלעזר בן דדי (דדו) בן אחחי בשלשה גברים (הגברים) עם דוד בחרפם בפלשתים נאספו שם למלחמה ויעלו איש ישראל 9
At pagkatapos niya'y si Eleazar, na anak ni Dodo, na anak ng isang Ahohita, na isa sa tatlong malalakas na lalake na kasama ni David, nang sila'y mangakipagaway sa mga Filisteo, na nangapipisan doon upang makipagbaka, at ang mga lalake ng Israel ay nagsialis:
הוא קם ויך בפלשתים עד כי יגעה ידו ותדבק ידו אל החרב ויעש יהוה תשועה גדולה ביום ההוא והעם ישבו אחריו אך לפשט 10
Siya'y bumangon, at sinaktan ang mga Filisteo hanggang sa ang kaniyang kamay ay nangalay, at ang kaniyang kamay ay nadikit sa tabak: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay sa araw na yaon: at ang bayan ay bumalik na kasunod niya, upang manamsam lamang.
ואחריו שמה בן אגא הררי ויאספו פלשתים לחיה ותהי שם חלקת השדה מלאה עדשים והעם נס מפני פלשתים 11
At pagkatapos niya'y si Samma na anak ni Age, na Araita. At ang mga Filisteo ay nagpipisan sa isang pulutong, na kinaroroonan ng isang putol na lupa sa puno ng lentehas; at tinakasan ng bayan ang mga Filisteo.
ויתיצב בתוך החלקה ויצילה ויך את פלשתים ויעש יהוה תשועה גדולה 12
Nguni't siya'y tumayo sa gitna ng putol na yaon, at ipinagsanggalang niya, at pinatay ang mga Filisteo: at ang Panginoo'y gumawa ng dakilang pagtatagumpay.
וירדו שלשים (שלשה) מהשלשים ראש ויבאו אל קציר אל דוד--אל מערת עדלם וחית פלשתים חנה בעמק רפאים 13
At tatlo sa tatlong pung pinuno ay nagsilusong at nagsiparoon kay David sa pagaani sa yungib ng Adullam; at ang pulutong ng mga Filisteo ay nagsihantong sa libis ng Rephaim.
ודוד אז במצודה ומצב פלשתים אז בית לחם 14
At si David nga'y nasa katibayan, at ang pulutong nga ng mga Filisteo ay nasa Bethlehem.
ויתאוה דוד ויאמר מי ישקני מים מבאר בית לחם אשר בשער 15
At nagnais si David, at nagsabi, Oh may magbigay sana sa akin ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa tabi ng pintuang-bayan!
ויבקעו שלשת הגברים במחנה פלשתים וישאבו מים מבאר בית לחם אשר בשער וישאו ויבאו אל דוד ולא אבה לשתותם ויסך אתם ליהוה 16
At ang tatlong malalakas na lalake ay nagsisagasa sa hukbo ng mga Filisteo, at nagsiigib ng tubig sa balon ng Bethlehem, na nasa siping ng pintuang bayan, at kinuha, at dinala kay David: nguni't hindi niya ininom yaon, kundi kaniyang ibinuhos na handog sa Panginoon.
ויאמר חלילה לי יהוה מעשתי זאת הדם האנשים ההלכים בנפשותם ולא אבה לשתותם אלה עשו שלשת הגברים 17
At kaniyang sinabi, Malayo sa akin, Oh Panginoon, na aking gawin ito: iinumin ko ba ang dugo ng mga lalake na nagsiparoon na ipinain ang kanilang buhay? kaya't hindi niya ininom. Ang mga bagay na ito ay ginawa ng tatlong malalakas na lalake.
ואבישי אחי יואב בן צרויה הוא ראש השלשי (השלשה) והוא עורר את חניתו על שלש מאות חלל ולו שם בשלשה 18
At si Abisai, na kapatid ni Joab, na anak ni Sarvia, ay pinuno ng tatlo. At kaniyang itinaas ang kaniyang sibat laban sa tatlong daan at pinatay niya sila, at nagkapangalan sa tatlo.
מן השלשה הכי נכבד ויהי להם לשר ועד השלשה לא בא 19
Hindi ba siya ang lalong marangal sa tatlo? kaya't siya'y ginawang punong kawal nila: gayon ma'y hindi siya umabot sa unang tatlo.
