< שמואל א 20 >
ויברח דוד מנוות (מניות) ברמה ויבא ויאמר לפני יהונתן מה עשיתי מה עוני ומה חטאתי לפני אביך--כי מבקש את נפשי | 1 |
Pagkatapos tumakas si David mula Naiot sa Rama at dumating at sinabi kay Jonatan, “Ano ang nagawa ko? Ano ang aking kasamaan? Ano ang kasalanan ko sa harap ng iyong ama, na gustong kunin ang aking buhay?”
ויאמר לו חלילה לא תמות--הנה לו עשה (לא יעשה) אבי דבר גדול או דבר קטן ולא יגלה את אזני ומדוע יסתיר אבי ממני את הדבר הזה אין זאת | 2 |
Sinabi ni Jonatan kay David, “Malayong mangyari iyon; hindi ka mamamatay. Walang ginawa ang aking ama malaki man o maliit na hindi sinasabi sa akin. Bakit kailangang itago ng aking ama ang bagay na ito mula sa akin? Hindi ganoon.”
וישבע עוד דוד ויאמר ידע ידע אביך כי מצאתי חן בעיניך ויאמר אל ידע זאת יהונתן פן יעצב ואולם חי יהוה וחי נפשך--כי כפשע ביני ובין המות | 3 |
Gayunman nangako muli si David at sinabing, “Alam na alam ng iyong ama na nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin. Nasabi niyang, 'Huwag hayaang malaman ito ni Jonatan, o magluluksa siya.' Ngunit tunay nga na habang nabubuhay si Yahweh, at habang nabubuhay ka, may isang hakbang lamang sa pagitan ko at ng kamatayan.”
ויאמר יהונתן אל דוד מה תאמר נפשך ואעשה לך | 4 |
Pagkatapos sinabi ni Jonatan kay David, Anuman ang sabihin mo, gagawin ko para sa iyo.”
ויאמר דוד אל יהונתן הנה חדש מחר ואנכי ישב אשב עם המלך לאכול ושלחתני ונסתרתי בשדה עד הערב השלשית | 5 |
Sinabi ni David kay Jonatan, “Bukas ang bagong buwan at kailangan kong umupo para kumain kasama ng hari. Ngunit hayaan mo akong makaalis upang makapagtago ako sa bukirin hanggang sa ikatlong araw nang gabi.
אם פקד יפקדני אביך ואמרת נשאל נשאל ממני דוד לרוץ בית לחם עירו--כי זבח הימים שם לכל המשפחה | 6 |
Kung talagang nangungulila ang ama mo sa akin, sa gayon, sabihin mo, 'Taimtim na humingi ng pahintulot na umalis si David sa akin upang makatakbo siya sa Bethlehem na kanyang lungsod; dahil taon ng pag-aalay ngayon doon para sa buong pamliya.'
אם כה יאמר טוב שלום לעבדך ואם חרה יחרה לו--דע כי כלתה הרעה מעמו | 7 |
Kung sasabihin niyang, 'Mabuti iyon,' magkakaroon ng kapayapaan ang iyong lingkod. Ngunit kung sobrang galit siya, kung ganoon, nakapagpasiya na siya sa kasamaan.
ועשית חסד על עבדך כי בברית יהוה הבאת את עבדך עמך ואם יש בי עון המיתני אתה ועד אביך למה זה תביאני | 8 |
Kaya makitungo ka ng may kabutihan sa iyong lingkod sa tipan ni Yahweh sa iyo. Pero kung may kasalanan ka sa akin, ikaw mismo ang pumatay sa akin; sapagkat bakit mo naman ako dadalhin sa iyong ama?”
ויאמר יהונתן חלילה לך כי אם ידע אדע כי כלתה הרעה מעם אבי לבוא עליך--ולא אתה אגיד לך | 9 |
Sinabi ni Jonatan, “Malayo nawa ito sa iyo! Kung malalaman kong ipinasya ng aking ama na dumating sa iyo ang kapahamakan, hindi ko ba sasabihin sa iyo?”
