< דברי הימים ב 29 >
יחזקיהו מלך בן עשרים וחמש שנה ועשרים ותשע שנה מלך בירושלם ושם אמו אביה בת זכריהו | 1 |
Nagsimulang maghari si Ezequias noong siya ay dalawampu't limang taong gulang at naghari siya ng dalawampu't siyam na taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang ina ay Abija na anak ni Zacarias.
ויעש הישר בעיני יהוה ככל אשר עשה דויד אביו | 2 |
Ginawa niya ang tama sa mga mata ni Yahweh at sinusunod ang lahat ng halimbawang ginawa ni David, na kaniyang ninuno.
הוא בשנה הראשונה למלכו בחדש הראשון פתח את דלתות בית יהוה--ויחזקם | 3 |
Sa unang taon ng kaniyang paghahari, sa unang buwan, binuksan ni Ezequias ang mga pintuan ng tahanan ni Yahweh at isinaayos ang mga ito.
ויבא את הכהנים ואת הלוים ויאספם לרחוב המזרח | 4 |
Dinala niya ang mga pari at mga Levita at tinipon silang lahat sa patyo sa silangang bahagi.
ויאמר להם שמעוני הלוים עתה התקדשו וקדשו את בית יהוה אלהי אבתיכם והוציאו את הנדה מן הקדש | 5 |
Sinabi niya sa kanila, “Makinig kayo sa akin, kayong mga Levita! Italaga ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh, at italaga ninyo ang tahanan ni Yahweh, ang Diyos ng inyong mga ninuno, at inyong alisin ang karumihan mula sa banal na lugar.
כי מעלו אבתינו ועשו הרע בעיני יהוה אלהינו--ויעזבהו ויסבו פניהם ממשכן יהוה ויתנו ערף | 6 |
Sapagkat lumabag ang ating mga ninuno at ginawa nila ang masama sa paningin ni Yahweh na ating Diyos; siya ay tinalikuran nila, tumalikod sila mula sa lugar na pinananahanan ni Yahweh.
גם סגרו דלתות האולם ויכבו את הנרות וקטרת לא הקטירו ועלה לא העלו בקדש לאלהי ישראל | 7 |
Isinara din nila ang mga pintuan ng mga portiko at pinatay ang mga lampara; hindi sila nagsunog ng mga insenso o naghandog ng mga alay na susunugin sa banal na lugar para sa Diyos ng Israel.
ויהי קצף יהוה על יהודה וירושלם ויתנם לזועה (לזעוה) לשמה ולשרקה כאשר אתם ראים בעיניכם | 8 |
Kaya ang poot ng Diyos ay bumagsak sa Juda at Jerusalem, at sila ay ginawa niyang halimbawa ng pagkatakot, pagkasindak at kahihiyan, gaya ng inyong nakikita sa sarili ninyong mga mata.
והנה נפלו אבותינו בחרב ובנינו ובנותינו ונשינו בשבי על זאת | 9 |
Ito ang dahilan kung bakit namatay sa tabak ang ating mga ama, at nabihag ang ating mga anak at mga asawa dahil dito.
עתה עם לבבי לכרות ברית ליהוה אלהי ישראל וישב ממנו חרון אפו | 10 |
Ngayon, nasa aking puso na gumawa ng isang kasunduan kay Yahweh, ang Diyos ng Israel, nang sa gayon ay maaaring mawala ang kaniyang matinding galit sa atin.
בני עתה אל תשלו כי בכם בחר יהוה לעמד לפניו לשרתו ולהיות לו משרתים ומקטרים | 11 |
Mga anak ko, huwag na kayong maging tamad, sapagkat pinili kayo ni Yahweh upang tumayo sa harapan niya at sumamba, at upang kayo ay maging mga lingkod niya at magsunog ng insenso.”
ויקמו הלוים מחת בן עמשי ויואל בן עזריהו מן בני הקהתי ומן בני מררי קיש בן עבדי ועזריהו בן יהללאל ומן הגרשני--יואח בן זמה ועדן בן יואח | 12 |
At nagsitayuan ang mga Levita, ang mga lalaking sina Mahat na anak ni Amasai, si Joel na anak ni Azarias, mula sa angkan ni Kohat; at mula naman sa mga angkan ni Merari, si Kish na anak ni Abdi, at Azarias na anak ni Jehalelel; at mula sa mga Gershonita, si Joah na anak ni Zimna at Eden na anak ni Joah;
ומן בני אליצפן שמרי ויעואל (ויעיאל) ומן בני אסף זכריהו ומתניהו | 13 |
at sa mga anak naman ni Elizafan, sina Simri at Jeiel; at sa mga anak ni Asaf, sina Zacarias at Matanias;
ומן בני הימן יחואל (יחיאל) ושמעי ומן בני ידותון שמעיה ועזיאל | 14 |
sa mga anak ni Heman, sina Jehiel at Simei; at sa mga anak ni Jeduthun, sina Semias at Uziel.
