< מלכים ב 10 >

ולאחאב שבעים בנים בשמרון ויכתב יהוא ספרים וישלח שמרון אל שרי יזרעאל הזקנים ואל האמנים אחאב לאמר 1
Ngayon si Ahab ay may pitumpung kaapu-apuhan sa Samaria. Sumulat si Jehu ng mga liham at ipinadala nila sa Samaria, sa mga namumuno sa Jezreel, kabilang ang mga matatanda at tagapag-alaga ng mga kaapu-apuhan ni Ahab, sinasabing,
ועתה כבא הספר הזה אליכם ואתכם בני אדניכם ואתכם הרכב והסוסים ועיר מבצר והנשק 2
“Ang mga kaapu-apuhan ng iyong panginoon ay kasama ninyo, at kayo ay mayroon ding mga karwahe at kabayo at isang pinagtibay na lungsod at armas. Kung gayon, sa sandaling dumating ang liham na ito sa inyo,
וראיתם הטוב והישר מבני אדניכם ושמתם על כסא אביו והלחמו על בית אדניכם 3
piliin ang pinakamabuti at pinakanararapat sa mga kaapu-apuhan ng iyong panginoon at ilagay siya sa trono ng kaniyang ama, at ipaglaban ang maharlikang lahi ng iyong panginoon.”
ויראו מאד מאד ויאמרו הנה שני המלכים לא עמדו לפניו ואיך נעמד אנחנו 4
Pero sila ay natakot at sinabi sa kanilang mga sarili, “Tingnan ninyo, hindi makatayo ang dalawang hari sa harap ni Jehu. Kaya paano kami tatayo?”
וישלח אשר על הבית ואשר על העיר והזקנים והאמנים אל יהוא לאמר עבדיך אנחנו וכל אשר תאמר אלינו נעשה לא נמלך איש הטוב בעיניך עשה 5
Pagkatapos ang lalaki na tagapamahala sa palasyo, at lalaki na naroroon sa lungsod, at pati rin ang mga matatanda, at sila na nagpalaki sa mga bata, ay nagpasabi kay Jehu, sinasabing, “Kami ang inyong mga lingkod. Gagawin namin ang lahat ng bagay na inuutos ninyo sa amin. Hindi namin gagawing hari ang sinumang lalaki. Gawin kung ano ang mabuti sa inyong paningin.”
ויכתב אליהם ספר שנית לאמר אם לי אתם ולקלי אתם שמעים קחו את ראשי אנשי בני אדניכם ובאו אלי כעת מחר יזרעאלה ובני המלך שבעים איש את גדלי העיר מגדלים אותם 6
Pagkatapos sumulat si Jehu ng isang liham sa kanila sa ikalawang pagkakataon, sinasabing, “Kung kayo ay nasa aking panig, at kung kayo ay makikinig sa aking tinig, dapat ninyong kunin ang ulo ng mga lalaki na mga kaapu-apuhan ng inyong panginoon, at pumunta kayo sa akin sa Jezreel bukas sa ganitong oras.” Ngayon ang mga kaapu-apuhan ng hari, pitumpu ang bilang, ay kasama ang mahahalagang lalaki ng lungsod, siyang nagpapalaki sa kanila.
ויהי כבא הספר אליהם ויקחו את בני המלך וישחטו שבעים איש וישימו את ראשיהם בדודים וישלחו אליו יזרעאלה 7
Kaya nang dumating ang liham sa kanila, kinuha nila ang mga anak na lalaki ng hari at pinatay sila, pitumpung katao, inilagay ang kanilang mga ulo sa mga basket, at ipinadala nila kay Jehu sa Jezreel.
ויבא המלאך ויגד לו לאמר הביאו ראשי בני המלך ויאמר שימו אתם שני צברים פתח השער--עד הבקר 8
Isang mensahero ang dumating kay Jehu, sinasabing, “Dinala nila ang mga ulo ng mga anak na lalaki ng hari.” Kaya sinabi niya, “Ilagay ang mga ito ng dalawang tumpok sa pasukan ng tarangkahan hanggang sa umaga.”