ויאמר דוד אל יהונתן מי יגיד לי או מה יענך אביך קשה | 10 |
Pagkatapos sinabi ni David kay Jonatan, “Sino ang magsasabi sa akin kung may pagkakataon na sagutin ka ng iyong ama ng magaspang?”
ויאמר יהונתן אל דוד לכה ונצא השדה ויצאו שניהם השדה | 11 |
Sinabi ni Jonatan kay David, “Halika, magtungo tayo palabas ng bukirin.” At sabay silang lumabas ng bukirin.
ויאמר יהונתן אל דוד יהוה אלהי ישראל כי אחקר את אבי כעת מחר השלשית והנה טוב אל דוד--ולא אז אשלח אליך וגליתי את אזנך | 12 |
Sinabi ni Jonatan kay David, “Maging saksi nawa si Yahweh, ang Diyos ng Israel. Kapag tinanong ko ang aking ama sa mga panahong ito bukas o sa ikatlong araw, kung may magandang kalooban kay David, hindi ko ipapadala at ipaalam ito sa iyo?
כה יעשה יהוה ליהונתן וכה יסיף כי ייטב אל אבי את הרעה עליך--וגליתי את אזנך ושלחתיך והלכת לשלום ויהי יהוה עמך כאשר היה עם אבי | 13 |
Kung makakalugod sa aking ama na saktan ka, gawin nawa ni Yahweh kay Jonatan at mas higit pa din kung hindi ko ipapaalam ito sa iyo at papaalisin kita, upang makahayo ka nang payapa. Sumaiyo nawa si Yahweh, gaya ng kasama niya ang aking ama.
ולא אם עודני חי ולא תעשה עמדי חסד יהוה ולא אמות | 14 |
Kung buhay pa rin ako, hindi mo ba ipapakita sa akin ang tipan ng katapatan ni Yahweh, upang hindi ako mamatay?
ולא תכרית את חסדך מעם ביתי עד עולם ולא בהכרת יהוה את איבי דוד איש מעל פני האדמה | 15 |
At huwag mong tuluyang putulin ang iyong tipan ng katapatan mula sa aking bahay, nang dapat pinutol na ni Yahweh ang bawat isa sa mga kalaban ni David mula sa balat ng lupa.”
ויכרת יהונתן עם בית דוד ובקש יהוה מיד איבי דוד | 16 |
Kaya gumawa si Jonatan ng isang tipan sa bahay ni David at sinabing, “Mangailangan nawa si Yahweh ng isang pagtatala mula sa kamay ng mga kalaban ni David.”
ויוסף יהונתן להשביע את דוד באהבתו אתו כי אהבת נפשו אהבו | 17 |
Ipinagawa muli ni Jonatan si David ng pangako dahil sa pagmamahal na mayroon siya sa kanya, dahil minahal niya siya gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sariling kaluluwa.
ויאמר לו יהונתן מחר חדש ונפקדת כי יפקד מושבך | 18 |
Pagkatapos sinabi ni Jonatan sa kanya, “Bagong buwan bukas. Hahanapin ka dahil walang uupo sa iyong upuan.
ושלשת תרד מאד ובאת אל המקום אשר נסתרת שם ביום המעשה וישבת אצל האבן האזל | 19 |
Kapag nakapanatili ka na ng tatlong araw, bumaba ng mabilisan at pumunta sa lugar kung saan ka nagtago noong nangyari ang usapin at manatili sa may bato ng Ezel.
ואני שלשת החצים צדה אורה לשלח לי למטרה | 20 |
Papana ako ng tatlong palaso sa gilid nito, na para bang pumapana ako sa isang patamaan.
והנה אשלח את הנער לך מצא את החצים אם אמר אמר לנער הנה החצים ממך והנה קחנו ובאה כי שלום לך ואין דבר--חי יהוה | 21 |
At ipapadala ko ang aking binata at sabihin sa kanyang, 'Humayo kayo at hanapin ang mga palaso.' Kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan ninyo, nasa gilid mo ang mga palaso; kunin ang mga ito,” pagkatapos pumarito kayo; dahil magkakaroon ng kaligtasan para sa iyo at hindi kapahamakan, habang nabubuhay si Yahweh.
