< שמואל א 4 >

ויהי דבר שמואל לכל ישראל ויצא ישראל לקראת פלשתים למלחמה ויחנו על האבן העזר ופלשתים חנו באפק 1
Dumating ang salita ni Samuel sa buong Israel. Ngayon umalis ang Israel upang makipaglaban sa mga Filisteo. Nagtayo sila ng kampo sa Ebenezer, at nagtayo ng kampo ang mga Felisteo sa Afek.
ויערכו פלשתים לקראת ישראל ותטש המלחמה וינגף ישראל לפני פלשתים ויכו במערכה בשדה כארבעת אלפים איש 2
Humanay ang mga Filisteo para labanan ang Israel. Lumaganap ang labanan, natalo ang Israel ng mga Filisteo, na pumatay ng halos apat na libong kalalakihan sa lugar ng labanan.
ויבא העם אל המחנה ויאמרו זקני ישראל למה נגפנו יהוה היום לפני פלשתים נקחה אלינו משלה את ארון ברית יהוה ויבא בקרבנו וישענו מכף איבינו 3
Nang dumating ang mga tao sa kampo, sinabi ng nakakatanda ng Israel, “Bakit tayo pinatalo ni Yahweh ngayon sa mga Filisteo? Dalhin natin ang kaban ng tipan ni Yahweh dito mula sa Silo, upang makasama natin iyon dito, para panatilihin tayong ligtas mula sa kapangyarihan ng ating mga kaaway.”
וישלח העם שלה וישאו משם את ארון ברית יהוה צבאות ישב הכרבים ושם שני בני עלי עם ארון ברית האלהים--חפני ופינחס 4
Kaya nagpadala ang mga tao ng kalalakihan sa Silo; mula roon dinala nila ang kaban ng tipan ni Yahweh ng mga hukbo, na nakaupo sa itaas ng querobin. Ang dalawang anak na lalaki ni Eli na sina Hofni at Finehas ay naroon kasama ang kaban ng tipan ng Diyos.
ויהי כבוא ארון ברית יהוה אל המחנה וירעו כל ישראל תרועה גדולה ותהם הארץ 5
Nang dumating ang kaban ng tipan ni Yahweh sa kampo, sumigaw nang malakas ang lahat ng mga tao ng Israel, at umugong ang mundo.
וישמעו פלשתים את קול התרועה ויאמרו מה קול התרועה הגדולה הזאת במחנה העברים וידעו--כי ארון יהוה בא אל המחנה 6
Nang narinig ng mga Filisteo ang ingay ng hiyawan, sinabi nila, “Ano ang kahulugan nitong malakas na hiyawan sa kampo ng mga Hebreo?” Pagkatapos napagtanto nila na dumating ang kaban ni Yahweh sa kampo.
ויראו הפלשתים--כי אמרו בא אלהים אל המחנה ויאמרו אוי לנו כי לא היתה כזאת אתמול שלשם 7
Natakot ang mga Filisteo; sinabi nila, “Dumating ang Diyos sa kampo.” Sinabi nila, “Kapighatian sa atin!” Hindi pa nangyayari ito noon!
אוי לנו--מי יצילנו מיד האלהים האדירים האלה אלה הם האלהים המכים את מצרים בכל מכה--במדבר 8
Kapighatian sa atin! Sino ang magtatanggol sa atin mula sa lakas nitong makapangyarihang Diyos? Ito ang Diyos na sumalakay sa mga taga-Ehipto sa pamamagitan ng marami at iba't ibang uri ng salot sa ilang.
התחזקו והיו לאנשים פלשתים--פן תעבדו לעברים כאשר עבדו לכם והייתם לאנשים ונלחמתם 9
Lakasan ninyo ang loob ninyo, at magpakalalaki kayo, kayong mga Filisteo, o magiging mga alipin kayo para sa mga Hebreo, gaya ng naging mga alipin sila sa inyo. Magpakalalaki kayo, at lumaban.”
וילחמו פלשתים וינגף ישראל וינסו איש לאהליו ותהי המכה גדולה מאד ויפל מישראל שלשים אלף רגלי 10
Nakipaglaban ang mga Filisteo, at natalo ang Israel. Tumakas ang bawat isa sa kanyang bahay, at ang patayan ay napakalawak; sapagka't natalo ang tatlumpung libong sundalo mula sa Israel.
וארון אלהים נלקח ושני בני עלי מתו חפני ופינחס 11
Nakuha ang kaban ng Diyos at namatay ang dalawang lalaking anak ni Eli, na sina Hofni at Finehas.