ויהי בבקר ויצא ויעמד ויאמר אל כל העם צדקים אתם הנה אני קשרתי על אדני ואהרגהו ומי הכה את כל אלה 9
Nang umaga lumabas at tumayo si Jehu, at sinabi sa lahat ng tao, “Kayo ay walang malay. Tingnan ninyo, nagbanta ako laban sa aking panginoon at pinatay siya, pero sinong pumatay sa lahat ng mga ito?
דעו אפוא כי לא יפל מדבר יהוה ארצה אשר דבר יהוה על בית אחאב ויהוה עשה--את אשר דבר ביד עבדו אליהו 10
Ngayon dapat tiyak ninyong malaman na wala sa bahagi ng salita ni Yahweh, ang salita na sinabi niya tungkol sa pamilya ni Ahab, ay babagsak sa lupa, dahil ginawa ni Yahweh ang kaniyang sinabi sa pamamagitan ng kaniyang lingkod na si Elias.”
ויך יהוא את כל הנשארים לבית אחאב ביזרעאל וכל גדליו ומידעיו וכהניו--עד בלתי השאיר לו שריד 11
Kaya pinatay ni Jehu ang lahat ng natitira sa pamilya ni Ahab sa Jezreel, at lahat ng kaniyang mahahalagang tauhan, kaniyang malapit na mga kaibigan, at kaniyang mga pari, hanggang wala nang matira sa kanila.
ויקם ויבא וילך שמרון--הוא בית עקד הרעים בדרך 12
Pagkatapos tumindig at umalis si Jehu; nagpunta siya sa Samaria. Habang siya ay parating sa Beth Eked ng pastulan,
ויהוא מצא את אחי אחזיהו מלך יהודה ויאמר מי אתם ויאמרו אחי אחזיהו אנחנו ונרד לשלום בני המלך ובני הגבירה 13
nakasalubong niya ang mga kapatid na lalaki ni Ahazias hari ng Juda. Sinabi ni Jehu sa kanila, “Sino kayo?” Sumagot sila, “Kami ang mga kapatid na lalaki ni Ahazias, at bababa kami para batiin ang mga anak ng hari at mga anak ni Reyna Jezabel.”
ויאמר תפשום חיים ויתפשום חיים וישחטום אל בור בית עקד ארבעים ושנים איש ולא השאיר איש מהם 14
Sinabi ni Jehu sa sarili niyang mga tauhan, “Hulihin silang buhay.” Kaya hinuli nila silang buhay at pinatay sila sa balon ni Beth Eked, lahat ng apatnapu't dalawang kalalakihan. Hindi siya nagtira ng sinumang buhay sa kanila.
וילך משם וימצא את יהונדב בן רכב לקראתו ויברכהו ויאמר אליו היש את לבבך ישר כאשר לבבי עם לבבך ויאמר יהונדב יש ויש תנה את ידך ויתן ידו ויעלהו אליו אל המרכבה 15
Nang umalis doon si Jehu, nakasalubong niya si Jonadab anak na lalaki ni Rechab na dumarating para makipagkita sa kaniya. Binati siya ni Jehu at sinabi sa kaniya, “Buong puso ka bang makikiisa sa akin, gaya ng pagiging matapat ko sa iyo? Sumagot si Jonadab, “Oo” Sabi ni Jehu, kung ganoon nga, iabot mo sa akin ang iyong kamay”. At iniabot ni Jonadab ang kaniyang kamay, kaya pinasakay siya ni Jehu sa kaniyang karwahe.
ויאמר לכה אתי וראה בקנאתי ליהוה וירכבו אתו ברכבו 16
Sinabi ni Jehu, sumama ka sa akin at tingnan mo ang aking kasigasigan para kay Yahweh.” Kaya sumakay si Jonadab sa kaniyang karwahe.
