< שמואל ב 20 >
ושם נקרא איש בליעל ושמו שבע בן בכרי--איש ימיני ויתקע בשפר ויאמר אין לנו חלק בדוד ולא נחלה לנו בבן ישי--איש לאהליו ישראל | 1 |
Mayroon ding nangyari sa parehong lugar isang basagulero na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, isang lahi ni Benjamin. Hinipan niya ang trumpeta at sinabing, “Wala kaming kinuhang bahagi kay David, ni nakuhang pamana sa anak na lalaki ni Jesse. Hayaan ang bawat lalaking bumalik sa kaniyang tahanan, sa Israel.”
ויעל כל איש ישראל מאחרי דוד אחרי שבע בן בכרי ואיש יהודה דבקו במלכם מן הירדן ועד ירושלם | 2 |
Kaya iniwan si David ng lahat ng kalalakihan ng Israel at sumunod kay Seba na anak na lalaki ni Bicri. Pero sumunod ng mas malapit ang kalalakihan ng Juda sa kanilang hari, mula Jordan hanggang Jerusalem.
ויבא דוד אל ביתו ירושלם ויקח המלך את עשר נשים פלגשים אשר הניח לשמר הבית ויתנם בית משמרת ויכלכלם ואליהם לא בא ותהיינה צררות עד יום מתן אלמנות חיות | 3 |
Nang dumating si David sa kaniyang palasyo sa Jerusalem, kinuha niya ang sampung asawang lingkod na iniwan niya para pangalagaan ang palasyo, at inilagay niya sila sa isang bahay na may mga bantay. Naglaan siya para sa kanilang pangangailangan, pero hindi na siya sumiping sa kanila kailanman. Kaya kinulong sila hanggang sa araw ng kanilang kamatayan, namuhay na parang sila ay mga balo.
ויאמר המלך אל עמשא הזעק לי את איש יהודה שלשת ימים ואתה פה עמד | 4 |
Pagkatapos sinabi ng hari kay Amasa, “Tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama sa loob ng tatlong araw; dapat narito karin.”
וילך עמשא להזעיק את יהודה וייחר (ויוחר) מן המועד אשר יעדו | 5 |
Kaya pumunta si Amasa para tawagin ang kalalakihan ng Juda ng magkasama, pero nanatili siya ng higit pa sa itinakdang oras na inutos sa kaniya ng hari.
ויאמר דוד אל אבישי עתה ירע לנו שבע בן בכרי מן אבשלום אתה קח את עבדי אדניך ורדף אחריו--פן מצא לו ערים בצרות והציל עיננו | 6 |
Kaya sinabi ni David kay Abisai, “Ngayon si Seba anak na lalaki ni Bicri ay gagawan tayo ng mas maraming pinsala kaysa sa ginawa ni Absalom. Kunin ang mga lingkod ng iyong panginoon, aking mga sundalo, at tugisin siya o baka makahanap siya ng pinatibay na mga lungsod at makawala sa ating paningin.”
ויצאו אחריו אנשי יואב והכרתי והפלתי וכל הגברים ויצאו מירושלם לרדף אחרי שבע בן בכרי | 7 |
Pagkatapos lumabas ang kalalakihan ni Joab at hinabol siya, kasama ng mga lahi ni Kereteo at ang mga lahi ni Pelet at lahat ng malalakas na mandirigma. Umalis sila sa Jerusalem para habulin si Seba anak na lalaki ni Bicri.
הם עם האבן הגדולה אשר בגבעון ועמשא בא לפניהם ויואב חגור מדו לבשו ועלו חגור חרב מצמדת על מתניו בתערה והוא יצא ותפל | 8 |
Nang nasa dakilang bato na sila na nasa Gibeon, Dumating si Amasa para salubungin sila. Nakasuot si Joab ng baluting pandigma na kaniyang isinuot, na kalakip ang isang sinturon palibot sa kaniyang baywang na mayroong nakalagay na isang espadang may lalagyan nito. Sa kaniyang paglalakad, nahulog ang espada.
ויאמר יואב לעמשא השלום אתה אחי ותחז יד ימין יואב בזקן עמשא--לנשק לו | 9 |
Kaya sinabi ni Joab kay Amasa, “Mabuti ba ang lagay mo, aking pinsan?” Magiliw ni Joab na kinuha ang balbas ni Amasa ng kaniyang kanang kamay para halikan siya.
ועמשא לא נשמר בחרב אשר ביד יואב ויכהו בה אל החמש וישפך מעיו ארצה ולא שנה לו--וימת ויואב ואבישי אחיו רדף אחרי שבע בן בכרי | 10 |
Hindi napansin ni Amasa ang punyal na nasa kaliwang kamay ni Joab. Sinaksak ni Joab si Amasa sa tiyan at nahulog sa lupa ang kaniyang mga bituka. Hindi na siya hinampas muli ni Joab, at namatay si Amasa. Kaya si Joab at Abisai kaniyang kapatid na lalaki ay hinabol si Seba anak na lalaki ni Bicri.
ואיש עמד עליו מנערי יואב ויאמר מי אשר חפץ ביואב ומי אשר לדוד--אחרי יואב | 11 |
Pagkatapos isa sa kalalakihan ni Joab ay tumayo sa gilid ni Amasa, at sinabi ng lalaki, “Siya na pumapanig kay Joab, at siya na kay David, hayaan silang sumunod kay Joab.”