ובניהו בן יהוידע בן איש חי (חיל) רב פעלים מקבצאל הוא הכה את שני אראל מואב והוא ירד והכה את האריה (הארי) בתוך הבאר ביום השלג 20
At si Benaia, na anak ni Joiada, na anak ng matapang na lalake na taga Cabseel, na gumawa ng makapangyarihang gawa, na kaniyang pinatay ang dalawang anak ni Ariel na taga Moab; siya'y lumusong din at pumatay ng isang leon sa gitna ng isang hukay sa kapanahunan ng niebe.
והוא הכה את איש מצרי אשר (איש) מראה וביד המצרי חנית וירד אליו בשבט ויגזל את החנית מיד המצרי ויהרגהו בחניתו 21
At siya'y pumatay ng isang taga Egipto na malakas na lalake: at ang taga Egipto ay may sibat sa kaniyang kamay; nguni't siya'y nilusong niyang may tungkod, at inagaw niya ang sibat sa kamay ng taga Egipto, at pinatay niya siya ng kaniyang sariling sibat.
אלה עשה בניהו בן יהוידע ולו שם בשלשה הגברים 22
Ang mga bagay na ito ay ginawa ni Benaias, na anak ni Joiada, at nagkapangalan sa tatlong malalakas na lalake.
מן השלשים נכבד ואל השלשה לא בא וישמהו דוד אל משמעתו 23
Siya'y marangal kay sa tatlongpu, nguni't sa unang tatlo'y hindi siya umabot. At inilagay ni David siya sa kaniyang bantay.
עשהאל אחי יואב בשלשים אלחנן בן דדו בית לחם 24
At si Asael na kapatid ni Joab ay isa sa tatlongpu; si Elhaanan na anak ni Dodo, na taga Bethlehem,
שמה החרדי אליקא החרדי 25
Si Samma na Harodita, si Elica na Harodita,
חלץ הפלטי עירא בן עקש התקועי 26
Si Heles na Paltita, si Hira na anak ni Jecces na Tecoita.
אביעזר הענתתי מבני החשתי 27
Si Abiezer na Anathothita, si Mebunai na Husatita,
צלמון האחחי מהרי הנטפתי 28
Si Selmo na Hahohita, si Maharai na Netophathita,
חלב בן בענה הנטפתי אתי בן ריבי מגבעת בני בנימן 29
Si Helec na anak ni Baana, na Netophathita, si Ithai na anak ni Ribai, na taga Gabaa, sa mga anak ng Benjamin.
בניהו פרעתני הדי מנחלי געש 30
Si Benaia na Pirathonita, si Hiddai sa mga batis ng Gaas,
אבי עלבון הערבתי עזמות הברחמי 31
Si Abi-albon na Arbathita, si Azmaveth na Barhumita,
אליחבא השעלבני בני ישן יהונתן 32
Si Eliahba na Saalbonita, ang mga anak ni Jassen, si Jonathan,
שמה ההררי אחיאם בן שרר האררי 33
Si Samma na Ararita, si Ahiam na anak ni Sarar, na Ararita,
אליפלט בן אחסבי בן המעכתי אליעם בן אחיתפל הגלני 34
Si Elipheleth na anak ni Asbai, na anak ni Maachateo, si Eliam na anak ni Achitophel na Gelonita,
חצרו (חצרי) הכרמלי פערי הארבי 35
Si Hesrai na Carmelita, si Pharai na Arbita;
יגאל בן נתן מצבה בני הגדי 36
Si Igheal na anak ni Nathan na taga Soba, si Bani na Gadita,
צלק העמני נחרי הבארתי--נשאי (נשא) כלי יואב בן צריה 37
Si Selec na Ammonita, si Naharai na Beerothita, na mga tagadala ng sandata ni Joab na anak ni Sarvia;
עירא היתרי גרב היתרי 38
Si Ira na Ithrita, si Gareb na Ithrita,
אוריה החתי--כל שלשים ושבעה 39
Si Uria na Hetheo: silang lahat ay tatlong pu't pito.

< שמואל ב 23 >