ויבא שמרון ויך את כל הנשארים לאחאב בשמרון עד השמדו--כדבר יהוה אשר דבר אל אליהו 17
Nang dumating siya sa Samaria, pinatay ni Jehu ang lahat ng natitira mula sa mga kaapu-apuhan ni Ahab sa Samaria, hanggang mawasak niya ang maharlikang angkan ni Ahab, gaya lamang ng sinabi sa kanila dati sa pamamagitan ng salita ni Yahweh, na sinabi niya kay Elias.
ויקבץ יהוא את כל העם ויאמר אלהם אחאב עבד את הבעל מעט יהוא יעבדנו הרבה 18
Pagkatapos sama-samang tinipon ni Jehu ang lahat ng tao at sinabi sa kanila, “naglingkod si Ahab kay Baal ng sandali, pero naglilingkod si Jehu sa kaniya nang higit pa.
ועתה כל נביאי הבעל כל עבדיו וכל כהניו קראו אלי איש אל יפקד כי זבח גדול לי לבעל--כל אשר יפקד לא יחיה ויהוא עשה בעקבה למען האביד את עבדי הבעל 19
Kaya ngayon ipadala sa akin ang lahat na propeta ni Baal, at lahat ng mga sumasamba sa kaniya, at lahat ng kaniyang mga pari. Huwag ninyong hayaang may maiwan, dahil mayroong akong isang dakilang handog para ialay kay Baal. Sinumang hindi dumating ay hindi mabubuhay.” Pero ginawa ito ni Jehu nang may pandaraya, nang may layunin para patayin ang mga sumasamba kay Baal.
ויאמר יהוא קדשו עצרה לבעל--ויקראו 20
Sinabi ni Jehu, “Italaga ang isang mataimtim na kapulungan para kay Baal, at magbukod ng isang araw para dito.” Kaya ipinahayag nila ito.
וישלח יהוא בכל ישראל ויבאו כל עבדי הבעל ולא נשאר איש אשר לא בא ויבאו בית הבעל וימלא בית הבעל פה לפה 21
Pagkatapos nagpadala si Jehu sa buong Israel at dumating ang lahat ng mga sumasamba kay Baal, kaya walang isang lalaki ang naiwan doon na hindi dumating. Nagpunta sila sa templo ni Baal, at napuno nito ang dulo hanggang kabila.
ויאמר לאשר על המלתחה הוצא לבוש לכל עבדי הבעל ויצא להם המלבוש 22
Sinabi ni Jehu sa mga lalaki na nag-iingat sa lalagyan ng damit ng mga pari, “Ilabas ang mga damit para sa lahat ng sumasamba kay Baal.” Kaya inilabas ng mga lalaki ang mga damit sa kanila.
ויבא יהוא ויהונדב בן רכב בית הבעל ויאמר לעבדי הבעל חפשו וראו פן יש פה עמכם מעבדי יהוה--כי אם עבדי הבעל לבדם 23
Kaya nagpunta si Jehu kasama si Jonadab anak na lalaki ni Rechab sa bahay ni Baal, at sinabi niya sa mga sumasamba kay Baal, “Hanapin at siguraduhin na wala isa man dito na kasama ninyo mula sa mga lingkod ni Yahweh, pero ang mga sumasamba lamang kay Baal.”
ויבאו לעשות זבחים ועלות ויהוא שם לו בחוץ שמנים איש ויאמר האיש אשר ימלט מן האנשים אשר אני מביא על ידיכם נפשו תחת נפשו 24
Pagkatapos nagpunta sila sa loob para maghandog ng mga alay at magsunog ng mga handog. Ngayon pumili si Jehu ng walumpung kalalakihan na nakatayo sa labas, at sinabi sa kanila, “Kung tumakas ang sinuman sa mga kalakihan na dinala ko sa inyo, sinuman ang nagpatakas sa lalaking iyon ay papatayin bilang kapalit ng buhay ng tumakas”
ויהי ככלתו לעשות העלה ויאמר יהוא לרצים ולשלשים באו הכום איש אל יצא ויכום לפי חרב וישלכו הרצים והשלשים וילכו עד עיר בית הבעל 25
Sa sandaling natapos ni Jehu ang sinunog na handog, sinabi niya sa bantay at sa mga kapitan, “Pumasok at patayin sila. Huwag hayaang lumabas ang isa man.” Kaya pinatay nila sila gamit ang talim ng espada, at itinapon sila ng bantay at ng mga kapitan at nagpunta sa loob ng silid ng bahay ni Baal.