וירץ איש בנימן מהמערכה ויבא שלה ביום ההוא ומדיו קרעים ואדמה על ראשו 12
Tumakbo ang isang lalaki ng Benjamin mula sa hanay ng labanan at nakarating sa Silo sa parehong araw, dumating na punit ang kanyang mga damit at may lupa sa kanyang ulo.
ויבוא והנה עלי ישב על הכסא יך (יד) דרך מצפה--כי היה לבו חרד על ארון האלהים והאיש בא להגיד בעיר ותזעק כל העיר 13
Nang nakarating siya, nakaupo si Eli sa kanyang upuan na nakatingin sa daan dahil kumabog ang kanyang puso na may pag-aalala para sa kaban ng Diyos. Nang pumasok ang lalaki sa lungsod at sinabi ang balita, umiyak ang buong lungsod.
וישמע עלי את קול הצעקה ויאמר מה קול ההמון הזה והאיש מהר ויבא ויגד לעלי 14
Nang narinig ni Eli ang ingay ng iyakan, sinabi niya, “Ano ang kahulugan nitong hiyawan?” Biglang dumating ang lalaki at sinabi kay Eli.
ועלי בן תשעים ושמנה שנה ועיניו קמה ולא יכול לראות 15
Ngayon siyamnapu't walong taong gulang na si Eli; malabo ang kanyang mga mata, at hindi siya makakita.
ויאמר האיש אל עלי אנכי הבא מן המערכה ואני מן המערכה נסתי היום ויאמר מה היה הדבר בני 16
Sinabi ng lalaki kay Eli, “Ako ang isang nanggaling mula sa hanay ng labanan. Tumakas ako mula sa labanan sa araw na ito.” At sinabi niya, “Ano ang nangyari, anak ko?”
ויען המבשר ויאמר נס ישראל לפני פלשתים וגם מגפה גדולה היתה בעם וגם שני בניך מתו חפני ופינחס וארון האלהים נלקחה 17
Sumagot at nagsabi ang lalaking nagdala ng balita, “Tumakas ang Israel mula sa mga Filisteo. Mayroon ding isang malaking pagkatalo sa mga tao. Ang iyong dalawang anak na lalaki, na sina Hofni at Finehas ay patay na, at nakuha ang kaban ng Diyos.”
ויהי כהזכירו את ארון האלהים ויפל מעל הכסא אחרנית בעד יד השער ותשבר מפרקתו וימת--כי זקן האיש וכבד והוא שפט את ישראל ארבעים שנה 18
Nang nabanggit niya ang kaban ng Diyos, natumba patalikod si Eli mula sa kanyang upuan sa gilid ng tarangkahan. Nabali ang kanyang leeg, at namatay siya, dahil matanda na siya at mabigat. Naging hukom siya ng Israel sa loob ng apatnapung taon.
וכלתו אשת פינחס הרה ללת ותשמע את השמועה אל הלקח ארון האלהים ומת חמיה ואישה ותכרע ותלד כי נהפכו עליה צריה 19
Ngayon ang kanyang manugang na babae, asawa ni Finehas, ay buntis at malapit ng manganganak. Nang narinig niya ang balita na nakuha ang kaban ng Diyos at ang kanyang biyenang lalaki at ang kanyang asawa ay patay na, lumuhod siya at nanganak, ngunit nagpahina sa kanya ang hirap ng kanyang panganganak.
וכעת מותה ותדברנה הנצבות עליה אל תיראי כי בן ילדת ולא ענתה ולא שתה לבה 20
Sinabi sa kanya ng babaeng nagpapaanak sa oras na malapit na siyang mamatay, “Huwag kang matakot, dahil nanganak ka ng isang lalaki.” Ngunit hindi siya sumagot o isinapuso kung ano ang kanilang sinabi.
ותקרא לנער איכבוד לאמר גלה כבוד מישראל אל הלקח ארון האלהים ואל חמיה ואישה 21
Pinangalanan niya ang bata ng Icabod, na nagsasabing, “Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel!” dahil nakuha ang kaban ng Diyos, at dahil sa kanyang biyenan at kanyang asawa.
ותאמר גלה כבוד מישראל כי נלקח ארון האלהים 22
At sinabi niya, “Nawala ang kaluwalhatian mula sa Israel, dahil nakuha ang kaban ng Diyos.”

< שמואל א 4 >