ויאספו את אחיהם ויתקדשו ויבאו כמצות המלך בדברי יהוה לטהר בית יהוה | 15 |
Tinipon nila ang kanilang mga kapatid, itinalaga nila ang mga sarili nila kay Yahweh at pumasok gaya ng iniutos ng hari, na sumusunod sa mga salita ni Yahweh upang linisin ang tahanan ni Yahweh.
ויבאו הכהנים לפנימה בית יהוה לטהר ויוציאו את כל הטמאה אשר מצאו בהיכל יהוה לחצר בית יהוה ויקבלו הלוים להוציא לנחל קדרון חוצה | 16 |
Pumasok ang mga pari sa kaloob-loobang bahagi ng tahanan ni Yahweh upang linisin ito, inilabas nila sa may patyo ng bahay ang lahat ng mga maruruming nakita nila sa templo ni Yahweh. Kinuha ng mga Levita ang mga ito upang dalhin sa batis ng Kidron.
ויחלו באחד לחדש הראשון לקדש וביום שמונה לחדש באו לאולם יהוה ויקדשו את בית יהוה לימים שמונה וביום ששה עשר לחדש הראשון כלו | 17 |
Ngayon, nagsimula sila sa unang araw ng unang buwan upang italaga ang tahanan kay Yahweh, at sa ika-walong araw ng buwan, nagpunta sila sa portiko ni Yahweh. Itinalaga nila ang tahanan ni Yahweh sa loob ng walong araw. Natapos sila sa ikalabing-anim na araw ng unang buwan.
ויבואו פנימה אל חזקיהו המלך ויאמרו טהרנו את כל בית יהוה את מזבח העולה ואת כל כליו ואת שלחן המערכת ואת כל כליו | 18 |
Pagkatapos nagpunta sila kay haring Ezequias sa loob ng palasyo at sinabi, “Nalinis na namin ang buong tahanan ni Yahweh, ang altar para sa mga handog na susunugin kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito, at ang mesa ng tinapay na handog kasama ang lahat ng mga kasangkapan nito.
ואת כל הכלים אשר הזניח המלך אחז במלכותו במעלו--הכנו והקדשנו והנם לפני מזבח יהוה | 19 |
Higit pa rito, naihanda at naitalaga na namin kay Yahweh ang lahat ng bagay na itinapon ni Haring Ahaz nang lumabag siya noong panahon ng kaniyang paghahari. Tingnan ninyo, nasa harapan ng altar ni Yahweh ang mga ito.”
וישכם יחזקיהו המלך ויאסף את שרי העיר ויעל בית יהוה | 20 |
Pagkatapos, gumising ng maaga si haring Ezequias at tinipon ang mga pinuno ng lungsod; pumunta siya sa tahanan ni Yahweh.
ויביאו פרים שבעה ואילים שבעה וכבשים שבעה וצפירי עזים שבעה לחטאת על הממלכה ועל המקדש ועל יהודה ויאמר לבני אהרן הכהנים להעלות על מזבח יהוה | 21 |
Nagdala sila ng pitong lalaking baka, pitong lalaking tupa, pitong kordero, at pitong lalaking kambing, bilang handog para sa kasalanan ng kaharian, para sa santuwaryo, at para sa Juda. Inutusan niya ang mga pari, ang mga anak ni Aaron, na ialay ang mga ito sa altar ni Yahweh.
וישחטו הבקר ויקבלו הכהנים את הדם ויזרקו המזבחה וישחטו האלים ויזרקו הדם המזבחה וישחטו הכבשים ויזרקו הדם המזבחה | 22 |
Kaya kinatay nila ang mga lalaking baka, at kinuha ng mga pari ang dugo at iwinisik ito sa altar. Kinatay nila ang mga lalaking tupa at iwinisik ang dugo sa altar; kinatay din nila ang mga kordero at iwinisik ang dugo sa altar.
ויגישו את שעירי החטאת לפני המלך והקהל ויסמכו ידיהם עליהם | 23 |
Dinala nila sa harapan ng hari at ng kapulungan ang mga lalaking kambing para sa handog sa kasalanan, ipinatong nila ang kanilang mga kamay sa mga ito.
וישחטום הכהנים ויחטאו את דמם המזבחה לכפר על כל ישראל כי לכל ישראל אמר המלך העולה והחטאת | 24 |
Pinatay ng mga pari ang mga ito, at ginawa nila ang handog para sa kasalanan sa pamamagitan ng dugo ng mga ito sa altar, upang maging kabayaran sa mga kasalanan para sa buong Israel sapagkat iniutos ng hari na ang alay na susunugin at handog para sa kasalanan ay dapat gawin para sa buong Israel.