ואם כה אמר לעלם הנה החצים ממך והלאה--לך כי שלחך יהוה | 22 |
Ngunit kung sasabihin ko sa binatang, 'Tingnan mo, nasa likod mo ang mga palaso,' kung ganoon humayo sa iyong pupuntahan, dahil pinaalis ka ni Yahweh.
והדבר--אשר דברנו אני ואתה הנה יהוה ביני ובינך עד עולם | 23 |
Para naman sa usapang nagsalita ka at ako, tingnan mo, nasa pagitan natin si Yahweh magpakailanman.”'
ויסתר דוד בשדה ויהי החדש וישב המלך על (אל) הלחם לאכול | 24 |
Kaya itinago ni David ang kanyang sarili sa bukirin. Noong dumating ang bagong buwan, umupo ang hari para kumain ng pagkain.
וישב המלך על מושבו כפעם בפעם אל מושב הקיר ויקם יהונתן וישב אבנר מצד שאול ויפקד מקום דוד | 25 |
Umupo ang hari sa kanyang upuan, gaya ng dati, sa upuan sa may pader. Tumayo si Jonatan at umupo si Abner sa tabi ni Saul. Ngunit walang nakaupo sa lugar ni David.
ולא דבר שאול מאומה ביום ההוא כי אמר מקרה הוא בלתי טהור הוא כי לא טהור | 26 |
Gayunman walang sinabing anumang bagay si Saul sa araw na iyon dahil inisip niyang, “May nangyari sa kanya. Hindi siya malinis; tiyak na hindi siya malinis.”
ויהי ממחרת החדש השני ויפקד מקום דוד ויאמר שאול אל יהונתן בנו מדוע לא בא בן ישי גם תמול גם היום אל הלחם | 27 |
Ngunit sa ikalawang araw, ang araw matapos ang bagong buwan, walang nakaupo sa upuan ni David. Sinabi ni Saul sa kanyang anak na lalaking si Jonatan, “Bakit hindi dumating sa kainan ang anak na lalaki ni Jesse, maging kahapon o ngayon?”
ויען יהונתן את שאול נשאל נשאל דוד מעמדי עד בית לחם | 28 |
Sumagot si Jonatan kay Saul, “taimtim na humingi ng pahintulot si David mula sa akin na makapunta sa Bethlehem.
ויאמר שלחני נא כי זבח משפחה לנו בעיר והוא צוה לי אחי ועתה אם מצאתי חן בעיניך אמלטה נא ואראה את אחי על כן לא בא אל שלחן המלך | 29 |
Sinabi niya, 'Pakiusap hayaan akong makaalis. Dahil may pag-aalay ang aming pamilya sa lungsod at inutusan ako ng aking kapatid na lalaki na pumaroon. Ngayon, kung nakasumpong ako ng pabor sa iyong paningin, pakiusap hayaan akong makaalis at makita ang aking mga kapatid na lalaki.' Sa kadahilanang ito hindi siya pumunta sa mesa ng hari.”
ויחר אף שאול ביהונתן ויאמר לו בן נעות המרדות הלוא ידעתי כי בחר אתה לבן ישי לבשתך ולבשת ערות אמך | 30 |
Pagkatapos nag-alab ang galit ni Saul laban kay Jonatan at sinabi niya sa kanya, “Ikaw na anak ng isang tampalasan, suwail na babae! Hindi ko ba alam na pinili mo ang anak na lalaki ni Jesse sa sarili mong kahihiyan at sa kahihiyan ng kahubaran ng iyong ina?
כי כל הימים אשר בן ישי חי על האדמה לא תכון אתה ומלכותך ועתה שלח וקח אתו אלי--כי בן מות הוא | 31 |
Dahil habang nabubuhay sa mundo ang anak na lalaki ni Jesse, hindi ikaw ni ang iyong kaharian ang maitatatag. Ngayon, ipadala mo siya at dalhin mo siya sa akin sapagkat tiyak na dapat siyang mamatay.”