ויצאו את מצבות בית הבעל וישרפוה 26
At kinaladkad nila ang banal na mga posteng bato na nasa loob ng bahay ni Baal, at sinunog nila ito.
ויתצו את מצבת הבעל ויתצו את בית הבעל וישמהו למחראות (למוצאות) עד היום 27
Sinira nila ang poste, at winasak ang bahay ni Baal at ginawa itong isang palikuran, hanggang sa araw na ito.
וישמד יהוא את הבעל מישראל 28
Ganoon winasak ni Jehu si Baal at tinanggal ang pagsamba nito mula sa Israel.
רק חטאי ירבעם בן נבט אשר החטיא את ישראל--לא סר יהוא מאחריהם עגלי הזהב אשר בית אל ואשר בדן 29
Pero hindi iniwan ni Jehu ang mga kasalanan ni Jeroboam anak ni Nebat, na ginawa niyang kasalanan sa Israel- iyon ay, ang pagsamba sa mga gintong guya sa Bethel at Dan.
ויאמר יהוה אל יהוא יען אשר הטיבת לעשות הישר בעיני--ככל אשר בלבבי עשית לבית אחאב בני רבעים ישבו לך על כסא ישראל 30
Kaya sinabi ni Yahweh kay Jehu, “Dahil nagawa mong mabuti ang pagsasagawa kung ano ang matuwid sa aking paningin, at nagawa sa bahay ni Ahab ayon sa buong kalooban ng aking puso, ang inyong mga kaapu-apuhan ay uupo sa trono ng Israel hanggang sa apat na salinlahi.”
ויהוא לא שמר ללכת בתורת יהוה אלהי ישראל--בכל לבבו לא סר מעל חטאות ירבעם אשר החטיא את ישראל 31
Pero hindi nag-ingat si Jehu na lumakad sa batas ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang kaniyang buong puso. Hindi siya tumalikod mula sa mga kasalanan ni Jeroboam, sa pamamagitan nito ay ginawa niyang magkasala ang Israel.
בימים ההם--החל יהוה לקצות בישראל ויכם חזאל בכל גבול ישראל 32
Sa mga araw na iyon sinimulang tanggalin ni Yahweh ang mga rehiyon mula Israel, at tinalo ni Hazael ang mga Israelita sa mga hangganan ng Israel,
מן הירדן מזרח השמש את כל ארץ הגלעד הגדי והראובני והמנשי--מערער אשר על נחל ארנן והגלעד והבשן 33
mula pasilangan ng Jordan, lahat ng lupain ng Galaad, ang mga Gadita, at ang mga Rubenita, at ang mga Manasita, mula Aroer, na nasa lambak ng Arnon, mula Galaad hanggang Bashan.
ויתר דברי יהוא וכל אשר עשה וכל גבורתו הלוא הם כתובים על ספר דברי הימים--למלכי ישראל 34
Para sa ibang mga bagay na ginawa ni Jehu, at lahat ng kaniyang ginawa, at lahat ng kaniyang kapangyarihan, hindi ba ito nakasulat sa Ang Aklat ng Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Israel?
וישכב יהוא עם אבתיו ויקברו אתו בשמרון וימלך יהואחז בנו תחתיו 35
Nahimlay si Jehu kasama ang kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa Samaria. Pagkatapos si Jehoahas na kaniyang anak ay naging hari na kapalit niya.
והימים אשר מלך יהוא על ישראל--עשרים ושמנה שנה בשמרון 36
Dalawampu't walong taong naghari si Jehu sa Israel sa Samaria.

< מלכים ב 10 >