ועמשא מתגלל בדם בתוך המסלה וירא האיש כי עמד כל העם ויסב את עמשא מן המסלה השדה וישלך עליו בגד כאשר ראה כל הבא עליו ועמד | 12 |
Nakahiga si Amasa na naliligo sa kaniyang dugo sa gitna ng daan. Nang nakita ng lalaki na lahat ng tao'y nanatiling nakatayo, kinuha niya si Amasa paalis sa daan at inilagay sa isang bukirin. Tinapon niya ang isang tela kay Amasa dahil nakita niya na ang bawat isa na dumating kasama niya ay nanatiling nakatayo.
כאשר הגה מן המסלה--עבר כל איש אחרי יואב לרדף אחרי שבע בן בכרי | 13 |
Pagkatapos nang inalis si Amasa sa daan, sumunod ang lahat ng kalalakihan kay Joab sa paghabol kay Seba na anak na lalaki ni Bicri.
ויעבר בכל שבטי ישראל אבלה ובית מעכה--וכל הברים ויקלהו (ויקהלו) ויבאו אף אחריו | 14 |
Nakalagpas si Seba sa lahat ng lipi ng Israel sa Abel, sa Bet Maaca, at sa lahat ng lupain ng mga lahi ni Beri, na nagtipong magkakasama at tinugis rin si Seba.
ויבאו ויצרו עליו באבלה בית המעכה וישפכו סללה אל העיר ותעמד בחל וכל העם אשר את יואב משחיתם להפיל החומה | 15 |
Nahuli nila siya at nakulong siya sa Abel ng Bet Maaca. Gumawa sila ng isang panlusob na dahilig laban sa lungsod laban sa pader. Lahat ng hukbo na kasama ni Joab ay hinampas ang pader para patumbahin ito.
ותקרא אשה חכמה מן העיר שמעו שמעו אמרו נא אל יואב קרב עד הנה ואדברה אליך | 16 |
Pagkatapos isang matalinong babae ang sumigaw sa labas ng lungsod, “Makinig kayo, pakiusap makinig ka, Joab! Lumapit ka sa akin para maaari akong makipag-usap sa iyo.”
ויקרב אליה ותאמר האשה האתה יואב ויאמר אני ותאמר לו שמע דברי אמתך ויאמר שמע אנכי | 17 |
Kaya lumapit si Joab sa kaniya, at sinabi ng babae, “Ikaw ba si Joab?” Sumagot siya, “Ako nga.” Pagkatapos sinabi niya sa kaniya, “Makinig sa mga salita ng iyong lingkod.” Sumagot siya, “Nakikinig ako.”
ותאמר לאמר דבר ידברו בראשנה לאמר שאול ישאלו באבל וכן התמו | 18 |
Pagkatapos sinabi niya, “Sinasabi nila sa sinaunang panahon, 'Siguraduhing humingi ng payo sa Abel,' at ang payong iyon ang tatapos sa bagay.
אנכי שלמי אמוני ישראל אתה מבקש להמית עיר ואם בישראל--למה תבלע נחלת יהוה | 19 |
Kami ang lungsod na isa sa mga pinaka-mapayapa at tapat sa Israel. Sinusubukan ninyong sirain ang isang lungsod na ina sa Israel. Bakit ninyo gustong lunukin ang mana ni Yahweh?”
ויען יואב ויאמר חלילה חלילה לי אם אבלע ואם אשחית | 20 |
Kaya sumagot si Joab at sinabing, “Huwag sanang pahintulatan, huwag sanang pahintulatan mula sa akin, na lunukin ko o sirain.
לא כן הדבר כי איש מהר אפרים שבע בן בכרי שמו נשא ידו במלך בדוד--תנו אתו לבדו ואלכה מעל העיר ותאמר האשה אל יואב הנה ראשו משלך אליך בעד החומה | 21 |
Hindi iyan totoo. Pero isang lalaki mula sa burulang bansa ng Efraim, na ang pangalan ay Seba anak na lalaki ni Bicri, itinaas niya ang kaniyang kamay laban sa hari, laban kay David. Ibigay ninyo siyang mag-isa, at aalis ako mula sa lungsod.” Sinabi ng babae kay Joab, “Itatapon ang kaniyang ulo sa iyo sa ibabaw ng pader.”
ותבוא האשה אל כל העם בחכמתה ויכרתו את ראש שבע בן בכרי וישלכו אל יואב ויתקע בשפר ויפצו מעל העיר איש לאהליו ויואב שב ירושלם אל המלך | 22 |
Pagkatapos pumunta ang babae sa lahat ng tao sa kaniyang karunungan. Pinutol nila ang ulo ni Seba anak na lalaki ni Bicri, at itinapon ito palabas kay Joab. Pagkatapos hinipan niya ang trumpeta at nilisan ng mga tauhan ni Joab ang lungsod, bawat lalaki sa kaniyang tahanan. At bumalik si Joab sa Jerusalem sa hari.
ויואב אל כל הצבא ישראל ובניה בן יהוידע על הכרי (הכרתי) ועל הפלתי | 23 |
Ngayon si Joab ay nasa lahat ng hukbo ng Israel, at si Benaias anak na lalaki ni Joaida ay nasa mga lahi ni Ceret at sa mga lahi ni Pelet.
ואדרם על המס ויהושפט בן אחילוד המזכיר | 24 |
Si Adoram ay nasa kalalakihan na gumagawa ng sapilitang trabaho, at si Jehoshafat anak na lalaki ni Ahilud ay ang tagatala.
ושיא (ושוא) ספר וצדוק ואביתר כהנים | 25 |
Si Seva ay tagasulat at si Zadok at Abiatar ang mga pari.
וגם עירא היארי היה כהן לדוד | 26 |
Si Ira ang lahi ni Jair ang pangulong ministro ni David.