ויען יהונתן את שאול אביו ויאמר אליו למה יומת מה עשה | 32 |
Sinagot ni Jonatan si Saul na kanyang ama, “Sa anong kadahilanan dapat siyang ipapatay? Ano ang kanyang nagawa?”
ויטל שאול את החנית עליו להכתו וידע יהונתן כי כלה היא מעם אביו להמית את דוד | 33 |
Pagkatapos hinagis ni Saul ang kanyang sibat upang patayin siya. Kaya alam ni Jonatan na gustong-gustong ipapatay ng kanyang ama si David.
ויקם יהונתן מעם השלחן בחרי אף ולא אכל ביום החדש השני לחם--כי נעצב אל דוד כי הכלמו אביו | 34 |
Tumayo si Jonatan sa mesa na sobrang galit at hindi kumain ng pagkain sa ikalawang araw ng buwan dahil nagluksa siya para kay David dahil hindi siya ginalang ng kanyang ama.
ויהי בבקר ויצא יהונתן השדה למועד דוד ונער קטן עמו | 35 |
Kinaumagahan, lumabas si Jonatan papunta sa bukirin sa tipanan kay David at isang binata ang kasama niya.
ויאמר לנערו--רץ מצא נא את החצים אשר אנכי מורה הנער רץ והוא ירה החצי להעברו | 36 |
Sinabi niya sa kanyang binata, “Tumakbo ka at hanapin ang mga palasong ipinana ko.” At sa pagtakbo ng binata, pumana siya ng isang palaso sa unahan niya.
ויבא הנער עד מקום החצי אשר ירה יהונתן ויקרא יהונתן אחרי הנער ויאמר הלוא החצי ממך והלאה | 37 |
Nang dumating ang binata sa lugar kung saan nahulog ang palaso na pinana ni Jonatan, tinawag ni Jonatan ang binata at sinabing, “Hindi ba nasa unahan mo ang palaso?”
ויקרא יהונתן אחרי הנער מהרה חושה אל תעמד וילקט נער יהונתן את החצי (החצים) ויבא אל אדניו | 38 |
At tinawag ni Jonatan ang binata, “Magmadali ka, bilisan mo, huwag kang tumigil!” Kaya tinipon ng binata ni Jonatan ang mga palaso at pumunta sa kanyang panginoon.
והנער לא ידע מאומה אך יהונתן ודוד ידעו את הדבר | 39 |
Ngunit walang alam ang binata sa anumang bagay. Tanging sina Jonatan at David ang nakakaalam ng bagay.
ויתן יהונתן את כליו אל הנער אשר לו ויאמר לו לך הביא העיר | 40 |
Binigay ni Jonatan ang kanyang mga sandata sa kanyang binata at sinabi sa kanyang, “Humayo ka, dalhin ang mga ito sa lungsod.”
הנער בא ודוד קם מאצל הנגב ויפל לאפיו ארצה וישתחו שלש פעמים וישקו איש את רעהו ויבכו איש את רעהו עד דוד הגדיל | 41 |
Pagkaalis na pagkaalis ng binata, tumayo si David mula sa likod ng isang tambak ng lupa, nagpatirapa sa lupa at yumuko ng tatlong beses. Hinalikan nila ang isa't-isa at magkasamang umiyak, na si David ang mas malakas ang pag-iyak.
ויאמר יהונתן לדוד לך לשלום אשר נשבענו שנינו אנחנו בשם יהוה לאמר יהוה יהיה ביני ובינך ובין זרעי ובין זרעך עד עולם א ויקם וילך ויהונתן בא העיר | 42 |
Sinabi ni Jonatan kay David, “Humayo ka ng payapa, dahil pareho tayong nangako sa pangalan ni Yahweh at sinabing, 'Pumagitna nawa si Yahweh sa iyo at sa akin at sa pagitan ng aking mga kaapu-apuhan at iyong mga kaapu-apuhan, magpakailanman.'” Pagkatapos tumayo si David at umalis at bumalik si Jonatan sa lungsod.