ויעמד את הלוים בית יהוה במצלתים בנבלים ובכנרות במצות דויד וגד חזה המלך ונתן הנביא כי ביד יהוה המצוה ביד נביאיו | 25 |
Inilagay ni Ezequias ang mga Levita sa tahanan ni Yahweh na may mga pompyang, mga alpa at mga lira, isinasaayos ang mga ito ayon sa utos ni David, ni Gad na propeta ng hari, at ng propetang si Natan, sapagkat ang utos ay mula kay Yahweh sa pamamagitan ng kaniyang mga propeta.
ויעמדו הלוים בכלי דויד והכהנים בחצצרות | 26 |
Tumayo ang mga Levita na may mga instrumento ni David at ang mga pari na may mga trumpeta.
ויאמר חזקיהו להעלות העלה להמזבח ובעת החל העולה החל שיר יהוה והחצצרות ועל ידי כלי דויד מלך ישראל | 27 |
Inutusan sila ni Ezequias na ihandog sa altar ang alay na susunugin. Nang magsimula ang pag-aalay, nagsimula rin ang awit para kay Yahweh na may kasamang mga trumpeta, kasama ang mga instrumento ni David na hari ng Israel.
וכל הקהל משתחוים והשיר משורר והחצצרות מחצצרים (מחצרים) הכל עד לכלות העלה | 28 |
Sumamba ang buong kapulungan, umawit ang mga mang-aawit at tumugtog ang mga manunugtog ng trumpeta, nagpatuloy ang mga ito hanggang sa natapos ang pagsusunog ng mga alay.
וככלות להעלות כרעו המלך וכל הנמצאים אתו--וישתחוו | 29 |
Nang matapos nila ang mga pag-aalay, yumukod at sumamba ang hari at ang lahat ng kasama niyang naroon.
ויאמר יחזקיהו המלך והשרים ללוים להלל ליהוה בדברי דויד ואסף החזה ויהללו עד לשמחה ויקדו וישתחוו | 30 |
Bukod pa rito, inutusan ni haring Ezequias at ng mga pinuno ang mga Levita na umawit ng mga papuri kay Yahweh gamit ang mga awit ni David at ng propetang si Asaf. Umawit sila ng mga papuri nang may kagalakan at nagsiyukod sila at sumamba.
ויען יחזקיהו ויאמר עתה מלאתם ידכם ליהוה גשו והביאו זבחים ותודות לבית יהוה ויביאו הקהל זבחים ותודות וכל נדיב לב עלות | 31 |
At sinabi ni Ezequias, “Ngayon, pinabanal ninyo ang inyong mga sarili kay Yahweh. Pumunta kayo rito sa tahanan ni Yahweh at magdala ng mga alay at handog ng pagpapasalamat.” Nagdala ang kapulungan ng mga alay at mga handog ng pagpapasalamat, lahat ng may pusong nagnanais ay nagdala ng mga alay na susunugin.
ויהי מספר העלה אשר הביאו הקהל--בקר שבעים אילים מאה כבשים מאתים לעלה ליהוה כל אלה | 32 |
Ang bilang ng mga handog na susunugin na dinala ng kapulungan ay pitumpung lalaking baka, isandaang lalaking tupa at dalawandaang lalaking kordero. Lahat ng mga ito ay para sa alay na susunugin para kay Yahweh.
והקדשים--בקר שש מאות וצאן שלשת אלפים | 33 |
Ang mga hayop na itinalaga kay Yahweh ay anim na raang baka at tatlong libong tupa.
רק הכהנים היו למעט ולא יכלו להפשיט את כל העלות ויחזקום אחיהם הלוים עד כלות המלאכה ועד יתקדשו הכהנים--כי הלוים ישרי לבב להתקדש מהכהנים | 34 |
Ngunit kakaunti ang bilang ng mga pari upang balatan ang lahat ng mga alay na susunugin, kaya tinulungan sila ng mga kapatid nilang mga Levita, hanggang matapos ang gawain, at hanggang sa maitalaga ng mga pari ang kanilang mga sarili kay Yahweh, sapagkat higit na maingat ang mga Levita sa pagtatalaga ng kanilang mga sarili kaysa sa mga pari.
וגם עלה לרב בחלבי השלמים ובנסכים--לעלה ותכון עבודת בית יהוה | 35 |
Sa karagdagan, mayroong napakaraming alay na susunugin; ginawa ang mga ito kasama ang taba ng mga alay pangkapayapaan, at mayroong inuming handog sa bawat alay na susunugin. At nagawa nang may kaayusan ang seremonya sa tahanan ni Yahweh.
וישמח יחזקיהו וכל העם על ההכין האלהים לעם כי בפתאם היה הדבר | 36 |
Nagsaya si Ezequias, gayon din ang mga tao, dahil sa inihanda ng Diyos para sa mga tao, sapagkat mabilis na natapos ang gawain.